logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 The A Team

Nagkatinginan kami ni Michaella. Kung ano man ang pinaplano ni Geraldine, sigurado akong kapahamakan ang sasalubong sa amin at ayokong madamay pa dito si Michaella. Hindi ko alam pero ayoko siyang mapahamak. Siguro dahil alam kong mabigat na rin ang pinagdadaanan niya sa kamay ng kanyang ama.
"Makikipagtulungan ako," sabi niya na ikinagulat ko. Akala ko ba hindi kami dapat magtiwala kahit sa mga malapit sa'min? Bakit makikipagtulungan siya sa taong ngayon lang naman niya nakausap?
"Anong sinasabi mo, Michaella? Akala ko ba---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang nagsalita.
"Alam ko ang ginagawa ko," sabi niya na ikinatigil ko. Sobrang lamig ng mga tingin niya na para bang nagawa niya akong kontrolin. Ano bang meroon sa babaeng 'to?
"Hindi niyo kailangan magtalo sa harap ko. Pwede ko naman kayong---" Hindi ko na rin pinatapos pa ang sasabihin ni Geraldine. Kaagad na akong sumingit.
"Sasama ako sa plano niyo," madiin kong sabi habang nakikipagtitigan kay Michaella. Kung hahayaan niya ang sarili niya na mapahamak, hindi ko siya hahayaang mag isa.
"Woah, over protective talaga," pang aalaska pa ni Geraldine dahilan para pareho namin siyang tignan ng masama. "OK, chill. Kung willing talaga kayong tumulong, umpisahan na natin ang plano."
Kinuha niya ang isang kwaderno mula sa bag na nasa tabi niya. Ang ibig bang sabihin nito ay matagal na rin siyang nag-iimbistiga? Binuklat niya ang kwaderno at ipinakita sa amin ang lahat ng impormasyon na nakalap niya.
"Walang ibang pagkakapareho ang mga pinatay maliban na lang sa lugar na pinangyarihan. At lahat sila ay bahagi ng school. Isang teacher, dalawang estudyante at isang security guard. Sa pag iimbistiga ko, sobrang magkakaiba ang mga taong nakakasalamuha nila araw araw. So, it means, kailangan nating magfocus sa buong eskwelahan," paliwanag pa niya. Nakakamanghang malaman na ganito na kalayo ang nalalaman niya.
"Masyadong malawak ang ginawang krimen ng killer," sabi naman ni Michaella dahilan para tumango tango si Geraldine.
"Isa lang din ang ibig sabihin nito, nasa loob din ng eskwelahan ang susunod niyang target," nakakunot noo kong sabi.
"Pero sa sobrang konti ng impormasyon na nakalap natin, hindi natin masasabi kung sino ang sunod niyang target," saad naman ni Geraldine.
Sinabi ko kay Geraldine ang lahat ng nalaman namin simula sa mga sulat na natanggap ni Mrs. Valderama hanggang sa pagkamatay ni Veronica. Wala pa akong impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Manong Bert at noong lalaking nagTop sa Over All Exam. Hindi naman sigurong masamang sabihin sa kanya ang lahat dahil magkakatulong na kami, diba?
"Si Mrs. Valderama nagpakamatay sa loob ng classroom pasado alas nuebe, si Veronica natagpuang patay sa locker room noong lunch break pero umaga siya pinatay ng killer, si Clifford Henares na namatay naman dahil may asido ang kanyang pagkain ay sa cafeteria at lunch break din nangyari at ang huli na si Manong Bert ay---" Hindi na natapos ni Geraldine ang kanyang paliwanag dahil si Michaella na ang nagpatuloy nito.
"Madaling araw siya pinatay," sabi niya dahilan para mapatingin kami sa kanya ni Geraldine. "Yung pagkakatuyo ng dugo sa mga sugat at uniporme niya, mahahalata mo doon na matagal na siyang isinabit doon ng killer. Hindi siya namatay dahil sa pagkakasakal. Namatay siya dahil sa atake sa puso. Doon na siya sinimulang saksakin ng killer."
Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi ni Michaella. Ganoon siya kagaling mag obserba? Tipong pati oras at prosesa nalalaman niya kaagad?
"Kung ganoon, hindi tayo magbebase sa oras ng pagpatay dahil iba iba rin sila," komento ni Geraldine. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa mga nalaman ko.
Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyayari. Pilit ko pa ring pinoprosesa ang lahat. Bakit nangyayari 'to? Bakit sila pa ang pinatay? Hanggang sa maalala ko ang mga sinabi sa'kin ni Geraldine...
"Sinabi mo sa'kin na may dahilan kung bakit sila namatay. Ano ang mga dahilang 'yon? Anong dahilan kung bakit namatay si Mrs. Valderama, si Veronica, yung lalaking estudyante at si," nararamdaman ko na ang pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko hindi ko pa nababanggit ang pangalan ng taong itinuring ko nang kaibigan, "si Manong Bert."
Bigla akong nakaramdam ng mainit na palad na humawak sa kamay ko at nang tignan ko ito ay kamay ni Michaella ang nakahawak dito. Tinignan ko ang mga mata niya at nakita ko ang pakikisimpatya ng kanyang kaluluwa.
"Do you really wanna know?" Tanong ni Geraldine dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Michaella sa kamay ko na hawak hawak pa rin niya. Nang tignan ko siya ulit ay umiling siya na parang sinasabi na huwag ko nang alamin dahil baka hindi ko lang din kayanin. Pero gusto kong malaman ang dahilan. Gusto kong malaman ang dahilan para masabing nararapat lang kay Manong Bert at sa mga iba pang namatay ang sinapit nila.
"Sabihin mo sa'kin," sagot ko.
Tahimik lamang na tumatakbo ang klase
Tahimik lamang na tumatakbo ang klase. Wala rin akong gana na makinig sa boring na talambuhay ng teacher namin. Nilibot ko lang ang paningin ko sa buong classroom. Meroon bang may kakayahan sa amin para gawin ang ganoong karumal dumal na pagpatay? Sino sa kanila ang may lihim na tinatago?
Nabaling ang tingin ko kay Geraldine na kasalukuyang nakikinig sa teacher namin. Paano niya kaya nagagawang pagtiisan ang nakaantok na boses ng matanda naming guro? At paano siya nakakangiti ng ganoon matapos niyang malaman ang lahat ng sinabi niya sa amin kagabi?
Nilibot ko pa ang paningin ko sa buong classroom. Sino pa kaya sa amin ang may itinatagong baho? Sino pa sa amin ang may mabibigat na kasalanan? Hanggang sa napatingin ako sa mga kamay ko.
"Hoy, Neil!" Bumalik lang ako sa realidad nang hampasin ako sa likod ni Edwardo. "Lunch break na pre. Bakit tulala ka pa dyan?"
"W-wala. Mauna na kayo. Susunod na lang ako," sagot ko sa kanya.
"Sige, pre. Hintayin ka na lang namin doon."
Tinignan ko si Michaella na nag ayos lang ng gamit tsaka dire diretsong lumabas ng classroom. Si Geraldine naman ay kagaya ng normal na nakasanayan, sumabay siyang kumain kila Mitzi. Mukhang wala naman akong maasahan sa kanila kapag nandito sa school dahil umaarte lang din sila na parang walang alam kaya kikilos na lang muna ako ngayon nang mag isa.
Sumilip ako sa bintana ng classroom namin kung saan tanaw ang monumento kung saan isinabit ang katawan ni Mang Bert. Tinanaw ko ang buong paligid. Malayang nagawa ng killer ang karumal dumal na bagay na yon sa loob ng eskwelahan na 'to. Saan kaya sa loob ng school na 'to niya pinatay si Mang Bert? Walang dungis ng dugo ang quadrangle senyales na kinaladkad ang katawan ni Mang Bert pero paano nagawa iyon ng killer?
Saan kaya sa loob ng school na 'to niya pinatay si Mang Bert? Walang dungis ng dugo ang quadrangle senyales na kinaladkad ang katawan ni Mang Bert pero paano nagawa iyon ng killer?
Naglibot libot pa ako sa corridor ng school. Tutal wala naman akong ganang kumain dahil sa mga nalaman ko, mas mabuting maghanap na lang ako ng mga clue sa paligid. Nahinto ako sa isang stock room malapit sa may hagdan kung saan nakakita rin ako ng isang trolley. Lalapit na sana ako doon nang bigla akong napatigil ng isang boses.
"Mr. Wesley, mukhang naliligaw ka ata? Hindi ba sa kabilang wing ang cafeteria?" Usisa sa akin ni Mr. Alvarez, ang school admin.
"Wala po akong gana kaya naisipan ko pong maglinis ng classroom namin kaso nasira yung walis namin kaya naghahanap po ako ng stock room na mapagkukuhanan," pagsisinungaling ko.
"Hindi mo na kailangan maghanap pa. Magrequest ka lang sa adviser niyo at siya na ang kukuha ng bagong walis para sa klase niyo," seryoso niyang paliwanag sa akin.
Muli kong nilingon ang stock room at ang trolley. "Naiintindihan ko po. Babalik na po ako sa classroom." Nginitian lang ako ni Mr. Alvarez at umalis na rin ako sa lugar na 'yon.
Hindi kaya isinakay muna ng killer sa trolley ang katawan ni Mang Bert para maisabit siya sa monumento? Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon na makita ang stock room na 'yon baka sakaling may mahanap akong makakatulong sa amin.
Tinext ko kaagad sila Michaella at Geraldine para magkita kami sa convenience store pagkatapos ng klase.
"Pre, sabi mo susunod ka. Bakit hindi ka kumain?" Usisa ni Henry nang bumalik na rin sila sa classroom.
"Tinamad na ako. Umidlip na lang ako sa infirmary," matipid kong sagot. Tinignan ko si Geraldine at wala naman siyang reaksyon. Maski si Michaella ay walang sinabi sa akin hanggang sa nagsimula na ang klase.
Kagaya ng nakasanayan, alam naman ng tropa na lagi akong dumidiretso pauwi kaya hindi na ako nahirapan pang pumunta ng convenience store pagkatapos ng klase. Habang hinihintay ko sila Michaella ay kumain muna ako ng sandwich. Habang kumakain ay nakatanggap ako ng text mula kay Geraldine.
Puntahan mo kami sa park malapit sa apartment ni Michaella.
Bakit doon pa nila gustong magkita? Kaagad kong inubos ang kinakain ko at tinahak ang daan papunta sa park. Pagdating ko doon ay nilalaro nila ang isang brown na pusa na kaagad ring tumakbo nang makita ako.
"You scared her," sabi naman ni Geraldine.
"Bakit kailangan dito pa tayo magkita?" Usisa ko sa kanila.
"Hindi ko alam kung nag iisip ka ba talaga. Mas maraming matang nakakakita sa atin, mas malaki ang posibilidad na mapahamak tayo," sabi naman ni Michaella habang pinaglalaruan niya ang hawak niyang balahibo ng ibon.
E ano pa bang ginagawa namin? Matagal na kaming involve sa krimen na 'to simula nang mag imbistiga kami. Baka nga may ideya na ang killer na may kumakalaban sa kanya.
"Kailangan nating pumunta ng school mamayang gabi. May hinala ako sa mga stock room. Posibleng nandoon ang ginamit ng killer para maging matagumpay ang pagpatay niya kay Mang Bert. Baka makakita rin tayo ng clue para maidentify ang killer," paliwanag ko na lang sa kanila.
"Pwede rin nating daanan ang IT room para makita ang mga recording ng CCTV camera ng school," suhestyon naman ni Michaella.
"Okay, I will agree to this but we need to be careful. Apat ang guard na nakaaassign mamayang gabi. I suggest to wear black clothes para hindi tayo madaling makita. Understood?" sabi naman ni Geraldine.
Nagsiuwian muna kami para makapaghanda. Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay kaagad akong pumunta sa kwarto ko para mag ayos ng mga gamit. Inilagay ko sa bag ko ang flashlight, plastic gloves at ilang ziplock na plastic. Hinintay ko lang na mag pasado alas nuebe para makapagbihis. Kagaya ng sinabi ni Geraldine ay nagbihis ako ng puro itim. Dahan dahan akong lumabas ng bahay nang masigurado kong natutulog na sila Mama.
Tahimik lang ang buong paligid habang naglalakad ako. At hindi ako nagkamali nang makita ko na naman ang itim na aso. Nandoon pa rin siya sa parehong kalye ng mga basura kung saan kinakain niya ang walang buhay ng pusa. At halos maduwal ako nang makita ko na parang pamilyar ang pusang kinakain nito. Ito ang pusang nilalaro nila Michaella kanina sa park. Ang brown na pusa.
Kaagad akong lumayo sa lugar na 'yon at pilit inaalis sa isip ko ang senaryong 'yon. Pagdating ko sa gilid ng eskwelahan ay nandoon na ang dalawa.
"Bakit ngayon ka lang?" usisa naman ni Geraldine.
Ayoko nang sabihin pa sa kanila ang nakita ko dahil baka pati sila ay madismaya lang. Lalo na kay Michaella na mukhang malapit sa mga pusa.
"Nahirapan lang akong tumakas. Pumasok na tayo."
Dahan dahan kaming pumasok sa loob ng school ground. Kada makakakita kami ng ilaw ng flashlight ay nagtatago kami. Mas nahirapan kami ngayon dahil mas maraming gwardya ang nakabantay ngayon.
Kaagad kaming umakyat sa palapag kung nasaan ang stock room na pinaghinalaan ko kanina.
"I'll be your lookout. Kayo na ni Michaella ang mag imbistiga," suhestyon ni Geraldine.
Mabuti na lang at nandoon pa ang trolley pero nakalock ang stock room.
Mabuti na lang at nandoon pa ang trolley pero nakalock ang stock room
"Susubukan kong buksan ng hairpin 'tong lock. Iyan ba ang trolley na tinutukoy mo?" Tanong naman ni Michaella nang kaagad niyang trabahuhin ang padlock.
"Oo," ako naman ay inilawan ko ang bawat bahagi ng trolley para makahanap ng kahit anong bakas ng dugo.
Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong bakas ng dugo sa hawakan ng trolley. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para mapicturan 'to. "Sinasabi ko na nga ba."
Kasabay ng pagkuha ko ng litrato ay ang pagbukas naman ni Michaella sa padlock pero kasabay din nito ang pagpapanic ni Geraldine.
"Guys! Tago! May dalawang guard na papunta dito!"
Kaagad kaming pumasok sa loob ng stock room na sobrang liit lang ng espasyo. Muntik na kaming magkadikit dikit dahil sa dami ng mga gamit dito at dahil nasa ilalim ito ng hagdan ay wala kaming choice kung hindi ang umupo para hindi mauntog.
Tahimik lang naming pinakikinggan ang dalawang gwardya na nag uusap sa labas.
"Pare, ano, may nakita ka ba?"
"Wala nga e. Sumasakit na rin ang paa ko. Ilang oras na rin tayo naglilibot. Hindi ka ba natatakot?
"May mga lugar nga na kinikilabutan ako. Parang may nakatingin sakin e."
"Ang dami na daw kasing namatay dito. Sunod sunod ang mga namamatay."
"Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi ko kukunin 'tong trabahong 'to e."
"Tara. Magpahinga muna tayo. Magmeryenda muna tayo sa opisina."
Pinakinggan muna namin na makalayo ang mga yabag nila tsaka kami nakahinga nang maluwag. Pero ilang sandali lang ay nakarinig kami ng umuungol dahilan para magkatinginan kaming tatlo kahit madilim.
Narinig namin ang ungol sa likod namin kaya kaagad kong binuksan ang ilaw ng flashlight ko at laking gulat namin nang may isang lalaking naka jersey ang may takip ang bibig, nakatali ang mga kamay at paa at duguan ang ulo.
"Jaypee?!" gulat na tawag ko sa kanya.

Bình Luận Sách (30)

  • avatar
    Jocelyn Ramirez

    magad at masaya sya

    18/07

      0
  • avatar
    DagamiCharlene

    2024 na Wala pa po Yung next chapter?

    31/03

      0
  • avatar
    Chariza Caduhada

    next pls

    05/11

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất