logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 4

“HELLO Louis!”
“Hi” sagot niya sa magandang babaeng bumati sa kanya. May kasama itong dalawa pa at nakaupo sa mahabang wooden bench na nasa corridor ng college building nila.
“Bakit hindi ka sumasagot sa mga texts ko? Nagpalit ka ba ng number?” anitong humimig pa na parang nagtatampo.
Hindi siya napigilan ang hindi napangiti dahil doon. Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong eksena, kaya parang wala ng dating sa kanya. “Nope, iyon parin ang number ko. Medyo busy lang sa studies, alam mo na graduating eh” pagdadahilan niya nang makalapit dito.
“Ganoon ba, okay sige. But if you need someone, alam mo na” anitong makahulugan pa siyang kinindatan.
Natawa nalang siya ng mahina doon. “I have to go, I'll see you around” ang naisagot niya sa halip saka naglakad na ng walang lingon-likod. Natigilan lang siya nang makita ang nagbabasa sa loob ng waiting room.
Sa pagkakakita niya kay Jade ay parang may kung anong naguudyok sa kanyang lapitan ito. Makahulugan pa siyang napangiti nang mapunang tila hindi nararamdaman ng dalagang nakatingin siya rito.
Kung sakaling kaibiganin kita, matanggap mo kaya ako kahit parang walang dating sayo ang charm ko?
NAIWAN siya sa bakanteng waiting room sa building ng College Of Education, nang biglang sumingit sa isipan niya si Louis. Nagpunta kasi sina Pau at Rhea sa library, at gaya nga ng sinabi ni Mr. Buenrostro, banned sila sa aklatan ng binata.
“Ang mokong, kundi dahil sayo di sana nasa library din ako ngayon at nagpapalamig!” bahagya pang nainis niyang bulong saka nagpaypay nang makaramdam ng alinsangan.
Nasa ganoong ayos siya nang biglang magbukas ceiling fan sa tapat kung saan siya nakaupo. Agad niyang nilingon ang gawi ng pinto para lang matigilan nang makita kung sino ang nakatayo roon.
Mabilis ang naging tugon ng kaniyang mga senses sa pagkakakita kay Louis. Agad na sumikdo ang matinding kaba sa kaniyang dibdib, lalo nang makita itong palapit sa kaniya.
“Pwede ka namang magbukas ng ceiling fan, kasama iyon sa binabayaran mong matrikula” anitong naupo sa bakanteng silyang katabi niya.
“Ano bang pakealam mo?” mataray niyang sagot saka ito matalim na tinapunan ng sulyap.
“Ang sungit mo naman, para nakikipagkaibigan lang ang tao.”
“So? Baka nakakalimutan mong malaki ang atraso mo sa'kin? Para ipaalala ko sayo kaya nagtitiis ako dito sa pagpapaypay ay dahil sa lahat ng kawalanghiyaan mo!”
“Tsk...tsk...tsk...Alam mo, maganda ka nga pero sobrang taray mo naman. Paano ka maliligawan niyan kung daig mo pa ang Hungarian Horntail kung magalit?”
Ramdam niya ang pang-aasar sa tinig ni Louis. Pero hindi iyon ang nagpainit ng husto sa ulo niya. Kahit hindi pa niya nababasa ang book four ng Harry Potter ay alam naman niya kung ano ang sinasabi nitong Hungarian Horntail dahil tapos na niyang panoorin ang buong movie series. At iyon ang pinakamabangis na dragon na kasali sa Triwizard Tournament.
At anong karapatan nito para i-compare siya sa isang dragon? Wala ba talagang kahit kaunting gentleness na nasalo ang lalaking ito?
Padabog niyang isinara ang binabasang libro saka tumayo ng masama ang tingin sa binata. “Anong sinabi mo? Pakiulit nga!”
Lumapad ang pakakangiti ni Louis. Tumayo ito saka siya inakbayan ng tila ba hindi sila mortal na magkaaway.
“Huwag ka ngang umasta na parang wala kang kasalanan sa akin!” pagkasabi niyon ay galit niyang tinabig ang braso nito nakaakbay sa kaniya.
“Saka isa pa huwag na huwag mo akong tatawaging Hungarian Horntail dahil alam ko kung ano ang sinasabi mo!” halos pasigaw niyang turan saka nagpupuyos ang dibdib niya itong dinuro.
Nang titigan niya si Louis ay nakita niyang bakas sa mukha nitong nag-eenjoy ito sa ginagawang pang-aasar sa kaniya. Dahil doon ay lalong umusok ang ilong niya sa galit. Kaya naman nang makita niya itong nagbuka ng bibig ay mabilis na umigkas ang kanang kamay niya.
Nagulat at parang natauhang napatitig siya sa kaharap niyang blangko ang ekspresyon ng mukha. Gustuhin man niyang huwag ipahalata ang takot na nararamdaman ay hindi niya nagawa.
“S-sorry” paumanhin niya.
Pero hindi umimik si Louis at sa halip ay nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Halata namang hindi nito ininda ang malakas niyang sampal kahit pa nag-iwan iyon ng marka sa mukha nito.
“Alam mo bang ikaw palang ang nakagawa sa akin ng ganoon?”
Pakiramdam niya ay parang mapapaso siya dahil sa tindi ng init na nilikhang tensyon ng mga titig ni Louis. Lihim pa siyang napasinghap at lalong kinabahan nang makitang humakbang ang binata palapit sa kaniya.
“Kaya nga nagso-sorry eh!” balik na naman siya sa dating mataray niyang tono sa kagustuhang itago ang takot na nararamdaman.
Napatili siya nang saklitin ni Louis ang kaniyang baywang. Sandali muna siyang hindi nakakilos at makaraan ang ilang segundo ay saka niya itinukod ang dalawa niyang kamay sa dibdib nito para pakawalan ang sarili. Pero totoong nagulat siya at parang hindi makapaniwala nang makapa ang muscled chest ni Louis.
“Ano malaki ba?”
Nang tingalain niya si Louis ay nakita niyang umangat ang sulok ng labi nito saka nanunuksong ngumiti. Mabilis niyang naramdaman ang pag-iinit ng kaniyang buong mukha nang makuha ang ibig nitong sabihin.
Oo malaki at sobrang tigas! Pero mamamatay muna ako bago ko sabihin iyon sayo!
“Bitiwan mo nga ako!” awtorisadong utos niya sabay palag.
Pero lalong hinigpitan ng binata ang pagkakahapit sa kaniya saka tuluyang inilapat ang katawan nito sa kaniya na para bang kahit hangin ay hindi makadaraan sa pagitan nila.
“At bakit ko gagawin iyon? Eh ang lambot-lambot ng katawan mo, ang sarap hapitin ng makipot mong baywang.”
“Kapag hindi mo ako binitiwan sisigaw ako!” pananakot niya sa halip.
“Kapag sumigaw ka, hindi ako magdadalawang isip na halikan ka” may warning sa tinig ni Louis saka pa nito tinitigan nang tila natatakam ito sa mga labi niya.
Sunod-sunod siyang napalunok.
“Ano sisigaw ka pa ba?”
Parang wala sa sariling napailing siya gawa ng matinding takot. Kapag hinalikan siya ni Louis ay malaki ang posibilidad na may makakita. At kapag nagkataon ay malaking problema nanaman iyon.
Nakahinga siya ng maluwag nang pakawalan siya ng binata. Ngunit sa kabilang banda, may bahagi ng puso niya ang tila ibig magprotesta sa ginawa nitong pagpapakawala sa kaniya.
“Hihintayin kita sa parking lot mamaya, ihahatid kita sa inyo. Saka ano na nga pala ang cellphone number mo?” si Louis na ipinatong ang dalang binder sa ibabaw ng History book niya.
Agad na nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig na hinimig ng binata at maging sa tonong ginamit nito. At dahil nga mas nangingibabaw sa kanya ang inis hindi niya napunang kasamang dinampot ng binata ang libro niya na nakailalim sa binder nito.
“Huwag ka ngang parang prinsipe diyan kung magsalita! At bakit ako sasabay sayong umuwi eh kanina lang muntik mo na akong manyakin? Saka wala akong cellphone! Mahirap lang ako at sa mahal ng mga cellphone na iyan hindi wais na bumili ako habang nagpapakahirap ang mga magulang ko sa paghahanap buhay para paaralin ako!”
“Ang haba ng sinabi para number lang ang hinihingi eh. Saka anong pinagsasasabi mo? Bakit naman kita mamanyakin?” anitong sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
“You’re not my type!” pagkasabi niyon ay nakakaloko pa itong ngumisi.
“Aba’t tarantado ka talaga!” aniyang inambahan ng kamao ang binata.
“Sige gawin mo yan nang marating mo ng wala sa oras ang langit sa pamamagitan ng mga halik ko” pagkasabi niyon ay tumalikod na ito palabas ng silid.
“Hihintayin kita sa parking lot” pahabol pa nito.
“Mayabang! Kukulapuhin ka sa kahihintay doon! Pangit!” humihingal sa galit niyang bulyaw.
Dinig na dinig niya ang nakakalokong tawang pinakawalan ni Louis habang papalayo ito.
Pabagsak siyang muling naupo saka natigilan nang mapunang nawawala ang History book niya.
Louis!
Dahil sa katotohanang iyon ay bugnot siyang napasimangot.

Bình Luận Sách (61)

  • avatar
    GranolinJohn Cyrus

    good

    25/07

      0
  • avatar
    Aung Kyaw Nyein

    Nice

    17/07

      0
  • avatar
    Johnmarley Lachica

    Thank you

    11/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất