logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 First Day

LOVE
Kasalukuyang patalon-talon ako para pilit na isara ang zipper sa likod ng uniform ko. Kulay asul ito na parang dress ang style. At nang sa wakas magawa ko ay padapa akong bumagsak sa malambot na higaan at tumalbog doon. Sa lambot nito ay para itong water bed. Feeling ko ay lumubog pa ako sa kama.
Hindi pa rin ako mapaniwala na ito ang kahihinatnan ko sa pag-attend ko sa The Bachelors na ‘yon. Pero mas ok na ito kesa naman ang iniisip kong gagawin ko. Hindi ko talaga kaya iyon. Mabait pa rin talaga sa akin si Lord. Hindi niya hinayaang mapariwara ako. OK na sa aking maging nanny ako.
Umikot naman ako sa kama at ako’y humiga saka nagpakawala ng buntonghininga. First time ko gumising sa mansyon at pakiramdam ko ay isa akong prinsesang yaya. Sinikap ko ng tumayo, ang hirap kasi para akong hinihigop ng kama. Agad kong sinuot ang malambot na tsinelas na nakita ko.
Ang ganda-ganda ng room ko. Sari-saring kulay ng pintura ang ipininta na parang nagmukhang sapin-sapin ang hitsura, para tuloy akong unicorn na nakatira sa rainbow. Sa laki nito ay puwedeng okupahin ng tatlong tao, mabango at maaliwalas. Hindi ko alam kung galing sa mga unan at kumot ang naaamoy ko o sa kabuuang kuwarto. At kung tutuusin ay ganito na kalaki ang kabuuang bahay namin nina ate tapos ako ngayon kuwarto ko lang ito. Ang lalake ng mga poste at may maliliit na mga ilaw sa gilid sa itaas.
“Ang ganda!”
Hindi talaga ako makapaniwala! Pero hindi ko naman kailangang sampalin ang sarili ko para magising ako. Sapat na ang guwapong boss ko. Grabe ang perfect ng mukha niya—nakakamangha! Parang hinulma muna sa kahoy at nang maging sobrang perpekto ay naging tao. Pero hindi ko s’ya puwedeng pagpantasyahan dahil may anak na siya. Napapaisip naman ako kung nasaan ang asawa n’ya.
Napalingon naman ako sa single sofa sa gilid ko. Nakita ko ro’n ang nakaluping mga damit.
“Whoah! Sa akin ba lahat ‘to! Grabe, naipamili niya agad ako?”
Nakita ko ang dalawang bestida, ilang shorts at shirts…at…underwear?
Tinapat ko sa harapan ko ang undies. Sukat na sukat. Napatakip naman ako ng bibig at naihagis ang panties kung saan dahil sa gulat.
“Bakit alam niya ang size ko!”
“Yaya Love, hija? Nand’yan ka pa ba? Puwede ka bang makausap?”
Boses ni Butler Uyru ang nagpabalik sa akin sa ulirat ko.
“Yes po, Butler Uryu!” Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan sabay hawi ng buhok na magulo. Nakapaligo man ako ay hindi naman ako nakapagsuklay.
“Kung ready ka na e, isasama na kita kay Sonny. Ang anak ni Sir Light at ang batang babantayan mo. E—mukhang kailangan ka n’ya ngayon.”
“B-bakit po? May problema po ba?” tanong ko habang sinasara na ang pintuan ng room ko. Magkasabay kaming naglakad sa mahabang pasilyo na kusang sumisindi ang ilaw kapag dumadaan kami at namamatay kapag nalalagpasan namin. Hindi ko nabilang kung ilang kuwarto ang dinaanan namin at basta isang malaking pinto ang hinintuan ni Butler Uryu at ito’y agad na binuksan.
“Pasok ka,” pag-aaya nito at sumunod naman ako.
Napaatras ang mukha ko nang makita ang kabuuan ng silid dahil wala akong halos na makita. Alas-otso na ng umaga kaya ini-expect ko ay maliniwanag na pero bakit parang isang kuweba ang pinasok namin? Napangiwi ako nang biglang buksan ni Tatay Uryu ang ilaw. Kaya naman pala, may malalaki mang bintana na nasa likuran at magkabilang gilid ng kuwartong dalawang beses na mas malaki kesa sa room ko ay nakasara naman ang malalaki at makakapal na mga puting kurtina. Hindi ko pa nalilibot ng paningin ang kabuuan ng kuwarto ay tinawag na akong agad ni Tatay Uryu.
“Yaya Love, madali ka. Sa tingin ko ay inaapoy s’ya ng lagnat.”
Patakbong pumunta ako sa kinaroroonang kama ng bata. Nakita kong nanginginig nga ito habang nakabalot ng makapal na kumot, nakapikit ito at pulang-pula ang mukha. Mukhang inaapoy nga siya ng lagnat. At hindi nga ako nagkamali, nang salatin ko ang noo ng bata ay halos mapaso ang palad ko kaya agad ko itong binawi. Napakainit ng bata kagaya ng paligid. Malamang ay pinatay na ang A/C dahil giniginaw si Sonny.
“Butler, pahingi po akong thermometer…”
“Sige…”
Halos magkasabay kaming umalis sa harapan ni Sonny, nagmamadali. Ang butler ay lumabas na upang kunin ang pinakukuha ko habang ako naman ay naging abala sa pagbubukas ng mga kurtina at bintana. Sa wakas ay pumasok ang sariwang hangin, pumasok din ang masayang pagbati ng araw. Hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa, nagmamadaling bumaba ako para kumuha ng pamunas sa bata, hindi alintana ang mataas na hagdanan.
Hanggang ilang sandali pa nang makabalik ako.
“Kumusta s’ya?”
Naulinigan ko ang boses ni Sir Light sa aming likuran ni Tatay Uryu, ito ay nang matapos kong punas-punasan ang katawan ni Sonny. Naabutan niyang walang pang-itaas ang bata at kasalukuyang pinapalitan ng damit.
“OK na siya, Sir Light. Bumaba na ang lagnat niya,” ani Tatay Uryu.
“Sus! Ang batang ito ke bata-bata nahihiya. Ayaw pa magtanggal ng damit kanina e pupunasan ko lang naman s’ya,” dagdag ko naman.
Nakita kong umismid ang bata at tumingin sa malayo. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Sa wakas ay nakita ko na ang normal na kulay niya, nawala na ang kaninang pamumula na ang naiwan na lang ay pulang labi at magandang mga mata. Mana yata sa ama.
“Sorry na. Kailangan ko lang punasan ang kilikili mo, leeg mo at batok, etc. Kung hindi e, hindi ka lulubayan ng lagnat. At dahil pinagpawisan ka kailangan mong magpalit ng damit,” paliwanag ko. “Ako nga pala si Ate Love. Ako ang iyong bagong yaya,” pagpapakilala ko rin.
Nangusot ang noo ng bata at tumungin kay Sir Light. Lumapit naman ito, pinagulong ang wheelchair at tumabi kay Sonny.
“I’m glad you’re okay now. Mabuti pala naikuha kita agad ng yaya. Oo, anak, siya ang bago mong yaya.” Ngumiti ang ama pero parang nalungkot naman ang anak. Hindi pa ito makapagsalita dahil kita pa rin ang panghihina rito. Nakakatuwang naghawak pa sila ng kamay na animo’y close na close silang mag-ama.
Napakaswerte nila sa isa’t isa, sa isip-isip ko. Pero may tanong na nabubuo rin sa akin. Nasaan kayang ina ni Sonny na asawa ni Sir Light? Nalungkot na naman ako. Ito ba ang awra na mayroon si Sir Light kaya mula pa kagabi ay nakararamdam ako ng lungkot sa kaniya? May something sa pagkatao niya. Hindi kaya dahil sa misis niya?
Hindi ko namamalayan kakatanong ay napapatanga na pala ako kay Sir Light. Nakakaakit ang mukha niya, parang magnet. Iyong tipong hindi mo mapipigilang hindi tingnan.
Napaiktad naman ako nang sandaling sulyapan niya ako. Napaayos din ako ng buhok, ito kasi ang una niyang tiningnan.
“Uhm, breakfast?” Ako na ang nagtanong sabay ngisi sa kaniya.
Ako lang ba kasi ang gutom? Aba’y mag-a-alas nuebe na ng umaga ay parang wala pang kumakain sa kanila. Nahiwagaan naman ako sa pagpapalitan nila ng tinging tatlo. Bakit, bawal ba kumain sa mansyon ito? Gusto ko sanang ibulalas pero nagsimula nang maglakad si Tatay Uryu at pinasunod ako, iniwan na muna namin ang mag-ama.
Habang nasa malaking kusina kami na sobrang linis ay naikwento ni Tatay Uryu na walang ibang tao sa mansyon kundi silang tatlo lang. Walang ibang nagluluto kundi si Tatay Uryu, ang taga-laba naman ay pumupunta lang trice a month at si Jules na therapist ni Sir Light ay every other day lang ang punta rito, at tuwing umaga lang. Hindi naman din iyong obligadong magluto.
“Hindi mahilig kumain ang mag-ama kaya ayos lang sa kanila kung ano ang ihain ko,” aniya pa habang tumitingin sa ref ng puwedeng iluto. “Sa totoo lang hindi rin naman ako marunong magluto.” Napakamot ito ng ulo saka itinuro ang maliwanag na ref. Maliwanag na walang laman kundi itlog lang. “Ayan, kaya madalas ay itlog lang ang nailuluto ko at kung minsan para maiba ay hotdog—mga instant at ready to eat.”
“Sigurado po ako perfect niyo na magluto ng itlog,” biro ko.
“Oo naman. Lalo ang nilagang itlog. Kahit nakapikit kayang-kaya ko.” At pumailanlang ang aming tawanan. “Pero since nandito ka na, e maari mo ba akong matulungan ha, hija? Araw-araw problema ko kung ano ang gagawin ko sa mga itlog na ito.”
“Hindi ko lang po kayo tutulungan.” Hinawakan ko siya sa balikat. “Ako na po. Ipaubaya niyo na po sa akin ang pagluluto. Pero baka puwedeng kayo na po bahala sa pamimili?”
“Walang problema at sagot naman ni Sir Light ang pera.”
Nagtawanan kami ulit.
“Magaling! May division of labor naman pala tayo. Buong akala ko wala ng pera ang amo mo at puro itlog na lang ang kinakain niyo. Mabuti hindi pa kayo hina-high blood?”
Hindi nagtagal ay umalis si Tatay Uryu para ipamili ang mga nilista ko habang ako naman ay naging abala sa paglilinis ng mga gamit sa kusina na kung hindi inaalikabok ay puno naman ng sapot ng gagamba. At nang sandaling dumating si Tatay Uryu ay sinimulan ko ng magluto ng sopas. Ang aking paborito na paboritong iluto ni nanay lalo kapag may dinaramdam kami noon.
“Hmm! Mukhang masarap iyang niluto mo ah!” kumento ni Tatay Uryu matapos malanghap ang papaluto ng sopas. Nagkakanda haba pa ang leeg niya sa pagsilip sa mataas na kaldero.
“Tamang-tama po iyan kay Sonny, hindi lang masarap e masustansya pa. May gatas, may sabaw, karne at gulay. Tiyak lalakas siya agad d’yan,” paliwanag ko naman habang nagsasalin na ng pagkain sa mga mangkok. “Kain na po kayo. Ako naman ay dadalhan ko na si Sonny para magkalaman na ang tyan niya.”
Inakyatan ko ng pagkain si Sonny una ay parang hindi niya nakilala ang inihanda ko na nakalagay sa tray pero mukha namang natakam nang sari-saring gulay at karne sa ilalim ng sabaw ang makita niya. Mabilis s’yang kumain kahit may kainitan ang pagkain at habang tumatagtak ang pawis n’ya. Tinanong ko s’ya kung gusto ba niyang subuan ko siya pero umiling lang s’ya. Ayon naman din kay Tatay Uryu ay anim na taon na si Sonny kaya kering-keri na n’ya kumain nang mag-isa.
“Maiwan muna kita. Balik ko kapag tapos ka ng kumain,” nakangiting sabi ko at matapos masalat ang noo niya at mapag-alamang wala na siyang lagnat ay lumabas na ako ng silid niya.
Agad kong tinawagan si Ninang Giovan pagkarating ko sa room ko. Malamang kasi ay alalang-ala na iyon sa akin. Hindi ko na siya nagawang tawagan kagabi dahil plastado ako agad pagkahiga sa kama at mabilis nang nakatulog.
“Diyos ko naman, anak pinag-alala mo ako. Hindi ko alam ang nangyari sa ‘yo. Hindi ka naman na nagsabi. Heto nga papunta na sana ako sa venue ng The Bachelors para magtanong-tanong. Kung mawala ka, ano isasagot ko sa ate mo? Gegerahin ako no’n!”
“Kalma, ninang. Hinga po muna kayong malalim.” Narinig kong ginawa naman niya kaya napangiti na rin ako.”
“Ayan nakahinga na! Ano ba kasing nangyari sa ‘yong bata ka?”
“Ninang, wala pong nangyaring masama sa akin. Narito po ako sa isang mansyon at hindi kayo maniniwala…” Impit pa akong napasigaw. “Isang mayamang nakaupo sa wheelchair at guwapo pero may anak ang kumuha sa a’kin…”
“Kumuha? Ano’ng ibig mong sabihin?” parang pigil ang hininga na tanong niya. Hindi ko kasi siya nakikita dahil nga sa phone lang kami magkausap. Kasalukuyan akong nakaupo lang sa kama.
“Kinuha niya po akong yaya ng anak niya. Hindi ka maniniwala ninang, basta ang bait niya. Nagsayaw lang kami kagabi tapos ayun inuwi niya ako sa mansyon at ang sabi e wala naman siyang ibang balak na gawin ‘kin. Take note, ang mansyon sobrang laki! Kung maglalaro ng tagu-taguan e malamang abutin ng taon bago magkakitaan. Noong una natakot pa ako kasi, alam mo na, iyong iniisip natin. Pero naghahanap lang siya ng magbabantay sa anak niya. ‘Yon lang. O, basta ninang saka na ako magkukuwento ng iba pa. Paki kumusta na lang din ako muna kina ate ha. Paki sabi po magpapadala ako agad ng pera. Kaya lang parang magiging busy kasi ako rito sa mansyon ngayon kaya baka bihira ako makakatawag ha. Ay, s’ya nga pala, si Hope po kumusta?”
“Ok naman ang bata dito. Huwag kang mag-alala. Sinunod ko ang bilin mo na huwag idikit-dikit sa mga trabahador ko. At tama ka naman mahirap nang makurap ang utak nito at ako rin ang mahihirapang mag-explain sa kaniya ng mga bagay-bagay rito.”
“Ninang, iba ka talaga. Parang nagdidilang anghel ka. Iyong wish mo na sana makatagpo lang ako ng mabait na tao sa party, aba e nangyari nga!”
“Salamat naman kung gano’n. Ay, teka. Ako naman ang magtatanong. Ano nga ang pangalan ng boss mo? At ano’ng address? Bigyan mo ako ng mga detalye. Hindi ako makakampante na hindi ko man lang alam kung nasaang lupalop ng Pilipinas nakatayo ang mansyon n‘yan!”
“Light po ang pangalan ng boss ko. Light Derafera,” sagot ko at nang hindi na alam ang susunod pang mga detalye ay napakamot na ako ng ulo. “E, hindi ko pa po alam ang address ninang. Ite-text ko na lang po kapag naipagtanong ko na.”
“Sounds familiar. Isa ba siya o anak ba siya ng isa sa mga Three Kings?” parang wala sa sarili na tanong ni ninang na pinatulan ko naman dahil sa totoo lang ay natatawa ako sa komento niya.
Three Kings? Ang alam ko lang ay sikat sila oo, lalo kung Pasko.
“Ninang, baka naman siya si Santa Clause?”
Pero hindi ko siya narinig na natawa at bagkus ay nagpaalam na sa akin na parang wala pa rin sa sarili.
‘Nangyari kaya ro’n?’
Ay, ewan! And since may piso pa ako sa load ko ay tinext ko na lang si ate. Sinabi kong nasa work na ako at pinabantay ko si Hope kay Ninang Giovan. Kahit ayaw niya kay ninang gaya ko ay wala naman siyang magagawa. Kailangan namin ng tulong at dapat lang na tumanggap kami nito, dapat ay tanggapin namin na hindi namin kaya nang kami lang dalawa.
Sa ngayon ay kuntento ako sa nagiging takbo ng lahat. Pinagpapasalamat ko sa Diyos ang pagsagot Niya sa panalangin ko na bigyan ako ng mabuting tao na makikila sa party na iyon. Pero…napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot. Mabilis na kinuha ko ang aking gamot na nakalagay sa kulay putting plastic na bote at uminom ng isang piraso. Ito ang pain reliever ko. At nang makaramdam ako nang panlalabo ng mata ay pumikit muna ako at huminga nang marahan at malalim.
Oo nga’t kayang-kaya kong mag-alaga ng may sakit pero kung ako ang magkakasakit, walang mag-aalaga sa akin. Kaya dapat ay alagaan ko rin ang sarili ko.
Hindi nagtagal nang umayos ulit ang pakiramdam ko ay tumayo na ako. Ang mga bintana naman ng silid ko ang binuksan ko at dito ay itninuloy ko ang paghinga nang malalim.
Pilit kong winawaksi ang lungkot. Pilit kong binabalikan sa isip ang alaalang masasaya, expecially ang panahong kasama namin si nanay, ang panahong wala pa akong sakit, pati na rin ang mga pangarap ko. At nang sa wakas ay sumilay ang ngiti sa aking labi habang ang mga mata ay nakapikit ay nakuntentong muli ang puso ko at kumalma ito.
Mabilis kong tinungo ang daan palabas ng kuwarto. Ang lahat ng madaanan ko sa mansyon na may kurtina ay pinagbubuksan ko. Pakiramdam ko dito nanggagaling ang lungkot, masyadong sarado ang bahay na para na ngang haunted house. At sa akin ngang paglalakad-lakad ay nakita ko naman si Sir Light sa isang room. Hindi maayos ang pagkakasara ng pinto kaya nasilip ko ito. Nakaka-curious kasi ang usapan sa loob. At dito ay nakita ko si Sir na kausap ang sa tingin ko ay therapist niya. Pinipilit niyang tumayo pero pabagsak pa rin siyang napapaupo. Kita ko kung paano manginig ang mga paa at kamay niya.
“It’s OK, Sir. Hindi naman tayo nagmamadali. Huwag niyo na po munang pilitin kung hindi niyo pa po kaya. Marami pa naman po tayong oras.”
Bigla naman akong nakaramdam ng awa kay Sir Light, bigla ay nalungkot na naman ako.
Ang pawisan niyang mukha ay tinabunan niya ng face towel na para bang nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya inalis ang towel sa mukha at sa ilaim no’n ay malalim s’yang huminga.
“Maiwan ko po muna kayo, sir.”
Mabilis na akong tumakbo palayo nang marinig ang yabag ng therapist ni Sir Light papunta sa kinaroroonan ko. Ikinagulat niya ang maliwanag na kapaligiran at isa-isang tiningan ang naglalakihang binatana sa paligid kasabay ng pag-aalon ng mga kurtina na sinasayaw ng marahang hangin. Nakangiting bumaba na ako.
Sa kusina, sa counter kung nasaan naro’n si Sonny ay naupo ako sa tapat niya sa kabilang dulo. Hindi pa rin naman s’ya nagsasalitaa e. Ayaw niya siguro sa ‘kin. Panay lang ang buntonghininga niya pagkatapos ay titingin sa nakabukas na bintana. Ayaw niya bang nakabukas iyon? Ang dami naman niyang ayaw!
“Kumusta ka na?” pagsisimula ko, pero tiningnan niya lang ako saka pumalumbaba. “Mabuti magaling ka na. May request ka bang food? Ipagluluto kita.”
Ako naman ang bumuntonghininga nang ni isa sa tanong ko ay hindi niya sinagot. Hanggang makakita ako ng mga bond paper malapit sa kaniya. Tumayo ako at kumuha ng ilang pirasong papel. Simulan kong ilupi-ilupi ang isang papel. Kita kong nanlaki ang mga mata niya nang makagawa ako ng eroplano na yari sa papel.
Sa wakas, nagwagi ako!
Siya na ang lumapit sa akin. Nakangiting inabot ko sa kaniya ang eroplanong papel na masaya naman niyang tinanggap. Gumawa naman ako ng barko na kinuha rin niya kalaunan. At nang magkatabi na kami sa upuan…
“Paano ito gawin? Puwede mo akong turuan?”
Ngumiti ako bilang tugon. Kumuha ako ng tig-isang bond paper para sa amin at sinimulan ko siyang turuan. Sa tingin ko, nakuha ko siya sa papel.
“Origami ang tawag dito, isang uri ng napkin folding na nagmula sa bansang Japan at isa ring art at—ngayon ay ituturo ko sa ‘yo,” paliwanag ko habang naglulupi nang marahan na sinusundan naman niya.
Naghugis bilog naman ang mga mata niya nang makagawa na siya ng airplane.

Bình Luận Sách (54)

  • avatar
    GabrielleJhairy

    a highly recommended story to read,☺️☺️

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Chard Tamayo

    500

    11/07

      0
  • avatar
    يصل برنابا

    ang ganda

    24/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất