logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Miss Sharp Shooter

Miss Sharp Shooter

Loovybelle


CHAPTER ONE

Two weeks na akong pumapasok sa bago kong school. Pero unang araw ko palang dito ay usap-usapan na ang isang grupo ng mga lalaki na sikat daw dito sa school. Paanong naging sikat? 'Yan ay ayon sa dinig-dinig ko kasi obvious naman sila mag kuwentuhan at kahit saan ako mapunta sa loob ng school na ito ay sila ang palaging bukambibig ng mga estudyante rito.
Dahil sa angkin daw nilang kagwapuhan at pare-parehong mga anak mayayaman. Isa daw sa limang iyon ang anak ng may-ari ng school na ito.
Actually hindi ko pa sila nakikita. Wala din naman akong balak na makita sila kasi busy din ako sa buhay. I work at night and I study at day time.
Second year college na ako ngayon at naninirahan mag-isa sa bago kong bahay na nilipatan malapit lang sa school na ito.
Private naman ang school na ito kung kaya't halos lahat mapepera ang mga nag-aaral dito. Ang hindi ko lang maintindihan ay 'yong sikat daw na grupo ng mga lalaki dito ay tinatawag nilang The Five Gods. Hmfff...hindi ko na napigilan at napahalakhak akong mag-isa.
What a strange group name right?
"Tch! Crazy."
"Tss! may baliw dito sa school."
"Weird."
Nasa hallway ako nang mapansin kong ako pala ang pinag-uusapan ng mga nakakakita sa akin na humalakhak mag-isa.
Inayos ko ang necktie ko at inayos-ayos ang buhok ko pagkatapos ay tumikhim. I am a loner type of person. Hindi ako mahilig makipag socialize sa mga tao lalo na sa mga ka-klase ko. Bakit?
Kasi sanay akong mag-isa...
I was just 12 years old when my parents died...in front of me. May mga grupo ng mga lalaki ang nang ambush sa bahay namin.
And I am the only person who survived. 'Yon ay dahil, napilitan akong lumaban at gamitin ang kakayahan kong bumaril. The only thing that I regret the most is when I can't even save my parents that time because I had the fever, my body was too weak and I was still so young.
Hinasa ko ang kakayahan kong makipaglaban after my parents died lalo na ang pagiging sharpshooter ko. I am using my parents wealth from then, until now. Pero nagtratrabaho parin ako sa gabi for just 4 hours. Wala lang...just to kill time.
Hirap din ako makatulog ever since the ambush. I have an insomia. So I take pills para lang makatulog sa gabi.
Naka higa ako sa upuan sa gilid ng basketball court habang nakapikit ang aking mga mata. Hapon na kaya't medyo mahangin na dito. Isang subject nalang ang hinihintay ko bago mag uwian pero dahil maagang tinapos ni Mrs. Cruz ang klase niya ng isang oras dahil daw emergency, ay naisipan ko munang magpunta dito.
Wala pa namang tao ngayon dito kaya't minabuti ko munang mag isa at namnamin ang preskong ihip ng hangin.
Naramdaman kong may nakatitig sa akin so I slowly opened my eyes.
Sh*t! Am I dreaming?
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at ibinukas. Pikit ulit at bukas.
"Sh*t!" Sabi ko.
Napabangon ako bigla sa kinahihigaan ko at inayos ang palda at blouse ko. Dinampot ko ang bag ko at iniwan ang lalaking  nakatitig sa akin kanina.
Ngayon ko lang siya nakita sa school na to. Isang lalaking almond shaped eyes, sakto lang ang tangos ng ilong. Parang may lahing koreano at medyo pinkish ang lips. Maputi siya at matangkad at higit pa doon, inosente ang mukha niya.
Nang makarating ako sa classroom ay puno na ang upuan. At saan ako uupo?
Sa isang classroom kasi ay binubuo ng 20 students lang. Wait, may bagong transferee. At ako ang nawalan ng seat? Ugh!
Dumating ang teacher naming si Mr. Sanchez. Nakita akong naka tayo sa gilid.
"I'm sorry class. May transferee pala tayo. But since nakaupo ka na and we don't have enough seats...Ms. Lee." Turo sa akin ni Mr. Sanchez.
"Come here. Follow me. I'll transfer you to the other section." Sabi niya at lumabas.
Seriously? Diba dapat 'yong bagong transferee ang ililipat ng section kasi puno na kami? Tsk!
Sumunod ako sa kanya at tinawag siya.
"Mr. Sanchez. Isn't the new transferee supposed to be put on the other section? Bakit ako?" Tanong ko. Nakaturo pa ako sa sarili ko habang sinasabi 'yon. Lumingon siya sa akin and stopped walking.
"I'm sorry Ms. Lee. But Mrs. Cortez requested to put her daughter in my class. She is one of the investors here in this school." Sabi niya saka naglakad and then stopped sa---
Section A? Nasa kabilang building lang ito ng dati kong section. Nasa Section B kasi ako.
Kinausap niya ang guro doon at tinawag ako.
"Good luck." Sabi ni Mr. Sanchez at kumindat. Muntik na akong masamid ng sarili kong laway sa ginawa niya. Pffft. Mr. Sanchez is a gay? Tsk.
Bakit ko nalaman? Dahil ngayon ko lang napansin.
Pumasok akong naka tungo.
"You can introduce yourself now Miss." Sabi niya at humarap sa klase.
"I'm Yeona Lee. 19 years old. From Section B." Sabi ko at tumingin sa mga ka-klase ko.
Mabuti nalang at na maintain ko ang cold expression ko nang makita ang lalaki sa basketball court kanina.
Umupo ako sa kabilang row medyo malayo sa kanya at malapit ako sa bintana.
I slowly looked at him once again.
Siya nga talaga 'yon!
Kinakausap siya ng katabi niyang lalaki na parang may lahing british.
Natapos ang klase ngayon at tulad ng dati, nagpapahuli akong lumabas ng classroom.
"Yes. May laro sila sa basketball ngayon! Yiiiee! Bilis!"
"Wait lang! Hintayin niyo ako! Wait."
"Hurry up! Tch! You're too slow as always."
Nagmamadali ang mga ka-klase kong mga babae ngayon papuntang basketball court. Nailing ako kase hindi ko pa nga pala nakikita ang laging usap-usapan sa school na ito. Ang The Five Gods daw? Pffft.
Curious din ako at naisipan ko munang dumaan sa basketball court just to feed my curiousity bago dumeretso sa trabaho ko.
Kamuntik pa akong matumba dahil nagtatakbuhan ang ibang section na katatapos lang ng klase. Nahulog pa ang dala-dala kong cellphone sa pagkakabunggo sa akin ng isang babae.
Pinulot niya ito at ibinigay sa akin.
"I'm sorry. Nag crack ang screen ng cellphone mo! Oh sht, I'm sorry talaga. Papalitan ko nalang ang cellphone mo." Natatarantang sabi niya. Umiling ako at tumitig sa cellphone ko.
"No, it's okay." Sabi ko bago tumalikod at naglakad na ulit papunta sa basketball court.
Nang makarating ako ay hinanap ng mga mata ko ang pinagkakaguluhan ng mga studyante. I stopped when I saw 2 groups of people at the center of the court. Mga naka T-shirt ng blue at ang isang grupo ay naka kulay Green.
Nagsisimula na ang laro at napansin ko ang tinitilian ng mga kababaihan dito.
Hmmm...those 5 guys are my classmates in my new section. So sila 'yon? At 'yong nakita kong inosenteng lalaki dito ay kasama sa grupo nila?
"Do you like Ha-Ru?" Narinig kong tanong ng pamilyar na boses sa tabi ko. Napatingin ako.
Siya 'yong nakabunggo sa akin kanina!
"Are you talking to me?" Curious pero cold na sabi ko. Bigla naman siyang napatingin din sa gilid-gilid niya.
"Who am I talking then? Diba ikaw 'yong nabunggo ko kanina?" Dere-deretsang sagot niya.
Tumalikod na ako at hindi siya pinansin. Naglakad na ako paalis sa basketball court. Tutal naman ay nakita ko na ang mga taong umagaw sa kyuryosidad ko.
"I'll change your phone tomorrow, Yeona!" Sigaw ng babae. I stopped.
First time kong makarinig na may tumawag sa pangalan ko dito sa school na ito.
Nakita ko ang name tag ko sa dibdib at marahas na tinanggal ito at itinapon sa dinadaanan ko.
Nagmadali akong umalis at tinungo ang papunta sa parking lot. Isinuot ko ang helmet at sumakay sa motor. Pinaharurot ko ang motor ko papunta sa trabaho ko.
I work as a bartender hindi kalayuan sa bagong bahay na tinitirahan ko. They always tell me that I look cool. But for me, I am not. Because I don't smile at work. I just don't know why the manager doesn't fire me yet kahit hindi ko kinakausap ang mga guests sa bar top.
"Yeona! Maaga ka ngayon ah?" Bungad sa akin ni Josh. Ang kapwa ko bartender na kasamahan ko sa shift. Siya lang ang mahilig kumausap sa akin dito sa trabaho. 23 years old na siya pero sobrang kulit na tao at kahit hindi ako pala salita ay hindi siya nag aalinlangan na kausapin ako.
Tumango lang ako sa kanya at pumunta na sa locker room 'tsaka nagbihis.
Alas nuebe na ng gabi at isang oras nalang ang duty ko. Nagsasayawan at naghihiyawan ang mga tao sa gitna ng dance floor. Nasanay na din ako sa ingay ng music sabayan pa ng sigawan ng mga taong nag eenjoy dito.
Napansin ko ang bagong dating na grupo ng mga lalaki.
Isang tan skin na lalaki. Isang maputi na feeling ko ay may lahing british. Isang lalaking mala koreano ang itsura pero sakto lang ang pangangatawan. Isa namang lalaking hindi ko alam kung ano ang lahi pero may itsura ito at feeling ko ito ang leader nila. At isang lalaking alam ko full filipino blood base sa itsura niya. Pero lahat sila ma appeal. Sila lang naman ang kinababaliwan sa school.
Pero bakit nandito sila?
Nakatitig lang ako sa bagong pasok na grupo ngunit nakaramdam ako na siniko ako ni Josh.
"Kilala mo ba sila?" He asked. Tumango lang ako bilang sagot at ipinagpatuloy ko ang pag gawa ng inumin.
"Talaga? Hmm...sino sa kanila ang bet mo?" Nagbabakla-baklaan niyang sabi. Napatingin na talaga ako sa kanya at sinamaan ng tingin. Ngumisi siya at ngumuso sa harapan niya.
Palapit na pala sila sa bar counter kaya't hindi ko na pinansin si Josh at itinuon na talaga sa ginagawa ko ang atensiyon ko.
"We would like to drink Whiskey. What type of Whiskey can you offer?" Tanong ng tinutukoy kong parang leader nila. Hindi ko siya pinansin sa tanong niya at tumingin kay Josh.
It means, ayokong kumausap ng tao. At kailangan niyang kausapin ang guests kung ayaw niyang ma complain kami sa bar top.
Tumingin ako kay Ha-Ru daw. I remember his name na sabi ng babaeng nakabunggo sa akin sa school kanina.
He is busy playing with his cellphone.
Lumapit si Josh sa kaharap ko na guests at siya ang nakipag-usap.
"Wait. I'm talking to you, right?" Baling niya sa akin. Tiningnan ko siya saglit at napatingin na din sa mga kasama niya na nakatingin na din sa amin.
"Ah sorry sir. You can talk to me instead." Kinuha ni Josh ang atensiyon ng lalaking leader nila.
Ipinagpatuloy ko lang ang pag gawa ng mga orders ko at hindi ulit pinansin ang lalaki.
Pffft. Sa isip-isip ko ay natatawa ako sa ekspresiyon ng mukha niya. Nag mukha siyang tanga sa ginawa ko. Naiiling naman ang mga kasama niya na natatawa din sa kanya ng patago.
I just felt someone's staring...
Kaya napatingin ulit ako sa grupo nila at hinanap sa kanila ang nakatingin sa akin.
Ha-Ru... wait, is he really staring at me?
And then I remembered everything nang magtama ang mga tingin namin...
He was the one I saved outside the bar before. Before I decided to transfer to a new school.
So nakilala niya ako?

Bình Luận Sách (217)

  • avatar
    CagaraMarcial

    t70p7696eoyiyyiyiiyyiiy8y7tugoyehdoe9edo3do3d3idgpurd2ri3pdipgux3pug3igexigpig3igd3gf3igdgpipx3igrxigpdih3xrpir3xipxipixeigxxi3gigxigp3gipdpiipexi038hxi0r3ig3xegi0ux07dgg7dpux3u0xug3rg0gidi0dixdihpiig0xi0deiuiey3x82etpx3p7dx7put3xutd3xugpegu02upe2upugedup2upe2dpgex2uge2ugx270gu0e2gx0ueg2xg702upxe2gpxggzupup2gxupegzupe2zpu2epuzufe2upfupezugx2eugpupd2gupexe2xupezpud2pgzepu2zgupu2dfup2zupupddupgxeup2zfud2xfpxpugdx2pudxugug3xs3updupsupup3upedupgd2gpg2ugiepig2p2exgpu37pgexgupup3xpg3dipex3igpigd XD pi

    22h

      0
  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    😆😆😆😆😆😆😆😆

    1d

      0
  • avatar
    Jovielyn Andan

    so so good

    1d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất