logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

03

[Flackback: Grade school]
Panibagong araw na naman. Isang ordinaryong araw na naman sa paaralan. Ang boring, 'yong crush ko lang talaga ang nagpapasaya sa araw ko e pero napakasungit niya naman.
Sinuko ko na yung pagsulat kay Enro dahil wala naman talaga 'yong patutunguhan. Patuloy lang akong masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa iyon. Naisip ko rin na grade 5 pa lang ako. Wala akong mapapala ngayon sa kakirehan ko. Masabunutan pa ako ng nanay ko 'pag nalaman niyang kumikire na agad ako.
Pagdating ng recess, pumunta ako sa canteen para bumili ng siopao. Paborito ko 'yon e. Nakakabusog kasi tapos malinamnam pa. Hindi ko na kailangang maghanap pa ng iba.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si Kate, binubully na naman siya. Hay, grabe! Napakaganda na nga nung tao, may nambubully pa rin? Wala talagang magawa sa buhay itong mga ito.
Hindi ko na lang ito pinansin dahil gutom na gutom na ako. Baka pa ako maubusan ng siopao sa canteen dahil sigurado akong marami ring bumibili niyon bukod sa'kin. Ayaw naman kasing damihan ni Manang Rosie ang gawa niyang siopao.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero nakarinig ako ng isang malakas na bagok. Paglingon ko'y nakahandusay si Kate sa semento.
Nangatal ako sa takot, hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nakita ko na lang ang sarili ko na palapit sa kanya.
[End of flashback]
"Bakit po ako pinapahanap?" tanong ko sa pulis na nagpapasok sa akin sa loob. Hindi na n'ya ako nasagot at hinatid na lamang ako sa isang table. Abala ang lahat ng nandito ngayon. May mga pinapasok na preso sa mga rehas. May nagsisigawan pa dahil sa ayaw magpa-aresto. Napaka-ingay dito sa loob ng presinto. Siguro dahil ay maaga pa, at kung anu-ano ang nangyayari rito sa lugar na ito.
Pinatawag ako ngayon sa police station. Pinapahanap daw ako nung may ari ng wallet dahil daw magpapasalamat ito. Hay, ayos lang naman sa'kin kahit hindi na siya magpasalamat e. Isang malaking misunderstanding lang kasi talaga 'yon. Sa kagustuhan ko lang naman kasing magpasikat sa crush ko kaya ko nagawa iyon.
"Ikaw ba si Affy?" tanong ng lalaki sa'kin. Kumuha siya ng upuan at inilagay sa harap ko. Umupo siya dito habang hindi inaalis ang paningin sa akin.
"Opo." Nakatingin lang siya sa akin pagkasagot ko, pinagmamasdan bawat pulgada ng pagkatao ko. "Aflora Mendez po," paglilinaw ka, nagbabakasakaling sasagot na siya at nang makauwi na rin ako.
"Okay, Affy," sabi nung lalaki habang hawak yung wallet na nadampot ko. Siya kaya 'yong may ari nito?
Napakamot ako ng ulo at tinanong siya, "Kayo po ba ang may ari ng wallet na 'yan?"
Ngumiti siya at tumango. "'Wag ka nang mangopo sa akin, sa tingin ko naman ay hindi naman tayo nagkakalayo ng edad," pagkasabi niya nito ay napatingin ako sa mga braso niyang batak-batak. Sa tindig at postura niya, sa tingin ko ay isa siyang athlete. Idagdag mo pa ang maganda niyang katawan. Suki ata ito sa gym sa tapat.
"Gusto ko sanang magpasalamat sa iyo sa pagsauli ng wallet ko." Napapatulala na ako sa katawan niya, buti na lamang ay nagsalita siya. Ano ba 'yan, Affy? Pati stranger, pinagnanasaan mo?
"Ah, wala po yon!" nakangiti kong tugon. Kung alam n'yo lang kung bakit ko pinulot ang wallet na 'yan.
Napangiti rin siya saka umiwas ng tingin sa akin. "Nanakaw kasi ito," saad niya habang nilalaro-laro 'yong wallet sa harapan niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang dahil sa sinabi niya. Nanakaw? 'Wag mong sabihin na ninakaw to ni Enro? Imposible naman.
Hindi na ako nakaimik at nagpatuloy pa siya sa pagtatanong, "Tanong ko lang sana kung saan mo ito nakita? May nawawala din kasi sa loob ng wallet ko eh," seryosong saad niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Pinagbibintangan niya ba ako? Wala akong kinalaman d'yan no! Magpasalamat ka na nga lang at sinauli ko pa.
Inayos ko ang upo ko at sumagot, "sa jeep ko lang 'yan nakita. Kinuha ko lang talaga iyan at dinala dito. Wala akong ginagalaw sa loob. Pasensya na. Ano bang nawala? Para maipagtanong ko na din." sunod-sunod ko ring tugon sa kaniya.
Minasahe niya ang sintido at bumaling sa'kin. "'Di bale na. Ako na ang bahala dito."
Bakit parang kasalanan ko pa? Pasalamat ka na nga lang kuya at sinauli ko pa 'yan e. Kung wala akong kunsensya ay napang-samgyup ko na 'yan. Jowable na sana 'tong si kuya e pero judger naman. Wala na ba talaga akong majojowa sa mundong ito?
Hinayaan ko na lang siyang magmasahe ng sintido niya. Baka sakaling matauhan siya sa pinagsasasabi niya sa akin. Nagmadali naman akong lumabas ng police station nang mag-usap ulit sila nung pulis.
Ang negative ng aura sa loob. Parang hindi ako makahinga, nakakatakot. Mapagbibintangan pa talaga ako!
Nanakaw daw 'yong wallet e. Paano? At bakit ko 'yon natagpuan sa inupuan ni Enro sa jeep? Siya ba ang nagnakaw niyon?
Hala naman. Major turn off naman kay crushie pero naniniwala naman akong hindi kayang gawin ni Enro 'yon. I trust him!
Nagpunta ako sa waiting shed para mag-abang ng jeep. Medyo mainit din kasi at hindi ako nakapagdala ng payong. Nagpaypay ako ng sarili ko gamit ang aking kanang kamay. Grabe naman talaga, akala ko ba magpapasalamat 'yong may ari eh bakit parang ako pa ang sinisi doon sa wallet niya? Eh siya itong pabaya eh! Hay nako talaga! 'Di ako maka-move on!
Tumingin na lang ako sa mga lumalampas na sasakyan. Ano ba 'yan? Puro puno 'yong mga jeep!
Iinit na sana lalo ang ulo ko pero biglang may nahagip ang mata ko, at awtomatiko naman akong napangiti.
"Enro," bulong ko sa aking sarili.
Tatawid siya mula sa kabilang kalsada, papunta sa'kin. Nakayuko siya pero pagtunghay niya ay nagtagpo ang aming mga mata.
Para bang nag-slow mo ang lahat. Grabe, lakas-tama ko pa rin sa'yo, Enro.
Kaso nakakunot na naman itong mokong. Ano bang problema nito sa mundo?
"Bakit ka nandito?" tanong niya sakin pagkatawid ng kalsada at saka tumuloy sa waiting shed.
"'Yong wallet," bungad ko sa kanya, "hindi ba talaga ikaw ang nakaiwan n'on?"
Yumuko siya at napakagat-labi habang nakakunot pa rin. Napakamot din siya ng kanyang ulo.
Inis na inis? Gigil na gigil? 'Wag ganyan at baka hindi ko kayanin ang hotness mo. Ang init na nga ng panahon, dadagdag ka pa.
Bigla naman siyang tumunghay at hinarap ako. "May mga bagay na hindi mo maiintindihan sa simpleng paliwanagan lang. Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka na lang makialam dito."
Hala siya? Napakasunget! Hindi ko naman inaano. Hays, bakit ko nga naman kasi dinampot pa 'yong wallet na 'yon e. Papansin ka talaga, Affy.
"Hindi naman ako nakikialam. Gusto ko lang naman makatulong. May nawawala din daw kasi doon sa wallet!" sigaw ko sa kanya bago pa man siya tuluyang makalayo.
Hindi na siya lumingon at hinayaan akong nakamulaga.
Edi wow carabao. Bahala ka dyan! 'Di na kita sagot! Hindi ko naman dapat problema 'yong wallet na 'yon eh. Kung hindi nga lang talaga ako nagmagaling, edi sana tahimik ang buhay ko ngayon.
Hay, bwiset, oo!
Lumipas ang oras, at nasa byahe pa rin ako hanggang ngayon.
"Bwiset naman na banggaan 'yon! Natrapik na naman," wika ko sa aking sarili.
Napalingon bigla sa'kin si manong driver. Ay, alam ko na 'to. "Ah neng. Pasensya na pero dito na lang kita ibababa." Hay, sabi na nga ba!
"Hala? Pero malayo pa po ako!" pagmamaka-awa ko kay manong, nagbabakasaling hindi na niya ako pabababain.
"Pasensya ka na. Ikaw na lang din kasi ang pasahero ko, kailangan ko nang bumaleng. Gabi na kasi. Nakaawas na mga anak ko. Wala silang kasama sa bahay. Hindi pa rin sila nakain."
Naawa naman ako kay manong driver kahit mukhang alibi niya lang 'yon. Nanlulumo akong bumaba ng jeep. Ayoko nang makipagtalo. Pagod na ako, nakakapagod itong araw na ito.
"Nasaan na ba ako? Bwiset naman oh!" puno ng pagkainis na sabi ko pagkababa ng jeep. Ang dilim na ng paligid at hindi pa ako pamilyar sa pinagbababaan ko. Kapag minamalas nga naman!
Nag-antay na lang ako sa may kalsada para makasakay na ulit ako, may mga kasama naman akong mga nag-iintay din pero unti-unti rin silang nawawala dahil may mga dumadaan agad na jeep na ayon sa destinasyon nila. Puro Marawoy ang signboard ng mga nadaan na jeep, e taga-Malvar ako. Ano ba 'yan!
Pagsilip ko naman sa likod ko, may isang lalaki pa pala akong kasama. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa hood na suot niya. Hindi naman sa pagiging judger pero masama ang kutob ko sa kanya. Naglakad ako palayo sa kanya para makasigurado, pero lalo akong kinabahan nang sinundan niya ako. Pukreng naman. Ano na naman ba 'to?
Unti-unti kong binilisan ang paglakad ko hanggang sa maramdaman kong natakbo na pala ako.
Lalo kong narinig nang mas malinaw ang yabag ng taong sumusunod sa'kin dahil tumatakbo na rin siya kasunod ko. Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko na alam kung nasaan na ako.
Napapasok ako sa isang makitid na eskinita dahil wala nang ibang daan na p'wede kong malusutan.
D'yos ko po. Patawarin n'yo po ako sa mga kasalanan ko. Sana naman po ay makaligtas ako ngayong gabing ito. Alam ko pong napakamakasalanan kong tao pero 'wag naman po sanang ganito ang ikamatay ko.
Napakalakas na ng kabog ng dibdib ko, hinihingal na ako, tumutulo na ang malamig na pawis sa noo ko. Grabe, ganito ba 'yong pakiramdam ng nasa bingit ng kamatayan?
Napapikit na ako sa pagtakbo, hindi ko na mahabol ang hininga ko. Bahala na kung saan ako mapadpad. Kakapit na lang ako sa s'werte ko.
Teka? May s'werte ba ako?
Bigla na lamang akong nabunggo sa pader. Malas!
Napaupo ako sa sakit.
Wala na.
Tapos na.
Wala na akong malulusutan dito.
Paano na ako?
Nararamdaman ko mula sa aking likod na unti-unting lumalapit sa akin ang kanina pang humahabol sa akin.
"Aflora, hindi ka na sana napasali dito," malamig na sabi niya.
Lumingon ako para makita kung sino ang taong ito na papatay sa akin. Humanda ka 'pag nabubay ako dito.
Laking gulat ko naman nang hahampasin na niya ako ng bakal na hawak niya pero naunahan siya ng taong nasa likod niya.
Malakas na lumapat ang tubo sa likod niya. Natumba siya at dumagan sa'kin. Nanginig ang aking katawan ng mapadait ang katawan niya sa aking balat.
Inalis naman ng lalaking nakatayo ang lalaking nakadagan sa'kin saka ako hinawakan sa dalawang braso at hinila patayo.
Hinarap ko naman siya.
Napanganga ako sa pagkamangha. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Muntik pa nagang tumulo ang laway ko, buti na lang at nasarado ko agad ang aking bibig bago pa mangyari iyon.
Niligtas niya ako.
"Sabi ko sa'yo e. Hindi ka na dapat nakialam," seryosong sabi ni Enro sa akin habang nakahawak pa rin siya sa aking mga braso.
'Wag mo na akong bitawan please.

Bình Luận Sách (53)

  • avatar
    ReyesKevin

    Wow! This is one of the highly recommended story that I have read so far. The emotion of characters are on fire. PLUS, the plot has too much to offer, which is commendable! I couldn't say no more. The author really know what she is doing. Thumbs up!

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Paula Nicole Malabanan Ilano

    Ganda sobra

    27/06

      0
  • avatar
    Drewnicole Blanco

    nice

    23/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất