logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

“I love you so much, babe.  I can’t bear the thought of losing you.”
Narinig nya ang sariling boses na binibigkas ang mga salitang yan.  Kinakausap nya ang babae sa panaginip nya.  Nakita nyang ngumiti ito sa kanya, hindi nya pa rin makita ng malinaw ang mukha nito.  Nasa baybayin sila, nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito.  Hindi ito nagsasalita.  Lumapit sya dito at tinangkang  alisin ang buhok na nakatabing sa mukha nito ngunit ito ay tumalikod at naglakad palayo sa kanya.  He tried to follow her but he can’t.  Parang nakabaon ang mga paa nya sa buhangin, hindi nya ito maigalaw.
“Babe, come back!  Please.  Come back!” Sigaw nya.  Pinipilit nyang ihakbang ang kanyang mga paa upang habulin ito pero hindi nya magawa.  Sigaw lang sya ng sigaw hanggang sa mamaos na sya, ngunit hindi man lang lumingon sa kanya ang babae.  Tila hindi nito naririnig ang pagtawag nya.  Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa nawala na ito sa paningin nya.
Marahas na napabangon si Mike mula sa pagkakahiga nya.  Pawis na pawis sya.  Napakalakas ng tibok ng puso nya, pakiramdam nya eh tumakbo sya ng pagkalayu-layong milya.  He dreamt of her again.  And he called her Babe.
Gusto nyang maiyak dahil sa frustration.  Paulit-ulit syang dinadalaw ng mga ala-alang yun pero hindi nya magawang makilala ang babaeng yun. 
Babe.
Who was that girl? Why is she haunting him? Was she his girlfriend then?
Ang daming tanong na pumapasok sa utak nya.  Gusto na nyang iuntog ang sarili para magbalik na lahat ng alaala nya.  Sana kung ganun lang kasimple yun ay matagal na nyang ginawa.  Para na syang mababaliw sa pag-iisip tungkol sa babaeng yun.  Hindi na sya bumalik sa pagtulog.  Tumayo na sya at dumiretso sa banyo para mag-shower.  He wanted to forget that girl for a moment.  Kahit ngayon lang, gusto nyang ipahinga ang isipan nya.  He’s tired and frustrated.  He terribly wants to know the truth, but he can’t think straight kapag ganitong magulo ang utak nya.  He needs to see Dr. Lozano again, and he should do it today.

“Good morning, Sir.” Bati sa kanya ng sekretarya nya.  This is his first day of work as the new CEO of DSGC.  Ipinasa na sa kanya ng mommy nya ang posisyong yun the other day.  He accepted it dahil na rin sa kagustuhan nyang pagbigyan ang kanyang ina.  And this is one way for him to get his mind busy on other things. 
Bago sya pumasok ng opisina ay dumaan muna sya kay Dr. Lozano.  Ipinayo nito sa kanya na hayaan nyang bumalik ng kusa ang kanyang mga alaala.   It won’t do him any good kung pipilitin daw nya.  Sinabi nitong mas makabubuti sa kanyang subukan ang mamuhay ng normal.  Coz eventually, he’ll regain those memories back.  And he has to wait.  But she also said, it will be soon dahil dumadalas na ang mga flashbacks na nakikita nya.  He promised her na susundin nya ang payo nito. 
Dire-diretso na syang pumasok sa opisina nya.  Ito ang nagsilbing main office ng kompanya.  At ngayon sya na ang mag-oopisina dito.  Hinarap nya ang mga papeles na nakatambak sa mesa nya.  Sinadyang iwan ito ng kanyang ina para mapag-aralan nya ang iba’t-ibang negosyo na meron sila.  Magtatanghali na ng mapansin nyang may taong nakatayo sa may pintuan.  Ngayon nya lang napansin ang presensya nito dahil masyado syang nakatutok sa mga binabasa nya.  Nakangiti itong lumapit sa kanya.
“Hello, hon! You looked so serious earlier that I wouldn’t mind standing there for an hour.” Akma syang hahalikan nito sa labi ngunit iniwas nya ang kanyang mukha.  Nasa opisina sila, and he won’t tolerate such an act kahit pa nga ba girlfriend nya ito at sarado ang office nya.
“You don’t have to come here.” Malamig nyang sabi dito.  Umupo naman ito sa upuan sa harap ng mesa nya.  Nakabadya sa mukha nito ang sakit sa rejection nya.  He felt a slight guilt for what he just did.
“I-I just wanted to ask you out for lunch.” Mahinang sabi nito.
“Can’t you see I’m busy? Next time you come here, make sure to inform me.  Don’t just barge into my office.”
He doesn’t want her here.  He chose to take this job para maalis ang focus nya sa kanyang lost memories.  At hindi nya kailangan ang iba pang alalahanin.  He has so much in his mind already.
“I-I’m sorry, hon.  Akala ko kasi matutuwa ka na binisita kita dito.  Don’t worry, hindi na mauulit.” Tumayo na ito at lumakad palabas ng opisina nya.  Hindi nya na ito hinabol, he really doesn’t care about her.  He just went back to work and  turned off his phone.  For sure, tatawag ang mommy nya sa kanya dahil sa ginawa nya kay Penelope.  And he’s not in the mood to talk about that girl.
Habang nagbabasa ng mga records, napansin nya ang mga loan applications na nai-grant ng De Silva Bank.  Isa sa mga pagmamay-ari ng DSGC.  Marami palang mga kompanya ang hindi na nakakapagbayad ng kanilang mga loans.  Binasa nya ang mga yun at isa sa mga nakaagaw ng atensyon nya ay ang Gonzales Recording Company.  Matagal nang hindi ito nakakabayad, palaging promissory note lang ang ipinapadala sa kanila.  Hiningi nya sa kanyang sekretarya ang records ng GRC at ng iba pang mga kompanya.  Bago umuwi ay napagdesisyunan nyang personal na puntahan ang mga nasabing kompanya.
----
"Gail! May good news ako sa'yo!"
Masayang salubong sa kanya ni Mae.  Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti sa pagiging hyper ng kaibigan ko.  Natutuwa talaga ako at naging close kami nito.  Gumagaan ang pakiramdam ko at nakakalimutan ko ang mga alalahanin kapag napapalibutan ako ng mga taong kagaya ni Mae.
"Ano naman yun? Make sure na magugustuhan ko yan ha."
"Si Red!  Yung bagong dating na singer.  Nandito sya!"
"Alam ko.  Naikuwento na sakin ng kapatid ko yan."  Naglakad na ako papunta sa office at nagkunwari akong hindi interesado sa sasabihin nya.  Alam kong dumating na si Red sa Pilipinas.  Nag-iisip na nga ako ngayon kung paano ko sya makakausap.  Naisip ko tuloy kung ano ang magiging reaksyon ni Mae kapag nalaman nitong kilala ko si Red ng personal.  Malamang kukulitin ako nito.
"Hoy Gail! Teka lang naman.  Makinig ka muna." Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Nandito sya! I mean, nasa office ni Sir Ron!" Bigla syang kinabahan. 
Ano'ng ginagawa ni Red dito?
Bakit sya nandito?
Alam nya kaya na dito ako nagtatrabaho?
Hinahanap nya ba kami?
"Hoy Gail! Natulala ka na dyan.  Akala ko ba hindi ka interesado kay Red?" Napatingin ako kay Mae.  Nanunukso ang tingin nya sakin.  Kinalma ko naman ang sarili ko.
"Totoo ba yang sinasabi mo? Kanina pa ba sya nandito? Ano'ng ginagawa nya dito?" Sunud-sunod na tanong ko.
"Oops! Teka lang naman, isa-isang tanong lang, mahina ang kalaban eh." Natatawang sabi nito.  Hinintay ko naman ang sagot nya.
"Kararating lang nila.  Nagulat nga ako dahil sobrang aga pumasok ni Sir Ron.  Pero muntik na talaga akong himatayin kanina nang mapansin ko kung sino ang kasama nya.  Ang gwapo nya Gail! Halos hindi ako makapagsalita nung binati nya ako ng good morning kanina." Tuloy-tuloy na pagkukuwento nito.
"Magkakilala pala sila ni Sir Ron?" Tanong ko ulit. 
"I'm not sure.  Pero mukhang magkakilala nga sila dahil para silang mag-ama habang nag-uusap kanina."
Malamang kinukuhang talent ni Sir Ron si Red.  Baka nga yun ang rason kung bakit nandito sya.  At hindi dahil sakin.
"Sige na, Gail.  Pumasok ka na dun.  Baka hinihintay ka na ni Sir Ron at ng prince charming ko." Itinulak na sya ni Mae patungo sa office.
Oo, gusto ko ring makita si Red.  Pero hindi ko naman inaasahan na ngayon na pala agad yun.  Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin ko sa kanya.  Parang naduwag ako bigla, hindi pa ako handang makaharap sya ulit.
Ano ka ba naman, Gail?! This is your chance.  At least dito sa office, walang maiingay na fans na gugulo sa inyo.  And it's for Trixia.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob.  Para na tuloy akong ewan nito.  Napahinga ako ng maluwag nung makita kong wala sila sa office ko.  Siguradong nasa loob sila ng office ni Sir Ron.  Mabilis akong lumakad papunta sa mesa ko.  Inaasahan kong anytime eh lalabas sila.  Maya-maya eh narinig kong tumunog ang intercom.
"Ms. Hernandez, will you please come into my office." Boses ni Sir Ron yun.  Ang bilis-bilis na talaga ng tibok ng puso ko.  Bago ako tumayo ay kinalma ko muna ang sarili ko.  Kumatok ako sa pintuan at binuksan ito.
Bahala na si Spongebob!

Bình Luận Sách (113)

  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    20/07

      0
  • avatar
    Paps Ng Lahat

    wow

    18/07

      0
  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    14/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất