logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

02

[Flashback: Grade School]
Maingay ang mga estudyante. Rinig ang ingay nila kahit pa nasa loob na sila ng room. Ang iba naman ay nakatambay pa rin sa labas at nakikipag-chikahan pa sa mga kaibigan nila.
Alas otso na ngunit parang wala pa rin silang teacher para sa first period. Buti na lang, dahil late na rin akong nakapasok. Na-late rin kasi ng gising ang nanay ko. Nagmadali pa tuloy kami. Sa totoo lamang ay hindi na ako naligo para lamang makaabot sa first period namin. Hindi talaga ako sanay ng malate e. Ayaw kong mapahiya sa klase. Buti na lang ay may pabango akong dala, tamang spray na lang nang madami bago pumasok sa room para mag-amoy bagong ligo. Hinanap ko agad si Liana para alamin kung sumagot na ba si Enro sa sulat ko.
"Liana, nabigay mo ba uli kay Enro 'yung sulat?" tanong ko agad sa kanya nang nakita ko siyang nakatambay sa may bintana ng room.
"Ah, oo! Nasa room na niya siya ngayon. Tingnan mo na lang," sagot niya.
Nagdadalawang-isip pa ako kung pupuntahan ko pa ba siya sa room niya dahil alam ko naman na hindi niya ako papansinin, pero desperada na talaga ako sa pagkakataong ito. Ilang buwan na lang din kasi ay ga-graduate na siya, hindi ko na dapat sayangin pa ang panahong ito.
Dali-dali akong pumunta sa room ni Enro para tignan kung binabasa ba niya 'yong sulat.
Bukas ang mga bintana kaya nasilip ko siya at hawak niya iyon. Sobrang saya ko naman. Grabe, dapat matagal ko na pala itong ginawa!
Kikiligan na sana ako nang husto ngunit bigla akong napanganga nang bigla niya lang ulit tinupi iyon, ginawang eroplanong papel, at saka pinalipad.
Pinagpasa-pasahan pa nilang magkakaibigan 'yong eroplano. Bigla tuloy kumulo ang dugo ko.
Hindi lang 'yan basta eroplano, sulat ko 'yan para sa'yo.
Hindi ko namalayan na masyado na pala akong nakasilip sa bintana nila. Nakanganga pa ako. Nakatingin na sa'kin lahat ng mga kaklase niya. Natatawa pa nga 'yong iba. Sigurado akong napaka-wirdo na ng tingin nila sa'kin ngayon.
Dahan-dahan naman akong umatras at nagtatakbo papunta sa room ko. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang mga tawanan nila.
Grabe! Nakakahiya!
Ano na naman ba ito, Affy?
[End of flashback]
Hiyang-hiya ako ngayon dito sa jeep dahil nagmukha akong assumera nang dahil kay Enro. E bakit ba? Akala ko sa'kin siya tatabi e.
Kakaunti na lang kami. Nagsibabaan na 'yung iba, lalo tuloy naging open yung view ko kay Enro. Natutulog siya ngayon, at mukhang pagod na pagod.
Grabe, 'yong mukha n'yang yon, 'yon pa rin yung iniimagine ko na itsura niya after 8 years. Mas naging mature nga lang at gumwapo. Nakakagigil s'ya.
Bumabalik na naman feelings ko sa kaniya. Ano ba Affy? Akala ko ba ay naka-move on ka na? Sasaktan mo lang ang sarili mo eh. Tama na ang pag-asa sa taong hindi ka naman magugustuhan.
"Kanto!" biglang sigaw ng driver sabay hinto.
Nagising si Enro dahil sa sigaw ni manong driver at dali-dali siyang bumaba.
Hindi ko man lang siya nabati. Nakita niya kaya ako? Naaalala niya pa kaya ako? Hays, ang malas naman. Minsan na nga lang makita si crush tapos hindi pa napansin.
Umandar na ulit ang jeep. Tinignan ko na lang si Enro habang paliit nang paliit ang kaniyang imahe dahil sa unti-unting paglayo ng jeep sa kaniyang binabaan. Bigla naman akong nalungkot. Bakit naman ako malulugkot? Jowa ko ba? Ex ko ba? Hindi naman eh.
Ibinalik ko na lang ulit ang ang tingin sa kaniyang inuupuan.
Hala?
Naiwan niya wallet niya!
"Ma, para po!" biglaang sabi ko sa driver. Napapreno na naman tuloy siya nang malakas. "Pasensya na po!" pagpapaumahin ko sa kanya.
Dinampot ko 'yong wallet at dali-daling bumaba ng jeep.
Tinakbo ko pa 'yong kantong binabaan niya. Malayo na pala. Hinihingal na ako at hinahabol ang aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib at nag-inhale exhale muna. Hay! Inii-stress mo agad ako Enro!
Bakit mo naman kasi iniwanan ano?
Patuloy ang pagsipat ko sa kanya. Nang makarating ako doon sa kanto na pinagbabaan niya, nakita ko naman agad siya sa 'di kalayuan kaya nagmadali na akong maglakad. "Enro!" tawag ko sa kanya.
Mukhang hindi niya ako naririnig dahil patuloy lamang siya sa paglalakad palayo. Napakamanhid namang talaga!
"Enro!" Anak ng tokwa, napaka-bingi.
"Pogi!" tawag ko ulit sa kanya.Lumingon siya sa akin nang nakakunot. Aba, gusto pala'y pogi ang itatawag. Napangiti naman ako at tuluyang lumapit sa kanya.
"Wallet mo!" Ikinakaway-kaway ko 'yong wallet niya sa tapat ng mukha niya.
Lalo lang siyang kumunot nang dahil sa ginawa ko.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang inilahad niya sa'kin 'yong kamay niya. Nakita ko na may hawak siyang wallet.
Ano? Paano?
Kung gaano ang kinunot ng noo niya ay mas kumunot pa ang noo ko kaysa sa kanya ngayon.
"Hindi mo wallet 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi. Eto ang wallet ko," malamig na tugon n'ya habang hawak ang wallet niya.
Napanganga na lang ako at napasapo sa noo ko. Ano ba 'yan, Affy? Magmamagaling ka na nga lang, mali pa!
Tumawa na lang ako sa harap niya para hindi ako mapahiya. Gagi, hiyang hiya na naman ako. "Akala ko kasi sa'yo. Nasa upuan mo kasi 't--"
"Hindi 'yan akin," singit niya sa pagsasalita ko.
Napatulala na lang ako sa harap niya. Hindi man lang ba siya magpapasalamat dahil concerned ako sa kanya? Akala ko wallet niya e. Tinakbo ko pa nga hanggang ditto para lang maibalik sa kanya. Hinahabol ko pa rin nga ang hininga ko ngayon.
"Sige. Sorry," malamig na sabi ko sa kanya saka naglakad palayo hawak 'yong wallet na dinampot ko.
Pumunta na lang ako sa police station para maibalik itong wallet na 'to kung sino man ang nagmamay-ari sa kanya. Walang'ya, napagod ako dito ah!
"Ma, opo! Pauwi na ako! Nasa police station lang," tugon ko sa nanay ko na kanina pa akong hinahanap at tinatawagan. Nag-aalala na ata kasi gabi na ay wala pa rin ako sa bahay.
"Ha? Bakit ka nanjan?" malakas na sagot niya kaya nailayo ko ang telepono mula sa aking tenga. High blood na naman 'to.
"Nagbalik lang ako ng wallet. May nakaiwan sa jeep e." Hawak ko pa rin itong wallet. Sino kayang may ari nito? Nakapagtataka naman na naiwan ito sa pinag-upuan ni Enro pero hindi naman pala ito sa kanya.
"Ah! Sige sige. Mag ingat ka!" malakas pa ring saad ng nanay ko. Para talaga akong naka-loud speaker kapag kausap siya kahit hindi naman talaga. Napakalakas ng boses.
"Opo, opo!" sagot ko saka pinatay ang tawag.
Agad ko namang kinausap ang pulis na nag-entertain sa akin para masauli ko itong wallet na ito. "Boss, kayo na po bahala dito ah! Uuwi na po ako at hinahanap na ako sa'min," sabi ko sa kanya.
Tinanggap niya naman agad ito at hinatid pa ako palabas ng pintuan. Buti pa si manong pulis, may care, hindi katulad niyong isang kakilala ko.
Napabuntong-hininga naman ako pagkalabas ng presinto. Napatagal pa lalo pag-uwi ko dahil sa kabutihang loob ko. Kala ko makaka-score na ako kay Enro after 8 years pero hindi pa rin pala. Palpak na naman si Affy!
Naglakad na ako patungong waiting shed at nag abang ng jeep. Madilim na tapos wala pa ring nadaan na masasakyan. Buti na lang may mga nag-iisaw kaya kahit papano'y hindi ako nag-iisa sa dilim. Nakakagutom naman iyong amoy ng isaw, naglalaway na tuloy ako. Hindi pa kasi ako naghahapunan. Bwiset na wallet!
Naalala ko na naman ang pagmumukha ni Enro. Hindi akin 'yan, hindi akin 'yan. Nyenye! Nakakainis! Walang kwentang childhood crush. Walang feelings talaga ang mokong.
"Nandito ka pa rin?" Muntik na akong atakihin sa puso nang marinig kong may nagsalita.
Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko. Tumayo pa ako nang tuwid bago sumagot sa kanya, "dinala ko sa pulis yung wallet." Grabe, napaka-awkward.
"Ah dapat iniwanan mo na lang kung saan mo nakita," saad niya, "mas madaling mahahanap ng may ari kung sakaling hanapin niya." Wow. 'Yan na ata ang pinakamahabang nasabi sa'kin ni Enro since birth.
Hindi ko namalayan na nakatulala na naman ako sa kanya. Patay na patay, Affy?
"Ah hindi. May contact number naman doon sa wallet pero wala akong load kaya pinaubaya ko na sa mga pulis." Tumahimik na ako pagkatapos sumagot sa kanya at tumingin na lang sa kalsada. "Bakit ka pa nandito sa kanto?" pahabol na tanong ko sa kanya.
"D'yan lang bahay ko sa may bukana," sagot niya.
Tumango na lang ako, wala na akong masabi. Sana may dumaan na agad na jeep.
'Wag mo na akong kausapin, Enro at unti-unti na naman akong nahuhulog nang labis sa iyo. Parang awa mo na, umuwi ka na.
"Pauwi ka na?" nabigla na naman ako kasi nagtanong na naman siya. Bigla ata s'yang nagka-interes sa'kin? Anong meron?
Hindi papasok pa lang. "Oo." At dahil sa'yo nga ay ginabi pa ako.
"Sige," maikling tugon niya.
Nakatingin pa rin ako sa kalsada dahil lalo lang lumalakas ang tibok ng puso ko 'pag nakikita ko siya. Gamitin ko na kaya ang pagkakataong ito para kausapin ulit siya? Gusto kong malaman kung tanda niya pa ba ako. "Kilala mo pa ba ako? Kumusta ka na? Tagal nating 'di nagkita," sunod-sunod na tanong ko.
Inaantay ko sagot niya ngunit paglingon ko, wala na pala siya sa tabi ko. Iniwan niya na pala ako at bumili ng isaw.
Wala talagang puso. Sige! Magsama kayo ng isaw mo! Lalo mo lang akong ginutom. Naiiyak na talaga ako.
Agad kong pinara ang palapit na jeep at sumakay na rito. Sa wakas, makakauwi na ako.
Napalingon naman ako kay Enro na nakain pa rin ng isaw. Hay, Enro. Kailan kaya ulit tayo magkikita?
[Flashback: Grade school]
"Liana!" malakas na tawag ko sa best friend ko. "Nakita ko si Enro na pinaglalaruan lang 'yong sulat!" naiinis na saad ko sa kaniya pagbalik ko ng room. Grabe napahiya pa talaga ako doon ah! Wala na ata akong mukhang ihaharap kay Enro, at sa mga kaklase n'ya.
Napatawa naman si Liana dahil sa narinig niya. "Sorry sis pero wala talaga siyang interes." mapang-asar na sabi niya. "Eh nasaan na 'yong sulat?"
"Edi nasa kanya," nakatungong turan ko. Naiisip ko na naman ang kahihiyang pinagdaanan ko. Ititigil ko na nga lang 'to.
Pag-uwi ko sa bahay, agad kong inihiga ang aking sarili sa kama at nagmuni-muni habang nakatingin sa kisame. Tutulog na sana ako pero naalala kong may assignment pa pala ako na dapat sagutan.
Umupo ako sa gilid ng aking kama at kinuha ang aking bag. Laking gulat ko sa aking nakita sa loob nito.
'Yong eroplanong papel!
Nagmadali akong kunin ito at binuksan. Hindi ko maipaliwanag ang pagkasabik na aking nararamdaman.
Sumagot si Enro! Sumagot siya!
Kumunot naman ang aking noo, at lalong nanliit ang aking mata nang mabasa ko ang tugon niya.
"Ayoko ko sa'yo. Ang liit ng mga mata mo," sulat niya.
[End of flashback]

Bình Luận Sách (53)

  • avatar
    ReyesKevin

    Wow! This is one of the highly recommended story that I have read so far. The emotion of characters are on fire. PLUS, the plot has too much to offer, which is commendable! I couldn't say no more. The author really know what she is doing. Thumbs up!

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Paula Nicole Malabanan Ilano

    Ganda sobra

    27/06

      0
  • avatar
    Drewnicole Blanco

    nice

    23/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất