logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

C3: A life... To be a survivor

REIGH SHI YVES POV
SINALUBONG ko ang umaga sa bintana. Kakatapos ko lamang gawin ang isang daang push-up bago magtimpla ng kape. Dahil wala akong damit tuwing umaga at gabi, napagmamasdam ko ang aking mga sugat at peklat sa katawan. Kaya't nag-e-ensayo ako upang maging malakas tulad ng gawain ko noong bata pa'ko.
May tumalon namang pusa at kinuha ang ulam kong sardines sa platito. Ihahampas ko sana ang walis ngunit ang liksi nitong kumilos. Kaya ayoko sa pusa, lagi akong ninanakawan ng pagkain sa apartment.
I remember my grandfather, every morning he read a book and newspaper. Nag-e-ensayo ng boxing bilang kaniyang exercise kahit hindi naman ito boksengero. Minsan ay ginagaya ko ito sa umaga na nagpapatawa sa kaniya. Nagbabasa din ako ng dyaryo kahit wala naman akong naiintindihan sa balita. Dahil madalas mag-tuxedo ang lolo ko ay sinusuot ko din ang akin na akala mo'y papasok din sa work. Gusto ko ang ginagawa niya lalo na sa larangan ng musika. The 80's songs makes him happy and happier.
We both love Beethoven and Debussy works. Hilig namin ang pagpa-piano at tumugtog pa ng ibang instruments.
Nais ko siyang bisitahin ngunit makaraan ang tatlong taon ay sinugal ko ang buhay ko sa casino. Kung kaya't naging Janitor ako sa eskwelahan. Sa edad na dose ay pinag-susugal ko ang lahat na meron ako. Nais ko lamang manalo at makabawi sa isang gambling na walang kasiguraduhan, walang himala kung wakang gawa. Ito ang rason kung bakit pina-pagod ko ang sarili ko araw-araw dahil ayokong makaalala. Ngunit kahit ipilit kong iwagli ay hindi ko na pwedeng burahin pa iyon. Kahit anong pagod kung may bagay na magpapa-alala sayo ay mas papagidin ang kaisipan mo.
Inayos ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto, kung sa eskwelahan ay nakakapaglinis ako, kabaligtaran pagdating sa aking apartment. Ang mga damit, sapatos, libro, at kung ano-ano pa ay hindi ko na naaayos dahil sa kapaguran sa trabaho.
Dahil sabado ngayon ay iyon ang naisip kong gawin. Ang ayusin ang apartment ko dahil wala namang gagawa nito. Lahat ng damit ko ay nilagay ko sa basket, ang mga sapatos ko ay pinunasan ko na at nilagay sa lagayan. Ang mga librong nagsikalat sa lapag dahil sa nakakatulugan ko na ang pag-aaral, isa-isa kong nilagay sa bookshelf. Ang mga newspaper ay hiniwalay ko sa basurahan. Ang bote ng alak at sigarilyo ay nilgay ko na sa basurahan ay itinapon sa labas.
Hanggang sa makita ko ang larawan namin ni Lana. Pinagmasdan ko pa iyon ng matagal bago lupitin at punitin ang iba. Tumayo ako at kunuha ang watering can para diligan ang mga halaman ko na malapit sa bintana.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako sa apartment upang maghanap ng trabaho. Nagtungo muna ako sa laundry at iniwan roon ang mga damit ko ngunit pagdating sa uniporme kk ay ako na ang naglalaba. Marahil madaming tao sa labas, iba't ibang mukha at hindi magkakakilala, sadyang ganito kalawak ang mundo. Madami kang makakasalubong at madaming posibleng mangyari.
Sinuot ko muna ang contact lens ko sa kaliwang mata upang maging pantay na itim ang dalawang mata ko. Hindi ko alam kung bakit naging asul ang mata ko ngunit madaming natutuwa rito noong bata ako.
Minsan ay napapadpad ako sa pamumulot ng basurahan dahil may nakikita pa'kong gamit na pwedeng gamitin. Ang iba roon ay mga libro o di kaya gamit sa bahay. Ang iba naman ay laruan na binibigay ko o minsan binebenta ko.
"Kuya, bakit nakikikuha ka?" tanong ng madungis na bata.
"Nakita ko lang, bawal ba?"
"Oo, tereteryo namin ito eh."
I winced at him. Bawal pala makikuha kaya hindi ko na inulit pa. Doon ko lamang naranasan kung gaano kahalaga ang pera at mga kagamitan. Hindi ko lubos maisip na madami akong naiwaldas sa casino na hindi pinag-iisipan ng husto ang aking ginagawa.
Nagtungo naman ako sa park para makipag-skate board sa mga kakilala ko. Nung una ay lalampa-lampa ako sa skate board ngunit unti-unti ko nang nababalanse. Tanging hiram lamang ang nagagawa ko dahil wala pa'kong pambili.
"Konti pa Reigh!" Sigaw ni Hilbert.
Namaalam naman ako sa kanila nang kalahating oras na'kong nakatambay roon. Tumulong naman ako kila Adams, ang proyekto ng pamilya nila na business.
"Masaya ako na naririto ka, Reigh," saad nito. Habang inaayos namin ang mga mesa at upuan.
"Masaya ako na naimbitahan mo'ko rito sainyo, Adams."
"Meryenda muna kayo, Reigh. Kanina ka pa nagbubuhat," alok sa'kin ng ina ni Adams.
"Salamat ho."
Food business ang tinatayo nila Adams, tumulong ako sa pade-decorate kahit wala akong alam sa dekorasyon. May mga paintings din na isinabit. Pinatikim naman ang milktea na gawa ng kapatid ni Adams na si Serene.
"To attain a good life, you must work for it," saad ni Adams.
"And make a better objective for it," saad ko.
Nagpaalam na'ko upang magtungo kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Sa hindi inaasahan ay tinawag ako ni Mark para mag-computer at libre niya. Naglalaro siya ng LOL samantalang ako ay ML lang ata ang alam laruin noon. Napalingon naman ako sa katabi kong babae. Pamilyar sa'kin ngunit hindi ko malaman ang pangalan nito. Taga-Wolfgang Academy din ngunit nakikita ko lamang. Pinanood ko naman itong maglaro, halatang nanggigil kaya focus lang sa harapan ng computer.
"Arpina, paano ba 'yan talo ka!" sigaw ng lalaki sa kabila.
"Nandadaya ka kasi eh!" sigaw din ng babaeng si Arpina.
"Hoy! Reigh tara Lol!" aya sa'kin ni Lexter. "Partner kayo ni Arpina."
Napalingon naman sa'kin ang babaeng ito. "Olats tayo niyan!" pang-aasar ko sa katabi ko.
"Bahala ka jan!" Sabay tayo sa kinauupuan nito ay lumabas ng shop.
"Luh! Pre tinakasan tayo, hindi nagbayad." Lexter chuckled.
Pagkatapos ng tawanan na 'yon ay sinubukan kong laruin ang Lol kahit hindi ko naman alam. Namalayan ko na lamang na gabi na ulit at kailangan ko nang umuwi ngunit nag-aya sila Lexter na gumala sa Ayala.
Nanibago ang pahinga ko ng makalabas ng computer shop. Ang hangin sa labas ay mas masarap sa pakiramdam kaysa sa aircon. Lagi naman akong naka-jacket kaya sanay na. Naglakad-lakad lamang kaming lima kahit saan.
"Pinapalayas na'ko samin, kaya makiki-tulog muna ako sainyo, Jack!" pahayag ni Lexter sa kasamahan namin.
"Ako nga pinatulog sa labas. Doon nalang tayo matulog mamaya," natatawang sagot nito.
"Tara! Mag-pares tayo," aya ni Hilbert.
"Oo nga no, hindi pa'ko kumakain dre!" napasigaw na saad ni Kol.
Napamura naman si Lexter dahil ganon din ang napagtanto niya. Inabutan naman ako ng sigarilyo ni Jack pagkatapos nitong mag-sindi. Kaming dalawa lamang ang tahimik na naninigarilyo at hinahayaang mag-usap-usap ang tatlo.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na'ko. Binilang ko ang mga kinita ko sa araw na iyon upang kunin sa laudry ang mga gamit ko.
Kinabukasan ay nag-esersisyo muna ako at nagtungo kay Mr. Cheng na nagulat sa pagsulpot ko.
"Aba! Ikaw wala kahapon," sita nito.
"May ginawa lang ho," sagot ko.
"Ikaw muna mag-cashier dahil ang iba hindi na pumasok."
Puro pagpapa-scan ng product at pagbibilang ng pera. Chine-check ang libong pera ng customer bago ilagay sa kaha. Tamang pag-swipe ng credit card at pagbati sa mga customer na may kasiglaan.
"Thank you ma'am! Have a great day!"
Hindi ko naman inaasahan ang sumunod na customer ay si Reigh at Lana. Magkasama silang dalawa. Mabilis ko ini-scan ang mga produktong pinamili nila at inilagay sa lalagyan.
"One thousand five-hundred sixty seven and twenty centavos po," I used to be benevolent to every customer especially when I'm not in the school.
Inabot naman sa'kin ni Lana ang credit card. "I didn't know this, akala ko puro takbo alam mo, " saad ni Kyoro nang maalala niya kung paano ko ini-snatch ang bag ni Lana.
I was about to chuckled. "Thank you sir and ma'am! Have a great day!"
"Mostly babae ang cashier," Lana mentioned.
"Sometimes can be me."
"I got it!"
Agad na silang umalis at inasikaso ko ang susunod na customer. Maghapon akong natayo roon kung kaya't nangangawit na'ko. Sumasakit na din ang likod ko sa magdamag na iyon. Habang ang ibang cashier ay nasa labas na at kumakain ng tanghalian. Sumasakit na rin ang leeg ko at inaantok sa hapong iyon. Pinag-meryenda naman ako ni Mr. Cheng nang papagabi na. Pancit, siopao, at gulaman ang kinain ko. Hanggang sa mag-gabi na ay doon pa lamg natapos ang duty ko. Kasama din ako ng iba hanggang sa magsara ang tindahan ni Mr. Cheng.
"Goodnight, Reigh!" bati sa'kin ni Elyse na nagpasama hanggang sa sakayan ng Jeep.
"Same with you."
Pagkauwi ko ay nagluto ako ng ramen dahil sa kagutuman ay hiningi ko nalang iyon kay Mr. Cheng. Nag-aral na'ko para sa quiz bukas. Hinanda ang mga gagamitin sa school. At chineck ang project na miniature. I received a text from unknown number.
[—Pinaulanan ka na namin ng bala, magbayad ka naman!]
Napakunot-noo naman ako dahil nasa grocery lamang ako non kaya't sino ang naulanan ng bala. I heard from Gregorio that last time ay may muntikan nang may mamatay dahil sa ligaw na bala.
Akala ko ang weekends ay magiging pahinga ko sa pagbabantay kay Kyoro ngunit mas mahirap kung sabay kong gagawin ang pagbabantay at pagta-trabaho.
What I need to do?
I wear all white even my trouser and cap. Nag-bisikleta upang sundan si Kyoro kung saan man ito pupunta. Madalas ko itong sinusubaybayan lalo na sa simbahan, mahilig itong pumunta roon. Kapag alam kong pauwi na ito ay susundan ko parin hanggang sa malaman ko kung saan ba ito nakatira. Sa isang subdivision ngunit mas pinipili nito mag-commute kaysa mag-kotse. Buti nalang at hindi na ito nalabas sa gabi kaya madali nang mag-trabaho. Ngunit bakit siya ang pinupuntirya nila kaysa sa'kin.
Napailing ako sa katanungang na iyon. Dahil kung ako ang nais nilang sundan, siguro mga baguhan silang tauhan at iba ang napagkamaling Reigh. Pinanood ko ang mga taong tumatawid habang inaabangan ang pag-green sa traffic lights. I proceeded when it turned yellow.

Bình Luận Sách (38)

  • avatar
    Saira Mae R. Venzon

    ❤️❤️

    14/08

      0
  • avatar
    ニコール アシュリー

    masaya ako ngayun

    06/08

      0
  • avatar
    BandaKim

    ang ganda ng kwento

    25/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất