Naiinis man ako dahil sa simpatiko nitong ugali. But still, nakokonsensya ako sa pag giging rude ko minsan kay Ezekiel. Hindi ko lang talaga gusto iyong paghalik niya sa akin na hanggang ngayon hindi ako maka move on. "Kim Aurora, Sasama ka ba mamaya? Birthday ni Erik. Invited tayong lahat. Mamayang gabi ,mga six." Aniya ni Princes sa akin habang sinisikop ang mga libro para bitbitin. Nang mag college, naging busy ako sa school. Syempre para naman hindi sayang iyong paghihirap ni lolo at lola. "Saan ba iyon gaganapin?" Tanong ko rito. "Sa Makipot Resort raw e. " Nangunot ang noo ko dahil ang lahat ng resort ay sakop ng lupaing Montenegro. Nag alinlangan ako sa pag tango lalo na hindi ako sure kung papayagan ako lalo na sa nangyari sa akin noon. Ginawan ng paraan nang mga Montenegro na maipakulong si Mang Domeng kahit nagmakaawa ang asawa nito. Nanatili akong tahimik at nagpapasalamat sa tulong ng mga ito. "Magpapaalam ako Ces a.' Kasi alam mo na,masyado nang mahigpit sa akin si lola ngayon." "Anak ng kagawad si Erik ,Aurora! Kaya safe tayo doon. Tsaka,hindi ako pupunta kung hindi ka pupunta." Umirap ako at huminga ng malalim. "Sige, Kita nalang tayo sa shed." "Sige, sabihan ko rin si Maribel." Alas tres nang hapon ng umuwi ako diretso sa bahay. Naabutan ko si lolo na nag iigib sa balon ng tubig. Kaliwa't kanan ang hawak nitong baldeng tubig. "Lolo, ako na!" Pilit kong inagaw pero nilapag nito at ngumiti sa akin. Iniabot nito ang one hundred pesos sa aking kamay. "Dagdag mo sa baon mo yan Aurora." Umubo ubo pa ito. Nag init ang aking magkabilang mata. Matagal na gustong patigilin ni lola si lolo sa pagiging haciendero. Sobra sobra narin ang naitulong niya,ilang taon narin siyang nagsisilbihan doon. "Lolo, di'ba wala na kayong gamot? Sige,akin na. Bibili ako." Umiling ito. "Matanda na ako anak, tsaka ikaw bata pa. Marami ka pang mararanasan na magagandang bagay dito sa mundong ibabaw. Ako kahit anong gamot.. tatanda at tatanda parin at mamamatay. Kaya ingatan mo sarili mo. Mag-Aral ng mabuti magiging masaya na ako para saiyo kung ganon." Umalis ito sa aking harap at naiwan akong natulala. Kaya nga ako nagsisikap ng mabuti. Babayaran ko iyong hirap nila para sa akin. Hindi ako lumaking nakukuha agad ang gusto tulad ng iba. Kelangan pa naming magtrabaho para may makain araw araw. Kahit itlog at pritong talong lang ang ulam ang saya na namin sa mesa. Ganon kami kasimple at masaya sa munting bagay na biyaya. Alas sais ang oras ng aming hapunan. Habang kumakain ay nag uusap sila lolo at lola. "Lola,aalis po ako mamaya. Birthday kasi ni Erik." "Erik? Iyong ka klase mo? Ang anak ni kagawad Lando?" "Oo lola,Sa Makipot resort po. Hindi naman po doon delikado." "Sinong kasama mo?" Tanong ni lolo. "Marami po kami, uuwi naman po agad pagkatapos ang kainan." "Berni dapat nating bilhan si Aurora ng cellphone. Iyong eleven hundred." "Naku eleven hundred Tessa? Ang mahal!" Ngumisi si lola at pinalo ng sandok ang ulo ni Lolo. "Ikaw matanda ka. Unit ng cellphone iyon. Hindi presyo!." Napangiti ako sa asaran ng dalawa. This is what we call ,priceless. Money can't buy our hapiness. Matatagpuan ang kasiyahan sa taong nagbibigay ng saya at nagmamahal sayo kahit walang mamahaling materyal na bagay. Dahil ang pagmamahal ang siyang nahihigit na makapangyarihan sa mundong ito. Maliwanag ang ilaw sa cottage na ukupa nila Erik. May videoke at inuman na ikinabigla ko. May mga banda na walang ilaw. Marahas na rin ang ihip ng hangin galing dagat. Napayakap ako sa sarili ng humaplos ang malamig na hangin sa balat. "Mabuti nandito kayo." Si Erik na may dalang inumin."May pagkain doon. Tsaka pasensya na kung may umiinom a? Wag niyo nalang pansinin." "Happy birthday! Okay lang! Ang foods talaga iyong sadya namin." Si Maribel na sinaway ko agad. "Sige! Kain lang!" Pansin ko na may mga hindi kami kaklase at baka mga anak ng ibang kagawad. Siniko ako ni Princes at tinuro ang isang mesang ukupado ng mga lalaki. "Grabe makatingin saiyo O! Type ka ata." Umismid ako at umiling. "Kakain lang tayo at uuwi. Pagalitan ako ni lola at lolo kapag tumagal ako." Tumango silang dalawa. Ang planong pagkain at pag uwi ay nauwi sa wala. Naaliw sa kantahan at usapan ang aking dalawang kaibigan. Inabutan kami ni Lora ng isang bote ng The Bar at kulay pink iyon. '"Masarap yan. Lasang strawberry. Promise hindi yan hard." I immediately shooked my head. "Di ako umiinom." "Sige na try na natin . Nakainom na ako dati pero tanduay iyon e. " "Cheap iyon! Ito maganda. Sige na. College na tayo. Marami pa tayong parties na mapupuntahan natural lang ang pag inom kaya dapat masanay." Napangiwi ako ng binuksan iyon ni Lora at binigyan kami ng shotglass. Shit naman! Ang iba ay tipsy na at may naliligo na sa dagat. Halos mamutla rin ako ng makitang may nagka yayaan sa madilim na cottage. "Come on, it's part of growing up!" Si Lora. Si Lora ay nasa second year college na at pinsan ni Erik. Bali balitang papalit palit ng boyfriend. Nakainom na si Princes at Maribel ng ikatlong shot habang ako ay titig na titig s likidong nasa loob ng shot glass. "Anong lasa?" Tanong ko kay Princes. "Tamodkels!" Humalakhak si Lora at iba sa narinig. Pinalo ni Maribel si Princes. "Ang bibig mo! Kung nakalasap kana ng tamod wag mokong inggitin." Nasapo ko nalang ang ulo nang nag cheer sila na uminom ako. "Come on Kim Aurora. Inumin mo nalang at ito tubig, sundan mo." Tumango ako at walang pasubaling ininom. Naghiyawan sila. Hanggang sa lumalim na ang gabi. Kinontrol ang ang sarili at hindi na nagpadala sa pamimilit nila. Nasa ika apat lang ako ng shot pero nag iinit na ako. Ramdam ko sa sikmura ang kulo ng inumin at pagkasakit ng ulo. Mas lalo akong napapikit ng makaramdam ng pagsusuka. "Maribel,Cr lang ako." "Alam mo ba? Nasa bandang kanan iyon, at kaliwa at kanan basta andiyan lang iyan." Iba na talaga kapag nalalasing. Pinagbawalan ko narin silang uminom at nanatili nalang upang mahimasamsan. Kahit nakajaket ako na nakapatong sa aking dress ramdam ko parin ang init. Kaya ng nasa pasilyo na hinubad ko ang jacket at naginhawaan ng makaramdam ng haplos ng hangin. Sapo sapo ko ang noo habang naglalakad sa pasilyo. Hindi ko talaga mahagilap ang banyo! Yumuko ako at natutop ang noo. Ang sakit talaga ng ulo ko. Alam ko rin na hindi na tama ang lakad ko. Napasinghap ng may nabangga. "Hala,s-sorry." Nauutal dahil sa kalasingin ng konti. Iiwas sana ako at nanatiling nakayuko ng hilahin ako nito sa braso. Umigkas ako pabalik at nahulog ko pa ang jacket. Nanlaki ang mga mata ng makitang si Manuel ito. Walang kahit anong bakas ng emosyon at mukhang galit pa. Napalunok ako. Ilang buwan korin siyang iniwasan. Ilang buwan na hindi siya nakita. "Pasensya na Kuya." "Uminom ka?" Diin na tanong nito. Natikom ko ang bibig at marahang tumango. "Sinong kasama mo kung ganon?" "Ka klase ko. May birthday kasi. P-Puwedeng padaan?" Umigting ang panga nito at walang sabing hinakot ako na parang ikakasal. Napatili ako at kumapit sa kanyang leeg. "Saan ka pupunta? Dadalhin kita." Sabi nito. "Sa heaven kuya. Dadalhin moko doon?" Humagikhik ako ng hayaan iwaksi ang tamang tino at patulan ang pagiging lasing. Nanliit ang mga mata nito at supladong umiwas ng tingin sa akin. "Lasing ka." Umungol ako at binaon ang mukha sa dibdib nito. "Ang daya mo. Engaged kana pala." Natahimik ito. Ramdam kong inilabas niya ako ng resort. "Ang daya mo talaga,Kuya." Naramdaman ko ang pag bukas ng kotse nito at nilagay niya ako sa upuan nito. Hindi ko pinakawalan ang leeg niya. "Bitaw na. Hahatid kita." "Ang daya mo.." Unti unting nakain ng dilim ang mga mata ng napapikit. "Ang daya..Ang sakit." Humina ng boses. "Ikaw ng madaya. Bakit siya pa? Siya pa talaga ang nakauna." Huminga ito ng malalim at naramdaman ko ang pagkalas nito ng kamay ko sa leeg niya. Pinahiga ang aking kinauupuan at hinawi ang hibla ng buhok sa aking mukha. "Hanggang doon nalang iyon." Sabi nito at naramdaman ang masuyong paghagkan nito sa aking pisngi at pagpatak ng halik sa noo. ~~~ Humihigop ng lugaw na gawa ni lola para maibsan ang sakit ng aking ulo."Lola pasensya na talaga. Nag-alala pa kayo kagabi." Huminto ito sa pagwawalis ng sahig sa sala namin at hinarap ako. "Hindi naman kita pinapagalitan Aurora. Parte iyon ng pagdadalaga. Sa susunod na taon debut mo na. Alam mo naman ang tama at mali di'ba? Kaya hindi ko hahadlangan ang mga gusto mong gawin anak." Mabilis rin itong umupo sa harapan ko. "Kagabi muntik na mag away si Senyor Ezkiel at Senyor Manuel." "Po?" "Dapat kasi si Senyor Ezekiel ang susundo sayo. Pero saktong dumating si Manuel galing trabaho sa tubuhan. Ang sipag sipag talaga ng batang iyon. Sobrang alala ko kasi kagabi kaya doon na ako humingi ng tulong." Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni lola. Sobrang nahihiya rin ako kay kuya Manuel kagabi sa mga pinagsasabi ko. Iba nga ang lakas ng loob na maibibigay ng alak saiyo. Ano ano na ang nasasabi ko. Buong araw akong hindi lumabas ng bahay. Hindi pumasok si lola at si lolo lamang doon. Pareho kaming nagdidilig ng mga bulaklak sa labas ng may tatlong kasamahan ni lolo ang pawisan at hinihinhal sa pag takbo ang huminto sa aming bakuran. "Tessa si Berni! Sinugod sa hospital!" Sabi ng isa kay lola. Sa sobrang taranta ni lola ay nabitawan niya ang tabo. "Ano?!" "Andoon na siya sinugod sa hospital. Biglang nahimatay!" Abot tahip ang kaba ko habang nasa labas kami ng emergency ng hospital. Hinawakan ko ng mabuti ang kamay ni lola. "Lola, malakas pa sa kalabaw si lolo diba?" Kumudlit ang sakit sa aking dibdib ng tumakas ang kuha sa mapulang mata nito. "L-Lola huwag ka nang umiyak." "M-Matanda na ang l-lolo mo Aurora. M-Matagal na siyang may dinaramdam s-sa dibdib pero ayaw niyang ipagamot. Gusto korin humingi ng tulong sa Senyora Patricia pero ayaw rin niya dahil doon matanda na daw siya." Humagolhol ito. Napatingin ako sa doktor na lumabas sa pinto ng emergency room.May mga lumapit ditong nurse. "Time of death. 2:36P.M" Napapikit ako ng sobra at niyakap si lola na mas humagulhol na. Maraming tumulong sa amin lola sa pagbayad at pag asikaso sa baul ni lolo. Naalala ko pa noon na gustong gusto ni lolo ang aking gawang bracelet na yari sa shells. Nanginginig ang kamay kong pinulot ang mga shells na nakikita sa mapinong buhangin. Bawat pulot ko ang siyang pag patak ng luha at pagsikip ng dibdib. Hindi na alintana ang ambon ng mahinang ulan. Gagawa ako ng napakagandang bracelet lolo. Sana dalhin mo hanggang sa langit. Tiningala ko ang langit na maitim at hinayaang bagsakan ng ulan ang aking mukha. Napadilat nang wala ng ulan. Isang kulay dark blue na payong ang nakita ko. Napakurap kurap at tinignan ang may ari ng kamay na hawak ang payong. "Magkakasakit ka.'' Si Ezekiel habang basang basa ang kulay puti nitong T-Shirt kaya nababakat ang makisig nitong katawan. Umiling ako at yumuko. Nilagay ang mga shells sa supot. "A-Ayoko pa kasing umuwi. Nalulungkot ako." "Mag papaulan ka nalang dito kung ganon?" tanong nito na seryoso ang mukha. Alam ko naman na naging harsh ako noon sa kanya pero wala akong oras ngayon. Tinignan ko ang malaking bato sa gilid ng dalampasigan. "U-Uupo ako sa batuhan." Turo ko doon. Kunot noong tinignan niya iyon at tumango. "Samahan kita." Umiling ako at umatras para hindi niya mapayungan dahil basang basa na siya. Hinawakan ako nito sa braso at hinila palapit. Umigkas ako sa dibdib niya ng yakapin niya ako at dalhin sa batuhan. Hinimas himas pa nito ang aking buhok na parang bata. "Ikaw talaga, alam kong kailangan mo ng karamay. Puwede naman ako." Umupo ito sa batuhan na nakapasilong sa mataas na niyog kaya konting ambon lang dito. Tinapik niya ang kabila para paupuin ako doon. Unti unti akong lumapit at umupo sa tabi niya. Nilagay nito sa akin banda ang payong na nakabukas para harangan ang hangin. "Nakikiramay pala kami. Kung gusto niyo ng tulong sabihin mo lang." "Marami na kayong naitulong sa pamilya namin K-Kuya Ezekiel." Humalakhak ito at kinagat ang ibabang labi na nakatingin sa akin. "Ezekiel nalang. May plano pa akong ligawan ka tapos kuya itatawag mo sakin." Umirap ako at ngumisi. Nakakagaan pala siya ng loob kasama. "Ayoko saiyo." "Aw! That hurts!" "Matanda kana." Biro kopa dito. "Mas awkward kapag mas bata ako saiyo Aurora diba? Kaya dapat matanda ako sayo." Kahit paano gumaan ang loob ko ng ilang minuto hanggang sa may naramdaman akong kumagat sa aking leeg. "Aray!" Hinawakan ko iyon at pinalis. Agad namang hinawakan ni Ezekiel ang aking leeg at tinignan. "Masakit pa?"tanong nito. Umiling ako. "Langgam yata iyon." "Bwesit na langgam. Naunahan ako sa leeg. Tang ina." Ngumisi ito sa akin. Ewan ko pero biglang binatokan ko siya na mas ikinahalakhak niya. "Sige batok pa! Hahalikan ulit kita." Pilyo nitong sabi na ikinatigil ko. "Bwesit ka Ezekiel." "Yan. Drop the kuya." Pahapon na ng hinatid ako nito pauwi. Pinahiram niya sa akin ang bagong t shirt niya. Pero bago kami maka labas sa gate ay ang siyang pag pasok ng itim na kotse. Lumabas doon si Manuel at si Chloe. Nakita ko kung paano dumapo ang tingin ni Manuel sa akin at kay Ezekiel. Tinanguan ni Ezekiel si Manuel pero umiwas lang si Manuel. Kabado ako ng papalapit sila. Hindi ako makatingin hanggang sa hindi ko kinaya. Inangat ko ang tingin at nakitang nakatitig siya sa aking leeg. Umigting ang panga nito at hinawakan si Chloe at ngumiti sa amin. Parang bumagsak ng pinong pino ang puso ko. Tumatak ang eksenang iyon sa akin hanggang gumabi. Tumahan narin ang ulan. Maraming tao sa aming bahay. Tulala si lola kaya halos ako nalang ang umaasikaso. Nilagay ko rin ang gawang bracelet sa kabaong ni lolo. Halos hindi ko siya matignan na nasa loob. Ayokong makita ang mukha niyang nandodoon. Tinabihan ko si lola. "Lola kain muna kayo." Umiling ito na nakatulala. "Sabag kami ni Berni kakain hija. Kaya mauna kana. " Umawang ang labi ko at nag init ang mga mata. Nahahabag sa mga nangyayari. Tumayo ako at hinanap si Nanay Cora ang kaibigan ni nanay na tumulong sa amin. "N-Nay pakibantayan muna si Lola. M-May kukunin lang ako sa dagat." "Sige Aurora. Ako na dito,magpahinga karin muna." Tumango ako at umalis na. Dinala ako ng sariling mga paa sa dalampasigan. Hinahanap hanap ng aking systema ang simoy ng hangin galing sa dagat. Lalo na nakakaalis ito ng aking sama ng loob minsan. Ang hirap. Ang hirap lalo ngayon na parang nawala sa katinuan si lola. Hindi ko alam kung paano babalansehin ang oras ko sa kanya at sa pag aaral. Kung paano kikita araw araw na wala na si lolo. Bumagsak ang luha ko na agad ko namang pinalis. Nakita ko ang kamalig na maliit s gilid ng dalampasigan. Kamalig ng mga Montenegro. Wala iyong ilaw kaya walang tao doon. Unti unti ako doong lumapit at hinawakan ang pinto na nakabukas. "Tao po?" Pero walang sagot. Binuksan ko iyon at hinanap ang lampara para pailawin. Hinila ko ang lubid noon at awtomatiko itong umilaw. Kasabay ang pag ilaw nun ang paghila sa akin ng kamay at pininid ako sa pinto. Lumagapak ang pinto pa sarado kaya napapikit ako ng sobra. "Gabing gabi na pero lumalabas ka parin." Si Manuel na naka hubad baro at naka sweat shorts lamang. Napalunok ako dahil sobrang lapit niya sa akin. "Nalulungkot kasi ako-" "Kung nalulungkot ka huwag ka dito!" He hissed on me madly at mas dinikit pa ako sa pinto. Natatakot ako sa galit nitong mukha. Nakita kong may alak at gitara sa mesa. Siguro iyan ang ginawa niya kanina pero inistorbo ko. "A-Alam kong sainyo ito pero huwag mo akong pagalitan." Sabi ko rito sa piyok na boses. Nangilid ang aking luha na itinulak siya. "Alam mo, mas mabuti pang kasama si Ezekiel-" Napasinghap ako ng hilahin nito ang batok ko. Ramdam ko ang malambot na labi nitong gumagalaw sa aking labi. Tinulak ko siya pero mas malakas siya. Lasang alak at mint ang labi niya. Nakaka tuliro ang kanyang halik hanggang sa unti unting bumigay ang aking kamay at kumapit sa kanyang balikat. "Uhmmm.." Napaungol ako ng ibuka ng dila niya ang labi ko at sinipsip ang aking dila. Hindi ako makasabay sa halik niyang nakalulunod lalo na ng sinikop niya ako. Umupo siya sa upuan habang masa kandungan niya ako. Hawak niya ang aking batok. Hindi binigyan laya. Halos hindi na ako makahinga. Pinilit kong iiwas ang labi at tumingala para makahinga pero pinigtas nito ang strap ng aking dress at madaliang hinanap ng labi niya ang aking dibdib at hayok iyong sinipsip at dinilaan. Halos mamilog ang mata ko at hindi makahinga sa sobrang kabog ng dibdib. "Hmmm Manuel..T-Teka..Ah!" Nakagat ko ng sobra ang labi ng kagatin niya iyon. Hinawakan ang aking baywang at diniin niya ang sarili sa akin na ikinaungol niya at itinigil ang ginagawa. Nakita ko kung paano pumula ang aking nipples sa kanyang ginawa dahil sa tulong ng liwanag ng lampara. Bigla akong nahimasmasan. Parang apoy na sinabuyan ng malamig na tubig at natupok. Hinila ko ang dress ko pataas at aalis sana sa kandungan niya pero hinila niya ulit ang batok ko at pinatakan ng halik. Umawang ang labi ko at sinipsip niya ang ibabang labi ko. Shit! Ang galing galing niyang humalik. "Ayokong sasama ka sa kapatid ko." Paos na sabi nito. Sobrang lapit ng labi niya sa labi ko. Hinalikan nito ang aking panga pababa sa aking leeg. "M-Manuel engaged k-ka." tulak ko sa ulo nito. "Liligawan kita. Sagutin mo ako. I'll drop our engagement. Fuck. I like you Aurora...so much." "H-Huh?" Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Ilang oras niyang pinagsawaan ang aking labi. Ang aking dress ay nasa aking baywang na at walang habas niyang pinagsawaan ang aking magkabilang dibdib. Wala akong nagawa kundi ang umungol sa kakaibang sensasyong ngayon lang naramdaman. "Mas magaling akong humalik. Sa akin ka magpahalik." Anito at hinalikan ako ulit. Tumango ako dahan dahan at umawang na naman ang labi ng bumaba na naman ang labi nito sa aking dibdib.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
thank you novelah
17/10
1amazing
30/04/2025
0diamond free
25/03/2025
0Xem tất cả