Tahimik na nagmamaneho ng kotse si Xiara. Kasama na niya ngayon si Leo na kasalukuyang nakaupo sa passenger seat at bahagya pa nitong tinitingnan ang mga naglalakihang mga gusalin na dinaraanan nila. Sa halip na nagpapahinga siya sa kuwarto ay kasama niya si Xiara na hindi pa naman niya gaanong kilala. "How's your wounds? Sabi ng doktor mo maayos na raw 'yan kaya p'wede ka nang lumabas. I'm still sorry because this wouldn't have happened kung hindi ako naging pabaya," mahinang sabi ni Xiara. Tahimik pa rin si Leo at hindi siya pinapansin. Tila bumalik na naman ang pagiging misteryoso nito. Gusto niyang mas makilala pa ito nang husto at malaman kung anong naging puno't dulo ng lahat kung bakit siya naging ganito. "Gaano katagal ka bang magmamaneho riyan? Saan ba kasi tayo pupunta?" naiiritang tanong nito kay Xiara. Bahagya siyang sinulyapan ng dalaga at ngumiti. "Be calm. Wala akong planong masama sa 'yo. Just chill, Leo," sagot ni Xiara. Muling ibinaling ni Leo ang tingin sa labas ng sasakyan. Naiinip na siya at gusto na lang bumalik sa ospital pero wala siyang ibang magawa. Kahit na ang sarili niyang ama ay pumayag sa kagustuhan ni Xiara. "Bakit ka ba nag-aaksaya ng oras sa akin? Balita ko, vlogger ka. Mag-video ka na lang ng content mo," muling pambabasag ni Leo sa katahimikan. Hindi sumagot si Xiara subalit makalipas ang ilang segundo ay itinabi niya ang sasakyan sa isang beach. Silang dalawa lang ang tao na naroroonan kaya bahagyang nagulat si Leo. Tuluyan nang ipinarada ni Xiara ang kotse at pinatay ang makina. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt bago bumaba ng sasakyan. Naguguluhan pa sìyang tiningnan ng kasama pero kaagad din naman itong sumunod sa kaniya pababa. "Ano bang ginagawa natin dito? Ito ba ang gusto mong maging unang date natin?" naguguluhang tanong ni Leo. Bahagyang nag-unat si Xiara ng kaniyang magkabilang braso nang sa gayon ay mas maramdaman ang malamig na hangin at ang init ng araw. Pagkatapos nito ay umikot-ikot siya na parang bata. Hinubad na rin ni Xiara ang suot niyang heels at mabilis na tumakbo sa dalampasigan. Naguguluhan siyang tiningnan ni Leo dahil hindi niya alam kung bakit ganito ang ikinikilos nito. "Huwag ka ngang KJ diyan. Tara na, Leo!" masayang sigaw ni Xiara habang tumatakbo. Nanatili lang siyang nakatayo habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi niya alam pero parang dinudurog ang puso niya ngayon. Naiinggit siya rito dahil parang napakadaling maging masaya. Habang siya ay nahihirapang gawin ito. "Are you just gonna stare me? Tara na! Ang init ng buhangin. It's so relaxing. Gosh, I miss this beach!" walang mapagsidlan na sayang sigaw ni Xiara. Unti-unting nagtanggal ng sapatos si Leo. Nagtatalo ang isipan niya kung dapat bang makinig at sumunod sa babae. Gusto niyang subukang gawin ang ginagawa nito dahil nagbabakasakali siyang makakaramdam ng kaunting saya. Gusto na niyang makawala sa rehas ng kalungkutan pero hindi madaling gawin ito. "Subukan mo na. Deserve mo ring maging masaya." "Anong ginagawa mo rito? After what you have done to her? Ang lakas ng loob." "Did you forget what happened?" Naguguluhan na si Leo dahil tila nagtatalo ang puso at isip niya. Pakiramdam niya ay may mga bumubulong sa utak niya at ipinaalala kung anong nangyari. Ipinamumukha sa kaniya na hindi siya p'wedeng maging masaya. "Leo, saan ka pupunta? Wait!" sigaw ni Xiara nang tumakbo si Leo papunta sa lighthouse. Mabilis itong pumasok sa loob at nagmamadaling umakyak sa paikot na hagdan. Hindi na niya alintana kung gaano kataas ang kailangan niyang akyatin. Ang tanging gusto niya lang ay makalayo sa lahat. Hindi na niya alam kung kakayanin niya pa. "W-Wait for a sec. Ano ba kasing tumatakbo sa isip mo?" hinihingal na sabi ni Xiara nang makapasok sa loob ng lighthouse. Nakita niya kung gaano kataas ang kailangan niyang akyatin para makarating sa tuktok. Akmang babalik na siya sa labas pero nakita niyang nasa gitna na si Leo. Kinakabahan siya sa ikinikilos nito dahil baka may gawing hindi maganda sa sarili niya. "Umalis ka na. Iwanan mo na ako rito. I deserve to die!" sigaw ni Leo. Umaalingawngaw ang boses nilang dalawa sa loob ng lighthouse. Hindi na nagdalawang-isip pa si Xiara at mabilis na tumakbo paakyat. Sa isip niya ay kailangan niyang pigilan si Leo sa plano nitong gawin sa sarili. "Why don't you just leave? Hindi naman ako importante para pag-aksayahan mo ng oras. Hayaan mo na lang ako," sigaw ni Leo. Kaunting hakbang na lang ay malapit na siya sa pinakataas. Patuloy pa rin silang naghahabulan ni XIara na parang mga bata. Hindi alam ni Leo pero pakiramdam niya ay parang nagkakaroon ng kaunting saya sa puso niya. May humahabol sa kaniya at handa siyang pigilan sa balak niya. "H-Hintayin mo naman ako. Hindi ka ba napapagod tumakbo?" hinihingal na sabi ni Xiara at bahagya pang humawak sa railings ng hagdan. Hindi na niya kayang tumakbo pa. Naubusan na siya ng hangin at pakiramdam niya ay hindi siya makahinga nang maayos. Tatlong hakbang na lang ay mararating na ni Leo ang tuktok nang maramdaman niyang hindi na siya hinahabol ni Xiara. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba at nang lumingon siya sa baba ay nakita niyang nakaupo ang dalaga sa hagdan habang hawak ang dibdib. Nahihirapan ito sa paghinga. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo pababa. "A-Ayos ka lang ba, Xiara?" kinakabahang tanong ni Leo habang nagmamadaling bumaba para tulungan ang kasama. Bahagyang nagulat si Xiara nang marinig ang boses ni Leo. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong mag-alala at tawagin siya sa pangalan. Hindi niya inaasahang babalik ito para tulungan siya. "M-May masakit ba sa iyo? Sinabi ko na kasing huwag mo na akong sundan pa. Ang tigas din kasi ng ulo mo," naiinis na sabi ni Leo ngunit bakas ang matinding pag-aalala nang marating ang kinauupuan ni Xiara. Walang pag-aalinlangan niyang binuhat ang babae na parang bagong kasal. Muling ikinagulat ni Xiara subalit huli na para tumutol pa. Naglalakad na pababa si Leo habang buhat siya. Walang bumasag ng katahimikan. Nakatingin lang si Xiara sa mukha ni Leo at pinagmamasdan itong mabuti. "Hindi mo naman ako kailangang buhatin. I can handle myself. Nakakahiya sa 'yo," mahinang sabi ni Xiara nang makalabas sila sa lighthouse. Hindi naman siya pinakinggan ng lalaki at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Sinusubukan niya ring pagaanin ang sarili sa pamamagitan ng pagpigil sa paghinga dahil baka nabibigatan na ito. Nahihiya siya rito pero hindi niya rin maitatanggi na nagugustuhan niya ang ginagawa ni Leo sa kaniya. "Huwag mong pigilan ang paghinga mo. Baka 'yan pa ang maging dahilan para masaktan ka. Hindi ka naman mabigat," biglaang sabi ni Leo at halos mamula na ang pisngi ni Xiara dahil sa matinding kahihiyan. Patuloy siyang binuhat ni Leo at saka lang siya ibinaba nang makarating sila sa dalampasigan. Naguguluhang tiningnan ni Xiara ang lalaki. Ang buong akala niya pa naman ay dadalhin na siya nito sa kotse para umuwi. "What are we doing here? I thought we are going home? Ayaw mo rito, 'di ba?" nagtatakang tanong ni Xiara. Kumuha si Leo ng kumot at inilatag ito sa buhanginan. Kaagad siyang umupo rito na sinundan din naman ni Xiara. Saglit na tumingala si Leo sa asul na kalangitan at bahagya pang pumikit. Pasado ala-una na ng hapon pero hindi na nila alintana ang init ng araw. "Bakit dito mo ako dinala? Marami namang ibang lugar diyan na p'wede tayong mag-date," pambabasag ni Leo sa katahimikan. Saglit ring pumikit si Xiara bago humarap sa kaniya. "Iba kasi ang pakiramdam kapag nasa beach ka. Nakakawala ng stress. Ang sarap magpakawala ng sakit na nararamdaman. You know what I mean," paliwanag niya. Magkasama silang nakaupo habang nakatingin sa asul na karagatan at pinakikinggan ang tunog ng mga alon. Dahan-dahang umusog si Leo at walang pagdadalawang-isip na inakbayan si Xiara. Bahagya pang nagulat ang dalaga pero hinayaan na lang niya ang lalaki. "I really envy you. How can you be so easily happy?" mahinang tanong niya sa dalaga. Hindi maiwasang mapangiti ni Xiara dahil nakikipag-usap na si Leo sa kaniya. Magandang simula ito para sa plano niyang muling pangitiin ito. "Hindi ko kasi dinaramdam ang problema. I let it enter my life, and I will realize that it's gone. Kapag kasi nagpakain ka sa lungkot at problema, walang mangyayari sa iyo," pagpapaliwanag ni Xiara. Unti-unting inilagay ni Xiara ang dalawang kamay niya sa mukha ng lalaki. Iniharap niya ito sa kaniya at nakangiting tiningnan. Walang ideya si Leo sa ginagawa ng kasama pero hinahayaan niya lang ito. "Don't worry, I will do anything to bring your smile back. Hindi ko hahayaan na patuloy kang lamunin ng matinding kalungkutan," determinadong sabi ni Xiara. Saglit na natigilan si Leo sa narinig. Ngayon na lang ulit na may isang taong inalala siya. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin. Hindi niya ito inaasahan pero inaamin niyang nagsisimula na niyang magustuhan ang presensya ni Xiara. "Pero bakit ako? Hindi naman tayo ganoon katagal na magkakilala. Hindi ka ba natatakot na baka masayang ang oras mo?" muling pagtatanong ni Leo. Dahan-dahang inalis ni Xiara ang mga kamay niya sa mukha ng binata at mabilis itong niyakap nang mahigpit. Nagulat si Leo dahil hindi niya inaasahang gagawin ito sa kaniya. Naguguluhan na siya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang bumibilis ang pagtibok ng puso niya. "Don't be confused. You deserve to be happy. You deserve to be loved, Leo," makahulugang sabi ni Xiara.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 34 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (124)
Owbreeeey
Cover palang catchy na. A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended 💗💗💗 Keep writing author!
Cover palang catchy na. A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended 💗💗💗 Keep writing author!
03/06/2022
1waw
21/08/2022
0loving it🥰🥰🥰
20/08/2022
0Xem tất cả