logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Season 1: Chapter 2: Another World

A few moments ago
Rachelle's POV
Am I desperately astray? I think I'm really lost, "Anong klaseng lugar itong napuntahan ko?" While I'm palpitating in tremors, strolling down the street, holding a box of pizza was now a scary thing to do. This place's appearance is daunting, it makes me inadequate in such dread.
The big house is like a form of a gigantic monster creature dwelling inside of an abandoned house. It was as dark as pitch black and as spooky as this forsaken-looking place. And the sky that was blue as might in the day lately, it's now a smoky white cloudy eerie view. Parang uuwan na maya-maya. Wala naman akong narinig na may bagyo o uuwan ngayon kaya bakit ganito ang kalangitan?
Siguro gutom na gutom na ang nakatira rito kaya naki-order nalang ng pizza. And that was what I unintentionally thought. As I quaver trooping around right at the front of the door, creek sounds kept bothering me. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng abandonadong pintuan. I accidentally felt butterflies in my stomach making me more edgy and tense.
Mahinhin akong kumatok sa pintuan. My hands simultaneously kept on wobbling and dripping sweat, "Tao po?"
5...
4...
3...
2...
1...
I received no response. My eyebrows went up nang ma-reject lang ako. Bakit walang sumagot? "So you guys just ignored me huh," Hinanda ko ulit ang aking sarili. I cleared my throat straight up at ngumiti para may customer service. Baka ire-report ako nito kay boss dahil hindi ako naging magalang at ngumiti. Customers nowadays are all sensitive and annoying.
I knocked thrice again and patiently keeping a distance from the door, "Tao po?" Wala pa ring bumukas ng pintuan. Kanina pa ako kumakatok at tawag nang tawag dito pero wala pa ring sumagot, "Baka nasa maling address ako?"
Chineck ko ulit ang nakalagay sa papel, "Tama naman ang nakalagay ah. Wala nga lang recipient name."
Inikot-ikot ko ang paligid. Walang tao ni isa ang lumabas o tumingin man lang sakin. My heart surely didn't skip a beat even for a moment. Ninenerbyos ako masyado at kinakabahan at bigla akong nangingilabot sa kaba at takot.
Baka mangkukulam o halimaw ang nakatira rito? Pero may mangkukulam bang o-order ng pizza? O kaya isasama niya sa kaniyang sangkap ang pizza? Sino bang gagawa ng kagaguhan kung bakit idadamay pa ang pizza?! Oh wait. Is it me? Maybe it is me? Baka ako! Baka ako ang sangkap?!
I heavily panted as I started to panic, "Hindi po ako masarap! Kaya wag niyo ako gawing sangkap, please! Nandito ako para gawin ang trabaho ko, okay?" Sumilip ako sa bintana ng bahay pero ang dilim. Wala akong makita. Wala ba silang kuryente? O baka naputulan? Hindi man lang sila nagsindi ng kandila sa loob. Baka may lakad ngayon ang may-ari rito?
"Kung babalik nalang kaya ako sa trabaho?" I thought. I went back for a few steps hanggang sa makabalik ako sa motorsiklo ko.
Sasakay na sana ako rito pero napahinto ako at may naisip, "Bakit naman ako babalik sa trabaho? Siguradong papagalitan lang ako kung hindi ko ito binigay," Boss will surely punch me in the head if I return penniless. Bakit nga ba ako babalik ha? Hindi ako babalik kung walang bayad ang maiaabot sakin. Malulugi ako nito, malulugi ang kompanya at gutom na ako.
Naisipan kong buksan nalang ang pintuan, "Hindi naka-lock?" It literally just opened the time I tried to. Kanina lang ako katok nang katok, hindi lang pala naka-lock ang door knob.
Sorry for the intrusion! I entered the house without someone attacking me. Maybe I'm safe and just overthinking all of it? Ngumiti ulit ako para sabihing may customer service.
"Pizza delivery!"
Just a few seconds ago. No, I'm sure it was milliseconds. Wait, nanoseconds perhaps? I can feel the warm fresh breeze thumping my whole body in a glimpse. I slowly opened my eyes as I twitched from sensing the light. Napasinghap ako nang may makita akong dalawang lalakeng may hawak na sandata sa harap ko. Is this a dream? Might be? Baka may photoshoot?
Tinignan ko ang paligid pero iba na ito. Nataranta ako at mas kumabog pa ng malakas ang dibdib ko. Where am I? Just a while ago, nasa isang nakakatakot at nakakapangilabot na lugar ako, but this time nasa isang malawak na field na ako at sa likod ko naman may bahay na makaluma. I'm standing right after this skimming grass.
Hindi na madilim ang kapaligiran. Kahit ang kalangitan ay kulay asul na. Talagang nasisimoy ko pa ang hangin dito. Maganda rin ang sikat ng araw at maraming damo at ibon ang nandito. Parang soccer field ng school namin, malaki, malawak at makikita ang kagandahan ng kalangitan.
Hinampas-hampas ko ang ulo ko sa pader ng sinaunang bahay. Hindi nag-iba ang lugar at walang nagbago. Baka sakaling hahampasin ko ang ulo ko, babalik ako sa dati at makikita ko na ang daan patungo samin, pero wala. Walang nagbago. Nawala pa nga ang motorsiklo ko. Nasa'n ba kasi ako?!
"Sino ka?!" sigaw ng lalakeng kulay brown ang buhok. Agad akong napasinghap nang tinutok niya sa akin ang espada. Sorry? Kayo ang um-order ng pizza kaya iabot niyo na ang bayad niyo sakin.
"Tawagin ang kawal!" Sigaw nung lalakeng kulay dilaw ang buhok. I startled when he shouted.
Bakit ang daming boss ko dito? Ang boss ko na palaging sumisigaw at papagalitan ako, pati rito may boss ding sumisigaw para tawagin ang kawal. Pero mamaya na ang pag-iisip, Rachelle. Ang importante ngayon, bakit may sundalo ang sumugod sakin?
"Wait! Problema niyo?" Hinawakan nila ang kamay at braso ko, "Hoy! Pakawalan niyo ako! Anong ka-oa-han ito ha?" I kept on struggling dahil humihigpit ang paghawak nila sakin.
"Sino ka? Bakit ganyan ang iyong suot? Taga-saan ka?" sunod-sunod na tanong nung lalakeng kulay dilaw ang buhok. Foreigner ba siya? Bakit pareho kami ng lenggwahe?
"What? Pakealam mo? Pakawalan niyo nga ako! At ikaw! Bakit ang tigas ng damit mo?! Nandito ako para mag-deliver ng pizza!" siniko ko ang sundalo sa tabi ko pero hindi ko natuloy, baka mabitawan ko ang pizza.
Kumalas ulit ako at dun nila ako nabitawan. Tumakbo ako patungong pintuan ng bahay na nakita ko sa likod. Pagbukas ko, hindi na nga ang dating lugar ang nakikita ko. Kani-kanina lang, nandito pa yung motorsiklo ko. Nasaan na ngayon? Saan na napunta 'yon? Baka ninakaw nila?
"Nandito ako para i-deliver ang pizza. Order niyo ito diba?" Tinaas ko ang box ng pizza at pinatingin sa kanila ang laman. Napahinto silang lahat at napatitig sa pizza box.
"Patayin!" sigaw nung naka-dilaw na buhok.
"Ha?! Sino ang papatayin?!" Bakit ako ang tinuturo niya?! Nataranta ako kaya napatakbo ako kahit saan. Hinabol naman ako ng mga gagong sundalo.
"T-T-Teka! Teka lang! Anong ka-dramahan ba ito ha?! Tumigil nga kayo! Papatayin niyo ako?" takbo kong wika habang bitbit ang pizza. Pakiramdam ko sira na ang laman ng pizza at mukhang hindi na masarap. Mukha kaming naglalaro ng takbo-takbuhan, ako pa yung nangunguna. Parang papatayin nga nila ako.
"Dyan ka lang!" Hinarangan ako ng naka-blonde. Seryosong tinutok niya sakin ang dala niyang sandata. I immediately stopped while stepping backward. Prank ito diba?
"Hoi, problema mo ha?" Sinampal ko ang sandata at tumakbo ulit papalayo. "Hindi niyo ako mahuhuli!"
Bigla akong natumba sa damuhan nang may maramdaman akong nakatusok sa leeg ko. Bumagsak ako rito sa sahig na puro damo at halaman lang ang meron. Nahalikan ko pa ang lupa. Dahil sa lambot, sarap tuloy humiga at saka nakikiliti pa ako.
Hinawakan ko ang leeg ko. Bakit may nakatusok na karayom sa aking leeg? "Ano bang problema ha? Nandito ako para i-deliver ang pizza na in-order niyo," unti-unti akong nanghihina. "Kung prank 'to, tigilan niyo na please---"
Dun ako nawalan ng malay. Pakiramdam ko ang lamig ng katawan ko. Patay na ba ako?
Bigla akong nagising sa sahig na hindi na damo at halaman ang aking pagsalat. "Nasa langit na ba ako?" Biglang nag-ring ang paningin ko. W-Woah. Nahihilo ako.
"Oh, gising ka na?"
Tinignan ko ang lalake mula kanina. Nakaupo lang siya sa magarang niyang upuan habang nakapangalumabang nakatingin sakin. May nakatingin ding mga tao sakin. Sila ba ang mga anghel?
Huminga ako ng malalim at humikbi ng isang beses, "Nasa'n ako?" Hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko dahil nakatali ang mga ito. Hindi ako na-inform na ganito pala sa langit. Talagang tatalian nila ang kagaya ko para sa judgment ko?
"Panginoon, ikaw ba yan?" walang buhay kong tanong sa kaniya habang humihikbi ng dalawang beses. Ayoko pang mamatay.
Biglang napakunot ang noo ng naka-blonde, "Ano ang 'yong sinabi? Nandito ka sa aking kaharian at wala ka sa langit," nakapikit nitong wika.
Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. He might be joking though. Bakit naman ako mapupunta sa kaharian na 'yan? Inikot ko ang tingin sa buong paligid. Totoo nga. Nasa palasyo nga ako. Totoo ba 'to? May ganito ba sa lugar namin? Am I becoming gradually paranoid? At nandito ako, nakaluhod sa gitna ng pulang carpet.
"Maaari mo bang sabihin ang iyong pangalan?" tanong niya.
"Rachelle," wala akong ibang pagpilian kundi sumagot nalang. Baka papatayin ako nito. Ang sama pa naman ng tingin sakin.
Umigtad siya, "Totoo? Ikaw si Rachelle? Taga saan ka?"
"Bakit ikaw ang nagtatanong sakin? Dapat ako! Sino ka ba?" At saka, may mali ba sa pangalan ko? Baki ganun reaksyon niya kanina? Pangit ba pangalan ko?
I flinched as I heave from panicking when he suddenly stood up. I can feel my nerves running down my spine instantly after his formidable glare cuffing right through me. Parang ang init ng ulo niya.
"Pasensya kung hindi ko agad pinakilala ang aking sarili," h-he's calm?
Tumayo lahat ng balahibo ko. His relaxing moderate soft tone voice made me calm in a way I could feel the anxiety residing in me, "H-Hindi. Okay lang. Okay lang," man, I panicked.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. He became modest and bashful innocent person. Chills gave me in. Hindi ko siya naintindihan kung bakit naging ganyan siya biglaan kaya tahimik lang ako habang pinagpawisan na rito.
"Pasensya," nilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang dibdib niya, "Ako si Claiden Vermillion. Ang prinsipe ng kahariang Weiden."
Napasinghap ako sa gulat at napatakip sa bibig kahit nakatali ang dalawa kong kamay, "P-P-Prinsipe?!?"
Parang nahihiya ako sa ginagawa ko ah. H-He's a p-p-p-prince? Ganito ba talaga ako ka-walang respeto? Pero prinsipe? I think princesses and princes just exist only in fairy tales. But what is this guy doing here? He acts as if he's the prince. Kahit kauotan niya, mukha at pagkatao niya, lahat may kahulugan.
Nakayuko pa lahat ng mga tao rito habang harap si Claiden. B-B-Bakit?!? Real thing ba to?! Bakit walang binanggit si boss sakin tungkol dito? Anong ginagawa ng prinsipe rito sa lugar namin?!? Wait, our place?!? May binanggit si Claiden na 'kahariang Weiden'. Weiden?!? Anong Weiden?!? What? Anong lugar 'yan?!
"Kung maaari, pwede ko bang itanong kung saan ka nanggaling? Isa ka ba sa mga tao ni Nicholas?" hinahon niyang ani sakin.
Nicholas?! Sino na naman yan? Baka yung lalakeng kulay brown yung buhok mula kanina. Nahuli ko kasi silang naghawakan ng sandata.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Please! Pakawalan niyo na ako! Lagot talaga ako sa boss ko kapag di pa ako nakabalik." Kumalas ulit ako hanggang sa nanghihina na ako. My energy kept running out. I'm tired.
Bigla na namang kumunot ang noo niya. "Sandali lang. Nagsasalita ka ng isang lenggwahe, tama ba?" tanong ng sundalong nasa tabi ko.
I panted as I let my sweat out. What does he mean by 'isang lenggwahe'? "Oo tama. Anong meron?" tugon ko.
"Pwede ko bang malaman kung saan ka nanggaling?" tanong ulit ng prinsipe.
"Taga XX City ako. Bakit?"
Napaangat siya sa ulo, "Wala kaming ganyang lugar dito," naka-cross arm nitong wika.
Anong wala? Sigurado akong meron. Ano ako? Baliw? Pero teka lang. Maaari kayang napadpad ako sa ibang mundo? Wait, is there such a possible thing? May ganon? Pero parang totoo ang lahat. Simula nung pumasok ako sa misteryosong bahay na yun, marami nang nagbabago.
"Pero sigurado ka bang hindi ka isa sa mga tauhan ni Nicholas?" tanong nito ulit habang bumaba na sa trono niya.
"Wala akong alam na may nagngangalang Nicholas kaya pakawalan niyo na ako," kalmado kong sagot. Hindi ko na tinaasan pa ang boses ko dahil may galang akong tao. Nadala lang ako kanina sa galit at hiya.
May lalakeng parang kawal kung tignan ang lumapit, tumakbo siya sa harap ni Claiden at yumuko, "Mahal na prinsipe. Alam kong wala ako sa posisyon para magsalita pero sasabihin ko lang ang aking opinyon. Maaari pong isa siyang tauhan ni Prinsipe Nicholas," binalingan niya ako ng tingin, "Maaari rin pong tinatago niya ang kaniyang pagkatao at maaari ring nagsisinungaling siya."
Biglang kumulo ang aking dugo dahil sa aking narinig, "Anong nagsisinungaling? Ako na ngayon ang sinungaling ha? May rason ba ako para magsinungaling? Who are you to ask me something like that kung hindi mo alam ang totoong nangyari ha?" Nakatingin silang lahat sakin. Oh ayan, nasa 'kin na lahat ng atensyon. Ako na ang walang modo at walang galang kaya siguro ganyan ang tingin nila sakin.
"Ipagpaumanhin mo kami, Binibining Rachelle. Totoo, wala kaming balak na magtiwala sayo pero maaari rin kaming magkakamali kaya kailangan kong alamin ang katotohanan dahil ayaw kong masisira ang pangalan ng Weiden," salita ng prinsipe.
His frame of mind made me realize who I really am. I'm an ungrateful hag lurking around his fame to shut. He is so calm and his temper can't get any worse. I think underestimated him since I don't know any deeper about him and his personality.
Tahimik lang lahat. Wala na rin akong balak magsalita. Punong-puno na ako sa sarili ko. "Pero kung hindi ka man isa sa mga tauhan ni Nicholas, papalayain ka namin. Pero kung isa ka man sa mga tauhan ni Nicholas, hinding-hindi ako magdadalawang isip na papatayin ka," wika ng magaling na prinsipe.
Did he hear what he just say? Hindi niya ba alam kung gaano ka-importante ang buhay ng isang tao? Tapos papatayin lang kapag nalaman niyang tauhan ako ng kalaban niya? Hindi ba yun nakakainis? Or is it that his enemy is more dangerous?
"Pero hindi natin alam ang katotohanan kaya pananatilihin ka muna namin sa isang kwarto. Nang sa ganun, hindi ka makakagawa ng masama at may nakabantay sayo. Hihintayin namin ang tatlong araw kung may mangyari bang hindi kaaya-aya o mananatili bang payapa rito sa kaharian. Kakausapin ko rin si Nicholas kung totoo bang wala siyang pinadalang tauhan," pahayag niya.
Kakausapin niya ang sarili niyang kaaway? What? But think deeply and focus onto the possible scenario. Kapag walang mangyayaring masama rito sa kaharian niya, makakauwi na rin ako sa amin. Pero tatlong araw ang binanggit niya. It's so long and I might think it's annoying.
"Sige, I agree! Pero kapag walang nangyayaring masama rito, sisiguraduhin niyong papalayain niyo ako, mga anak ng butiki, alright?"
Pinatayo na ako ng sundalo sa aking tabi para ihatid sa sinabing kwarto. Tinignan ko ang prinsipe saka siya dinilaan, "The High and Mighty Asshole. Akala mo ha," galit kong bulong at tumalikod.
"Prinsipe! Mahal na prinsipe! Ang mahal na hari!" nakita kong takbong hingal na wika ng isang kawal.
Looks urgent.
"Ang Hari?! Anong nangyari kay Ama?!"

Bình Luận Sách (56)

  • avatar
    Flores Jayr

    Wow

    15/06

      0
  • avatar
    Jb Balwit Dangase

    Wonderful story

    09/04

      0
  • avatar
    Davezwel Gerzon

    maganda

    08/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất