logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

BAKAS ang gulat sa mga mata ng pinsan ni Celine. Naguguluhang lumapit ito sa kaniya. Nakakunot ang noo at tila hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Wait... do I know you?" tanong ni Hope sa kaniya. Hindi kaagad siya sumagot sa tanong nito bagkus ay lumapit siya dito at mahigpit na niyakap ang pinsan.
"Please, help me..."
Ngunit kumalas ito sa kaniya at nagtatakang tinitigan siya. "Sabihin mo muna sa akin kung sino ka?"
Huminga siya ng malalim. "Oo nga naman, hindi mo ako kilala pero heto ako at humihingi ng tulong sa 'yo. I'm sorry. Maiintindihan ko kong galit ka sa akin dahil sa ginawang pag-abanduna sa 'yo ng pamilya ko pero nandito ako para makipag-ayos sa 'yo. Hindi ko rin ginusto ang nangyari."
Nangunot ang noo ng kaharap niya kapagkuwan ay napalitan iyon ng isang nag-aalalang tingin.
"Wait... ikaw ba ang anak ng kapatid ni Dad?" pangungumpirma nito. Tumango siya ng paulit-ulit kasabay nang pagbagsak ng mga luha niya.
"Yes, and I need your help. Gagawin ko lahat, kahit na ano. Tulungan mo lang ako." Pagmamakaawa niya sa pinsan na kaagad namang lumambot ang mukha nang makita ang mga luha sa mata niya.
Imbes na sumagot ay mabilis siya nitong niyakap saka bumulong. "You don't have to beg," sabi nito bago siya pinakawalan at masuyong hinaplos ang pisngi niyang basa ng luha at tinuyo. "My house is always open for you."
Napangiti siya. Noon pa man ay alam na niyang may mabuting puso ang pinsan niya kahit hindi niya ito nakasama. Nakahinga siya nang maluwag sa narinig ngunit may pangamba pa rin siyang nararamdaman. Paano pag nalaman nitong hindi sila totoong magkadugo. Baka palayasin siya nito. Pero bago mangyari 'yun, sisiguraduhin muna niyang nakahingi na siya ng tawad sa lahat ng naging kasalanan niya at ng pamilya niya.
"Thank you," tanging pasasalamat na lang ang kaya niyang sabihin sa pinsan. "Thank you so much!" Pinagdaop niya ang mga palad sa sobrang tuwa at halos lumuhod na siya sa harap nito na pinigilan naman ni Hope.
"Celine, hindi ka dapat lumuluhod," tila galit ito. "I'm your cousin at kung kailangan mo ng tulong, ibibigay ko 'yun sa 'yo dahil iyon ang tama. Kung galit man ako sa Mommy mo, labas ka na do'n."
"Salamat talaga, sobrang thank you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."
"You"re welcome. Halika, sa loob na tayo mag-usap. Mukhang marami-rami kang ikukuwento sa akin." Hinila na siya nito papasok. "Mang Jojo pakipasok ng mga gamit ni Celine sa loob," sigaw nito sa matandang lalaki na nadaanan nila na mukhang hardinero sa bahay na 'yun.
"Yes, ma'am."
Pumasok sila sa mala-mansyon na bahay ng pinsan niya. Mukha na nga iyong palasyo sa sobrang laki. Nakakapanibago. Malaki na talaga ang bahay nito noon pa pero mukhang mas malaki na ito ngayon.
"Maupo ka muna," utos sa kaniya ni Hope. "Nanay Rosa, pakihanda naman po ng makakain si Celine. May tatawagan lang po ako," tawag nito sa isang ginang na agad namang tumalima at naghanda ng makakain nang makita sila. "Dito ka lang, kakausapin ko lang ang sekretarya ko."
Akmang aalis na ito sa harap niya nang pigilan niya ito. "Teka, may trabaho ka yata. Baka nakakaabala ako."
Tinapik nito ang balikat niya saka bumuntong-hininga. "Family comes first, Celine. Kaya kong iwan ang trabaho ko para sa 'yo."
Natulala siya sa sinabi nito. "Why are you doing this? Why do you have to be so kind and generous all the time? How can you that? Ni hindi mo pa nga alam kung ano talagang nangyari sa akin pero heto ka at tinanggap mo agad ako with open arms."
Matamis ang naging ngiti nito. "Celine, kahit ano pang ginawa mo, tatanggapin pa rin kita. Dahil naniniwala akong hindi ka katulad ng iyong ina. Kahit hindi mo sabihin, alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon. At wala akong gagawin kundi ang intindihin ka. Sino ba naman ako para husgahan ka? Ang totoo nga niyan, masaya akong nandito ka dahil may makakasama na ako. Alam mo naman siguro ang relasyon namin ng Mommy mo, hindi kami magkasundo."
Nakita niyang lumungkot ang mukha nito. Nawala ang kaninang ngiti sa mga labi ni Hope. Marahil ay nasasaktan pa rin ito sa naging sitwasyon ng pamilya nila.
"I'm sorry..." naiusal niya. "Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng parents ko."
"No," matigas nitong sambit. Napatingin siya dito at nakita niya ang seryoso nitong mukha. "Don't say sorry. Huwag na huwag kang hihingi ng tawad sa kasalanang hindi ikaw ang gumawa. Tandaan mo 'yan."
Natigilan siya at nalunok ang sariling laway. Bakas ang galit at diin sa bawat salita nito. Napabuntong-hininga siya.
Hindi na niya nagawang sumagot nang sumagot na ang cellphone nito.
"Excuse me," lumayo ito sa kaniya pero hindi naman sobrang layo. Iyong tipong maririnig niya ang sasabihin nito. "Yeah, mabuti at tumawag ka. Tatawagan na sana kita para ipaalam na hindi ako makakapasok ngayon. Please cancel all my appointments today. Okay, thank you."
Habang pinapanood niya itong makipag-usap sa kabilang linya. Nakita niya kung gaano kalaki ang agwat nila. Hindi niya maiwasang mahiya para sa kaniyang sarili. Kung ikukumpara siya dito, wala siyang panama sa pinsan niya. Isa lang siyang maduming babae at hindi dapat siya binibigyan ng ganitong klase ng treatment. She's a loser.
Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili nang makita niyang tumingin sa kaniya si Hope at lumapit sa kaniya.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito. Napakalambing ng boses nito. Ikaw na lang talaga ang mahihiyang saktan si Hope dahil sa sobrang bait nito. Siguradong maswerte ang mapapangasawa ng pinsan niya dahil may mabuti itong puso. Mapagbigay at mapagmahal sa pamilya.
"Okay lang ako," nginitian niya si Hope. "Alam mo, maswerte ang lalaking mapapangasawa mo."
Inaasahan niyang matutuwa ito ngunit hindi iyon ang nangyari.
"Actually, about that, kakagaling ko lang sa break-up last week," nakangiti ito pero makikita ang sakit sa mga mata ni Hope. "Akala ko nga, siya na ang para sa akin, pero hindi pa rin pala, kasi hindi ako naging sapat para sa kaniya."
Naramdaman ni Celine ang sakit at pighati ng kaniyang pinsan. Naiintindihan niya ito dahil katulad niya, Brokenhearted din siya. Pero wala siyang maipapayo dito dahil kahit siya ay nasasaktan din.
"I'm sorry, hindi ko na dapat sinabi 'yon," hinawakan siya nito sa balikat. "Kakalimutan ko muna ang nararamdaman ko para sa 'yo dahil alam kong mas kailangan mo ako."
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa pinsan ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang hindi niya natiis na hindi magsalita.
"Hope, alam ko, ako ang humingi ng tulong sa 'yo pero hindi ko inaasahan na bibigyan mo ako ng ganitong klase ng treatment," sabi niya habang inaalala ang lahat ng sinabi at ginawa nito sa kaniya. "I mean, sobrang bait mo sa akin. Ang patuluyin ako dito ay sobra na. Tapos ngayon, hindi ka pumasok dahil sa akin. Nakakahiya naman sa 'yo."
"Wala namang kaso sa akin 'yun, masaya akong natutulungan kita." Nakita niya ang kislap sa mga mata nito. Mukhang masaya naman ito at dapat niya iyong ipagpasalamat. Mabait pa rin talaga ang Diyos sa kaniya para bigyan siya ng isang mabait na pinsan.
Natahimik sila pareho pero mayamaya ay nagsalita siyang muli.
"Salamat," wala na talaga siyang masabi kundi salamat.
"It's fine," sabi nito. "Ngayon, maaari ko na bang malaman ang dahilan ng pagparito mo. Dahil sa totoo lang, naguguluhan ako. Hindi ko naisip na sa lahat ng tao na pwede mong takbuhan, ako ang pinuntahan mo. How about your parents? Where are they?"
Nangilid ang luha sa mata ni Celine sa tanong ng pinsan niya. Tila sariwa pa sa kaniyang mga ala-ala ang sakit na pinagdaanan niya.
"U-Umalis na sila..." Bumalik sa ala-ala niya ang mga sinabi ng magulang. Hindi niya napigilan ang maging emosyonal habang binabanggit kay Hope ang nangyari. "Iniwan na nila ako, Hope. Iniwan na nila ako."
Tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak dahil hindi pa rin niya matanggap na gano'n ang nangyari. Nasasaktan pa rin siya.
"Sssh," hinagod nito ang likod niya at pinakalma. "It's okay, I'm here."
"Iniwan nila akong mag-isa," patuloy pa rin niya dahil pakiramdam niya ay ngayon niya lang mailalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. "Hindi na nila ako kailangan."
Humiwalay sa kaniya si Hope at pinakatitigan siya sa mukha.
"Kailan pa nangyari 'yan? Anong nangyari? Hindi ko maintindihan." Sunod-sunod ang tanong nito na tanging iyak ang naisagot niya. Mahirap at masakit sa dibdib ang pag-iyak kaya nahihirapan siyang sabihin dito ang totoo.
"Umalis sila five years ago," tugon niya.
"Kung gano'n, bakit ka nila iniwan?" takang tanong nito.
"H-Hindi nila ako tunay na anak, Hope."
Napayuko siya matapos sabihin ang masakit na katotohanang iyon. Hindi niya nakita ang emosyon sa mukha ng pinsan pero nasisiguro niyang nagulat ito sa nalaman.
"What?" gulat nitong sambit. Inaasahan na niya 'yun. "What a lame reason. Paano nila nagawa sa 'yo 'to?"
"I don't know, hindi ko talaga alam."
Kumuyom ang kamao ni Hope, tanda ng galit nito sa magulang ni Celine. Noon pa man ay matindi na ang galit nito sa magulang ni Celine at ngayon ay nasagad na ang pasensiya nito sa mga ito.
"Don't worry, akong bahala sa 'yo. Hindi kita pababayaan. I promise."
Napangiti siya. "Thanks. Ang swerte ko na ikaw nag naging pinsan ko kahit na hindi talaga tayo magkadugo."
"Magkadugo man tayo o hindi. Ikaw pa rin ang pinsan ko. Walang nagbago."
Sumilay ang isang masayang ngiti sa labi niya. "Dahil sa 'yo, nagkaroon ako ng pag-asa sa buhay. Thank you."
"Well, I'm not named Hope for nothing," natatawang sabi nito kaya natawa na rin siya.

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    SaadAsniah

    gandaa po ng story niyo

    3d

      0
  • avatar
    Sarcos Michael

    so good!

    28/07

      0
  • avatar
    Shielajane Diaz Delima Cabaron

    maganda rin po

    10/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất