logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

"Ate, kumusta ang interview mo? Natanggap ka ba?"
Yan ang salubong na tanong sakin ni Trixia pagpasok ko ng pinto.  Naabutan ko syang nanonood ng TV.  Kami lang dalawa dito sa bahay.  Kampante naman ako na iwan syang mag-isa dahil safe naman ang subdivision na tinitirhan namin.  Nasa kabilang bloke lang din naman ang bahay ni tita Sonya, medyo malapit lang din samin.  At tuwing weekdays, pinapapunta ni tita Sonya sa bahay ang dalagitang anak ni Nana Cita na kasambahay niya para may makasama naman si Trixia.
Instead of answering her question, umupo ako sa sofa at nagkunwaring malungkot.  Gusto kong sorpresahin ang kapatid ko.  Alam ko excited rin sya na magkaroon ako ng bagong work.
"Hindi ka natanggap ate? Sayang naman.  Hindi nila makikita ang maganda mong mukha araw-araw.  Hehe."
Pinipigilan ko ang sarili kong wag mapangiti sa sinabi nya.  Ganyan talaga ang kapatid ko.  Kapag alam nyang nalulungkot ako, gumagawa sya ng paraan para mapasaya ako kahit sa munti nyang paraan.
Iniabot ko sa kanya ang plastic na may lamang ingredients ng spaghetti.  Favorite food nya kasi yan.  Gusto kong mag-celebrate kami dahil natanggap ako sa trabaho.
"Wow! Spaghetti! May birthday ba ate?"
"Naku naman bunso, kapag ba may spaghetti may birthday agad? Ikaw talaga.  Natanggap po ako sa trabaho." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Talaga, ate? Sabi ko na nga ba eh, di nila matitiis na di makita ang iyong beautiful face.  Hehe." Napapatawa na rin ako sa sinabi nya. 
"Nasaan na nga pala si Carla?" Yun ang anak ni Nana Cita.
"Umuwi na ate.  May date pa daw kasi sya."  Napailing naman ako.  Kabataan talaga.  Masaya nang pumunta sa kusina si Trixia bitbit ang plastic.  Naisip ko tuloy, paano na lang kapag nawala sakin ang kapatid ko? Makayanan ko kaya?
Umakyat na ako sa itaas at mabilis na nagpalit ng damit.  Bumaba rin ako agad para mailuto ang spaghetti.  Alam ko sabik na sabik na ang kapatid kong kumain nun.  Pagkatapos naming kumain eh tumambay muna kami saglit sa sala at nanood ng TV.  Tinawagan ko naman si tita Sonya at ibinalita sa kanya na natanggap ako sa trabaho.  Masayang-masaya naman sya para sa akin. 
Mga bandang alas-9 na ng gabi nang mapagpasyahan naming matulog na.  Magkahiwalay na kami ng kwarto ni Trixia.  Ayoko sanang pumayag nung una dahil nasanay na akong katabi sya sa pagtulog pero sabi nya malapit na daw syang magdalaga kaya dapat daw di ko na sya bini-baby.  Gusto rin daw nyang masanay matulog mag-isa.  Take note, ten years old pa lang sya.  Wala na akong nagawa kundi pagbigyan sya dahil may point din naman ang bata.  Ayoko rin naman na maging forever dependent sya sakin.
Simula na ng pasok ko bukas, nasabi na sakin ni Mrs. Lopez kanina ang mga main work ko as the new secretary.  But we still have a week para ma-orient nya ako sa iba pang mga gawain.  Salamat talaga at nakuha ko ang trabahong to.  Excited na akong pumasok bukas. Pinatay ko na ang ilaw at natulog na.
----
Galit na galit ang mommy nya nung mabalitaan nito ang nangyari sa kanya kanina sa daan. Pinatawag nito agad si Dr. Grace Lozano, family friend nila, isang neurologist at ang na-assign na doktor nya dito sa Pilipinas to check him up. Alalang-alala ang kanyang ina. Nabawasan lang ang pag-aalala nito nung sabihin ni Dr. Lozano na sadyang dumaranas ng ganung epekto ang mga pasyenteng may amnesia. Lalo na kung meron itong naaalala. Sinabi nya na lang na may nakita lang syang pamilyar sa kanya kaya biglang sumakit ang ulo nya. Hindi nya na sinabi sa mga ito ang tungkol sa CD. Gusto nyang sya mismo ang mag-imbestiga tungkol sa bagay na yun. He was pretty sure that that woman was part of his past. Pero pano napunta sa sasakyan ng daddy nya ang disc na to?
Nasa kwarto na sya ngayon, nagpapahinga. Kakaalis lang ni Dr. Lozano at inihatid ito ng mommy nya palabas. Hawak-hawak nya ang CD na pinatugtog nya kanina. Pansin nyang isa itong recordable disc. Malamang someone burned that song on that disc. Or maybe, that girl recorded it herself. Napansin nyang may nakasulat din dito, medyo nag-fade na ang tintang ginamit sa pagsulat nito. A dedication written just below the hole.
Babe, this is for you. K.H.
May iba bang babae ang daddy nya? Pero bakit pamilyar sa kanya ang boses ng babaeng kumakanta? Does this disc belongs to him? Sino si K.H.?
Ang daming tanong na pumapasok sa isip nya ngayon.
Maybe this dedication might lead him to a more distinct info about that girl. Iniisip nyang baka kapag pinakinggan nya ulit ang kanta, he might remember something again.
Kinuha nya ang kanyang laptop at isinalang ang CD. He won't mind if sumakit ulit ang ulo nya basta ang importante eh malaman nya kung sino ang babaeng yun. He was about to click the play button nang marinig nyang may kumatok sa kanyang pinto at bumukas ito.
"Michael Jay! Will you put that thing aside? You should be resting now." It's his mom. Grabe talaga yan mag-alala pagdating sa kanya.
"Mom, I'm fine." Pero itinabi nya na rin ang laptop nya. He don't want to worry his mom. Na-stress na nya ito kanina. Mamaya na lang nya pakikinggan ang CD.
"No, you're not. Tingnan mo nga yang sarili mo. You looked pale. Dapat nga dinala na kita sa hospital kanina."
"Mom, really I'm good. Itutulog ko lang to."
"I think I should call Penelope para maalagaan ka nya." Kinuha nya ang cellphone nito na akmang tatawagan si Penelope.
"No need to bother her, mom. I'm okay. I just wanted to rest." And I don't want any other stress right now. Pero hindi nya na sinabi sa mommy nya yan. He returned her phone.
"Fine. But promise me that you'll rest, okay? Alam mo naman na ayokong nahihirapan ka sa kondisyon mo. Do you really want to remember everything, son?" Hindi nya inaasahang itatanong yan ng mommy nya.
"Of course, mom. I think I wouldn't be complete kapag hindi nagbalik sakin ang mga alaala ko. Bakit mo naman naitanong yan?"
"It's just that I don't want you to force yourself to remember, dahil masasaktan ka. Just like what happened today. And besides, you can still make new memories. With me, with Penelope. You don't have to go through that pain again, son."
Napaisip sya sa sinabi ng mommy nya. What does she mean? Meron ba syang hindi dapat maalala sa past life nya?
"Why, mom? Is there something I need to forget from my past?"
"N-no, son. W-well hindi naman yan ang ibig kong sabihin. You should rest. I forgot I have a meeting to attend to." Bago pa sya makapagtanong ulit, mabilis na itong humalik sa kanya at lumabas ng kwarto nya. Leaving him wondering about what they had just talked.

Bình Luận Sách (113)

  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    20/07

      0
  • avatar
    Paps Ng Lahat

    wow

    18/07

      0
  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    14/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất