logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

2 years later

Naging kami ni Alexander mag tatatlong taon na rin kami pero napapansin ko habang patagal na patagal nagiging weird s’ya parang may ipinararating s’ya sa’kin, Hindi ko na sya maintindihan minsan wala sya sa sarili parang malalim yata iniisip nya
Ngayon makipagkita ulit ako sa kanya para kausapin sya, minsan kasi lagi syang problemado at minsan wala sya sa Mood siguro dahil sa trabaho n’ya
Naghihintay ako ngayon sa kanya rito sa Resto since ito lang din ang malapit sa bahay namin, Hindi naman kasi ako pinapayagan, Alam mo na ganon pa rin katulad nong dati
“Hey” sambit ko ng makarating sya
“Wait I’ll order for you” akma na sana akong tatayo para ipag order sya ng pagkain
“No I’ll order for you” tumayo sya at umorder ng cake since medyo mahilig ako sa cake, Isa rin yan sa pinunta ko rito
Nang makarating na ang order ko nag start na ako kumain
“how’s your Work?” well tinanong ko sya dahil sya na ngayon ang naghahandle ng business nila
“it went well” sagot nya habang nakangite sya sa akin
“may itatanong lang sana ako sa’yo” this time medyo naging seryoso ako
“may tinatago ka ba sa’akin” diritso kong tanong, Hindi ko makukuha ang sagot kung hindi ko s’ya tatanongin
Medyo matagal syang nakasagot sa tanong ko
“why would i keep a secrets to you?” pakiramdam ko may tinatago s’ya hindi ko lang alam kung ano yon, parang ang lalim kasi ng mga hugot nya
“actually this days nararamdam ko ang pagiging weird mo” i said it to him, i admit na weird talaga sya
Hindi muna s’ya nakasagot sa tanong ko ng biglang may tumawag sa phone nya kaya sinagot nya muna ito
“Ah sorry my dad just called me” sabi nya
“nga pala saan yong mommy mo” bigla syang natahimik sa tanong ko, hindi ko kasi nakita ang mommy n’ya saka ayan yong hindi ko naitanong sa kanya
“it’s okay kung hindi mo sasagotin” siguro may ibang pamilya na yong mommy n’ya or hiwalay na sa kanila
Hinawakan ko yong kamay nya at tiningnan sya sa mga mata
“Basta ah magsabi tayo ng totoo sa isa’t isa, gusto ko yong wala tayong taguan ng sekreto” nagulat na lang ako bigla nyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya
“why?" i asked, i feel weird again
“Hindi naging madali sa’akin ang lahat ng mga ito, Busy ako at ikaw busy ka rin since ikaw din mismo ang maghahandle ng business, Parehas lang tayo”
Hindi ko alam kung anong binabalik pero kung baka sakali man makikipaghiwalay s’ya sa’kin hindi ako papayag na mangyari yon
“I think ito yata ang pinaka best way para mag focus muna tayo sa sarili natin at kung sa anong meron tayo”
“This time since parehas na tayong maghahandle ng business magiging busy na tayo at may mga inaayos din tayo sa personal na buhay, mas nakakabuti sanang”
“what do you mean Alexander?”
“Let’s break up”
Natahimik kaming dalawa hindi ko na alam ang sasabihin ko
“Hindi ako papayag Alexander” saad ko sasayangin nya yong mag tatatlong taong relasyon namin, parang ang hirap i give up
“You wanna give up on me?” i asked him
“Celeste ayoko na, itigil na natin to” sabi nya saka umalis na sa harap ko, naiwan lang akong nag iisa rito at tanging nagagawa ko ay ang umiyak
Sinayang nya lang yong mag tatatlong taong pinagsamahan namin. Bat ang dali lang sa kanyang sabihin ang mga katagang yon
Umalis akong luhaan sa resto, umuwi na lang ako sa bahay namin, Tumakas pa talaga ako dahil sa kanya tapos makikipaghiwalay lang pala
Mga sandali lamang nag text si Rebecca sa’kin, nakarating na raw si Serene, nagiging excited ako sa pagdating nya pero wala ako sa mood parang gusto ko na lang magpakalunod sa alak
“G sa bar mamaya?” reply ko sa text
“sure, I’ll pick you later” reply ni Rebecca
Mag iinom na lang ako wala namang pumipigil sa akin since wala ang ate ko, Ang mommy at Daddy same pa rin, wala rito sa bahay tapos Break na kami ni Alexander
Nandito na ako sa kotse ni Rebecca habang hinihintay si Serene
Nang makapasok na si Serene tahimik lang ako, kung ano ano na lang tinatanong nya sa’kin pero wala akong ganang sumagot sa mga tanong nya
“Ito naman oh Hindi ako pinapansin, may problema ka ?” tanong ni Serene sa’kin pinunasan ko lang ang luha ko
“Nah, wag mo na itanong hayaan mo na lang magiging okay yan mamaya pag nakainom” sabat ni Rebecca
“Balita ko palagi ka na lang umiinom, nakakasama yan” tinapik nya ang balikat ko
“useless lang ang buhay ko” saad ko habang nakatingin sa malayo
“It is about your parents? wala akong alam kung anong nangyari sa’yo” sabi ni Serene
“Nag break sila ng Boyfriend n’ya“ sagot naman ni Rebecca
Pagdating namin doon agad akong nag order ng inomin
Diritso ko itong tinunga, Muntik pa agawin ni Serene yong bote
“wag nyo ako pigilan” saad ko, kahit sobrang masakit sya sa lalamunan kinakaya ko na lang
Marami na silang sinasabi pero hindi ko sila pinapansin, Wala talaga akong gana makipag usap dahil sa nangyari, Alam mo yong masaya ka kasi dumating na yong isa mong kaibigan pero parang may pumipigil na wag na lang ako maging masaya
Napaiyak na lang ako pagkatapos ko tungain ang bote ng tequila
Bat ang hirap hirap nyang kalimutan parang ako yong nasasayangan, Sa kaniya madali lang pero sa’akin hindi!
Hindi pa naman ako masyadong lasing pero sakto lang yong tama nya, medyo nakakahilo lang
“Hoy tama na yan” sabi ni Rebecca, pero hindi ako nakinig pasensya na matigas talaga ang ulo ko
Kung kayo rin ang nasa posisyon ko siguro gagawin nyo rin ang ginagawa nyo
Nagulat na lang ako ng biglang may bumuhat sa'akin
This time naparami ang inom ko at tamang tamang lasing na ako
Inagaw ang bote ng tequila “That’s enough” parang pamilya sa’kin ang boses nya
Boses ni Serene ang narinig ko, nanenermon yata si Serene sa lakas ng boses n’ya

Bình Luận Sách (328)

  • avatar
    Chejho Ramos

    like

    15d

      1
  • avatar
    Fernando Hipolitojr

    good job

    15d

      0
  • avatar
    Eun Ajhay Borja Mañas

    that's true love

    28d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất