logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 4

New university.
Para akong nabingi sa sinabi ni Dada sa akin.W-Wala na ang lola ko?
Kahit hindi ako totoong anak ni Dada ay minahal st tinanggap pa rin ako ni Lola Inshang.Malaki ang utang na loob ko sa kaniya,dahil siya ang nakakita sakin sa tapat ng kanyang bahay.Kung hindi niya ako kinuha noon ay hindi ko alam kung anong magiging kalagayan ko ngayon.Si Lola Inshang ang nakakita sakin at si Dada ang nagpalaki sakin dahil hindi na ako kayang alagaan ng matanda.
Pakiramdam ko ay sinasakal ako at may bumabara sa aking lalamunan.Hindi mo talaga alam kung kailan kukunin ang isang tao sa buhay mo,pero bakit ngayon pa?marami pa akong pangarap para sa lola ko, gusto ko pang suklian ang mga magagandang nagawa niya salin.Pero hindi ko na magagawa iyon ngayon...dahil wala na siya.
Patuloy pa rin sa pag-iyak at paghagulgol si Dada,nakatulalang lumuluha lamang ako.Masakit pero kailangan kong tanggapin...siguro pagod na siya...pagod na siya at gusto nalang magpahinga.
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman,malulungkot ba ako o magiging masaya para kay lola? masaya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na siya...alam ko na mang pagod na siyang pagbatiin ang mga anak niya.O magiging malungkot dahil nilisan na niya kami?
Hindi magkaayos ang mga anak ni lola Inshang...ang mga tito at tita ko,galit ang mga tito ko kay Dada dahil pusong babae daw ito.Nasira ang tradisyon ng mga Cameno na ang lahat ng lalaki sa pamilya ay masusundalo,ngunit hindi iyon nagawa ni Dada.Hindi ko maintindihan,kapatid pa rin sila ni Dada kaya bakit hindi nalang nila ito tanggapin? bakit hindi nalang nila ito suportahan sa mga gusto ni Dada?
Nung gabi ding iyon ay nagimpake at lumuwas kami ng maynila.Tulala pa rin ako sa mga nangyayari.
Kasabay ng pag-andar ng bus na aming sinasakyan ay ang pag-iwan ko sa lalaking una kong minahal...pero, siya naman ang unang nang-iwan hindi ba? siguro magiging masaya na siya ngayon dahil mawawala na ako sa kanyang landas...siguro ay matutuwa na siya,at umaasa ako na kung magkikita kaming muli ay hindi ko na siya mahal at maayos na ako.
Buong biyahe ay tulala at lumuluha lamang ako, si Dada naman ay nakatulog sa aking tabi dahil sa sobrang pagiyak.Mabuti na iyon dahil nakapag pahinga siya kahit kaunti.
Madaling araw na noong nakarating kami sa tapat ng bahay ni Lola,malaki at makaluma.Sa gate ay may tarpulin na nandoon ang mukha ni lola.Hindi ko mapigilan ang aking maiinit na luha,agad kong inalalayan si Dada dahil ba'ka himatayin siya.
Nang makapasok kami doon ay nanginig
agad ang aking magkabilang tuhod.Sumalubong samin ang puting kabaong.
"Anong ginagawa mo ditong bakla ka!?"agad na lumapit sa amin si Tito Antonio tila torong manunugod, ang panganay sa magkakapatid.Agad niyang kinwelyuhan si Dada kaya napahawak ako sa kamao ni tito Antonio para bitawan niya ito.
Agad na lumipat sa akin ang nanlilisik nitong mga mata"At ikaw!?anong ginagawa mo dito?!hindi ka namin kamag anak."tumutunog ang kanyang bagang.
Agad na bumalatay sa aking mukha at dibdib ang sakit...ampon.
Matagal ko nang alam iyan,alam na alam ko nang isa akong ampon dahil tuwing nagkikita kami ng mga kamag anak ni Dada ay lagi nilang ipinamumukha sakin na ampon lang ako...na wala talaga akong pamilya, na hindi ako dugong Cameno.
"Tito bitawan nyo na 'ho si Dada."pakiusap ko.
"Ang kapal mo namang utusan ako!?"
"Kuya ano ba!huwag mo ngang sinisigawan ng ganyan ang anak ko!"sigaw ni Dada sa kanyang mukha.
Pabarag siyang binitawan ni Tito Antonio si Dada.
"Nababaliw ka na ba Erickson!? hindi mo yan anak! hindi yan Cameno!"
Naramdaman mo na ba yung pakiramdam na para ka ng isinusuka ng pamilya mo?...
Gusto kong matawa sa naisip ko...oo nga pala, hindi nila ako kadugo,hindi ako isang Cameno...
Sino ba kasi talaga ako?dahil nandyan si Dada lagi sa tabi ko ay hindi ko pa rin maiwasang mangulila sa totoong mga magulang ko, pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko...pakiramdam ko may nawawala sa pagkatao ko at hindi ko mahanap ito.
"Wala akong pakealam kung hindi siya isang Cameno kuya! anak ko siya! at wala ka nang pakialam pa!" naghahabol nang hininga si Dada.Parang hinaplos ang aking puso dahil sa sinabi niya...kahit hindi ko talaga alam kung sino ako ay mayroon akong mapagmahal na Dada.
"Wala ka talagang kwenta Erickson!"huling sabi niya bago patabog na umalis.Napaupo nalang si Dada sa malapit na upuan at hawak hawak ang kanyang dibdib, mabuti nalang at lumapit si Tita Lili para bigyan ng tubig si Dada.Ilang sandali lamang ay huminahon na ito.
"Ele kumain na muna kayo at magpahinga ni kuya Erickson."malamlam ang tingin nito sa amin.Ngumiti ako ng tipid.Halatang wala rin siyang tulog.Mabait si Tita Lili,siya ang bunso sa apat na magkakapatid na Cameno.
"Kayo nalang po ni Dada ang mag pahinga.Ako muna po ang magbabantay dito."agad na bumalatay sa kanyang mukha ang pagkadigusto sa sinabi ko.Nag aalinlangan.
Sinabi kong ayos lang ako at magpahinga na siya dahil halatang halata sa kanyang mukha ang pagod.
Sa huli ay pumayag din siya at nagpahinga sila ni Dada at naiwan akong mag isa ditong nagbabantay.Wala pa si Tiya Luciana, ang tita kong lagi akong nilalait...hindi ko alam kung pupunta ba siya, dahil galit siya kay Lola.
May bintana sa aking likod,humarap ako doon at tumingala sa buwan habang lumuluha,bilog na bilog at sobrang liwanag nito.
Sino nga ba talaga ako?saan nga ba ako galing?ano ba ang pakiramdam na kasama ang totoong mga magulang? hindi naman sa nakukulangan ako sa pagmamahal na ibinibigay sakin ni Dada pero hindi ko pa rin maiwasan mag isip kung sino be talaga ako at saan ba talaga ako nararapat?
Nasaan ba talaga ang mga magulang ko?sino be talaga ako? saan ba ako galing? bakit nila ako iniwan?...ayokong isipin na hindi nila ako mahal kaya iniwan nila ako... pero hindi ko mapigilan.Sa tuwing pumapasok sa aking isipan na iniwan ako ng mga magulang ko sa lansangan hindi ko maiwasang magalit sa kanila...normal lamang iyon hindi ba?may karapatan naman akong magalit sa kanila hindi ba?
Natatanong ko din sa aking sarili kung masaya ba ang mga totoo kong magulang kahit hindi nila ako kasama?nakalimutan na ba nila ako?nakalimutan na ba nila ang sanggol na iniwan nila sa kalsada?
Hanggang sa lisanin ng buwan ang langit ay nakatulala lamang ako doon.Hindi pa ako matatauhan kung hindi ko marinig ang boses ni tita Luciana at ang anak nitong si Janice.
Naka crop top na itim si Janice at naka high waisted na pantalon kaya kitang kita ang maliit na bewang nito.
Agad akong napaiwas ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya, pinagtaasan niya ako ng kilay.
Si Tiya naman ay hindi nakikitaan ng sakit sa mga mata,normal...hindi nasasaktan.
Natawa na lamang ako sa aking isipan. Ano pa nga bang aasahan ko? galit siya kay Lola at gusto na niya nga itong mamatay.
Kung sino pa itong mayroong magulang ay ito pa iyong gustong mawala ang magulang...samantalang ako...
Napabuga ako ng hangin.
Hanggang sa dumating na ililibing si Lola ay wala pa ring pansinan ang magkakapatid,nabalitaan ko na rin na muntik na palang masunog ang buong unibersidad namin at nakulong ako sa room.Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Grei dahil kung hindi niya ginawa iyon ay marahil lechon na ako ngayon.
Ang mga iba ko namang pinsan na dumating ay hindi ko nakakausap,kakausapin lamang nila ako kapag may iuutos.Gusto ko sana silang singhalan dahil ginawa nila akong katulong,pero namayani pa rin ang respeto ko sa kanila at alam ko naman akong karapatan...dahil tulad nga ng sinabi nila, isa lang akong ampon.
Mahirap silang pakisamahan, pero wala akong pagpipilian.Mahirap makisama sa  mga taong ayaw sa iyo.
Nasa tabi lang ako ni Dada noong inililibing si Lola dahil nag aalala ako sa kanya, dahil lagi siyang umiiyak.
Sinabi rin sa akin ni Dada na dito na kami titira at lilipat na ako ng unibersidad na papasukan, mas ayos na rin iyon, dahil mas madali akong makakapag move on sa kanya.
Ako mag isang nag asikaso ng mga kakailanganin ko upang makalipat ng university, dahil inaayos ni Dada ang last testament ni Lola.Pinagpapasalamat ko nalang na may sari sariling bahay ang mga tito at tita ko dito sa maynila para makaiwas na din ako sa mga malasakit na salita mula sa kanila.
Nasa tapat ako ng gate na unibersidad  na papasukan ko,malawak ito at balita ko ay kumpleto sila sa mga gamit at kurso dito.
Naputol ang pagtingin ko sa gate ng may bumangga sakin kaya muntik na akong matumba,mabuti nalang at naalalayan niya agad ako.
"Ay!sorry,sorry ate."Yumuko yuko pa ito.
Nalukot ang mukha ko dahil nakakakuha kami ng atensyon ng mga estudyante dahil sa kanyang ginagawa.Hinawakan ko ang balikat niya upang pahintuin ito.
"Ayos lang,"agad akong napatigil ng mag angat siya ng tingin sakin.
Ang ganda niya...
Maliit at matangos na ilong,makinis na mukha at magagandang uri na mga mata.
Grabe, mukha siyang anghel.
"Sorry ate,teka?bago ka dito?ngayon lang kita dito."maganda siyang ngumiti sakin.Bigla akong nailang dahil hindi ako sanay na kinakausap ng ganito.
"Ah oo—"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may biglang lumapit sa amin.
"Oy panget!"tuwang tuwa itong guluhin ang buhok ng babae ngunit agad siyang napatigil at lumipat ang kulay dagat niyang mga mata.Nanlalaki ang kanyang mga mata at mukhang nagulat din.

Bình Luận Sách (141)

  • avatar
    Del AlfredoRey

    5 star

    14d

      0
  • avatar
    TobiasMerlita

    😮‍💨😮‍💨

    23d

      0
  • avatar
    Erick Veer Teleron

    very nice

    25d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất