logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

3

"Why did you lie to us, Heather?" bigong tanong ni Mommy.
"Bakit ka nagsinungaling sa Teachers mo?" Tanong din ni Daddy
Yes! Oo! Exactly! Nalaman nila ang reason ko.
Kung bakit hindi ako pumasok sa school. Kung hindi lang ako na aksidente ay hindi nila malalaman ang rason ko, pero peste ang lalaking iyon. Hulog ng langit ka talaga ni satanas!
Habang nasa hospital bed and the Nurse's and Doctor's  are admiring the President Beautiful Daughter ay hindi ko na notice na tumawag si Dad sa school ko. Kesyo why I am out of the school even if its school hours.
Ang rason naman ng mga Taachers ay exempted ang pretty nilang anak. Dahil dadalaw daw sa Hospital and maghahanap ng job, which is fake!
Wala na tuloy akong takas! At araw-araw ko nang makikita ang mga expired na mga mukha nong mga classmate kong mga Tarsiers.
"I was...scared"
"Scared?" Taas na kilay na sabi ni Mommy.
"You're making reasons again" Umiiling na sabi ni daddy.
"No!"
"Then tell us honestly" Nag crossarms si Mommy. "Dinamay mo pa ang lola mo, which is not right dahil nawawalan ka ng respesto sa mga matatanda and then you tell them that your lola is sick! and then you need to find a decent job for you to pay the bills!" My mom freakingly said.
"Heather, Tell us?"
Huminga ako ng malalim. "okay! I don't like that school, The policies! ugly classmates and the dirty―" napatigil ako dahil huminga ng malalim si daddy.
"Magkakasakit yata ako ng dahil sayo, Helen?"
"Heather anak..."
"Talk to our child" umalis si Dad na para bang hindi siya na winner sa Lotto
Pabagsak akong umupo sa sofa. Nakita ko sa loob ng kusina si Yaya Lordez at Nakkiki-chismis nanaman ang matandang iyon.
"Ano? Marites?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Umalis naman ito at pumasok sa kusina, hmp! Chismosa talaga!
"Heather" Bumaling ako kay Mommy. Umupo ito sa tabi ko. "Why are you making this so hard"
"What hard? I told you I'll be good naman pero why are you guys transferring me in that ugly school? Sa tingin niyo, titino ako sa mga ganun?"
"Kaya ka nga namin pina-pag-aral sa school na iyon, Para hindi kana maging maldita."
Bumosangot ako.
"At...maarte."
"I am not like that, I grow up like this so panindigan nila kong ano ako" Tumayo ako.
"Heather anak, Please. Ginagawa lang namin ito para sa'yo"
Hindi ko pina-kinggan si Mommy and dumeritso  lang ako papunta sa taas at pumasok nasa kwarto. Why do I making this so hard? Dahil sa kanila. Gusto nilang magbago ang Pretty nilang anak pero mahirap naman sa akin iyon.
Matapos mag night routine. Ininom ko muna ang beauty vitamins ko para naman hindi ako lusyang pag gising ko no. Para fresh parin and looking good.
Bumagsak ang self ko sa kama bago kinulikot ang phone. Bunch of text from my friends. bakit daw hindi ako nagpunta and inilabas sa news na nagpunta ang president sa cheap hospital kasama ang Lady.
I rolled my eyes. hindi nila dapat malaman na na-aksidente ako. I don't want them na mag-alala. Alalahera/Alalahero pa naman ang mga iyon and then they send bunch of gifts and care quotes for me. I appreciate them so much. Kasi they are the friends na nandiyan talaga sa oras ng kabiguan mo. lalo na si Lenzy.
Kinabukasan ay badmood ako dahil wala na akong takas pa para umabsent. Isinukbit ko ang aking bag bago lumabas ng Van. Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin ako ni Mang Selmo.
"Señorita, anong oras kita susunduin mamaya?"
"wag muna akong sunduin, uuwi ako sa condo ko." Naiinis kong sabi. pati rin itong si Mang Selmo ay bantay sarado ako.
"Hindi po maari señorita, Utos ng inyong ama na uuwi kayo sa mansyon"
Inis akong lumingon rito. "Can you at least lessen to me, one last time. uuwi ako sa condo ko ng hindi ka kasama"
Mas lalong uminit ang ulo ko dahil umiling lang ito.
"Pasensya na señorita, pero  hindi talaga pwede"
"Five pm" deritso kong saad at umalis na.
I am not comfortable habang narito sa loob ng classroom at nakikinig sa teacher namin. My classmates are so ugly. All of them. well, They are nice naman but annoying talaga sila. Panay ang paypay ko . Ang init kasi rito sa loob. Wala man lang electricfan or aircon.
"Alright,  get one whole  sheet of yellow paper and then answer our quiz" may isinulat na solving problem sa white board.
Nagsilabasan naman ng yellow paper ang mga ugly classmates ko. And then I pull out my paper too.
"Pahingi..."
"Oy, ako rin!"
"Pahingi dalawa, Baka magkamali ako eh"
I raised my eyebrows. Ang kakapal naman ng mga  face nila. Sa private school hindi naman ganito. I ignored them, Wala silang karapatan na humingi sa akin. It is my things and hindi nila pera ang binili doon.
"Pahingi naman heather"
"Ayoko nga!" I bratty said.
"Ay, hindi pala mabait"
"Akala ko naman"
"Maganda lang pero ang sama ng ugali"
Halos lahat sila ay sinabihan ako ng bad attitude. As if naman umiyak ako don! duh! I just pouted my lips and then started to answer the question on the board.
I just ignored those stupid students. Anong klase sila, studyante? pero walang pang-bili ng school materials. Hindi lahat nadadaan sa hingi noh. Bili-bili rin pag may time. That's why lumalaki ang ulo ng ibang mga studyante eh.
The question are just too easy.
Sino ba naman ang mahihirapan sa Accounting diba?
"Done!" I said.
Napatingin ang lahat sa akin. Someone's  whispering na nag cheat daw ako? What the hell! Ipa-lamon ko ang lupa sa inyo eh!
"Pass it right here, my sy" sabi ni teacher kaya tumayo ako and then inilapag sa gilid ng table niya ang paper ko.
Bumalik ako sa upuan ko. Kinuha nong teacher ang papel ko. Napa-facepalm ito dahil hindi lang naman isang one whole paper ang ginamit ko kundi lima.
Solving an accounting is easy for me kaso nakakaubos ng papel dahil sa dami ng solution. Tss.
That's why I hate Math. Nakaka-ubos kasi ng papel.
Lunch time na. Ako nalang ang naiwan sa loob ng classroom. Alam ko kung nasaan ang canteen nila but I don't want to go in there. Alam ko namang mga cheap food ang mga ibinibenta nila roon and then the area is so madumi.
I'd rather starve kaysa naman kumain sa mga cheap food. I grab my phone and then magpapa-deliver nalang ako.
"Hi! good afternoon! Welcome to Sperigito restaurant, what you like to order sir/ma'am?"
Sperigito Restaurant is one of the famous Restaurant in the whole town. well, Mayayaman lang naman ang may alam sa ganitong Restau. And then the food they serve is so yummy and delicious. Malinis rin sila kong kumilos. The packaging also is very aesthetic and clean. That is why I love this restaurant so much! lalo na iyong Nacho's nila na paris flavor.
"I would like to order some pasta, beef steak, nachos, chicken ice cream and then two ice lemon."
"alright ma'am, your order has been approved, can you tell me your name and then the location? so that we can delivered your food in the exact location"
"The one and only Heather Sy the Pretty , Bitch! at nasa school ako"
"Heather?"
"Yes bitch Anna! This is your bratty friend, Grabe ang professional mo ah!" I chuckled.
Natawa naman ito. "Tangina mo! ikaw pala iyan! kumusta na!? Bonding naman tayo soon?"
"I am currently in the crisis right now, so hindi muna ako makakapag-walwal"
Tumawa ito. "What? grounded again?"
"yeah, fuck! I hate my life so much, so fucked up!"
"Try mo kasing maging rebelde sometimes, Good plus bad girl with dirty mind ka kasi eh"
"Bitch! alangan naman kay Steffi! wala ng respect sa sarili, Pati matanda na 80 years old nakikipag-sex! duh!"
Natawa ito. "eww! wag mo ngang i-topic ang bitch na iyon!"
Si steffi kasi ay karibal ni Anna. Inagaw lang naman ng bitch na iyon ang boyfriend ni Anna. That is why galit na galit si Anna kay Steffi na ngayon ay nag migrate na sa America.
"Pakibilisan ang order ko! Butterfly in my tummy is hungry!!"
"okay ma'am, with in fifteen minutes darating na diyan ang order po ninyo!" sarcastic na sabi nito
"Why suddenly change?"
"bitch ka! narito na ang manager ko, bakit daw ang tagal ko sa call, bye na! magkita nalang tayo soon, bye !" bulong na sabi nito at ini-off na ang call.
Dumating na nga ang order. mag-isa akong kumain sa classroom. ang hindi ko naubos ay iuuwi ko nalang mamaya.
Time is five pm. Mabilis pa sa turtle ang pag-alis ko sa room. Ayokong umuwi muna sa bahay ngayon. naiinis ako sa atmosphere doon. Nakita ko sa labas na wala pa nga si Mang Selmo kaya mabilis akong pumarada ng taxi at nagpa-punta sa condo ko.
Dito ako palaging pumupunta kapag galit ako sa bahay. Wala naman silang magagawa kapag umuwi ako sa condo dahil bahay ko naman ito. Diyan lang sila magalit kapag nagpunta ako sa condo ng Lalaki. As if naman na gawin ko iyon.
"just stop here" I said to manong driver. Tumingin ito sa akin dahil naka facemask lang naman ako. well, I don't want him to see my pretty face. Baka pervert to at hindi ako ihinto at ideretso lang ako sa abandoned place.
"Trenta pesos lang ma'am"
Ibinigay ko sa kanya ay 100. "Here, keep the change" sabi ko at lumabas na ng taxi.
Dagdag pera na iyon sa kanya para sa pamilya niya. May puso parin naman ako noh kahit maldita toh.
Pagkapasok sa condo ay mabilis kong yinakap ang mga gamit ko roon. It's been month since I haven't seen them. Ang Tv, Radio, Aircon, and my one and only Bed. Hayss ang kalma ng buhay ko kapag wala akong kasama.
Habang nagdi-daydream ay tumunog ang phone ko. I checked it and saw my mommy's  calling.
"Yes?" I boringly ask
[Heather! Oh my god! Thank you so much! You are safe"]
OA na sabi ni Mom. Anyare?
"What?" kunot noo kung sabi.
[We thought we lost you, honey. kanina ka pa hinahanap ni Mang Selmo sa school pero wala kana raw doon, please anak, don't do it again]
"pano naman ako mawawala eh wala nga akong pera, and duh! you guys kept my black card!"
[Anak, nasaan ka ba ngayon, please umuwi kana]
"Mom, I want some fresh air muna, wag kayong mag-alala. dahil maayos lang ako at uuwi ako diyan kong fine na ako"
[Nasaan ka ba ngayon? and don't lie to us]
I sigh, "I'm at my condo right now, so no need to bother na magpapadala pa kayo ng police, para lang sabihin na nawawala ako"
"We will do that talaga. heather, umuwi ka nalang ngayon please ipapa-sundo ka namin kay―"
"Mommy! I said I want some fresh air muna, lots of toxic people are ruining my life at wag naman kayong dumagdag" I rudely said.
I am exhausted. gusto kong mapunta sa lugar na hindi alam ng mga tao kung sino ako and they will treat me as a normal girl na maganda.
"Heather..."
"I am tired, Goodnight" I hang up my phone.
Sana naman malaman nila na hindi lahat ng gusto nila ay susunodin ko. bruh! may sariling utak at kaluluwa din naman ako noh. at hindi ako robot na susunod-sunod sa mga gusto nila.
NarratorPOV
Napa-buga ng hangin si Helen matapos babaan siya ng telepono ng anak. Kahit ano ang gawin nila ay hindi talaga nila mapapa-bago ang ugali ng anak. Kasalanan din naman nila dahil sobrang spoiled  iyon sa kanila. Bata palang kasi binibigyan na ng kahit ano. Isa'ng sabi lang sa kanila ay ibinibigay nila kaagad.
"What she said?" He's husband Leo ask.
Umupo siya sa kama nila. "Galit sa atin, dahil pinapa-uwi natin siya, Leo. we need to do something para tumino ang anak natin, You know, darating ang panahon na she will take the place of all our company kasi siya lang ang ating unica ija. ayoko'ng habang buhay na ganun siya dahil alam kong walang magtatagal na kahit sino sa ugali niyang iyan."
"I know, we need to do something...."
Napatingin siya sa asawa na para bang mayroon itong naiisip kong paano tumino ang anak.
"Ano? mag-ha-hire ka nanaman ng tutor about sa behavior? eh last year inaway nga iyon ng anak mo dahil kahit saan siya magpunta naka-buntot iyon sa kaniya."
"No, we need a better plan na sasang-ayon siya, don't worry alam kong titino rin ang anak natin, when the right time comes."
"Grabe nay ang ganda nong ate pero ang sungit!" Saad ni Sunny ang naka-babatang kapatid ni Feran.
Masaya ang pamilya na kumakain ngayong gabi sa kanilang kubong bahay. Nakatira sila sa tabi ng Dagat.  Iyon ang kinabubuhay nila, ang mangisda.
Sa umaga na-ngingisda si Feran kasama ang kaibigan pagkatapos sa hapon ay uuwi para ibenta ang mga hinuling isda. ang iba naman na hindi mabibili ay ulam nila'ng mag-anak.
Kahit na simple lang sila at hindi mayaman ay masaya naman silang nabubuhay. kahit kompleto'ng pamilya lang at masaya ay solb na solb na sila.
"Maganda ba talaga?" Tanong ng ina na naghahain ng kanilang kanin.
"Maku nay! sobrang ganda po! pero masungit tyaka nag i-ingles"
"nag-sasalita ng ingles? mayaman iyon kung ganun" saad ng ina.
"Sunny, wag mo nga'ng ipag-tanggol pa ang babaeng iyon, Halata naman na suplada iyon at ang katulad nating mahihirap ay tinatapaktapakan lang."
"Naku si kuya nay, humuhugot, ang sabihin mo nagkagusto ka kay ateh, Kay ganda naman kasi nay! parang barbie"
"Oh edi maayos na ba ang batang iyon? Hindi ka ba tinawagan para sa kaso?"
Umiling siya. "wala nay, at tyaka tumawag sa akin iyong ama na hindi daw sila magsasampa, dahil may kasalanan din ang anak nila."
"Edi mabuti...sa susunod kasi mag-hinayhinay sa pag-bebesiklita para naman iwas sa desgrasya" pa-alala nito.
Napakamot nalang siya ng ulo. hindi niya alam kong saan kakampi ang ina. sa kanya ba o sa suplada'ng babae.
"Kumain na tayo, umupo kana rito Feran."
Salo-salo silang kumain. Pagkatapos ay siya na ang nag-presintang maghugas ng plato. Ng matapos  ay nagpahangin muna siya sa labas. natutulog na ang nanay at kapatid niya sa loob.
Ganito kasi siya kapag may iniisip ay hindi siya nakakatulog agad-agad kundi ay nag-mumuni-muni muna siya sa gitna ng tahimkk na Dalampasigan.
Na-alala niya ang nangyari noong nakaraang Linggo. Nakita niya sa unang beses ang presidente ng Pilipinas. Kahit wala silang tv ay alam naman niya kong sino ang namamahala sa pinas.
Nais niyang magpa-picture o di kaya ay magpakuha ng Signature. Ngunit galit ito sa kaniya dahil sinagasaan niya lang naman ang anak nito kahit na hindi naman niya sadya.
Ang masaya niyang utak ay nahaluan ng galit ng marinig niya ang lumabas sa bibig ng presidente na hinahanap siya ng kanyang ama.
Ang ama niyang iniwan sila upang sumama sa isang mayamang babae na nagtatrabaho sa politika. Tapos ngayon ay sasabihin nito na hinahanap nito sila. sino ang inuuto nito?
Noon nagmaka-awa sila na bumalik ang kanilang ama ngunit mas pinili nito ang babae. At mas lalong bumagsak ang pag-asa niya dahil nabuntis lang naman nito ang babae. Kaya wala ng paraan pa para bumalik ito sa kanila dahil may anak na ito at masayang pamilya, masarap na pagkain, maayos na tirahan.
Ang dating ala-ala sa kanyang ama ay biglang naglaho dahil bumungad sa utak niya iyong maldita at supladang babae.
Tinampal niya ang pisngi. bakit niya ba na-iisip ang babaeng iyon? eh wala lang naman iyon sa kaniya? oo maganda, habulin ng mga lalake ngunit suplada, maarte, masungit, hindi nga ata kumakain ng mga simpleng pagkain yon eh.
Napa-iling siya. ano ba ang nangyayare sa utak niya?
✔︎ZN

Bình Luận Sách (21)

  • avatar
    Sotelo Akeesha Gale

    Good novel

    10/05

      0
  • avatar
    Donghae Mendoza

    nicw

    10/11

      0
  • avatar
    Mia Beringuel

    🤍🤍

    21/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất