logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

C5: Flame of Memories

KYORO TERMINUS POV
MAKARAAN ang ilang buwan, lahat ay nakaahon na sa kaganapan na nangyari kay Kuya Dayes. Muli sa pagkakataong iyon ay kinaya naming magpatuloy. Pilit kaming ginagabayan para sa aming kalusugan. Iwinawagli ang krimen na iyo sa aming isipan. Ngunit tila' sumpa na sakin iyon dahil naalala ko lamang ang kapatid ko.
Hindi na kami nakapunta sa puntod ni kuya Dayes dahil sa dami namin ay hindj kami hahayaan ng bahay-ampunan na kumabas basta.
"Si Kuya Dayes na maalaga, maalalahanin, at matapang. May nakaraan pala, isang malaking kasalanan na ginawa. Parang ayokong maniwala na magagawa niya yon," Si Zeo na nakatulala sa kisame habang ang mga kamay nito ay nasa kaniyang batok.
Si Elizer naman na kasama din namin sa silid, palaging mag-isa at mahilig matulog, hindi mayaya kahit anong pilit pa. Pinapanood ang pagpatak ng oras, ang habulan ng pagtakbo ng dalawang stick na tila' isang pana. "Hindi mo talaga malalaman kung gaano kabilis at kabagal ang oras. Sa isang iglap ay mangyayari nalang bigla ang lahat," nasa-isatinig niya din ang paglunod niya sa pag-iisip ng matagal.
Pagkagising ko sa umaga ay agad akong naligo at pumunta muna sa silid-aklatan. Tila' ayoko na lang mag-isip kung bakit nga ba mabilis ang oras. Isang taon na ko naririto sa bahay ampunan. Masasabi kong walang kabuluhan ang naging buhay ko dito maliban nalang sa mga kwento ng bawat batang nakasama ko.
"Joseph, anong ginagawa mo riyan?" pag-uusisa ko sa binubungkal ni Joseph sa lupa.
"'Wag kang ma-ingay at maki-elam. Manahimik ka nalang," aniya.
Mas lumapit pa ko upang makita. Tatlong kaha ng sigarilyo ang binabaon ni Joseph roon. "Masama yan, naninigarilyo ka pala."
"Basta! Umalis ka dito!"
Tulad ng sabi nito ay umalis na'ko. Naglibot sa paligid at tumambay panandalian sa Vine Tree. Nakita ko naman ang grupo nila Kol, mas matatanda na sila kumpara sa'kin. Minsan na'kong nasipa nito sa mukha simula nang nawala si Kiya Dayes.
"Kyoro, halika dito!" anyaya niya ngunit mas pinili kong hindi sundin dahil sa marahas na pananakit nito sa tuwing walang nakakakita.
"Aba! Matapang ang bata kaysa sayo Kol. Paano ba yan?" maangas na sabi ni Finn.
Umismid naman ito at mabilis na lumakad sa direksyon patungo sa'kin. Agresibong kinu-welyohan ako nito patayo gamit ang dalawang kamay. Tinitigan ko lamang siya sa mga mata. Hindi ko mawari, maipaliwanag kung galit ba ito o natatakot dahil sa pangungutya ni Finn.
"Masyado kang matapang bata. Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa tulad mo? Ha!" sigaw nito sa mukha ko ngunit ni takot tulad sa ibang ginanito niya ay wala akong madama.
"Ayaw magpatinag ng bata sayo, Kol. Nakipagtitigan pa." Natatawang sambit ni Neil.
"Ang pitong gulang na bata talaga ang papatulan niyo? Mahiya kayo mga hijo, kinse anyos na kayo ay ganiyan parin kayo. Mas bata pasa bata ang isip," sambit ni lolo Josse na bitbit ang gitara niya sa kaliwang kamay.
Lumapit naman ito at tinanggal ang kamay ni Kol na may balak sakalin ako. Ang kaninang maangas ay nakahalumbaba na habang pinagsasabihan sila. Napapailing pa si Cleìvvriou nang marinig ito.
"Ayan! Ang tanda na, bata pa gustong pagtripan!" Napapapitik pa ito.
"Tara Cleìvvriou, mag-ensayo na lamang tayo sa sa pagpa-piano," pag-imbita ko sa kaniya.
Dapithapon na noong nag-umpisa kami. Si Cleìvvriou naman ay iniwan ako dahil sa sumakit ang tyan na naman nito. Patuloy kong tinitipa ang piano sapagkat nakukuha ko na ang tamang melodiya. Pumalakpak naman si Manong Nesto pagkatapos kong mag-ensayo ng sampung beses. "Parang nung nakaraan lamang ay puro laro inatupag mong bata ka. Ngayon pwede kana sa entablado." Ang suporta nito ay hindi kumukupas. Laging nakagagalak ang mga salita nito.
"Salamat po, Mang Nestor. Sa susunod pag-aaralan ko ang kay Kenny Rogers dahil paborito mo iyon."
Sa pagsasanay ko inilaan ang oras na meron ako upang makalimot sa aking pag-alala sa aking pamilya. Hanggang sa natutunan ko kung paano tugtugin ang River Flows. Sa tuwing walang tao ay naging tambayan ko na ang simbahan para lamang tumugtog.
Sa hindi inaasahan ay muntikan na kong bagsakan ng ceiling fan ng makatayo ako sa kinauupuan ko. "Aba! Bakit nahulog naman ito?" takang tanong niya.
"Mukhang pati Ceiling ayaw sa'kin, Mang Nestor," natatawang biro ko pa.
Inayos naman ito agad ng mga tao sa simabahan. Pati sila ay nakakunot ang mga noo. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"Kyoro, may nagpapabigay sayo ng sulat." Inabot sa'kin ni Sister Ellen ang sobre. Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Matagal kong tinitigan iyon ngunit hindi ko binalak buksan. Itinabi ko lamang iyon sa aking bulsa.
Nang matapos mag-hapunan ay sabay-sabay kaming naghilamos. Pagbalik sa silid ay tiniyak kong tulog na sila para pumunta muli sa kubo. Mas gusto ko sa kubo natutulog. Sa katagalan ay nawala na ang takot ko sa dilim simula nang makilala ko sila kiya Dayes. Nung unang gabi ko rito ay pinilit kong hindi matakot hanggang sa nakasanayan ko na'ng palaging nakapatay ang ilaw sa pasilyo.
Nang aking ipipikit ang mga ko... tila' may tubig na binubuhos. Napaupo ako at sinilip na naroon pala sila Kol, at si Joseph na naninigarilyo. Biglang hinagis naman ni Kol ang sigarilyo at lighter niya. Sa kubo.
"Anong ginagawa niyo!" sigaw ko sa kanila na nagtatawanan na.
"Bakit kasi lumalabas ka sa gabi bata! Kasalanan pa ba namin kung diyan na ang huling hantungan mo?" Malakas na tawanan ang naririnig ko. Unti-unti namang nababalutan ng usok ang paligid. Napapaubo ako at walang masinagan.
"Tulong! Sister Ellen! Manong Nestor! Hindi ako makahinga..."
"Bagay sayo yan! Matapang ka diba, Bata! Tapangan mo dyan sa nag-aapoy na kubo!" ang kaangasan sa boses ni Finn ay hindi na talaga mawawala sa kaniya.
Sinubukan kong maghanao ng daang palabas ngunit sadyang nasuaunig ang bawat parte. "Tubigggg!!!" sigaw ko muli dahil tila' sinusunog nito ang balat ko at tanging tubig lamang ang nasasabi ko.
"Tubig! Parang awa niyo na tubig..." muli ay tila binalik ako sa nakaraan. Kung saan si Fia ay nalulunod sa tubig nang karagatan. Samantalang, apoy ang kalaban ko.
Kung kailan ay malapit na muli ang kaarawan ni Fia at susunod ay kaarawan ko na... Tila ang lahat ay nakatakda nang matapos. Doon ko lang nadama na mag-isa lamang aki at walang pamilya. Doon ko lang naramdaman na nasasaktan ako sa bawat araw na lumilipas. Doon ko lamang nadama na kailangan kong magtanong kung bakit naririto ako sa bahay-ampunan.
"Papa... Mama... Fia... Gusto ko na kayong makita..." mahinang pagsabi ko habang pinapanood ang lumalaking apoy. Napapaubo ako sa usok.
'Tandaan mo apo, kailangan ay bantayan mo ang kapatid mo' ang boses ni Lolo Ignacio ay muli kong narinig. Ang habilin nito na hindi ko nagawa... "Patawarin mo'ko lolo."
Akin nang ipinikit ang mga mata ko at humiga sa nagbabagang kubo. Ang sakit...
Napahiyaw ako dahil ramdam ko kung paano sunugin ang buhok ko. "MAMA! PAPA! NASAAN NA KAYO!"

Bình Luận Sách (60)

  • avatar
    AncayaLeah

    gandaaaaaa

    15d

      0
  • avatar
    Queenie Marie

    greatt

    31/07

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    it's sad

    29/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất