logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 Five

Heart race!!
Nang dahil sinabi ng matanda na siya ang mag asikaso ng kanilang hapunan ay ipinaalam na niya sa kusinera na siya na ang magluluto.
Mabilis naman kumilos ang mga ito at inihanda ang kakailanganin niyang rekado sa pagluluto.
Naikwento ni Don Enrique sa kanya ang mga paborito ng apo nito. Kagaya ng Bicol express at kare kare sa potahe. Kaya naman pinag aralan niyang mabuti para maperfect ang timpla ng mga ito.
Nangingiti pa siya habang naghahanda ng mga paglulutuan. Kinukuha pa kase ng anak ng kusinera ang mga rekados na kanyang gagamitin para sa kanyang Kare kare.
Paborito rin daw nito ang dessert na chocolate cake. Iyon muna ang sinimulan niyang lutuin.
Para nakaready na ito at mailagay na rin sa chiller para pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay mas masarap ito.
Kinakabahan siya na naeexcite sa gagawin niya.
Paano kung hindi magustuhan ng lalake ang lasa ng luto niya?
Haysss….
Hindi nya alam kung para saan ang nararamdaman niyang kaba.
Kung rejection ba sa pagkain or rejection sa kanya???
Ipinilig niya ang kanyang ulo.
Hindi siya dapat nag iisip ng mga negative.
Pero masarap naman talaga ang mga niluluto niya!.
Sabi ng matandang Don ay napakasarap niyang magluto ng mga ito.
Malakas ata ang backer niya!! Nagliwanag ang mukha niya sa isipang yon.
Mataas parin ang kompyansa niyang magugustuhan iyon ng binata..
“Ate Mari! A-andini na ho ang pinakukuha ninyong gulay.” Hingal na sabi ni neneng, ang nautusang kumuha ng mga kakailanganin niyang mga gulay.
Halatang nagmadali itong makabalik dahil na rin sa utos ng ina nito.
“Salamat neneng. Nakow! ay bakit ka ga tumakbo! Iyan tuloy ! ay ika’y pawisan ey! “ pagkasabi non kay neneng ay inabot na niya mula dito ang bitbit nitong basket na may lamang rekado para sa kare kare niya.
May sarili kaseng taniman ng gulay ang ama ni neneng. kaya naman tuwing my kailangan silang gulay sa mansion ay doon na sila bumibili para mayroon rin income ang pamilya ng mga ito.
Kahit lupain ng Don ang tinitirikan ng bahay ng mga ito at ganoon din ang taniman ng gulay ay tinutumbasan parin nila ng bayad ang kinukuhang mga gulay dito.
Dugo’t pawis ang puhunan ng mga ito kaya pinapahalagahan ng Matanda ang pagod ng kanyang mga tauhan.
Bukod kase doon ay may iba pang trabaho ang mga ito kay Don laviste. Doble sikap lang talaga kaya nagagawa pa nilang magtanim ng mga gulay.
Tagapangalaga at tagapag asikaso ng mga alagang hayop ng matanda ang trabaho ng ama ni neneng.
Nakangiti ito sa kanya ng siyang ay mapalingong muli dito.
“Ala’y ang inay ho! akoy pinadadali at andyan daw ko ang mapapangasawa nyo e! Atsaka ate! ay gusto ko rin ho gang makita ang inyong mapapangasawa!?!” May pakisap kisap mata pa itong nakatingin sa kanya. “Pwede ga ho ate Mari?” Aba at ang inay nito talaga! naitsismis na agad siya! Tinawanan lang niya ang dalagita.
“Nako’y ang iyong ina’y bulaan.! “ Iyon nalang ang nasabi niya at umiwas na siya sa sunod nitong tanong.
Inabala niya ang kanyang sarili sa pag aasikaso ng hapunan ng bisita.
Sinabay sabay na niyang lutuin ang mga putahing pinaluluto ng matanda.
Tumagal siya ng mahigit dalwang oras sa kusina.
Pero kahit napakadami niyang ginawa ay wala lang sa kanya ang pagod.
Dahil siguro gusto niya ang pagluluto..
Or gusto niya ipinagluluto??
Nawala siya sa kanyang iniisip ng magsalita si neneng.
“Ate Mari’y wari koy pagkasarap nitong iyong ginawang chocolate cake ey.” Napangiti at nakipag apir pa siya dito. Sinamahan siya nito sa pagluluto dahil wala pa naman raw utos dito ang ina ito.
“Talaga ba ? Baka ako’y niloloko mo laang neneng?!” Saad niya dito.
“Ala’y itong si ateng! ay diga’y Tagatikim mo ako?! ay Da best ey!” Dugtong pa nitong salita.
“Sige. May tiwala naman ako sa panlasa mo!” Pagkasabi niya non ay napuno ng tawanan ang kusina.
Maya maya pa ay nagpaaalam na si neneng sa kanya at may naalala raw itong gawain.
Nagpahabol pa ito na bukas nalang daw nito titingnan ang kanyang Nobyo.
Makulit din ang batang yon. Mana sa ina.
Pero sa isip isip niya ay pagkasarap pakinggan ang tinatawag nito sa lalake..
‘Ang kanyang Nobyo’. Naipilig niya ang kanyang ulo sa isipang yon.
“Ano kaba Mari! Nasisiraan kana ata ng ulo!” saway niya sa kanyang sarili.
Nang maayos na niya lahat ng dapat gawin at ihanda ay nagtungo na siya sa kanyang silid para maglinis ng katawan.
Nasa harapan siya ng Salamin sa loob ng banyo.
Pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.
Hindi naman siya kaitiman. Kulay kayumanggi ang kanyang balat at hindi rin naman pango ang kanyang ilong.
Ang kanyang mga mata ay katamtaman lang ang laki na nawawala rin kapag napasubra ang kanyang pagtawa.
“Ano kayang tipo ni Señorito Troy sa isang babae?” Naibigkas niya ang dapat ay tanong lang niya sa kanyang isipan.
Mabuti nalang at mag isa lang siya ng sandaling iyon.
Kung hindi ay sigurado ang pagkapahiya niya sa makaririnig nito.
Napahawak siya sa kanyang pisnging gakamatis ang pula.
Bumalik sa isip niya ang itsura ng apo ni Don Enrique.
Napakagwapo nito at matipuno ang pangangatawan.
Halatang alaga nito ang katawan sa ehersisyo.
Bahagya siyang nanliit sa isipang yon.
“Hindi ka nya magugustuhan Mari. Kung mangyayari man ang nais ni Don Enrique na mapakasal ka sa apo niya. Marahil ay dahil sa kondisyon nito sa kanyang apo.” kausap niya ang kanyang sarili habang nakatingin parin sa repleksyon niya sa salamin.
Kahit ngayon lang niya napagsino ang apo ng Don ay may lihim na siyang gusto rito dahil sa mga kwento ng matanda sa kanya.
Kahit sa larawan ay Hindi niya ito tinitingnan kahit pilit na ibinibigay ng matanda ang mga pinapadalang picture nito galing sa tauhan sa maynila.
Ngunit hindi nya ipinapakita sa Don ang pagkagusto niya dito , dahil mas lalo siya nitong aasarin tungkol sa apo.
Tipid siyang napangiti.
“Kailangan mo lang naman sumang ayon kay Don, Mari. Para sa mga taong gusto mo matulungan…. W-wag mong hayaang matalo ng puso mo ang utak mo….” Dugtong pa niyang pangaral sa kanyang sarili.
Nang matapos na siyang maligo ay dali dali na siyang nag ayos para tumulong sa paghahain.
Napatingin siya sa orasan.
Quarter to Eight na!
Hindi niya namalayan ang oras. Masyado atang tumagal ang pakikipag usap niya sa kanyang sarili sa harap ng Salamin.
Pagkababa niya ay nakita niyang tapos ng maghain ang mga tauhan sa Mansion.
Nandoon na rin ang matanda at ang apo nito ngunit hindi pa nagsisimulang kumain.
Siya nalang ang iniintay.
Nagmadali siyang maglakad at baka isipin ng lalake na pa importante pa siya.
Nang masulyapan siya ng Don ay napangisi lang siya ng bahagya at nag bigkas ng ‘Sorry’ na walang boses sa gawi ng matandang laviste.
Medyo naiilang siyang makiharap sa apo nito dahil May ibang tingin itong ipinapakita sa kanya!!
Tinging pagkadisgusto!

Bình Luận Sách (204)

  • avatar
    Franchezka Louise Torres

    kobe

    6d

      0
  • avatar
    YuGabriel

    I love you 💕

    16d

      0
  • avatar
    Jerhamin Bansil

    pahigi ako robux

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất