logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 7

Hindi ko namalayan ang sarili ko na naglalakad na naman sa tulay at nakita ko ulit ang malaking puno na may iba’t-ibat klase ng bulaklak, binuksan ko ito at pumasok na sa loob.
Ngayon ko lang napansin ang napakalaking palasyo at makikita mo na ang bawat bahagi nito ay puros diyamante.
“Bakit ba kahit anong iwas kong hindi makapunta sa lugar na ito ay lagi pa din akong napapadpad dito?” Tanong ko sa aking sarili.
“Dahil sa akin, kaya lagi kang napupunta dito.” Muntik na akong mapaupo ng dahil sa pagsulpot niya ulit.
“Ikaw na naman?! Anong bang meron sa’yo at laging ikaw ang nakikita ko?!”
“Hayaan mong sabihin ko kung ano ang lugar na ito alam kong matagal ka ng nagtataka at nagugulohan kung bakit pabalik-balik ka na lang lagi dito.”
“Gusto ko na makaalis sa lugar na ito!” Walang buhay na wika ko sa kaniya.
“Kahit gustohin mong umalis dito, mapapadpad at mapapadpad ka pa din dito.”
Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. “Ano ba ang lugar na ito?”
Nag-umpisa siyang maglakad at sinundan ko siya. Pumasok kami sa loob ng palasyo hanggang sa pangatlong palapag iba’t-ibang tao ang nakikita ko sa loob at miski sila ay napapatingin sa akin.
Sobrang daming pintuan sa palasyo na ito at sabi ng kasama ko ang mga pintuan na iyon ay patungo sa iba’t-ibang dimension.
Binuksan niya ay isang pintuan at lumapit siya sa isang malawak na balkonahe. “Nakikita mo ba ang kabuoan ng lugar na ito? Nakakamanghang pagmasdan tama ba?”
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, tama nga siya. Sa gilid may malawak na lawa pero ang lawa na iyon ay kulay pula at napapalibutan ito ng mga iba’t-ibang klase ng bulaklak at puno.
Sa bandang kanan naman ay may isang malaking Bato, pero ang bato na iyon ay kulay green at umuulan doon ng snow at hindi ko alam kung anong meron doon. Sa bandang gitna naman ay isang malaking clock tower sa tabi nito ay may malawak na bayan na may mga parehas na estruktura ng mga bahay sa bandang kaliwa naman ng clock tower ay mga cheery blossom at sa gitna nito ay may fountain at iyon ang pinalilibutan ng mga cheery blossom.
“Ito ang lugar ng Dream Land. Lahat ng ito ay panaginip lang.” Pag-uumpisa niya.
“P-Panaginip?” Tumango ito. “Noon wala naman ako sa lugar na ito pero may isang tao na binuo ako sa isipan niya kaya napadpad ako sa lugar na ito.”
“Ang mga nakikita mo lahat iyan ay may ibig sabihin sa tao na iyon, ang lugar na ito ay kasama din sa mga memorya niya na nabura sa isip niya.” Mababakas sa boses niya ang lungkot at parang naluluha na din ito.
Pinunasan nito ang tumulong luha sa mata niya. “Pasensiya na naging emotional ako.”
“It’s okay,” saad ko, bakit ganun nalulungkot din ako parang ayaw ko siyang makitang umiiyak.
“Sa mga susunod na araw lahat iyan ay pupuntahan natin.” Hinawakan nito ang kamay ko na ikinagulat ko.
“Halika may pupuntahan tayo, gusto mo ba makapunta sa panaginip ng isang tao?” Tanong niya sa akin.
“Puwede iyon? Paano?” Ngumiti ito sa akin at hinila na ako kaya nagpahila na lang ako sa kaniya. Huminto kami sa pinto na may nakasulat na Dreams.
Pagkapasok namin ay, may isang malaking transparent glass at sa loob ng glass ay may mga susi na nakalutang at nakalagay ito sa box na may iba’t-ibang klase ng kulay. Kinuha niya ang susi ng nakalagay sa kulay blue na lalagyan.
Namangha ako ng may mga pintuan ang lumutang sa gilid namin. Pumunta kami sa tapat ng isang pintuan na kulay blue. Binuksan niya ito gamit ang susi. Nang mabuksan niya na ito ng tuloyan ay may black hole na napapalibutan ng iba’t-ibang kulay.
Hinawakan nito ang kamay ko at pumasok kami. Napasigaw ako at napapikit dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako at hindi na makakaligtas pa.
“Buksan mo na ang mga mata mo.” Utos niya kaya dahan-dahan kong binuksan ang mata ko.
Nakita ko andito kami sa tabing dagat habang nakikita kong papalubog na ang araw. May nakita akong dalawang taong nakatayo sa buhanginan, nang tignan kong mabuti ang mga ito pakiramdam ko ay familiar ang dalawang tao na iyon sa akin.
“Teka, bakit parang familiar sa akin ang mga tao na iyon?” Tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. “Gusto mo lapitan? Para marinig mo mga sinasabi nila?”
Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanila, hindi ko pa din nakikita ang itsura nila, pero ang boses nila kilang-kilala ko.
“Gusto ko kapag ikinasal tayo memorable. Kasi minsan lang mangyari sa buhay natin iyon.” Rinig kong saad nung babae sa kasintahan niyang lalaki yata.
“Ano bang klaseng kasal ang gusto mo?”
“Gusto ko beach wedding tapos masisilayan natin ang ganda ng kulay ng kalangitan kasabay ang paglubog ng araw at sa paglubog ng araw, doon tayo magsusumpaan na hanggang sa tumanda tayo, magkaroon ng sariling pamilya, hinding-hindi na ako maghahanap ng iba dahil ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko kasabay ng paglubog ng araw, isasama nun ang vows ko sa’yo.”
“To be honest, noon I admit that I’m freak pero simula nang makilala kita Nicole nang dahil sa kuya mo ay nagbago ako, iyong pagiging freak ko tumino ng dahil sa pagmamahal na ibinibigay mo. Sa totoo lang ngayon nakikita ko iyong sarili ko na magiging asawa mo.”
Humarap sila sa isa’t-isa. Nagulat ako dahil ang kaibigan ko na si Hans at ang kapatid ko ang nakikita ko. Naging seryoso na ang mukha ko ng makita kong lumuhod si Hans sa kapatid ko habang may hawak na singsing.
“Bago lumubog ang araw gusto kong masaksihan niya kung gaano ko kamahal ang taong kaharap ko ngayon at gusto kong masaksihan niya na gusto kong maitali sa taong mahal ko ngayon.”
Kita kong naiiyak ang kapatid ko. “Will you, Marry Me. Faye Nicole Zaccardi?”
Tumango ang kapatid ko. “Yes, Hans!” Isinuot ni Hans ang singsing sa kapatid ko, tumayo ito at niyakap ang kapatid ko.
“Hans? Nicole?” Tawag ko sa kanila, napatingin sila sa akin at pagkatapos ay biglang dumilim ang paligid at nagising na ako.

Bình Luận Sách (158)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    very nice

    4d

      0
  • avatar
    PenalesJireh

    good book

    7d

      0
  • avatar
    MalateArjay

    good

    13d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất