logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 Anhedonia

P.S kapag ang sentence ay nakapaloob sa square brackets '[]' it means nag-uusap sa isip lang. Thanks!
- Lucius' POV -
["What are you doing Snow?!"]
["Caressing her hiss hiss, her skin is smooth hiss hiss."]
Aali-aligid siya sa tao, dumidikit siya sa balat ng tao.
["Geez, stop that! You're disturbing her!"] utos ko sa kanya, sa isip lang
Kasalukuyan nag-aaral ang tao. Inaaral niya ako, kung anong sakit ko.
["Why don't you touch her? She's soft."]
Sa inis ko ay unconscious akong lumikha ng kulog mula sa kalangitan.
Nagulat ang tao dahilan para mapasigaw siya.
Tapos tiningnan niya ako ng masama.
Ang lakas lang ng loob niyang samaan ako ng tingin gayu'ng diyos ako ng planetang 'to!
"What?!" galit kong sambit sa kanya
"Mamatay na ako bago ko pa malaman ang sakit mo, mahal na hari. Pwede bang huwag kang lumikha ng ingay basta-basta? O kaya sabihan mo ako kung magpapadagundong ka." mahaba niyang reklamo sa'kin
"Whatever! You finish your things now so that I can kill you later."
"Wow! I'm so excited to be killed." sarcastic niyang sagot
["Hiss... kill her? You can? Hiss hiss hiss."]
Tiningnan ko si Snow, hanggang ngayon ay nanunukso pa rin siya. Hindi ko malaman kung ano ang pinagmumulan ng panunukso niya.
["Don't you like this human? Hiss, hiss hiss."]
"No! The one I like is you!" sambit ko
"HAAAAA? YOU LIKE MEEEE?!!" sambit ng tao
Nagsalubong ang mga kilay ko.
The hell with this human!
Itinuro ko siya, ang pagmumukha ng tao.
"Hindi gan'yang mukha ang magugustuhan ko!" sambit ko sa kanya tapos itinuro ko si Snow, "Siya ang gusto ko!" paglilinaw ko
Kita ko ang pagngiwi niya. At nabasa ko ang iniisip niya.
'Creepy' , 'yan ang nasa isip niya.
Pero tumahimik na lang ako. Wala siyang alam tungkol kay Snow, at wala akong balak ipaalam sa kanya dahil papatayin ko na siya oras na gumaling na ako.
- Nahara's POV -
Creepy! Gosh! He sure creep me out.
Ano naman ang nagustuhan niya sa isang malaking ahas?
Goooosh! So creepy! Parang 'yung isang lalaki na nagpakasal sa isang rice cooker. Kakaloka! May mas weird pa pala kaysa sa'kin.
Dinampot ko na 'yung notebook ko na nabitawan ko dahil nga sa gulat du'n sa kulog.
Inaaral ko ang sakit niya base sa mga sinabi niya kanina na nararamdaman niya.
Madali lang naman malaman ang sakit niya.
Depression.
Depress siya.
Pero may isa pa. Hindi ko lang masigurado kung tama ako dahil hindi naman ako doctor gaya ni Mom. Itong notes ko ay kay Mom talaga, kinuha ko lang noon dahil interesado akong malaman kung paano siya mag-diagnose.
Psychiatrist ang Mom ko, marami na siyang naging client na chine-check palagi. Pero ako na anak niya hindi niya maisip na i-check. Kaya hindi ko sinundan ang yapak niya kahit gusto kong pag-aralan ang inaral niya.
"What now? Magdadrama ka na lang ba?!" ani nu'ng hari
Nababasa niya nga kasi ang isipan ko.
"God ka ba talaga?" naitanong ko sa kanya
Bigla ay dumagundong na naman. Iniyayabang niya siguro sa'kin ang pagiging diyos niya.
"Hindi ka pa rin naniniwala?" ganting tanong niya
"Naniniwala naman ako." sagot ko, syempre sa dami ba naman ng kaimposiblehan na nakita ko sa kanya, "Pero bakit hindi mo alam kung ano ang sakit mo kung diyos ka talaga? Di ba kapag diyos, perfect? Tapos alam lahat."
"Ano ba ang pakialaman mo?! Sabihin mo na lang sa'kin kung ano ang sakit ko!"
Gosh! Ang alam ko sa diyos mabubuti ang puso, pero ito walang'ya e!
Ipinilig ko ang ulo ko. Bawal akong mag-isip ng masama tungkol sa hari, baka bigla na lang ako patamaan ng kidlat.
Umaasa pa rin akong makakabalik ako sa earth!
"Base sa kwento mo at kilos mo, or symptoms gan'un, depress ka." sambit ko, "Gaaaah! Nade-depress din pala ang hari no?"
Hindi sumagot ang hari. Tumahimik lang siya na tila nag-iisip.
'Yung ahas naman na si Snow ay kanina pa nakadikit sa'kin. Ang lagkit na tuloy ng pakiramdam ko.
Pero nag-focus muna ako sa notes ng Mom ko. Alam ko may isa pang mas malalim na sakit ang hari.
Ang sabi niya kasi kanina ay hindi siya intresado sa mga bagay-bagay.
"As in lahat ng interest mo wala?" tanong ko
Hindi pa rin sumagot ang hari, tahimik lang. Pero tingin ko silence means yes sa kanya.
"Anhedonia." sambit ko
Base sa pagkakaalam ko at sa pagbabasa sa notes ni Mom, may anhedonia niya.
"Anhedonia." mahina niyang ulit sa sinabi ko
Base sa reaksyon niya, mukhang alam na naman niya kung ano ang mga sakit niya. Dine-deny niya lang siguro.
Anhedonia is a loss of interest, the inability to feel pleasure. It's a common symptom of depression as well as other mental health disorders.
Denial is one of defense mechanism para depensahan ang sarili sa hindi kaaya-aya para sa isang tao.
Deny ng deny kahit may katotohanan ang isang bahay. Defensive gan'un, gusto niyang i-protect ang sarili, gan'un.
"No! Mali ka lang! Tao ka nga, laging mali." sambit ng hari
See? Nag-defense siya kahit 'yun ang totoo.
Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan tungkol sa sakit niya.
"Itapon niyo na taong 'to, kagaya lang din siya ng iba." ani hari
Nagulat ako sa sinabi niya.
"A-Anong itapon? Saan ako itatapon? Sa earth na ba?" tanong ko
Tumingin siya sa'kin. Ang cold ng mga tingin niya. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti.
"Susunugin ka ng buhay!" sambit niya
"O-Oy! Ba't naman, mahal na hari? Anong k-kasalanan ko?"
Teka, hindi naman ako nagsinungaling tungkol sa sakit niya ah!
Bigla ay pumulupot sa katawan ko si Snow tapos hiss siya ng hiss. Nakatingin ang hari kay Snow, tila nag-uusap sila na awan. Tingin ko talaga ay nagkakaintindihan sila.
Biglang kumulog na naman na may kasamang kidlat.
Nagagalit ang hari... mababakas 'yun sa mukha niya, na galit siya.
"SHUT IT SNOW!" sigaw ng hari tapos humangin ng malakas na kagaya ng sa bagya
Parang may super typhoon nga e! Ang ingay ng langit at ang lakas ng hangin, malakas na ulan na lang ang kulang.
Buti na lang nakapulupot sa'kin si Snow hindi ako nadadala ng malakas na hangin. Pero natatakot pa rin ako na matamaan ng kidlat.
"Shut it! I know what I feel! It's impossible for me to loss my interest specially to you!!" finale na sambit ng hari tapos sa ilang hakbang niya paalis ay bigla na lang siyang naglaho
Napatingin ako sa mukha ni Snow.
Oooooy! Ang lungkot ng mukha ng ahas! Nalulungkot din pala sila?
Pero nagtaka ako sa sinabi ng hari kanina.
"I think he loves you." sambit ko kay Snow
Ang weird kung bakit mahal siya ng hari, e ahas siya pero 'yun talaga ang nababasa ko sitwasyon at sa mga sinabi ng hari.
Ang isa pa sa ipinagtataka ko ay kung bakit itinatanggi niya ang sakit niya.
Ako nga depress din.
Hindi naman 'yun maitatanggi dahil damang-dama 'yun sa sarili.
Nagshrug na lang ako.
Wala akong alam tungkol sa kanila kaya hindi ako mangingialam. Ang gusto ko lang ay makauwi na.
"Hiss ... Hiss.. hiss..."
Muli kong tiningnan si Snow dahil tila may sinasabi siya sa'kin.
Umiling ako.
"Sorry Snow, hindi kita maintindihan." sambit ko
Nakatingin lang siya sa'kin, tila may gusto siyang sabihin. Tila gusto niya na i-pursue ko ang hari para gamutin ang kung anumang nararamdaman.
*sigh*
"Hindi ako doctor but I will do my best, basta huwag mo akong kakainin ha? At pauuwiin niyo rin ako." sambit ko
Lalong dumikit sa'kin si Snow at ilipata niya ang mukha niya sa pisngi ko na parang hinahaplos ako.
Tingin ko'y masaya siya sa sinabi ko at nagpapasalamat siya.
"Okay, okay, welcome Snow." sambit ko, in-assume ko na lang na nagpapasalamat siya hehe

Bình Luận Sách (46)

  • avatar
    RuizJuliane Claire

    I want you to have more dreams

    5d

      0
  • avatar
    LambinoFrancis Aaron

    okyyyy

    13/08

      0
  • avatar
    Jhamir Ofiasa

    It's really cool

    15/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất