logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Chapter 5
Zamiell
Year 1984
Maraming nagbago sa lugar na ito simula ng ako ay lumisan, mas naging sibilisado, marami na rin nakatayong mga gusali, at namangha rin ako sa bagong tayong tren. Ito raw ang kauna-unahang rail line dito sa timog-kanlurang Asia tinawag nila itong Manila LRT Line 1. Sa aking paglalakad ay makikita ang malaking pagbabago sa bansa, ilang taon na rin simula ng bumalik ako rito pakiramdam ko ay isa na naman akong dayuhan dito.
Sa aking paglilibot ay nakarating ako sa unibersidad na nakalagay sa sulat na hawak ko, nakatala rito na ito ang Unibersidad ng Santo Tomas. Madali akong nakapasok dahil napagkamalan akong estudyante ng mga guwardiya, naglakad-lakad ako sa pasilyo ng paaralan, sa bawat bintana ay makikita ang mga estudyanteng nakikinig sa kanilang mga guro.
Napatigil ako sa pagmamasid ng makita ang isang gurong kilalang-kilala ko, dahan-dahan akong pumasok sa pintuan sa may likod ng silid-aralan upang hindi ko maalintana ang klase, umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimula makinig sa kanyang leksyon. Tulad ng dati ay maaliwalas ang mukha nito habang nagtuturo ng kanyang leksyon, magiliw niyang sinasagot ang mga tanong ng kanyang estudyante, at hindi halintulad sa ibang guro ay kilala niya ang kanyang mga nahahawakan sa pangalan.
Natapos ang kanilang klase, nagsilabasan naman ang mga estudyante, ang iba ay napapatingin sa akin dahil ngayon lang nila ako nakita. Ng makaalis na ang lahat ay dun pa lang niya ako nakita, ngumiti siya sakin at ganun din ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, ng makalayo na sa kanya ay nababakas ang katandaan sa kanyang mukha at makikita ang ilan linya sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa pagiging palangiti nito, ngunit makikita pa rin ang resulta ng kanyang pagbabanat ng buto nitong kabataan niya.
"Kuya, buti at nagawi ka ulit dito"
"Gusto kitang makita"
Ngumiti sakin si Porpeng, ang kanyang dalang mga gamit ay aking kinuha. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng silid, sinalubong kami ng pasilyo na kaninang walang laman na ngayon ay punong-puno ng mga estudyanteng tapos na ang klase.
"Sir Lubert! Ang gwapo naman ng kasama niyo"
Tumango siya sa mga nakakasalubong namin na estudyante at ngumingiti.
"Anak ko kasi, kanino pa ba mag-mamana?"
Tumawa ang mga estudyante nito at tumingin lang sakin, tinignan ko lang sila ngunit bigla akong siniko ni Porpeng. Pinandilatan ako nito ng mata kaya wala akong nagawa kundi ngumiti kahit pilit.
"Mauuna na kami at wala pang kain ang aking alaga"
Tumango ang mga ito habang kumakaway, ganoon din ang ginawa ni Porpeng bago kami umalis patungo sa bahay na tinutuluyan niya rito sa Maynila.
"Kailan mo pa ako naging anak?"
Kunot-noong tanong ko sa kanya ng makarating kami sa bahay niya na malapit lang sa paaralan na kanyang pinagtuturuan. Natawa ito sa akin dahil nakita niya kung paano ako naguguluhan.
"I think it would be a logical explanation, you're younger than me to call you kuya infront of others without saying you're my child"
"Kinakausap mo na ako sa ingles ngayon"
Tumawa muli siya sa akin habang kumukuha ng pagkain sa maliit na refrigerator.
Hindi pa rin mawala sa isip ko na iniwan ko siya noong siyam na gulang pa lamang siya upang ipagpatuloy ang paglalakbay sa iba't-ibang bansa ng mundo na ito. Naiwan siya kay Cecilia buong puso kong tinanggap na si Porpeng at ang pamilya ni Cecilia ay nalalapit na sa aking loob at tinuring kong pamilya. Kaya naman laking gulat ko na lamang na makita si Cecilia sa harapan ko, nasa Ireland ako ng mga panahon na iyo. At kesa sumama sa anghel na sumundo sa kanya ay pinuntahan niya ako upang aking malaman na siya ay pumanaw na.
Nais niyang pumunta muna ulit ako sa Pilipinas upang may kasama ang mahahalaga sa kanyang buhay na kanyang naiwan. Ng bumalik ako ay dalawangput walong taong gulang na si Porpeng noon, habang ang dalawang anak din ni Cecilia ay nasa dalawangpu at labing-siyam gulang na rin. Nasa tabi lang nila ako sa mga panahon na nagdadalamhati sila sa pagkawala ng kanilang ina at tinuring na ina ni Porpeng, pagkatapos ng isang taon ay sumunod na rin ang asawa ni Cecilia na si Roberto.
Malaking dagok ito para sa kanila kaya namalagi muli ako sa Pilipinas, ako ang humaligi sa kanila kasama ang mga kamag-anak ni Cecilia at ni Roberto. Nakita ko kung paanong ang dating bata na nag-aaral lamang na si Porpeng ay naging guro na rin tulad ng kaniyang iniidolo na si Cecilia, habang ang mga anak nitong babae na si Cecil ang panganay at Rosa ang pangalawa ay tinahak ang kanilang mga pangarap.
Dito na rin naungkat ang aking pagiging anghel dahil na rin sa sila ay tumatanda na at ako ay nananatili sa edad kung saan nakagisnan ni Porpeng. Wala akong nagawa kundi sabihin sa kanila ang totoo, ngunit ito ang naging sikreto lamang namin apat. Sa huli ay ninanais nila akong makasama tulad ng isang pamilya. Kung kaya ay may nauuwian ako kung nais kong magpahinga at ito ay sa kanilang piling.
Nakilala ko rin ang naging asawa ni Cecil na si Aki, isa itong hapon na doktor na namamalagi sa Pilipinas, habang si Rosa naman ay nakapangasawa ng isang Amerikanong inhinyero na si Jullian. Nakita ko ang pag-aalinlangan kay Porpeng ng mga oras na iyon ngunit hinayaan niya ang dalawang babaeng tinuring niyang kapatid na sundin ang tibok ng puso nito.
Sa huli ay nagulat pa ako ng si Porpeng ang hindi nakahanap ng kabiyak dahil sa mas ginusto niyang magturo. Napunta siya rito sa Maynila dahil sa kanyang propesyon, habang si Cecil at Rosa ay nasa ibang bansa kasama ang kanilang mga asawa. Dahil sa sikreto namin ay madalang ko silang makita dahil sa walang alam ang kanilang mga asawa, ngunit nagpapadala pa rin sila ng mga sulat sa akin at ganoon din ako. Kung si Porpeng ay nasa 44 na taong gulang na, si Cecil at Rosa ay maaaring nasa 36 at 35 taong gulang na, matagal na rin pala ang huling bisita ko rito. Ni hindi ko natunghayan ang kanilang pagpapakasal.
"Hindi mo ba kakainin yan?"
Napatingin ako sa pagkain na kanyang hinain at nagsimulang kumain, nilibot ko ang paningin ko sa kanyang maliit na tahanan. Tila ba natauhan siya at balak na tanggalin ang pagkain sa harapan ko.
"Kakainin ko ito dahil galing sa iyo, kumain ka na dyan"
"Sa katandaan ay nawawala sa isip ko na hindi ka pala kumakain"
Pinagpatuloy namin ang pagkain habang tumitingin ako sa paligid, maraming mga litrato ang mga nakasabit, ilan na dito ay kasama ako. Pinakatumatak sa akin ay ang litrato naming dalawa noong siya ay bata pa. Katahimikan ang nanaig sa amin habang kumakain, ng matapos kami ay ako na ang nag-hugas ng aming pinagkainan habang siya ay nanonood ng balita sa telebisyon sa may sala.
"Sa daming problema ukol sa politika dito sa Pilipinas hindi na lang nila ipagpaliban upang manalangin. Matutuloy ang pag-gunaw ng mundo, hindi ba?"
Nakatingin lang ako sa kanya, ngunit nanatiling nakatuon ang kanyang atensyon sa panonood.
"Oo"
Dahil sa pagpapaliwanag ko kung ano ako ay nalaman na rin nila ang mangyayari sa mundo, pero hindi nila ito inisip pa at pinagpatuloy ang buhay na kanilang nasimulan habang hindi sinasayang ang pagkakataon na oras na binigay sa kanila.
"Alam mo ba na nanaisin kong mabuhay ng matagal, ngunit kung ang plano ng Panginoon ito'y wakasan para sa isang panabagong buhay kung saan naghahari ang kabutihan at kapayapaan ay mas nanaisin ko na iyo"
"Ngunit gusto kong mabuhay ka hanggang sa huling hantungan ng iyong buhay"
Tumingin siya sa akin, kanyang hinawakan ang aking kamay.
"Kuya, sapat na sakin na nakasama ka sa buhay na ito"
Kinagabihan ay kumain muli si Porpeng habang nanonood ako sa telebisyon, namamangha pa rin ako sa panibagong mga teknolohiya ang meron ngayon.
Ng nakatulog siya ay nanalangin ako kay Archangel Chamuel, siya ang archangel ng lubos na pagmamahal. Siya ay nagdadala ng kasiglahan sa puso ng tao, ganun na din ang pagmamahal at pag-iingat para sa sarili at sa ibang taong minamahal. Siya ang una kong naisip kung gusto kong may makaintindi sa aking nararamdaman na pagmamahal sa tinuring na pamilya na si Porpeng, Cecil, at Rosa.
Sa aking pagdadasal ay may isang kuneho na biglang tumalon sa aking harap, aking naalala na ang kuneho ang simbolo ni Archangel Chamuel kung kaya ay nagbigay galang ako habang ito ay nakatitig sa akin ng taimtim. Mabilis ko naman naintindihan ang kanyang nais at sinundan siyang lumabas ng bahay habang aming binabagtas ang daan papunta sa isang palaruan ng mga bata.
Sa di kalayuan ay nakita kong nakaupo si Archangel Haniel, nagbigay galang ako sa kanya habang hinawakan niys ang kuneho na si Archangel Chamuel, kanyang tinignan ang pwesto sa kanyang gilid at ako ay kanyang pinaupo. Sumunod naman ako sa kanya, hindi ako makatingin sa kanya dahil ang aking hihilingin ay makakasira ng plano ng panginoon.
Si Archangel Haniel ay nakatuon sa koneksyon ang isang pamilya, siya rin ang nag-uudyok para sa pagkakaayos ng isang pamilya o relasyon sa pamamagitan ng pagsasabi ng nararamdaman o di kaya ay pag-uusap, upang matanggap at marinig ito ng magkabilang panig.
"Alam ko ang iyong nais Zamiell, handa ka naming tulungan ngunit maaari ba namin malaman ang iyong dahilan"
Tumingin ako sa kanila ng walang pag-aalinlangan, kung para sa kanila ay akin itong gagawin.
"Alam ko pong nagkamali ako ng mapalapit ako sa mga tao, lalo na sa mag-asawang Cecilia at Roberto, pati na rin kina Porfirio, Cecil at Rosa. Hindi ako nakinig sa payo ni Archangel Michael ukol sa paglapit ng aking loob sa mga tao na maaaring hindi ko na makita dahil sa pag-gunaw. Ngunit maliban sa aking mga nakasamang anghel sa langit, isa sila sa nagparamdam kung gaano kasarap magmahal ang isang pamilya, ang kanilang pag-iingat at pag-aalaga ay hindi ko basta-basta matutumbasan. Dahil sa kanila ay para akong nabuo muli, nabuo nila ang pagkukulang na aking nararamdaman sa aking puso, minamahal ko sila bilang pamilya, wala sa aking kung sila ay tao o hindi. Nais ko lang silang mailigtas."
"Kung gayon ay halika, sasamahan kita sa Ama. Ipaliwanag mo ang iyong panig"

Bình Luận Sách (46)

  • avatar
    Rodrigo Jr Yandan

    jsjsjs

    26d

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    i love it

    29/07

      0
  • avatar
    ZorrillaLennie

    good

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất