logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang maramdaman ko na para bang may yumuyugyog sa akin.
“Ate Cally! Wake up! We’re here!” Naririnig ko ang boses ni Maxine.
Tuluyan jong idinilat ang aking mata pero agad ko rin itong natakpan nang sumalubong sa akin ang sinag ng araw na talaga namang nakakasilaw.
“Finally! You’re awake!” Tumingin ako kay Charlie at nakita kong karga niya si Maxine. “C’mon, Ate. We’re here,” sabi ni Charlie kaya naman tumingin ako sa labas ng bintana ng eroplano at nakita ko nga na nakalapag na ang eroplano na sinasakyan namin.
Tumayo ako at agad na lumapit sa amin ang isang flight attendant upang i-inform ako na nasa Pilipinas na talaga kami.
“Mabuhay! Nasa Pilipinas na po tayo, Engineer Valencia,” anito kaya naman napatango ako. “Nandito po ang exit.” Naunan siyang maglakad at sumunod naman agad sa kaniya sila Charlie kaya naman wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod na lang din sa kanila.
Wala naman kaming ibang kasabay sa eroplano dahil ang private airplane ni Kuya Chase ang ginamit namin para mabilis lang kaming makarating dito.
“Wow! This is so amazing!” Naririnig ko ang boses ni Maxine na alam kong nasa labas na kasama si Charlie.
“Grabe! Ang sarap ng hangin sa Pilipinas!” sigaw ni Charlie kaya naman lumabas na rin ako at napahinto nang isang malakas na hangin ang sumalubong sa akin.
Kusang bumagsak ang mga talukap ng mga mata ko bago salubungin ang simoy ng hangin.
Ang sarap sa pakiramdam.
Idinilat ko ang aking mga mata bago manubig ang mga ito at mapangiti.
“Nasa Pilipinas na nga ulit ako,” bulong ko sa aking sarili bago magsimulang maglakad pababa sa eroplano kung saan nakikita ko sila Maxine at Charlie na mangha-mangha sa paligid nila.
Parang mga dayuhan, e rito rin naman sila isinilang.
“Are you happy?” tanong ko kila Charlie at alam ko na agad ang sagot dahil sa ngiti nila sa mga labi.
“Yeah! It’s cool!” sagot ni Charlie na ikinangiti ko.
“Masaya pala kayo kaya naman simulan niyo nang ituwid ’yang mga dila niyo dahil nasa bansa kayo kung saan mas madalas gamitin ang salitang tagalog, niintindihan niyo?” tanong ko sa kanila at agad naman silang tumango. “Good, so let’s go. Someone is waiting for us.”
Nagsimula na kaming lakad.
Ang mga gamit namin ay dala ng isang lalaking nakasunod lang din sa amin.
“It’s Kuya Chase or Kuya Ezekiel?” tanong ni Charlie.
“I’m sure it’s Kuya Eziel,” sabi naman ni Maxine.
“Really? Let’s see,” sabi ko.
Nang makalabas na kami sa airport ay agad kong nakita ang magaling kong kapatid.
“Welcome home,” sabi nito.
Ang laki na ng boses niya hindi na tulad dati na nakakarindi.
Ang katawan niya rin ay nagkalaman na hindi tulad dati na puro buto lang.
At aminin ko man sa hindi ay mas lalong gumanda ang kaniyang mukha.
Ang laki na ng pinagbago niya.
“’Wag kang masyadong oa riyan, tatlong taon lang tayong hindi nagkita.” P’wera nga lang ang ugali.
“Kuya Ezekiel, it’s that you!?” excited na tanong ni Charlie at lumapit pa kay Kuya upang yumakap dito.
“Oh, man. You got taller than your Ate Cally!” bati nito kay Charlie. “And you look so handsome, man.”
“Really!? Thank you, Kuya!”
Yumuko naman si Kuya upang kargahin si Maxine na nakatingin sa kaniya habng nakanganga.
“Hey, littel baby. How are you?” nakangiting tanong nito kay Maxine.
“Oh my god, Kuya Eziel! You look so handsome!” puna ni Maxine sa mukha ng kapatid namin.
At syempre ang mokong hanggang tainga ang ngiti dahil sa mga papuring natatanggap niya mula sa mga kapatid namin.
“Really? Thank you, baby. You’re the best little sister!” Kumibot ang gilid ng labi ko dahil sa pinagsasasabi nitong katabi ko.
Halata naman kasing nang-aasar siya.
Kung hindi lang ako pagod ay baka pinagsisisipa ko na siya.
“Are you hungry?” tanong nito kila Charlie at para bang isa na lang akong hangin na hindi nila nakikita.
‘Peste.’
Napairap na lang ako dahil sa kanila.
Alam na alam niya pa rin kung paano ako asarin.
Napahinto ako nang mapatingin ako sa likod ko at may nakita akong isang lalaki na naglalakad na parang isang model.
Pinagtitinginan siya ng mga kababaihan kahit na ang mga kalalakihan ay napapalingon sa kaniya.
“It’s Kuya Chase?” tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa lalaking papalapit sa aming direksyon.
Napanganga ako nang ngumiti siya sa akin at malalaking hakbang ang ginawa upang makarating agad siya sa akin.
Naramdaman ko na lang ang kaniyang mga braso na nakayakap sa akin.
“Welcome back, baby,” bulong nito sa akin.
“Yuck,” bulong ko rin sa kaniya at agad naman siyang humiwalay sa akin.
“Maka-yuck ka ay para bang hindi ka nagtatampo kapag hindi kita niyayakap bago ka matulog,” anito bago bumaling kila Maxine. “Hello,baby, it’s been three years,” bati nito kay Maxine at kinarga.
Alam ko na sabik na sabik sila sa mga kapatid namin.
Hindi ko na lang muna sila pinansin at inilibot sa paligid ang aking paningin.
Si Kuya Van na lang pala ang kulang sa amin at kumpleto na kami, sayang nga lang dahil sobrang busy na niya ngayon at nasa ibang bansa rin siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob ng limang taon ay nakatapak na ulit ako sa bansa ko.
Naninibago ako.
Pero napakasarap na makabalik sa lugar na ’to.
Sa lugar kung saan nagsimula ang k’wento ko.
Napangiti ako bago yumakap kay Kuya Ezekiel na kaniyang ikinagulat.
Dito sa bansang ito nagsimula ang k’wento ko at ngayon ay maipagpapatuloy ko na ulit at sana ay rito ko rin matapos ang k’wento ko.
“Welcome back, I’m so happy na nandito ka na,” bulong niya sa akin.
Naramdaman ko na yumakap siya pabalik sa akin kaya naman napapikit ako dahil gumagaan ang aking pakiramdam.
“Ngayong nakabalik ka na sana ay hindi na kita makitang umiiyak ulit tulad nang huling pagtapak mo rito.”

Bình Luận Sách (182)

  • avatar
    MagsanocMark angelo

    maganda

    12d

      0
  • avatar
    Christian Rhey Peña

    nice story

    14d

      0
  • avatar
    Jaylord Raboy

    good

    15d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất