logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 THE TOURIST

Dumampot ako ng malaking bato at sinundan ko lamang ang galaw na iyon. Hindi ako magdalawang isip na ipukpok ko agad ito sa kung anong klaseng nilalang na meron dito. If ganitong situation na nag-iba na talaga ang aking mood. I was switch into different person na it’s looks like I am ready to engage in a battle. Hindi na sumasagi sa isip ko pa ang danger na kakaharapin ko. Just bring it on! My eyes started to lit up when I can sense again the movement behind the bush. Dinaig ko pa ang ninja assassin dahil sa mabilis ko umahon at tinalon ang parte na iyon.
Ngunit nagulantang na lang ako na sigaw ng isang babae ang bumungad sa akin. I didn’t expect that it was human!
“Don’t please! Ayaw ko pang mamatay.” Sabay cross ng dalawang braso niya at tinago niya ang kanyang mukha.
Sino ito at anong ginagawa niya sa gitna ng gubat? To think nagtatago pa sa damuhan. Pervert ba ito?
“Sino ka at anong ginagawa mo diyaan at nagtatago ka pa talaga? May masama ka bang binabalak?”, tanong ko sa kanya sa malakas na tono ng boses.
Halos hindi pa nag sink in sa utak ko na isang tao at babae ang nakatago dito. Halos hindi ko mapigilan ang pagtataka at galit. Nakakunot ng husto ang aking noo at nagsalubong ang aking mga kilay. What if isa kang masamang tao?
“Oh no hindi po. Please believe me hindi ako masamang tao. I’m Yuri at isa akong tourist.”, wika ng nangangatal na boses nito.
Hindi agad ako nagtiwala at hindi naniniwala sa kanyang sinabi sa akin. Sinong tanga ang magtatago dito at sa gitna pa talaga ng kagubatan? Tourist? Ngunit habang sinusuri ko ang kanyang itsura ay parang isang camper at turista nga ito. Unti-unti siyang humarap sa akin at lumitaw sa akin ang maamo niyang mukha na ngayon ko lang nakita sa bayang ito. Mayroon itong dark hair pink color na mahabang buhok at sobrang maputi at mapinong balat. Mukha siyang artista at anak mayaman.
“Hi I’m so sorry hindi ko sinasadya na maistorbo ka sa iyong pagligo. At hindi rin ako pervert. Kaya nagtago ako dito dahil natatakot ako. Naligaw kasi ako habang naglibot at kumukuha ng pictures. Hindi ko akalain na mapadpad ako dito.”, mahabang paliwanag niya sa akin habang nahihiya nakatingin sa katawan ko at sabay turo sa hawak kong malaking bato sa aking kanang kamay na nakataas pa at ready ipukpok sa kanya.
Tinapon ko agad ang hawak ko na bato. Shit nawala sa isip ko na ang tanging saplot ko lang sa aking katawan ay under wear habang bakat na bakat ang pigura na nasa loob ng aking damit dahil sa sobrang nakababad ito sa basa. Dali-dali akong tumalikod at tinakbo ang aking damit na nakapatong lamang sa malaking bato. Agad ko itong isinuot. Saka ko lang na realize at tinuboan na ako ng hiya kahit babae pa ang kaharap ko. Shit.. Shit… Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na may tao dito pero buti na lang babae at hindi manyakis na lalaki kundi kanina ko pa napatay. Dahil sa kahihiyan ay wala akong ibang ginawa kundi manahimik na lang at binigyan ko ng masamang tingin ang dayuhang babae na ito. Pukpukin ko na kaya ng bato ito or di kaya lunurin ko na lang total wala naman siguro nakakaalam andito siya.
“Hahaha Please sorry na. Hindi ko talaga sinasadya Miss. Huwag mo naman ako bigyan ng death stare.”, ulit-ulit na paghingi ng paumanhin nito sa akin.
“Will you please help me na ituro sa akin ang tamang daan pabalik. Yung team ko ay nag camp malapit lang sa area na ito. Please?”, pakiusap ulit niya sa akin.
Inisnaban ko lang siya at tinaasan ng kilay. Nakakainis talaga dahil pakiramdam ko she invaded my privacy.
Itinuro ko sa kanya ang daan pauwi pero para talagang hindi marunong magtanda sa kanyang daanan. Alam mo yung parang walang alam. Wala talaga siyang sense of direction. Paano mag survive to sa gubat kung simple direct mo lang sa kanya ay nag-aalangan pa siya. Pakiramdam ko parang kargo de konsensya ko pa kung maligaw siya ulit dito at baka hindi na talaga makakalabas ng buhay ito kapag papabayaan ko lang. Lumingon ito sa akin na parang nagmamakaawa at kulang na lang sabihin niya sa akin na ihatid ko siya.
Tskk tsskk tsskk. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Dapat kasi kapag ganitong turista ay laging nakabantay sa kanya ang kanyang guide. Kaya no choice ako at ihatid siya sa camp site niya. Kainis na babae na ito ang bigat-bigat ng bayong ko tapos napalayo pa ako sa daan ko pauwi.
“Hi may I know your name? Again, I’m Yuri from the city of Manila. Nandito kami para sa aming projects sa university.”, ngumiti siya sa akin ng napakaganda habang inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
So tama nga ako hindi taga rito ito kundi nagmula sa malaking siyudad. Buti napadpad sila dito sa bayan namin. Kung titignan mo ay hindi ganoon ka sikat ang lugar namin at wala masyadong sikat na tourist spot kundi itong bundok, ilog at maliit na bayan lamang.
“Just call me Keira and a resident here.”, malamig ko na sagot dito
“Wow you have a lovely voice. Akala ko talaga kanina isa kang Diyosa sa gitna ng kagubatan. Sorry ha hindi ko maiwasan kasi na sobrang saya at carefree mo habang naliligo sa tubig kanina kaya na amaze ako. I honestly mesmerize with your enchanting beauty. Ikaw pa lang ang nakita ko na napakaganda sa bayang ito.”, aniya
Naligaw ka na nga iyan pa rin nasabi mo ha. Wala naman sa itsura mo mang uto ano? Galing galing mo talagang babae ka.
Dahil nai describe niya sa akin ng maayos ang mga pwesto ng puno na kanyang nadaanan bago maligaw kaya agad ko naituro sa kanya ang tamang daan pabalik. Talagang maliligaw siya sa ginagawa niya dahil sobrang layo ng inabot niya mula sa camp site nila. Narinig din namin ang tila sigaw at pagtawag sa pangalan niya. Malamang kanina pa siya hinahanap ng kanyang mga kasamahan. Napaka careless nga niya naman kasi. Pasalamat talaga siya na walang sira ulo dito sa gitna ng kagubatan.
“She’s here!”, sigaw ng sumalubong sa amin na kasama niya
Agad nagtakbuhan ang mga kasama niya sobrang dami nila dito sa camp site nila. At kung titignan mo ang ilan sa kanila ay naka ready na mag pack up. Pasaway lang talaga siguro itong babae na ito kasi siya lang ang nahiwalay sa grupo niya.
“Oh my God Yuri! Where have you been? Alam mo bang kanina pa kami nag-alala sa iyo ha.”
Agad siyang tumakbo sa grupo niya at binigyan niya ng mahigpit na yakap ang kanyang coach. Binigyan siya ng tapik sa likod ng kanyang coach na nagpapahiwatig na siya ay ligtas na.
“I’m so sorry coach. Naligaw po kasi ako and I’m so thankful kasi may tumulong sa akin. She is Keira the one who help me.”, sabay hawak niya sa braso ko na halos mapaluha
Hindi ako nagpahalata pero dahan dahan kong inalis ang pagkahawak niya sa akin na tila ba feeling close kami. Pinakilala niya ako sa kasama niyang may edad na babae and she called her coach. Kung titignan ko sila halos may mga naka kwentas silang camera. Maybe they are group of journalism or professional photographers.
“Oh, hi thank you for helping her. I’m coach Sanchez. We are tourist here. Pasensya ka na sa isa sa mga estudyante ko ha kung naistorbo ka. Pero kung hindi dahil sa iyo baka hanggang ngayon ay naghahanap pa rin kami sa kanya.”, wika nito sa akin.
Tumango lamang ako at nagbigay ng kiming ngiti. Hindi ako sanay makipag-usap sa mga strangers kaya kailangan ko ng umalis dito at magpaalam.
“Excuse me. I need to go na po. Magtatakip silim na po kasi kaya kailangan ko ng umuwi.”, agad na paalam ko sa kanila.
“No. Wait Keira sumabay ka na sa amin. Babalik na rin kami sa bayan. Bilang pasalamat ay hayaan mo ihatid ka namin sa inyo.”, pakiusap ni Yuri sa akin
“No thanks. Malapit lang naman sa amin. At huwag mo ng isipin ang pag help ko sa iyo. No big deal iyon.”, agaran na tanggi ko dito
Walang nagawa ang turistang ito sa pagtanggi ko sa kanya. Marahil naramdaman niya rin siguro ang pagka awkward ko kaya wala na siyang magawa na pilitin ako. Dahil mailap talaga ako sa mga hindi ko kakilala ay agad ko silang iniwan at tinalikoran. Atsaka masyado na akong na conscious sa itsura at ayos ko na kanina ko pa napapansin na kanina pa ako tinitignan ng malagkit ng mga kasama niya.
Sa totoo lang medyo malayo pa talaga yung amin kaya kailangan ko ng magmadaling umuwi. Yung 30 minutes na lakad ko pauwi sa amin ay halos abutin ng mahigit pa doon dahil napalayo ako sa aking short cut na daan. halos liparin ko na rin ito dahil nagmamadali na talaga ako.
Sobrang pagod at hingal ang inabot ko pagkadating sa bahay. Agad ako pinagbuksan ng pinto ng aking nakakabatang pinsan. Dali-dali kong tinignan ang wall clock at 5:30 na ito kailangan ko na magmadali.
“Angelo nakapag saing ka na ba ng hapunan natin?”, tanong ko sa pinsan ko.
“Opo ate Kei kakasalang ko lang. Aalis ka na ba? Hintayin mo na lang muna itong babaonin mong kanin.”,
“Hindi na kasi oras na kailangan ko ng umalis. May pupuntahan pa kasi ako.”, tugon ko dito
Sumaglit ako sandali sa likod namin sa may poso at nagbanlaw sa aking katawan. Dahil hindi rin kasi ako naka tsinelas papunta sa ilog kanina ay napuno ng dumi ang aking mga paa habang tinahak ko ang daan pauwi.
Dali-dali akong nagbihis ng pantalon at plain loose t-shirt na black. Konting polbo at pabango ay ayos na ako dito. Nilagay ko na rin sa bag pack ko ang aking uniform sa trabaho. Inabot ko na rin yung ibang gulay na kuha sa pinsan ko para sa ulamin nila ngayong hapunan.
Anong oras na wala pa sila tiya ko siguro nag over time na naman sila sa farm. Kinuha ko na rin ang itim ko na sombrero at nilagay sa loob ng bag. Dahil sa kamamadali ay wala na akong oras pa para magpatuyo ng aking mahabang buhok. Dinampot ko na rin ang bayong na may laman ng herbal plants at gulay na pinitas ko kanina.
“Angelo, pag dumating sila tiya pakisabi pumasok ako ng maaga. Isarado mong Mabuti itong pintoan. Huwag kang nagpapasok ng hindi mo kakilala.”, bilin ko sa pinsan ko na tila ba parang wala na itong narinig dahil nakapako na ito sa pinanood niyang cartoons sa tv.
“Aray! Opo ate ako bahala.”, reklamo nito sa akin habang binatokan ko siya
Sadyang hindi nga nakikinig ang loko.
“Aalis na ako Angelo yung binilin ko sa iyo ha.”, paalam ko habang tinatali ko ang sintas ng aking puting mumurahing sapatos.
Kalokong bata talaga hindi man lang marunong sumagot. Masyadong naka pako ang kanyang mata sa kanyang pinanood.
Nadaanan ko ang bahay ni Sandy at sumenyas lamang ako sa kapatid niya na si Madel na nakaupo sa kanilang terrace habang nagseselpon. Tulog pa daw ito. Kaya pinapasabi ko na umalis na ako at pumasok sa work. Sabay paalam.
Tahimik ko binabaybay ang daan papunta sa high way. Mga limang minuto mo lang ito tatahakin kung malakihan ang hakbang mo. Dahil sa nagmamadali ako at naghahabol ng oras ay halos doblehin ko na ang aking hakbang papunta sa high way. Nakarating na ako ng high way at naghihintay ako ng jeep na masasakyan papunta sa sentro ng aming bayan. Pinara ko agad ang paparating na jeep at halos wala masyadong nakasakay dito.
“Pasuyo po ako paabot ng bayad. Salamat po”, abot ko sa isang mama na nakaupo sa unahan.
Dahil medyo may kalayoan kami sa sentro ay may pagkakataon pa ako na maipatuyo ko ang aking mahabang buhok. Hinahayaan ko lamang ito liparin ng hangin na nagmula sa tumatakbong jeep. Yung mga pasahero naman na nakaupo sa aking harapan ay tahimik lang din nakatingin sa akin.
Maya’t maya ay naramdaman ko ang kirot sa aking labi. Muntik ko ng makalimutan yung natamo kong sakit na sampal ng bruhang Mrs. Garcia na iyon. Ngayon ko lamang naramdaman ang sakit. Nandilim na naman ang aking mukha sa tuwing naiisip ko ang kanyang ginawa sa amin. Walang kapatawaran. Napangiwi ngiwi na lamang ako sa aking mga labi.
Habang tahimik lamang akong nakaupo malapit sa bungad ng jeep. Bigla kong naalala ang babaeng turista na iyon. Yuri? Hindi ko naman siya binigyan ng pagkakataon magsalita ulit noong tinalikoran ko siya kanina. Mukha naman siyang mabait pero madaldal nga lang. I can’t believe it na sa gitna pa talaga ng kagubatan ako makatagpo ng isang turista. My God Keira muntikan ka ng makapatay kanina. Napasapo na lang ako sa aking noo. Huwag na sana mag krus landas natin Miss Tourist parang mapahamak pa ako sa iyo. Sarap mo talagang kutosan.
Saan kaya sila sa bayan nag stay or may relatives ba siya sa bayang ito?

Bình Luận Sách (9)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    ungreat

    17/06

      0
  • avatar
    SiasonEdimar

    magnda sya kilig

    16/06

      0
  • avatar
    Jake Dalisay

    it good

    16/12

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất