logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

PINAKALMA muna ni Celine ang sarili bago tuluyang umalis sa dati niyang condo. Ngayong binawi na iyon ng mga magulang niya, hindi na niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang kapera-pera dahil lahat naman ng luho niya ay si Grey ang gumagastos. At ngayong iniwan na rin siya nito, hindi na niya alam ang gagawin kung paano siya mabubuhay. Siguradong pati ang perang inipon niya sa bangko ay kinuha na ng kaniyang magulang. Wala na rin siyang trabaho dahil mula nang maging sila ni Grey, ito na ang gumagastos para sa kaniya.
Ano ng gagawin niya?
Naglakad siya palabas ng building na hindi alam kung saan pupunta. Natutulirong nagpalakad-lakad siya sa tabing kalsada na walang eksaktong direksyon kung saan siya pupunta nang tumunog ang cellphone niya. Kinapa niya iyon sa bulsa ng sling bag niya at walang tingin-tinging sinagot niya ang tawag.
"Hello?" walang emosyong sagot niya habang tahimik na lumuluha.
"Nasaan ka?"
"Jake?" pangungumpirma niya.
"Yeah, sino pa bang ibang tatawag sa 'yo. Alam nating pareho na hindi na tatawag sa 'yo ang lintek na Grey na 'yun." Batid niyang nakakunot ang noo nito dahil sa inis, pero tama naman kasi ang sinabi nito. Kahit nga ang magulang niya ay hindi magagawang tumawag sa kaniya kahit pa may sakit na siya. "Oh nasaan ka nga? May problema ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.
"Hindi ko alam," tanging sagot niya pero ang totoo ay hindi niya talaga alam kung nasaan na siya.
"What? Anong hindi mo alam?"
Bumuntong-hininga siya. "Pwede mo ba ako sunduin?"
Wala kasi siyang sasakyan dahil ang kotseng ginagamit niya noon ay pag-aari ni Grey, at kung meron man siguradong pati 'yun ay kinuha na ng magulang niya.
"Saan naman kita susunduin? Hindi mo nga alam kung nasaan ka ngayon?" Tiningnan niya ang paligid at nang makita niya ang isang pamilyar na kainan, iyon ang sinabi niya sa binata. "Okay sige, papunta na ako."
"Salamat."
Binaba niya ang tawag at nanghihinang umupo sa bench na nakita niya. Pumasok ang naparaming tanong sa isip niya. Kung ampon lang siya, sino ang tunay niyang mga magulang? Bakit siya pinaampon ng mga ito? Ang dami pa niyang gustong itanong sa magulang pero wala na ang mga ito. Talagang iniwan na siya ng mga ito. Anong mangyayari sa kaniya?
Natinag siya sa pag-iisip nang makarinig ng sunod-sunod na busina ng sasakyan. Napatingin siya sa pinanggalingan niyon at doon niya nakita ang lalaking mahal na mahal niya.
"Jake..." Tumayo siya sa kinauupuan pero bago pa siya makalapit kay Jake ay ayun na naman ang mga luha niya. Kaagad na nanlabo ang paningin niya at napahagulhol ng iyak. Nag-aalala namang bumaba si Jake sa sasakyan at lumapit sa kaniya.
"Hey! What happened? Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Grey?"
Umiling siya nang umiling. "G-Galit na galit siya sa akin."
"It's okay, I'm here." Hinagod nito ang likod niya para pakalmahin pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit bago alalayang sumakay sa kotse nito. "Huwag ka ng umiyak, nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
Habang nasa biyahe tahimik lang siya. Wala siyang ganang magsalita. Pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya sa dami ng mga nangyari.
Tulala siya hanggang sa makarating sila sa tinutuluyan ni Jake. Isang maliit na apartment lang 'yun dahil hindi naman ito mayamang katulad ni Grey. Ngayon lang din siya nakatuntong sa apartment nito dahil madalas ay sa condo niya sila magkita.
"Pasensiya ka na, medyo makalat ang bahay. Kakagaling ko lang sa trabaho nang maisipan kitang tawagan."
"Okay lang," tugon niya kahit na hindi talaga siya sanay sa ganoong klase ng lugar, makalat at maliit na espasyo lang. Nasanay siya sa marangyang buhay, pero wala siyang choice kundi tanggapin lahat ng tulong na ibibigay sa kaniya ni Jake.
KUMAKAIN sila nang magsimulang magtanong si Jake tungkol sa nangyari sa kaniya. Ayaw na sana niyang magkuwento dahil ayaw na niyang maalala ang nangyari ngunit mapilit ito kaya't wala siyang nagawa kundi ang sabihin dito ang nangyari.
Lahat sinabi niya mula nang magkausap sila ni Grey hanggang sa makausap niya ang mga magulang. At habang nagsasalita siya, hindi niya maiwasang maiyak sapagkat masakit pa rin para sa kaniya ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman. Tagos na tagos iyon sa puso niya. Sobrang sakit na gugustuhin na lang niyang mamatay.
"What?" nagugulat na sambit ni Jake. "They left you?"
Tumango siya habang humihikbi. "Yeah. Ang galing 'di ba? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, iiwan lang nila ako. Sobrang sakit. Ayoko na, sawang-sawa na ako sa buhay ko."
Tumayo si Jake at lumapit sa kaniya. Hinagod nito ang likod niya saka siya niyakap mula sa likuran. "It's okay, I'm just here. I won't leave you."
Napangiti siya sa tinuran nito. Kaya mahal na mahal niya si Jake dahil alam niyang hindi siya nito iiwan kahit iwan na siya ng lahat.
"Thank you, Jake."
Matamis na ngumiti ito sa kaniya. "I love you."
"I love you too."
Pagkatapos nilang kumain pinagpahinga na siya ni Jake. Nagpresinta siyang maghugas ng pinagkainan nila pero hindi na siya nito hinayaan.
Nasa kuwarto na siya at nagpapahinga nang pumasok si Jake. Nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig mula sa basa nitong buhok. Halatang bagong ligo.
Umayos siya sa pagkakahiga nang tumabi sa kaniya si Jake.
"Okay ka lang ba dito? Alam ko maliit lang itong apartment ko at hindi ka sanay sa ganito." Hinaplos nito ang buhok niya habang titig na titig sa kaniyang mga mata.
"Okay lang," nakangiting tugon niya. "As if I have a choice pero okay lang talaga ako dito. Basta kasama kita."
"Yeah," ginulo nito ang buhok niya saka ito yumuko at hinalikan siya sa noo. "I want to kiss you," bulong nito.
Nangunot ang noo niya. "Why ask?"
Hindi naman kasi ito dating gano'n. Palagi siya nitong hinahalikan whenever he feels like.
"Wala lang," ngumiti ito sa kaniya, iyong ngiti na kita ang mapuputi nitong ngipin. "So, can I?"
Tumango siya bilang tugon at ilang segundo lang ang binilang niya nang maglapat ang kanilang mga labi.
Naramdaman niya ang kamay nitong humaplos sa likod niya patungo sa kaniyang dibdib, at dahil wala siyang suot na bra dahil hinubad niya iyon kanina, madali nitong natunton ang kaniyang dibdib.
Napapaliyad na lang siya sa kiliting nararamdaman sa tuwing lalapat ang palad nito sa balat niya. Napapikit siya sa kuryenteng hatid ng halik nito.
Ilang minuto pa ang lumipas nang maramdaman niyang kinubabawan siya nito. Hindi niya namalayang wala na ang kumot na tumatakip sa katawan niya.
Hindi pa rin ito tumigil sa paghalik sa kaniya. Hinalikan siya nito leeg, sa tainga at sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Lumalim ang kanilang halikan at hindi niya namalayang pareho na silang walang saplot sa katawan. Masyado siyang nalunod sa sensasyong nararamdaman para sa binata.
Malalim ang bawat paghinga niya at habang tumatagal ay nararamdaman niyang nababasa ang parteng iyon ng pagkababae niya.
Ngunit pareho silang natigilan nang marinig nilang tumunog ang cellphone ni Jake.
"Fuck!" Mura nito dahil mukhang nabitin ang kasintahan niya. Bumangon ito at muli siyang kinumutan. "Dito ka lang, kakausapin ko ang ang istorbong ito."
Pabuntong-hiningang tumango siya sa binata. Nang makalabas ito doon lamang bumalik ang normal na paghinga niya.
Umayos siya nang higa at muling inalala ang mga kamalasang nangyari sa buhay niya. Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Pinahid niya iyon at pilit na kinalimutan ang mga nangyari ngunit sadyang napakahirap.
"Babe? You crying?" Hindi niya namalayan ang pagpasok nito. Lumapit ito sa kaniya at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi niya gamit ang isang daliri nito. "Anong problema?"
"Nothing, nalulungkot lang ako."
Lumamlam ang mga mata ni Jake at naaawang niyakap siya nang mahigpit. "Iiyak mo lang 'yan, mawawala din ang sakit. Huwag mo na silang isipin."
Niyakap niya ito pabalik. "Tama ka, hindi ko na dapat sila iniisip, kung ayaw nila sa akin. Wala na dapat akong pakialam."
"Yeah. So let's continue? Saan tayo tumigil?" nakangising tanong nito.
"Jake..." Hinampas niya ito sa braso pero dahil mas malakas ito sa kaniya wala siyang nagawa nang muli siyang kubabawan nito.
KINABUKASAN nagising si Celine na wala sa tabi niya si Jake. Wala pa rin siyang damit kaya binalot niya ang sarili sa kumot bago lumabas ng kuwarto.
Hinanap niya ang kasintahan at nakita niya itong nagluluto ng agahan. Napangiti siya sa magandang tanawin na iyon. Sa kabila ng mga pinagdaanan niyang sakit, masasabi niyang swerte pa rin siya. Dahil may isang tao na handa siyang pasayahin sa oras ng kalungkutan.
"Good morning, babe. Kamusta ang tulog mo? Siguradong nanibago ka."
Naupo muna siya bago sumagot. "Actually, masarap ang tulog ko dahil ikaw ang kasama ko."
"Good answer," nangingiting sabi nito bago lumapit sa kaniya upang gawaran siya ng isang halik sa labi. "Anyway, ano palang plano mo?"
Natigilan siya sa tanong nito. Ano na nga bang plano niya? Hindi pwedeng umasa lang siya sa binata. Hindi sasapat ang kinikita nito para sa kanila.
"Hindi ko pa alam." Yumuko siya at nag-isip ng magandang gawin. "Wala akong maisip sa ngayon. Masyado pang magulo ang utak ko."
Huminga ito nang malalim. "Gano'n ba, kung gano'n okay lang din naman kahit dumito ka na lang muna. Mas okay 'yun para lagi tayong magkasama. Alam mo naman na noon ko pang gustong magsama tayo, kung hindi lang dahil kay Grey matagal na sana tayong nagsasama ngayon."
"Okay lang talaga sa 'yo?"
Tumango ito. "Yeah. At mas sisipagan ko pa ang pagtatrabaho para sa ating dalawa."
"Pwede naman akong mag-apply ng trabaho para makatulong ako sa gastusin."
"Hindi na, ako na ang bahala sa lahat."
"Sigurado ka?"
"Yep, oh kain ka na."
Nang araw na iyon ay sabay silang kumain. Naging masaya ang pagsasama nila ng mga sumunod na araw ngunit hindi niya akalain na ang masaya at tahimik nilang pagsasama ay biglang nagbago.
Dumaan ang araw, linggo, buwan at taon nang mapansin niya ang pagbabago ng binata. Buong akala niya ay swerte na siya at magagawa na niyang lumigaya sa piling ng lalaking mahal niya pero mukhang naging malupit ang tadhana sa kaniya.

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    SaadAsniah

    gandaa po ng story niyo

    3d

      0
  • avatar
    Sarcos Michael

    so good!

    28/07

      0
  • avatar
    Shielajane Diaz Delima Cabaron

    maganda rin po

    10/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất