logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3: He Cared?

ASHER
HUMAHAPLOS SA kumikirot kong pasa ang malamig na simoy na hangin mula rito sa ituktok ng bleachers ng open court. Prente akong nakahiga at nag-cutting na naman.
I don’t want to go to class with my face like this. Napagod na ako kahapon at ayaw kong makita si Rael. So, matutulog na lang ako rito.
Dahil sa tanghali na rin ay nakakaginhawa ng kalooban ang init ng araw. Sana hindi na matapos ang araw na ito.
But jinx happened at naghiyawan ang pamilyar na magtotropa sa basketball court.
“Traydor ka, Kaiji! Kampi ka namin!”
“Nako po! Kay boss ako ngayon.”
“ ‘Di kita kailangan,” tugon naman ng baritonong boses na kilalang-kilala ko.

Kahit mabigat pa ang aking mata na nagpupumilit na matulog nang dahil sa napuyat ako kakaiyak kagabi ay hindi ko napigilang sumilip sa baba, at tanawin ang lalaking nag-aya sa akin na makipag-date sa kanya.
Look at him, having it easy in his life.
Ang daya lang kasi. We are friends before, pero nang malaman niyang gay ako, at nalaman kong ayaw niya sa mga gay. Friendship over na kami.
Sometimes, I just wished na… wala na lang din siyang kaibigan katulad ko para kahit papaano ay hindi ako nagseselos ng ganito.
But, I’m also happy that he has friends, and he is happy.
Their game started na hindi pa rin ako napapansin na nasa taas ako ng bleachers na nonood. We are the only one here though, because obviously Sherwin and his gang are also cutting classes.
I lazily sit up and hug my backup and use it to rest my chin. I entertain myself with their little basketball match.
It’s not that hype though, mostly nag-aasaran lang talaga sila. Looks like they don’t care about who wins or not. They are just having fun.
Naagaw naman ng mata ko si Sherwin na nakikitawa kasama ang mga bagong kaibigan niya. His eyes are glowing with happiness as he runs towards Kaiji and high five with him. I bitterly smiled at that; we used to be like that before.
The game continues, and they grew more competent. Bumilis ang paghinga ni Sherwin with his sweats dripping on his face down to his red shirt na bumabakat na sa kanyang malapad na dibdib.
Now, that’s what I miss. I blush at that marvelous sight when he removed his polo and now his biceps are very visible. The sun shines, defining his masculinity more, and I can’t help but to gasp and cover my mouth agape.
I’m totally gay to him. Tinago ko ang mukha ko sa aking bag at pinagkakagat ang strap noon. Gosh, I’m being such a pervert right now!
But… he doesn’t like me.
Unti-unting naglaho ang kilig ko. Yeah, I have no chance for him. When I come out to him, he is disguted which means we are totally ekis.
I look up again but as to my shock. Everyone is already looking up at me.
Nangunot ang noo sa akin ni Sherwin.
“Break muna tayo.” Kinumpasan niya ang mga kasama niya palayo, while he run upstairs towards me.
“Hala,” anas ko.
Agad naman akong tumayo at tumakbo pababa before he could even reach me. Medyo nahilo pa ako nang mabigla ko ang aking sarili but gravity wins at mas nauna akong bumaba.
But the height is such an argh dahil nang nasa likod na ako ng bleachers at akala kong makakatakas na ako sa kanya. Pumulupot ang kamay niya sa pulso ko, hinatak niya ako patungo sa kanya at tinulak sa pader hanggang sa ma-corner niya ako.
Nag-init muli ang aking pisngi sa lapit ng katawan naming dalawa. I could totally smell the moisture of his sweat and feel the hotness radiating from his body.
Napayuko at napaiwas ng tingin upang itago ang aking mukha. But he persistently come closer, and I think he already watched too many dramas nang sabihin niyang, “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”
That sounds like coming from an angry boyfriend.
“Tumawag ka pala.”
“Sagutin mo ako nang maayos.” Napatiim bagang siya.
Napabuntong hininga ako. I just want to get out of here. “Nagpalit ako ng number.”
He tsk-ed at inabot ang phone niya sa akin. I immediately understand what he meant and take it.
It is locked so I’m about to ask for the password nang pagdampi naman ang kamay ko sa button ay nagbukas ito.
Mula sa magulo kong bangs na tumatakip sa mukha ko ay napasilip ako sa kanya. He didn’t remove my fingerprint?
“Huwag kang mag-assume kasi hindi ko alam gamitin ang phone na iyan. Ikaw nga ang nag-set up niyan ‘di ba?”
Pasimple na lang akong tumango. Yeah, I know. He is a born in the year of computer generation pero hindi siya mahilig humawak ng phone and computer.
I guess that should also be the reason kung bakit mukha naming dalawang magkaakbayan ang bumungad sa wallpaper niya.
“Baguhin mo rin iyang wallpaper!”
“Okay,” mahaba kong lintaya.
So, my fingerprint is still on his phone and I am still his wallpaper sa loob ng mahigit isang taon na nagkahiwalay kami? I can’t help but to smile with that. At the same time, confused. Hindi ba siya naaasuya kapag nakikita niya ang mukha naming dalawang magkasama?
After I insert my new contact, I was about to go to his gallery to set a new wallpaper when he snatched my phone.
Tumagilid ang ulo ko sa pagtataka. Does he have lewd videos? Nah… he doesn’t do that. He is too shy about that.
“Huwag na pala. Kaya ko na,” sabi niya at binulsa ang phone niya.
Huwag mo sa akin sabihing nandoon pa rin ang mga pictures ko? But that’s…nah! No way! Hindi naman siguro siya ganun ka-hindi marunong na mag-cellphone, ‘di ba?
“Okay,” mahaba kong muling lintaya.
I tapped his shoulder to move him away, but he didn’t budge.
“Alam mo mukha kang ewan,” asik ko nang humarang pa rin siya. “Puwede ba, Sherwin! Nakuha mo na ang gusto mo kaya lumihis-lihis ka nga!”
Sinubukan kong lumusot mula sa kanya pero si Sherwin ay si Sherwin. Hindi siya papatalo.
Nanliliit ang mata niyang nakatitig sa akin at sinusubukang sulyapan ang mukha ko.
“Bakit ba nakaganyan buhok mo? Kanina mo pa ako iniiwasan. At saka bakit hindi ka pumasok ngayon, ah? Bakit ka nag-cutting class? Tinatakasan mo ba ang kasunduan natin?”
Sinalo niya ang magkabilang balikat ko at idiniin ulit ako sa pader. I grunted in pain nang tumama ang pasa ko sa likod.
I know he knew something’s wrong with me already. We know each other for so long, sa puntong mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko.
Dahil doon ay maingat na pinisil niya ang baba ko at tinaas paharap sa kanya.
Our eyes met, and that’s when his eyes got clouded with pain and horror. Napatiim bagang siya at maingat na sinuklay ang bangs ko paitaas hanggang sa maging malinaw sa kanyang paningin ang pasa ko sa ilalim ng aking magkabilang mata, putok na labi at namamagang pisngi.
“Anong nangyari sa iyo?”
Nag-iwas ako ng tingin. “Wala.”
“Sabihin mo sa akin!”
Pagak akong napasinghal. “Sino ka ba?” Pinandilatan ko siya ng mata. “Look. Sherwin matagal na nating pinutol ang pagkakaibigan natin. Please, huwag mo ng dagdagan pa ang paghihirap ko, at lumayo ka sa akin.”
“Hindi ko tinatanong ang tungkol sa bagay na iyan. Bakit mo ba inuungkat iyan? Hindi ka pa nakaka-move on sa akin?”
“Kapag sinabi kong Oo, lalayuan mo ba ako?”
“Hindi.”
Hindi ako makapaniwalang napangisi. “See. Wala kang pake sa nararamdaman ko so please, umalis ka na sa harapan ko.”
I had enough dealing with this. Sana pala nag-mall na lang ako. Wala na siyang masabi so I used this as a chance to escape from him.
Nang buhatin naman niya ako na parang sako.

“What the!”
I raised myself up and punched his back, but he didn’t budge. “Hoy!”
Nakarating kami sa bleacher at kinuha niya ang bag niya. Nakita ako ng mga kasamahan niya at napa-oww silang lahat.
“Nako po mukhang ginalit mo ang boss, ah,” asar ng isang kasamahan nitong tingin ko ay higher year.
“Dadalhin mo sa hospital, boss?” singit ni Kaiji; ang nag-iisang kilala ko na kaklase namin.

“Oo,” tipid na sagot na Sherwin hanggang sa magpaalam na sila sa amin.
“Easy-han mo lang boss sa susunod!”
“Bait naman ng boss, tamang bubog, tamang pagamot!” kantyawan nila.
Now, they see us in a bully and bullied relationship. Hinarangan kami ng guard, but Sherwin told the guards that I am on a critical condition.
Ang sabi ko ay ayaw ko magpagamot, but Sherwin dramatically made-up stories na hampaslupa raw ako at matagal ko ng iniinda ang sakit ng katawan ko para daw hindi ako maging pabigat sa pamilya ko. He even showed my face to them, and the guards really took pity on me. In the end, ay sila pa ang nagtawag ng tricycle para sa amin.
“Kidnapping ito alam mo ba?”

“Kidnapping papunta sa hospital, seryoso ka ba?” Siniksik niya ako sa dulo ng tricycle at pinangharang niya pa ang katawan niya hanggang sa wala na akong takas.
Napapalatak ako. “Bakit mo ba ako dadalhin sa hospital?” iritang tanong ko. “Alam mong hindi ko naman kailangang pumunta, ‘di ba?”
“Hinde!” He shook his head firmly. “No’ng huling snabi mo iyan ang tagal mong nilagnat. Tapos nagkantyawan pa mga kaibigan ko, kapag may nagtanong tungkol diyan at lumala ako pa madadamay. Takot na takot na nga mga tao sa school sa akin.”
“Wala akong pera kasi. Ang mahal ng gagastusin—"
“Ako ang magbabayad. Isipin mo na lang na down payment mo ito para sa pagde-date mo sa akin.”
Wow. Ang aga niya namang naging sugar daddy.
Napairap ako. He looked at me from the mirror in front of us. He really is serious about the date.
“Bakit?”
“Hmm?” tugon niya lang habang nakataas ang dalawang kilay.
“Bakit mo gustong makipag-date sa akin? Hindi ba straight ka? May natanong ka na bang babae?”

Napakibit balikat siya. “Ginawa ko na iyan. Pero natatakot sila agad sa akin.”
Heh. Napangiwi ako. Mukha ba naman kasing siga sa kanto.
“At bakit mo naman kailangang makipag-date? Jowang-jowa ka na ba?”
Mukhang ewang tiningnan niya ako. “Kasi---”
“Andito na tayo.” Naputol ang pagpapaliwanag niya nang mahinto na kami sa tapat ng hospital.
Hindi na ako nakapagpigil pa at dumiretsyo na nga kami sa emergency room. We then became quiet, as there are many people watching us. Hindi ko na siya natanong pa about doon sa pagde-date namin.
It is just that, blurting that thing out in public places is awkward. Lalo na’t hindi pa tanggap ng bansang at mata ng ibang tao ito ang bagay na iyon.
I’m lying on the bed while Sherwin is sitting in the corner.
“Alam mong nakakaabala lang tayo,” I said habang pinapanood ang nagkakaundagaga na nurse at patuloy na pagdagsa ng pasyente.
“Bakit hindi na lang tayo sa clinic?”
He tsk-ed at napahalukipkip.
“Asher, paano kung may malalang mangyari pala sa iyo? Paano kung may brain damage ka? O mabulag ka—”
“Tumigil ka nga.” Hinampas ko siya.
Napatikom siya ng bibig.
“Tigilan mo na rin panonood mo ng medical drama, ‘no?”
Simple siyang natawa. “Ikaw kaya nag-suggest na manood tayo no’n.”
Inirapan ko siya. “Yeah, yeah. Sinisi mo pa ako.”
Are we really talking casually about our past right now? Heh. Paano nangyari ito?
Sumasakit na ang ulo ko sa dami ko ng isipin ko sa pamilya ko at pag-aaral ko. Kaya gusto ko talagang malaman kung ano namang nakain niya at biglang kailangan niya akong i-date.
When the female doctor came, she asked me kung sino ang bumugbog sa akin. I lied about being bullied and such. Sherwin follow-up questions kung sino ang may gawa no’n sa school and the gang will take care of it.

Siyempre nagulantang ako dahil seryoso talaga siya. I said it’s nothing, pero nagwawala na sa galit si Sherwin kaka-interoggate na naman sa akin. Nakakahiya sa mga nakakarinig that’s why I ended up telling the truth, that it’s from my family, and I narrated just how I got my injuries.
Hindi na si Sherwin nagtanong pa after that. Hinayaan na lang niya ang doktora na magtanong sa akin sa masasakit na parte ng katawan ko, and she also check my insides by putting something on top of my stomach at nakita ko ang loob ng tiyan ko sa monitor.
Iyong mas malala pa sa nude. Chous.
Si Sherwin naman ay buo ang atensyon sa pakikinig, while he remained standing behind the doctor watching her put a first aid on my face until pinag-topless na rin ako ng doctor.
Nag-init ang pisngi ko at gusto ko ng sapakin palayo si Sherwin pero hindi niya makuha-kuha ang panlilisik ng mata ko at mas lumapit pa nga siya at inusisa ang sugat ko sa ‘king likod at tagiliran.
“Ang laki ng pinayat mo!” Sinundot niya pa ang tagiliran ko.
I lightly slapped his face to move him away from me.
“Puwede ba,” banta ko sa kanya, “mataba ka lang.”
“Hindi kaya.”
“Talaga ba? Chubs?” pang-asar ko na ikinalobo ng ilong niya.
“Argh! Bilbil ba ‘to ah?” Nagtaas pa siya ng t-shirt at pinakita ang flat na niyang tiyan sa akin.
Naramdaman kong natigilan ang female doctor sa paggagamot sa likod ko at mukhang napatingin din kay Sherwin. I can definitely see in my peripheral vision the way she blush.
Ang ewan talaga ni Sherwin!
“Nakakahiya ka, Sherwin,” usal ko at hinatak ang kurtina na nasa gilid ko at hinawi pangharang sa pagitan namin.
Hanggang sa matapos ang paggagamot sa akin ay na-bored na si Sherwin at walang sawang nakipagbangayan sa akin.
Heh. As much as I try to ignore him, it feels like my body is used to responding to him.
MABABA NA ang sikat ng araw paglabas namin. Papunta kami sa isang pharmacy ngayon nang maramdaman ko ang pagbagal ng paglalakad ni Sherwin.
Problema nito? Napalingon ako kanya nang hatakin niya ang kamay ko pakabilang direksyon.
“Hoy!”
Sa halip na pansinin ay hinatak niya ako patakbo.
“Saglit lang.” I can’t even keep up, but he pulled me stronger kaya nagpahatak na lang din ako hanggang sa magtago kami sa isang iskinita.
“Anong?”
He cut me and cover my mouth. Tinago niya ang katawan ko ng katawan niya, at siniksik ako sa pader.
Matalim niyang tinititigan ang kalsada, at doon ay naaninag ko ang isang lalaking naka-surgical mask na dumaan at malikot ang tingin sa may paligid na tila ba may hinahanap. He is wearing a SHS uniform with the school logo the same as ours.
This hospital is far from the school, and it can’t be that coincidence dahil may iba ring hospital na kasing layo ng hospital na pinuntahan namin.
Nang makalagpas na ang lalaki ilang segundo ang makalipas ay binatawan na ako ni Sherwin. Parehas kaming naghahabol ng hiningang nagkatinginan sa isa’t isa.
“Ano iyon?”
Sumilip muna si Sherwin at siniguradong wala na nga ang lalaki. Matapos ay binalikan niya akong muli at hinatak na palabas.
“Iyon ang gusto kong sabihin kanina.”
Napakunot noo ako. “You mean… patungkol sa rason ng pagde-date nating dalawa?”
“ ‘Yon na nga.”
Nabatukan ko siya ng wala sa oras. “Anong ginagawa mo at na-involve ka sa stalker? At saka mukha ba akong pulis sa iyo? Bakit ka nanghihingi ng tulong sa akin?”
“Kapag nagsumbong ako sa pulis, lalaki pa ang problema. Ayaw ko namang maabala pa sina Papa.”
Napangiwi ako, at patagong napailing. Palagi mo na lang sinasarili ang problema mo.
Napahalukipkip ako. “Anong kinalaman ng pakikipag-date ko sa iyo?”
“Simple lang. Pagseselosin natin ang lalaki hanggang sa ma-realize niya na hindi ako magkakagusto sa kanya at layuan na niya ako.”
“Wow”—dahan-dahan akong malakas na napapalakpak—“binabalaan kita Sherwin, tigilan mo na talaga ang panonood mo ng kdrama.”
“Seryoso ako.”
“Seryoso rin ako! Sa tingin mo gagana talaga iyan? And how so sure are you na hinahabol ka nga ng lalaki dahil may gusto siya sa iyo?”
“Maniwala ka. Madaming nagkakagusto sa akin.”
Napangiwi ako. Kapal niya rin ‘no?
“Hindi iyan gagana, Sherwin!”
“Ano ka ba. Pambayad mo na rin ito ng utang sa kin. At saka bibili nga tayo ng gamot mo ngayon, oh.”
Hindi ko naman sinabing gawin niya ito. Hay…. But I can’t leave him alone, we may not be friends anymore, pero hindi ko pa ring maiwasang mag-alala sa kanya.
Napahalukipkip ako at pinanliitan siya ng mata. Tinitimpla ko kung gaano siya kaseryoso sa napaka-corny na plano niya. “Bahala ka. Pero pambayad lang ito sa utang ko sa iyo, ah, ikaw pa rin ang may sagot sa date na pakulo mo.”
“Deal!” He raised his pinky finger. “Hanggang sa mahuli natin ang stalker?”
“Deal!”
We then intertwine our pinky fingers and seal our deal.
And now this starts with a new pasakit ng ulo.

Bình Luận Sách (82)

  • avatar
    Vince Visca

    all goods

    13d

      0
  • avatar
    AranteRocleyn

    xdh

    23d

      0
  • avatar
    Luke Jeiden Acalain

    Hi jajahabwjwosujs8susvsnememwlososisjslwpownsnsisisnwjeekoeoe0e9eosjidoeiejesjekdkjrifishsjsihdbe9dhej8dydidudhe8ehwjzugshscwubibxoenciebxuhediwh8hdibzuv,8vohveuvedubiexeuxbiexbiezbuxbuwxbuwdbuzbuwxbu2sbuqsvuwxbiwbxwibzeufguwdiwduexiediexircbeodn3ofn4conievnibrcibcrinoenxoecniecneicnecineciiecnoecneocjrcin4fon3fo3fno3cnoexn3odneixn3ixbeinxeibxeibeixbiexbi2nxoeiexniexjeicbocncejecoecnoecmofneocncrocrnrocnrcocroneo3cnoencoecncoecneconeco3fm4fojrcono3fnoednon3fon2fonnecoefnoedn3diecninxeon3i3dbied

    24d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất