logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

C4: Bullet

KYORO TERMINUS POV
PANIBAGONG UMAGA ang bumati sa akin sa bintana. Nagtungo ako sa banyo at madaming nakasabay magsihilamos.
Makaraan ang maraming araw... Ay madami akong natutunan sa bahay-ampunan na gawain. Hindi lamang basta laro kundi may mga magagaan na trabaho na inaatas sa bawat bata. Tuwing umaga ay nag-eersisyo ang lahat sa labas bago gawin ang paglalaro. Ang almusal namin tinapay at gatas.. ang mga damit namin lahat ay purong outing t-shirt lamang. May silad-aklatan din rito kung saan ay gunawang classroom na din. Wala sa edad ang pagtuturo ng mga madre, matanda man o bata ay naroon lahat upang makinig sa aralin.
May araw naman na tinuturuan kaming maghugas ng plato. Ang mas nakakatanda ang naatasan na maghugas at kaming mga bata ang magpupunas. Ang iba naman ay ilalagay ito sa lagayan. May araw naman na tulungan kami sa paglalaba ng mga damit, minsan ay nagbabasaan pa gamit ang hose.
"Kyoro, dapat kinakausap ang mga halaman para mamulaklak sila ng maganda," paliwanag ni Mang Nestor nang mapadaan ako sa hardin.
"Tutulong po ako sa pagdilig," tuwing umaga ay napapadako ako sa hardin. Kasama ko din sila kuya Dayes para magtanim.
"Sampaguita ay Jasmine din," binatukan ni Cleìvvriou si Kuya Zeo dahil sa pagtatalo nila sa pangalan ng bulalak.
Si Cleìvvriou ay may aking talento sa pagtipa ng Cello sa tuwing libre ang oras niya ay kaniya itong tinuturo sakin. Samantala, sa pang-itaas nila akong pinili matulog sa kama dahil palaging nahuhulog roon si Cleìvvriou kaya pinagpalit ang higaan namin. Madaming instrumento ang naririto ngunit walang makapag-turo ng maayos samin dahil minsan lang pumunta si lolo Josse samin.
Puro lalaki lamang ang nasa bahay-ampunan. Paliwanag pa ni Nathan ay nasa kabilang bahay-ampunan ang para sa mga babae lamang.
Hayes naman ay nag-ma-map sa labas kasama sila Nix at Zeo na kasing edad niya. "Nix, Zeo. May nakita tatlong pusa." Turo ko sa bandang likod ng simbahan. Tumatakbo patungo sa kanila na serysoong naglilinis ng damuhan.
"Kyoro... Tawagin mo silang kuya sa susunod na tatawagin mo sila," muling paalala ni sister Ellen. Tinapik-tapik na ang ulo ko.
"At sa susunod, ang puting polo mo ay dapat hindi palaging nadudumihan ng pagkain, hijo. Ikaw talaga pasaway ka," malambing na dagdag nito.
"Opo," I chuckled and run again.
"Kuya Nix, kuya Zeo... Mag-aalaga ba kayo ng pusa ulit?" tanong ko sa kanila dahil hilig nila makipaglaro sa mga pusa.
"Hindi muna, Kyo, nakalmot ako nung isang gabi," pahayag ni Kuya Nix. Pinakita ang madaming kalmot sa kaniyang braso na nakatago sa kahabaan ng kaniyang manggas na puti. Si kuya Nix ay isang kalbo na may makinis na ulo.
"Kyoro, mamaya magba-bike tayo. Yung regalo sayo," alok ni Nathan ang kasama ko din sa silid.
"Sige ba! Kaso hindi ako marunong mag-bisikleta," pag-amin ko sa kaniya.
"Normal lang yon. Noon din hindi ako marunong."
"Kami bahala, magkakapatid tayo dito." Inakbayan naman ako ni Cleìvvriou.
Nung isang araw ay may nag-regalo na bisikleta sakin. Hindi pinaalam kung sino ba ito. Inalalayan naman nila ako mag-bisikleta, sila ay nakahawak sa likudan habang minamaneho at sinusubukan ko itong i-banlanse ng tama.
Tumulong muna kami maglunis sa loob ng bahay-ampunan. Minabuting kumikinang ang lapag at pinunasan ang mga alikabok.
"Basta deretso lang ang tingin sa daan. Hindi sa lapag o sa likod. Nakaalalay kamo, Kyoro," pagkumbinsi ni Nix.
Salit-salitan kaming gumagamit at paikot-ikot lamang sa hardin. Naglalaro din kami ng sipa kung saan ay hihingi pa ng piso si Kuya Dayes kay Lolo Josse kapag dumarating ito sa simbahan. Upang ilagay lamang sa tansan na may straw.
Dumating ang araw ng sabado, lahat kami ay nasa hapag-kainan. Pareho-pareho ang mga suot na puting t-shirt at cargo pants. Sa umaga at sa gabi ay puro sabaw ang hinahanda nila para samin. Ngayon ay sopas. Sa umaga, minsan ay champorado. Walang bago, paulit-ulit ang kinakain namin. Nami-miss ko na ang mga magulang ko na palagi kong kasama sa hapag.
Tuwing lunes naman ay tinuturuan kami mg mga madre kung paano magbasa. Mga simpleng aralin na napag-aralan ko na sa dating paaralan ko. Si Cleìvvriou naman ay nais matuto ng drums kaya sinubukan ko din.
Hanggang sa, si lolo Josse, "Halika, anak, tuturuan kita mag-piano."
Sa unang pagtipa ko ay sinubukan ko lamang ngunit nahihirapan akong intindihin ang mga itinuro nito sa kung ano ang pipihitin.
"Nahihirapan talaga ako, lolo Josse. Can you teach me how to use guitar?"
"Osige! Ang kaso nilalaro mo lang hindi mo naman timutugtog ito, anak."
"Pati yung drums, pinagpapalo mo lang," natatawang sambit ni Kuya Dayes. "Mag-ukelele ka nalang, Kyo!"
Kahit anong instrumento pa ang ipahawak sa'kin ay nahihirapan akong pag-aralan ito kung kaya't aking nilalaro na lamang. Lumipas pa ang mga buwan ay sumali naman kami ni Kuya Dayes sa choir.
"Basta kumanta lamang kayo at masasanay din ang mga boses niyo." Paulit-ulit na paalala ni Sister Ellen. Si Cleìvvriou naman ay naatasan na tumugtog ng guitara habang kami ay naawit.
Pagkatapos ng misa sa umagang iyon ay kinuhanan kami ng litrato.
Dumating muli ang gabi na tila' kay bigat sa pakiramdam ang aking nadama. Panandalian lamang pala akong nakalimot ngunit aking naalala kung gaano naging masalimuot ang pagkawala ni Fia. Kinakausap ko ang buwan ngunit sa aking isipan lamang. Inaalala ko ang aking ina, kung nasaan man siya ay sana maglita muli kami. Hindi ko naman malaman ang mararamdaman ko sa aking ama, sapagkat sumasama ang kalooban ko ng maalala ko kung paano siya umalis at iniwan ako ditong mag-isa.
"Uy! Mag-isa ka na naman dito sa kubo. Gabi na baka kunin ka ng aswang," biro nito ngunit ngayon ko lamang narinig ang patungkol sa aswang.
"Gusto mo kape?" alok niya at umupo, katapat ko lamang siya. Kaniyang inilapag ang kape sa mesa. Minsan ay sa kubo na kami natutulog kaya naabutan kami ng Mang Nestor, isa sa mga nag-aasikaso sa simabahan.
"Ang hilig mo sa kape, kuya." Gabi-gabi na lamang itong nagkakape sa tuwinang nagtatambay sa kubo.
"Eh! Alangan namang mag-alak ako tulad ng tatay ko. Mas maganda na'tong kape. Ikaw ba, tatay mo ba yung nagdala sayo dito?" Humigop ito ng kape at napa-bugtong-hininga.
"Opo."
"Bakit iniwan ka niya dito?"
"Hindi ko alam..."
Timango ito at muling humigop ng kape. "Bukas wala na'ko dito. Susunduin na'ko ng lola ko at magta-trabaho sa Banaue. Kaya mag-iingay ka palagi, Kyoro."
Tulad ng sabi ni Kuya Dayes ay sinundo na siya nang hapon na iyon ng kaniyang lola. Dala ang mga gamit nito at ang kaniyang gitara na pinag-ipunan niya. Hindi na ito kumaway samin, ni lumingon ay dumeretso na siya sa tricycle.
Ngunit sa hindi inaasahan ay malakas na putukan ang narinig naming lahat. Natatarantang nagsitakbuhan sa loob ang mga kasama ko. Nagsisisgawan naman ang mga madre. Si kuya Dayes ay ilang beses na binaril ng driver sa tricycle ng makasakay ito.
"Pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko! Sa tingin mo hahayaan kitang maging malaya, Hayes!" galit na galit ang mata nito nang mapalingon sa direksyon ko.
Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla ng aking nasaksihan. Humihikab ako at hindi maibubulas na 'wag niyang ituloy ang pagpihit sa gatilyo. Napalinok ako ngunit mulat na mulat ang aking mga mata. Nang ipihit niya ang gatilyo ay walang balang lumabas. Doon lamang ako napakuripas ng takbo ng kumuha ito ng bala.
Hindi ako makapag-isip ng tama, sa lakas ng kabog ng aking dibdib ay wala na akong maibulalas na kahit anong salita.

Bình Luận Sách (60)

  • avatar
    AncayaLeah

    gandaaaaaa

    15d

      0
  • avatar
    Queenie Marie

    greatt

    31/07

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    it's sad

    29/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất