- Ysabelle's POV - Room 302 Room 306 Laboratory Room Room..... "This is it!" Agad akong kumatok sa pinto ng room 310. Tumingin sa'kin lahat ng istudyante. "Si Ysabelle." "Ysabelle Alejos p're! syet!" "Huy 'yung crush mo!" Hindi ko pinansin lahat ng nagkaka-ingay dahil sa'kin. May partikular na mukha akong hinahanap. Sabi sa'kin ng guard ng University ay dito sa room na 'to naka-assign 'yung lalaki! "Where's Mr. Soler?" tanong ko na nu'ng hindi ko makita ang hinahanap ko Lahat sila ay tumingin sa lalaking naka-ub-ob sa table niya. "Someone, please wake him up, I need him." sambit ko po Ang iba ay suminghap, ang iba ay napamura, ang iba ay nagulat. Mga nagtatanong kung bakit siya ang kailangan ko. Pero siya lang talaga ang makakatulong sa'kin! "Ms. Ysabelle pwede mo rin ako kailangan." sigaw nu'ng isa "Kailanganin mo rin ako please!" Tapos nagtawanan ang klase. I have no choice but to enter the room and wake him up by myself. "Woooow! Ysabelle Alejos is in the room!" "Let's party guys!" "Hoy close the door! Close the door!" Napatigil ako sa paglakad ko dahil plano nga talaga nilang isara ang pinto. "Wait! I only need Me. Soler, please nagmamadali ako." sambit ko sa kanila Pero walang nakinig sa'kin. Nagsisigawan sila. May istudyante na lumapit sa pinto, itinulak niya ang pinto pasara. "Ouch! Who the hell close the door?!" Nagtaka ako sa pinagmulan ng tinig. Kahit ang iba ay nagulat, lalo't higit 'yung nagsara. Muli niyang binuksan ang pinto, bumungad sa'min ang nakaputing uniform.... "Pam!" sambit nila Pamela De Vera! "Gosh! Inipit mo ang paa ko!" singhal niya sa nagsara ng pinto "Sorry, sorry! Hindi ko alam na nasa pinto ka." Tumingin si Pamela sa'kin. Naglakad siya papasok ng room na 'to. "What are doing here bitch?!" sambit niya sa'kin Ngayon na na'ndito na siya, magagawa ko ang nais ko. Nilapitan ko si Mr. Soler na ngayon ay gising na. May mga bangas pa siya sa mukha niya. "Come with me!" sambit ko kay Mr. Soler, sa malamig na tinig "Bakit? Anong kailangan mo?" tanong niya, makikita ang pagtataka sa mukha niya "Hey! I was talking to you!" malakas na sambit sa'kin ni Pamela tapos hinablot niya ang braso ko Lihim akong napangiwi. Sariwa pa ang mga pasa ko sa braso. Tiningnan ko si Pamela sa mataray na paraan, hindi ko ipinapakita kahit kanino na nasasaktan ako. "Let me go." mahina ngunit mariin kong utos sa kanya Nakipagtitigan muna siya sa'kin pero hindi ko siya inurungan. Siya rin ang kusan bumitaw sa braso ko. "Geez! Ang sarap mong kalbuhin!" narinig kong bulong niya Hinawakan ko ang uniform ni Mr. Soler. "Please come with me..." sambit ko tapos hinila ko siya palabas ng room 310 Binitawan ko na siya nang mapansin kong kusa naman siyang sumusunod sa'kin. Lumayo lang kami sa mga istudyante. "Anong kailangan mo sa'kin?" muli niyang tanong nang wala na masyadong nakapaligid sa'min Itinuro ko ang mukha niya na may mga bangas pa. "'Yung bumugbog sa'yo, saan ko pwedeng puntahan?" Halatang nagulat siya sa itinanong ko. Hindi siya makapaniwala na hinahanap ko ang isang gangster. "Please, may importante akong pakay sa kanya." pakiusap ko pa Nag-iwas siya ng tingin sa'kin. "Kalimutan mo na lang." sambit niya, "Hindi mo kilala ang taong 'yun." "Kilala ko siya! Leader El, tama?!" agad kong tugon Muli niya akong tiningnan, nagtataka siguro siya kung paano ko nakikilala ang taong pinag-uusapan namin. "Kilala mo lang siya sa palayaw niya, hindi mo kilala ang pagkatao niya. Kalimutan mo na lang kung anong kailangan mo sa kanya." Agad kong hinawakan ang kamay niya, kailangan ko siyang mapakiusapan wala na akong ibang malalapitan na pwedeng pagtanungan tungkol kay El. "Please, sobrang importante ng pakay ko sa taong 'yun. Please, please." Hinila niya ang kamay niya mula sa'kin. Halatang inis siya. "Hindi mo ba mahal ang buhay mo?! Mamamatay ka kapag pumunta ka sa taong 'yun! Hindi mo ba nakikita 'tong mga bangas ko sa mukha?! Kung walang nagtulong-tulong para awatin siya malamang nakalibing na ako ngayon!" Natigilan ako. Buhay ko? Pero katumbas ng buhay ko ang bagay na nasa kanya! Agad akong lumuhod sa harapan ni Mr. Soler. Pikit-mata akong nakiusap sa kanya. Ikasisira ko kapag nalaman ng buong University ang pagluhod na ginawa ko sa harap ng isang lalaki. Pero kailangan. "Nakikiusap ako, importante ang pakay ko sa taong 'yun. Tulungan mo na ako!" "Aaarg!!! Para mo na rin sinabi na tulungan kitang mamatay!" bulyaw niya sa'kin tapos itinayo niya ako, "Hindi isang Ysabelle Alejos ang dapat na lumuhod sa harapan ko!" dagdag niya pa Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata niya para ipakita sa kanya na seryoso pa rin ako sa pakiusap ko. Mahina siyang napamura tapos may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang white pants. Inabot niya 'yun sa'kin. "May address d'yan! Makakapasok ka lang sa lugar na 'yan kung maipapakita mo ang ticket na 'yan." Tiningnan ko 'yung hawak kong ticket. Hindi familiar sa'kin, kahit na 'yung address ay hindi ko alam. "Salamat!" sambit ko Agad na akong naglakad paalis. "Sandali!" Saglit akong huminto at nilingon ko siya. "Walter." "Ha?" react ko, hindi ko na naintindihan pa kung ano ang ibig niyang sabihin †††† f a s t f o r w a r d †††† Inayos ko ang maiksi kong buhok tsaka ko inilagay ang sumbrero ko. Isinuot ko rin ang eyeglasses ko para maitago ng bahagya ang mukha ko. Nahirapan akong mahanap ang address na nasa ticket. Nakarating ako sa isang malaking hotel, pumasok ako sa isang casino na nasa loob mismo ng hotel pero hindi pa du'n ang pinakang place. Sa isang casino ay may pinasukan pa akong isang room, sa room na 'yun, may isa pang door papunta daw 'underground'. Hindi ko na masyado inintindi ang paliwanag nu'ng boy na tumulong sa'kin para malaman kung para saan ang ticket na 'to. Hiningan na lang niya ako ng tips para sa kanya, nagbigay naman ako kaysa mapasama pa ako. Ngayon, mag-isa na lang akong naglalakad pababa ng hagdan. Hindi na ako masasamahan papasok dahil wala siyang ticket. Sa pinakang dulo ng hagdan ay may isa pang pinto. Kinakabahan ako. Huminga muna ako ng ilang beses bago ako kumatok. Kung dito ko mahahanap ang taong 'yun, kailangan kong tumuloy. Kumatok ako ng tatlong beses. Hindi agad nagbukas ang pinto. Ilang segundo pa akong naghintay bago may magbukas nu'n. Isang malaking lalaki. "Ano 'yun?" matapang niyang tanong, buong-buo ang boses niya na nakapagapdagdag ng kaba sa dibdib ko Ipinakita ko ang ticket sa kanya. Tiningnan niya lang 'yung ticket then tinitigan niya ang mukha ko. Tinitigan niya ako ng matagal. Naisip ko na hindi matinong lugar ang pupuntahan ko kaya hindi ako nagkalagay ng wig, ng make up, o kahit facemask. Tanging sumbrero at eyeglasses lang ang ginamit ko para bahagyang itago ang mukha ko at ang mga sugat ko. "Code." "Ha?" Napamaang ako sa lalaki. Hinihingan niya ako ng code. Lalo akong kinabahan, wala akong alam na code! May iniharap siya sa'kin na iPod kung saan niya pinapa-type ang code. Pwedeng letter or number ang nakalagay du'n. Agad akong pinagpawisan. Hindi ko alam kung anong ita-type ko. Ni walang nakalagay kung ilang digit ang kailangan, basta magta-type lang. "Dalawang beses ka lang pwedeng magtype. Kapag dalawang beses kang nagkamali...." hindi niya tinapos ang sinasabi niya dahil sinenyas niya sa'kin ang kasunod. Binigyan niya ako ng sign na papatayin niya ako. Lalo lang akong pinagpawisan sa sinabi niya. Code! Anong code! Nakatingin maigi sa'kin 'yung guard kaya napilitan na akong magtype. Nilagay ko ang surname ni Mr. Soler. Then bigla na lang tumunog ng malakas 'yung iPod. "Ops! Wrong code!" nakangising sambit nu'ng guard Napalunok ako at nabasa ko ang labi ko dahil nanunuyo na 'yun sa sobrang kaba. "Bibigyan kita ng 5 seconds para magtype ulit. Kapag hindi ka nakasagot ng tama, sasama ka sa'kin!" Syet! Syet! Syet! Muli kong hinawakan ang iPod habang nag-iisip muli. Kailangan kong mag-isip sa napag-usapan namin ni Mr. Soler! "Five" Mag-isip ka Ysabelle! "Four" "Three" 'Walter' "Two." Nandilat ang mga mata ko. "One!" Agad kong ni-type ang pangalan na naalala ko. "Time's up...." Muling tumunog ang iPod. Halos hindi na ako huminga habang nakatingin sa guard. "W-What?" kinakabahan kong tanong sa kanya Ngumisi na naman siya sa'kin. Sh*t!
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 30 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (39)
LabuayanDanny
hello
13d
1
Junet Valiente Dausan
220k
21d
0
BalitianSeann kalven
100 gold sa mvb
hcjgvvvhhgxhkiygggkifghjjgfhkhfhjjggjjkbvvmkgcbbjjjkkjjj🙂☺️😍😙🥰😙😍😙😍😙😍😙😍😙😍😙😍😙☺️😙☺️😙☺️😙😊🙂😊🙂😊🙂😊🙂😊😙🥰😙😊😙🥰😙🥹😙🥰😙🥰😙🥰😙😂😚😅😍😙😍😙🥰😙😍😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😚😚🥰😚😘😚😍😚🥰😙😅🥰😙😍😙🥰😙😍😙😙😅😙🥰😙😂😙🥰😙🥰🥰😙😂😙🥰😙😅😙🥰😙😅😙🥰😙😚🥰😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😚🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙😅😙😅😙😅🥰😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅🥰😙🥰😙😅😙🥰
hello
13d
1220k
21d
0100 gold sa mvb hcjgvvvhhgxhkiygggkifghjjgfhkhfhjjggjjkbvvmkgcbbjjjkkjjj🙂☺️😍😙🥰😙😍😙😍😙😍😙😍😙😍😙😍😙☺️😙☺️😙☺️😙😊🙂😊🙂😊🙂😊🙂😊😙🥰😙😊😙🥰😙🥹😙🥰😙🥰😙🥰😙😂😚😅😍😙😍😙🥰😙😍😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😚😚🥰😚😘😚😍😚🥰😙😅🥰😙😍😙🥰😙😍😙😙😅😙🥰😙😂😙🥰😙🥰🥰😙😂😙🥰😙😅😙🥰😙😅😙🥰😙😚🥰😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😚🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙🥰😙😅😙😅😙😅🥰😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅😙😅🥰😙🥰😙😅😙🥰
21d
0Xem tất cả