logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABA: SABRINA 6

“May sinasabi ka ba, Sabrina?” tanong ni Nickson habang nakakunot ang noong nakatingin sa kanya bago ibinaling muli sa daan ang pansin.
“Mukhang malalim ang iniisip mo?” tanong niya rito. Tinitigan niyang maigi si Nickson at pinag-aralan ang kilos nito. Balisa ang lalaki at parang may bumabagabag dito.
“Medyo pagod lang din ako,” tugon nito. Nakaramdam siya ng pagdududa rito dahil hindi siya kumbinsido sa sagot ng lalaki.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko noon,” bulalas niya bago pinaglaruan ang mga palad. Paraan niya iyon para pakiramdaman pa ang katabing lalaki.
“Mahalaga pa bang sagutin ko 'yan? Wala na si Erika!” iritadong sambit nito. Natahimik siya at napasulyap sa rearview mirror. Nanghilakbot siya nang makita roon si Erika! Napakaputla ng balat nito habang ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa kanya. Nanlamig ang mga kamay niya sa takot pero pinilit niyang maging matatag. Hindi siya napapansin ng katabi dahil abala ito sa pagmamaneho.
Halos takasan siya ng dugo nang makitang titig na titig sa kanya ang nandidilat nitong mga mata. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at muling idinilat. Wala na sa salamin ang mukha ni Erika kaya nakahinga siya ng maluwag. Sinubukan niyang lingunin ang likurang bahagi ng sasakyan.
“Hindi! E-Erika!” bulalas niya sa labis na pagkabigla! Naroon si Erika habang nakangisi at nakatingin sa kanya!
“Sabrina! Ano bang nangyayari sa ’yo!” tanong ni Nickson.
Napalingon siya sa lalaki. Nakamasid ito sa kanya habang hindi maitago ang pagtataka sa mga mata.
“W-Wala!” bulalas niya bago muling lumingon sa likod wala na doon si Erika.
"Narito na tayo sa tapat ng bahay mo." sabi nito nang makitang nalilito siya. Napalingon siya sa labas nang bintana at nakitang naroon na nga sila. Hindi niya agad napansin dahil sa patuloy na gumugulo sa kanya.
Inalalayan siya ng binata palabas ng kotse. Hindi siya nito iniwan hanggang maihatid siya nito sa kwarto. Madilim na rin ang paligid at nagkataong wala pa si Yolly. May emergency rin ito sa pamilya kaya naman wala siyang makakasama ngayong gabi.
"Nickson, huwag mo akong iwan." pakiusap niya sa binata nang akmang aalis na ito pagkahatid nito sa kanya sa kwarto. Pinigilan niya ito sa braso kaya hindi natuloy sa pag-alis ang lalaki.
"Maghahanda lang ako ng hapunan natin," nakangiting sambit nito.
“Thank you, Nickson. I love you,” sambit niya. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng binata pero hindi ito kumibo. Ngumiti lang at bahagyang tinapik ang kamay niya na nakahawak sa braso nito.
"Maghahanda lang ako ng dinner," sambit nito bago mabilis na lumabas sa kwarto. Naiwan naman siyang natitigilan.
Ilang saglit pa ay tumayo siya at lumabas ng silid. Bumaba siya at tinungo ang maliit na pinto sa likod ng hagdan. Papunta ito sa basement.
Marahan siyang bumaba roon hanggang tumambad sa kanya ang altar kung saan siya nagdarasal. Lumuhod siya roon at nagpatirapa.
“Ibigay mo sa akin ang katapangan, huwag mong hayaang magapi ako ni Erika,” bulalas niya habang lumuluhang nakapikit. Hindi maaaring mawala sa kanya ang lahat dahil lamang sa multo ni Erika!
Matapos ang pag-usal ng mga orasyon ay gumaan ang pakiramdam niya. Nakaramdam siya ng kakaibang lakas at tapang. Kaya nga mas gusto niyang umuwi kaysa manatili sa hospital dahil ang ikagagaling niya ay naroon lamang sa bahay niya.
Lumabas siya ng basement at nagtungo sa kusina. Abala si Nickson sa pagluluto kaya pinanood lang niya ang lalaki. Nang maramdaman nitong naroon siya ay kaagad itong lumapit.
"Sabrina, baka kung ano ang mangyari sa 'yo. Bakit bumaba ka na?" tanong nito. Mariing tinitigan niya sa mga mata ang lalaki bago matamis na ngumiti.
"Maayos na ang kalagayan ko. Kita mo naman, malakas na ako ulit," aniya bago naupo. Nagtatakang nakamasid lang sa kaniya ang lalaki kaya marahan siyang natawa. Tumayo siya at nilapitan ito para kunin ang sandok.
"Ako na ang magluluto, maupo ka na lang at pagsisilbihan kita," aniya bago marahang inakay ang lalaki paupo sa silya.
Magkasabay silang naghapunan ng lalaki at sa kwarto niya rin ito natulog. Kahit anong pang-aakit niya ay hindi siya nagtagumpay na makuha ito. Lalo tuloy naging malakas ang kutob niya na hindi siya mahal ng lalaki. May nais lang itong patunayan pero titiyakin niyang hindi ito magtatagumpay.
Hating gabi nang maalimpungatan siya. Lumingon siya sa kanyang tabi ngunit wala si Nickson. Mabilis siyang tumayo para hanapin ang lalaki.
"Nickson?!" kinakabahang pagtawag niya. Iba ang kutob niya, pakiramdam niya'y mayroong hindi magandang mangyayari.
"Nickson?" kinatok niya ang banyo ng tatlong beses ngunit walang sumasagot, wala ring kaluskos na magpapatunay na may tao kung kaya't nagtuloy siya sa labas ng silid.
Wala rin doon ang lalaki!
Napalingon siya sa maliit na pintuan sa gilid ng hagdan. Papunta ito sa basement.
'Hindi maaari!' bulong niya sa sarili bago tinungo ang basement.
Dahan-dahang binuksan niya ito,
Bumungad sa kan'ya ang makipot na hagdan pababa.
Bumibilis ang pintig ng kan'yang puso. Hindi kaya't natagpuan na ni Nickson ang sikreto niya?
“Erika, patawarin mo ako. Tama ka nga. S-sana...sana nakinig ako sa 'yo.” Hindi pa man siya nakapasok sa pintuan na nasa ibaba ng hagdan ay dinig na niya ang boses nito. Ang bakal na tubong harang at nagsisilbing saraduhan nito ay natanggal na sa kinasasabitan. Pinulot niya ito at agad pumasok sa loob.
Bumungad sa kan'ya si Nickson habang yakap ang larawan ni Erika na nasa kwadrado. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi agad siya napansin. Agad na dagundong sa kaba ang kanyang dibdib.
Hindi ito maaari! Walang dapat makaalam ng sikreto niya!
Lumingon sa kan'ya si Nickson ngunit hindi na ito nakapalag pa ng ihampas niya sa ulo nito ang hawak niyang tubo. Agad itong natumba at nawalan ng malay. Dinampot niya ang larawan ni Erika habang nanlilisik ang mga mata sa galit.
“Patay ka na pero bakit ikaw pa rin? Ikaw na lang palagi!” sigaw niya na punong-puno ng pagkapoot bago inihagis ang kwadradong larawan. Hindi niya agad natanggal sa basement ang larawan ni Erika. Doon niya isinagawa ang ritwal sa lihim na silid kaya nandoon ang larawan nito.

Bình Luận Sách (34)

  • avatar
    Rome Azaiah

    goods

    05/08

      0
  • avatar
    GonzalesJeffrey

    Very nice

    03/07

      0
  • avatar
    Joezah

    amazing story 😀👋🏻

    28/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất