logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Season 1: Chapter 7: Cola

"Ikinagagalak kong makita ka, Binibining Rachelle," yumuko sakin ang prinsesa habang hawak ang tagiliran ng kaniyang dress.
Nataranta naman ako. Bakit ang Prinsesa yumuko sa harap ko ha?! "T-T-Teka po!" Pinatingala ko siya pero biglang nag-blank ang kaniyang mukha nang tinignan niya ako.
Nataranta ulit ako kaya ako na yung yumuko. "M-Magandang hapon, Mahal na Prinsesa!" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang maya-maya lang sasabog na ito sa kaba.
"K-Kailangan po ba talagang samahan niyo 'ko rito sa kwarto ko?" Hindi ko sasabihing totoong kwarto ko ito dahil nakikitira lang naman ako rito sa trabaho.
Tumawa naman ng mahinhin ang Prinsesa. "Oo naman. Balita ko ikaw ang nakahanap ng lunas sa sakit ng Mahal na Hari, kaya nais kong makita at makilala ka." Nahihiya ako. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.
"Pero hindi kita pinagkakatiwalaan."
"Eh?" Ano yun? Bakit biglang nag-iba ang simoy ng hangin dito?
"A-Ano pong ibig sabihin niyo, Mahal na Prinsesa?" Napaupo ako sa harap niya. Nasa labas si Ginoong Voilden kaya hindi niya kami maririnig dito sa loob.
"Kailangang gumawa ka ng paraan para makuha mo ang tiwala ko."
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Paano? Sabagay Prinsesa siya at ang taas ng pride niya kung ganun. Ang hirap kayang kumuha ng tiwala sa isang royalty. I knew it. It's not going to be easy like what I thought. "S-Sige po, Mahal na Prinsesa."
"Hindi ako naniniwalang kaya mong pagamutin ang Mahal na Hari. Baka may nais ka sa kaniya o kaya't gusto mo lang siyang lasunin o patayin." Ha? No way!
Hindi niya naman siguro ako ipapakulong diba? Mahirap na kapag death penalty ang ipaparusa niya sakin 'pag di ko nakuha ang tiwala niya.
"Kaya gumawa ka ng paraan para magtiwala ako sayo," wika niya saka tumayo. Lalabas na ba siya? Akala ko ngayon ko gagawin ang nais niya?
"S-Sandali, Mahal na Prinsesa". Pinigilan ko ang sarili kong hawakan ang kaniyang kamay para pigilan siyang lumabas. Baka mag-isip siya ng maling akala.
Napatingin siya sakin. "Ano yun, Binibining Rachelle?"
"May konting oras pa po ba kayo, Mahal na Prinsesa? Kahit saglit lang?" Wala siyang sagot. "G-Gagawin ko po ngayon!" May ideya ako.
Wala lang siyang expression. Grabe ang harsh naman. Pero sabagay, royalty siya.
"Kung ganun ang iyong nais, maghihintay ako rito," wika niya sabay upo sa maalikabok na upuan. Ngayon, pakiramdam ko responsibilidad ko na kung ano ang mangyayaring kadumihan sa damit niya. Okay lang ba talaga siya dyan?
"A-Ah wag na po kayong maghintay dyan! Pwede niyo po akong panoorin sa gagawin ko". Pinapatayo ko siya. Ayokong mamatay o parusahan dahil sinabihan ko ang Prinsesa na maghintay sa alikabok kong upuan.
Agad namang tumayo ang Prinsesa. Buti hindi siya sakit sa ulo. "Ipagpapaumanhin mo ako," wika nito.
Sabay kaming pumunta sa kusina. "May 15 minutes pa akong natira". Okay! I'm all fired up.
Dito sa mundo nila, may plastic bottle kaya nagtataka ako kung bakit. Wala namang pagawaan ng soft drinks dito. Nakatingin lang ang Prinsesa sakin. "Mahal na Prinsesa" tawag ko rito.
"Ano pong silbi ng bagay na 'to?" wika ko rito habang tinaas ang isang plastic bottle. "Wala lang yan. Laruan ng mga bata," wika nito.
I see. Pero sa tingin ko hindi lang ito laruan. Bahala na. Gotta try it.
Dito sa mundo nila, hindi ko alam pero parang simple lang ang buhay dito. Wala silang computer or arcade. Walang gaanong elektrisidad dahil gamit nila ay torches lang o kandila. Pero sa palasyo may electricity.
Hindi sila marunong magbasa o magsulat, ang mga royal blood at gifted lang ang may kakayahan nun. Pero karamihan sa royal blood ay walang gaanong alam tungkol sa science, pero may confidence at sariling katalinuhan din naman sila.
I found this place boring, yet it's so peaceful. Gusto ko ang lugar dito pero hindi madali.
"Gagawa ako ng cola," wika ko. Napatingin naman ang Prinsesa sakin.
"Anong cola? Pagkain?" tanong niya.
"Eh? Kung sasabihin ko, mawawala ang excitement kaya panoorin niyo nalang ako, Kamahalan." Hindi na siya sumagot.
"Apat lang naman ang sangkap para makagawa ka ng cola." Cilantro, carbonated water, caramelized honey, at lime. 'Yang apat lang.
Una, gagawa muna ako ng carbonated water o tinatawag na carbonic acid. Hindi ito makakahilo o makakalason porket acid ang tawag. Tinatawag itong acid dahil may chemistry. Sa nalalaman ko, ang chemistry ay paghahalo-halo ng iba't ibang substance kaya walang problema at hindi nakakasakit itong gagawin ko ngayon.
Nilagyan ko ng three-fourths na tubig ang bote. "Hindi kailangang punuin ng tubig ang plastic bottle dahil mahihirapang makapasok ang hangin sa loob. Kapag gumawa ka ng carbonated water, dapat may space din para sa hangin. Pero kapag maraming hangin at konti lang ang tubig, mahihirapan tayong makagawa ng carbonated water dahil mahihirapan ang tubig sa pagba-balance ng sarili nila sa hangin dito sa loob ng bote."
Pinisil ko ang plastic bottle hanggang sa nag-compress na ang tubig. Agad kong tinakpan ang bote gamit ang takip nito. Niyugyog ko ang bote nang ilang beses hanggang sa pumorma na ito ng konting bula. Gumawa ako ng tube para ipasok ito sa bote. Pero upang magawa ko ito, binutasan ko ng konti ang takip ng bote at dun pinasok ang tube. Syempre ang pressure ng hangin sa loob ng bote ay madagdagan kaya niyugog ko ulit ito habang tinakpan ang takip hanggang sa bumula na ang tubig ng konti.
Napansin kong naguguluhang nakatingin sakin ang Prinsesa.
Pagkatapos magawa ng carbonated water, nilagay ko muna ito sa tabi. "Zest the lime" Isang lime lang, pero wala akong materyales. Kumuha nalang ako ng tinidor and I sharpened the edge of it. Ginawa ko itong pang-zest sa balat ng lime.
"Cilantro." Buti nalang at nakabili ako nito kanina. Pang-ulam ko sana ito, pero bahala na, ayos lang may isda pa naman eh.
Dinurog-durog ko ang cilantro hanggang sa mukha na itong buhangin. Nilagay ko sa mangkok ang cilantro at lime, sabay ko silang dinurog hanggang sa nagmukha na silang gamot. Ang lime na ginamit ko kanina, piniga ko ito at hinalo.
Pinaamoy ko ito sa Prinsesa pero lumayo naman siya at napatakip sa ilong. Napataas siya ng kilay. "Ano yan?" wika nito sabay turo sa kulay mantikang liquid.
Kinuha ko ito at pinakita sa kaniya. "Listen here, Princess. Ito ay isang honey. Ho-ney!" Napatango lang siya. Alam niya ba ang ibig kong sabihin?
At dahil caramelized honey ang kailangan ko, niluto ko ang honey. Well, pinainit ko lang ito.
"Anong nangyari sa honey? Bakit naging kulay kayumanggi?" kunot-noong tanong ng Prinsesa.
"Honey lang ang meron ako at dahil caramelized honey ang kailangan natin, pinakuluan ko nalang ang honey hanggang sa maging kayumanggi ito, at sa huli may caramelized honey na tayo."
Pagkatapos, kinuha ko ang nakahalong lime at cilantro. Wala akong strainer kaya kinuha ko nalang ang mga dahon-dahon hanggang sa liquid nalang ang naiwan. Para makagawa tayo ng cola syrup, agad ko namang binuhos ang caramelized honey sa liquid ng mga pinaghalong cilantro at lime.
Agad haluin ang tatlong ito para hindi manigas ang caramelized honey. Konti lang ang plastic bottle, parang coke mismo lang ang size, kaya asahan nalang nating konti din ang tubig. Kumuha ako ng limang kutsara ng syrup at agad itong hinalo sa carbonated water.
"Ta-da! May cola na tayo!" ngiti kong wika habang pinakita ito sa Prinsesa.
Naisipan kong magseryoso muna. "Mahal na Prinsesa," tawag ko. Nakatingin pa rin siya sa cola. Ang kulay asul na mga mata niya ay kumikinang sa katitingin sa cola. Para siyang pusa na nauuhaw.
"Naranasan niyo po bang uminom ng wine?" tanong ko. Napakunot-noo naman siya. "Anong wine?"
Oops, I failed. Palagi kong malilimutang hindi pala sila marunong mag-ingles dito.
"Ang wine ay alak. Naranasan mo na bang uminom ng alak?" Dahil ako hindi pa. "H-Hindi pa," tanging sagot niya habang patuloy na tinitigan ang cola na hawak ko.
"Subukan mo Prinsesa, masarap yan." Binigay ko na sa kaniya ang bote ng cola.
"Hindi ba ito nakakalason?" wika niya. Napatingin naman ako rito.
Kapag sasabihin ko bang hindi ito nakakalason, maniniwala ba siya sakin? So ang gagawin ko, kailangan ko ring uminom ng cola para maniwala siya.
Pero kakaiba. Nanonood siya sakin habang gumagawa ako ng cola kamakailan lang. Nakita niya bang may hinalo akong lason? Diba wala? Kaya bakit pa rin siya nagdadalawang-isip?
Binawi ko sa kaniya ang cola at saka uminom ng konti. Napa-woah ako sa sarap. Nami-miss ko na ang cola sa dati kong mundo. "Diba buhay pa ako? Ito inumin mo". Binigay ko ulit sa kaniya ang cola.
"I-Iinumin ko na." Dinig ko ang paglunok niya sa cola. Biglang bumilog ang kaniyang mga mata at bigla rin siyang napahawak sa kaniyang lalamunan.
Humihingal siya ng parang hindi normal saka napayuko.
Anong nangyari?

Bình Luận Sách (56)

  • avatar
    Flores Jayr

    Wow

    15/06

      0
  • avatar
    Jb Balwit Dangase

    Wonderful story

    09/04

      0
  • avatar
    Davezwel Gerzon

    maganda

    08/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất