logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Ikapitong Kabanata

THIRD PERSON'S P.O.V.
"Ikaw..."
Ngumisi si Mask Princess, "I let you live, just tell me your weakness."
"Hindi kita naiintindihan." Aning Prinsipe.
"How can a prince so dumb?"
Tumiim ang panga nito kaya mas napangisi si Mask Princess. Nagpapanggap lamang na walang alam ang Prinsipe sa wikang Ingles. Pero kung nagawa ni Lili magpanggap na naniniwala siya sa Prinsipe na hindi ito nakakaintindi ng wikang Ingles. Ngayon ay dapat ng panindigan ng Prinsipe ang kaniyang kasinungalingan.
"Ano ba talagang pakay mo sakin?"
"I have this habit of collecting people's weaknesses without killing them. Just tell what is it, then I'll set you free."
"Kahit na sabihin ko sayo, sa lupa lang din mababaon ang nakolekta mo. Dahil hindi ka makakalabas ng buhay sa gubat na ito." Pananakot nito kaya napatingin ang Mask Princess sa paligid. Wala na si Aboy kaya nasisiguro niyang tumawag na ng tulong iyon.
Mas lalo lang nadagdagan ang ngisi nito dahil sa pinakita nilang kaduwagan.
"Are you saying that death's waiting me here?" Dahan dahang nabura ang ngisi sa kanyang labi at matalim na tumitig sa Prinsipe. "I'm the death itself."
Matiim na nagtitigan ang dalawa ng may tatlong uwak ang dumaan sa pagitan nila. Sa isang iglap lang ay nawala si Mask Princess sa harap ng Prinsipe. Parang hangin itong nagtatalon at nagtatakbo palayo.
Agad namang hinabol ni Master Ken ang parang hangin sa bilis na si Mask Princess.
Hawak hawak ng Prinsipe ang kanyang leeg. "Mask Princess..." Banggit niya.
"K-Kamahalan..."
Nilingon ng Prinsipe sina Ton, Aboy at ilang tauhan ng hukbong sandatahan.
"Ayos lang po ba kayo, kamahalan?" Tanong ni Ton.
Mag-isa itong tumayo at tinahak ang daan palabas ng gubat. Pagkalabas ay bumungad natanaw ng Prinsipe ang umiiyak na si Mara na pilit pinapatahan nj Cris. Nang pagmasdan niya ang dalawang dalaga ay napansin niyang may kulang.
"Nasaan si Lili Roque?" Tanong nito kaya nagkatinginan ang magkakaibigan.
"Hindi niyo ba siya kasama?" Tanong ni Aboy kay Ton.
"Hindi." Sagot ni Ton.
Kumuyom ang kamao ng Prinsipe. Napakapamilyar sakanya ang boses ni Mask Princess at ang labi nito. Natatakpan man ng maskara ang mukha niya ay may hinala siyang si Lili ito. Ngunit paano? Kahit may pagkapareho ang boses nila ay mas malamig ang boses ni Mask Princess kumpara kay Lili na mala-anghel. Napailing prinsipe sa naisip. Pilit niyang iwinawakli sakanyang isipan ang lakas ng kanyang kutob. Masayahin si Lili habang si Mask Princess naman ay puno ng galit at ang talim ng mga mata. Magkaiba parin sila.
Napalingon ang prinsipe kay Master Ken na kararating lang.
"Nahuli mo ba?" Tanong ng Prinsipe.
"Mabilis siyang nakawala, kamahalan."
Napansin ng Prinsipe ang pagmamasid ni Ken. Alam niya na ang iniisip nito.
"Nasaan si Lili?" Malamig na tanong ni Master Ken.
"Ano ba 'yan. Pareho niyo siyang hinahanap?" Aning Aboy
"Kasama namin si Lili kanina, ngunit umalis din siya kaagad. Ni hindi namin natanong kung saan ang punta niya." Aning Cris.
Katulad ng naisip ng Prinsipe ay ganun din ang iniisip ni Heneral Ken. Pero mas kumbinsido ito.
"Kanina pa pumasok si Heneral Thomas sa loob ng gubat, bakit hindi parin siya lumalabas?" Nagtatakang tanong ni Ton
"Ano narito si Punong Heneral Thomas?" Gulat na tanong ng Prinsipe.
"Oo, kung tutuusin nga sila talaga ang magkasama ni Lili. Sumingit lang kami ni Cris, at ayun nawala na si Lili. Naiinis ba si Lili dahil sinira natin ang pagkakataon nilang makapag-usap ng sila sila lang?" Inosenteng tanong ni Ton.
"Nung humingi ka ng tulong, agad ba siyang kumilos?" Tanong ni Ken.
"Oo naman kaso ang tagal na hindi parin siya lumalabas sa gubat. May nangyari kayang masama sakanya?"
Binalot ng pag-aalala si Cris. "Tulungan natin siya.."
Tumikhim si Aboy, "Ano kaba, kaya yan ni Marco. Nagagawa niyang sumulong sa digmaan, sa gubat pa kayang isa lang ang kalaban?"
"Satingin niyo ba, nahuli ni Marco ang taong may maskara?" Kinakabahan ani ni Mara.
"Sana nga..."
"Lakasan natin ang loob natin. Mahusay si Marco at nasisiguro kong siya ang nakahuli dun." Aning Aboy
Maya-maya lang ay nagulat sila sa mga uwak na nagliliparan. At mula sa hindi kalayuan ay nakita nila ang pamilyar na pigura.
"Nahuli niya nga..." Aning Ton
Nang makalabas mula sa madilim na gubat at nabigyan ng liwanag ay nagulat silang sa babaeng buhat buhat ni Marco. Babaeng walang malay at duguan.
"L-Lili?"
"Anong nangyari sakanya?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Cris.
"TUMAWAG KAYO NG MANGGAGAMOT!"
___
Nasa loob ang lahat sa bahay ni Ministro Roque. Lahat sila ay nag-aalala kay Lili na kasalukuyang ginagamot sa silid nito. Walang tigil sa pag-iyak ang asawa ng Ministro na labis na nag-aalala. Maging sina Cris, Ton, Aboy at Mara ay pinipigilan ding umiyak. Si Marco naman ay nakayuko lamang at sinasabunutan ang sariling buhok. Lahat ng tao sa loob ng bahay ay puno ng pag-aalala.
Maging ang mahal na Prinsipe na tahimik lang sa tabi. Biglang nawakli sakanyang isipan ang kaninang iniisip. Nawala ang kanyang hinala tungkol kay Lili at sa Mask Princess. Nag-aalala siya dito.
Habang si Master Ken naman ay nag-aalala man ay mas nag-aalala parin siya sa Prinsipe. Ipinagtataka parin niya kung bakit napunta sa loob ng gubat si Lili.
"Kamahalan, umuwi na po tayo." Anito sa Prinsipe
"Oo nga kamahalan, mas mabuti na ang manatili ka sa loob ng palasyo gayong hindi pa nakikilala ang grupong umatake sayo." Wika ng Ministro.
"Saka na ako aalis, pag masiguro kong maayos na si Binibining Lili."
"Ilang linggo pa bago siya magigising. Malalim ang sugat na tinamo niya." Nagsimulang lumuha ang Ministro. "Hindi ko kailan man naisip na siya ngayon ang nakahiga, mahina at nag-aagaw buhay. Masyado kong itinatak saaking isipan kung gaano siya kahusay na manggagamot na hindi ko man lang naisip na mangyayari ito sakanya."
Pinigilan ng Prinsipe ang kanyang damdamin. Hindi siya pwede umiyak dahil mas lalo lang iingay ang bahay. Sabi pa nga nila kung lahat ay mahina na, dapat may isang taong nananatiling matatag. At iyon ang nais gawin ng Prinsipe.
"Kamahalan, pwede po bang manatili na muna rito ang aking anak habang hindi pa siya magaling?"
Ramdam ng Prinsipe ang labis na kalungkutan at pag-aalala ng mga magulang ni Lili.
"Sige po. Sabihin niyo lang sakin pag may kailangan kayo."
"Maraming salamat, kamahalan."
"Aalis na ako. Ipagbalita niyo na lamang kung ayos na siya."
"Opo, kamahalan."
Lumapit ang Prinsipe kay Marco. Dahan dahang umangat ang tingin ni Marco.
"Pumunta ka sa Palasyo bukas, nais kong marinig ang kwento mo ng kumpleto at totoo."
"Masusunod, kamahalan."
__
Walang buhay na nakabalik sa palasyo ang Prinsipe. Labis siyang nag-aalala kay Lili sa hindi malamang dahilan. Sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil niya man lang nagawang protektahan ang kanyang tagapaglingkod.
"Magpahinga na kayo, kamahalan." Aning Master Ken
"Imbestigahan mo ang nangyari. Hanapin mo si Mask Princess." Tiim bagang utos nito.
"Masusunod po, kamahalan."
Nang makaalis si Master Ken ay nawalan ng balanse ang prinsipe. Pakiramdam niya'y ang rami ng nangyari sa araw na ito. Malinaw parin sakanyang isipan ang madilim na dating ni Mask Princess. Kinikilabutan siya satuwing naaalala niya ang ngisi at kung paano siya tutukan ng espada nito.
Nagtataka siya kung bakit ganun nalang ang galit sa mga mata ni Mask Princess. Pero mas nagtataka siya dahil sumisikip ang dibdib niya. Naiisip niya parin ang walang malay na si Lili at duguan. Sobra siyang nag-aalala at parang may nagtutulak sakanyang bumalik sa bayan at hintayin ang paggising ni Lili.
Naalala niya unang pagkikita nila ni Lili. Ang unang beses na may nagtanong sakanya kung anong pangalan niya. Babaeng inimbitahan siya sa kaarawan ng ama kahit di niya naman ito kilala.
Unang beses na inasar niya ito. Tinawag niya itong unggoy kahit mala-anghel naman talaga sa kagandahan ang dalaga. Inutusan niya pa ang mga tagapaglingkod na palitan ang mga damit nito ng ibang kulay dahil hindi nababagay sakanya kahit ang totoo ay lumilitaw ang kagandahan nito sa kulay puti.
Unang beses na nagkaroon siya ng babaeng kaibigan. Nang dumalo sila sa kaarawan ng ministro ay nagpanggap silang magkaibigan ni Lili. Kahit pagpapanggap lang iyon ay umasa siyang magkatotoo.
Unang beses na nagkaroon siya ng kaklase. Likas siyang natatamad at nayayamot satuwing nagtuturo ang guro nito. Pero dahil kay Lili, magpanggap man siyang tulog ay ayaw niyang mawala ang presensiya nito sa tabi niya.
Unang beses na tumibok ang puso. Nang dahil sa pag-aagawan nila ng pagkain at pagtago ni Lili sa puno ay nahulog siya. Kasabay ng pagsalo niya sa dalaga ay ang pagkahulog niya dito.
Unang beses na binuhat niya ito at sekretong umamin ng nararamdaman. Pinakilig niya ang dalaga sa wikang Ingles na kunwari hindi naiintindihan.
Unang beses na nakaranas siya ng halik. Nang dahil sa manok na kinatatakutan niya ay aksidenteng naglapat ang labi nilang dalawa.
Ang pinakaunang beses na may dinala siyang babae sa ilog  na puno ng paro. Unang beses na mahawakan ang malambot na kamay nito.
Lahat ng mga unang beses kasama si Lili ay isang napakagandang alaala para sakanya. Alaalang hindi niya kailan man gugustuhing kalimutan.
Namasa ang pisngi ng Prinsipe. "Ayos lang sakin kahit paulit ulit mo pang sabihin na hindi mo ako gusto. Basta gumising ka lang.." Anito at tuluyan ng humagulhol.
Kinabukasan ay maagang bumalik si Punong Heneral Thomas sa palasyo.
"Nasaan ang mahal na Prinsipe?" Tanong nito kay Eunuch Dom.
"Nasa silid niya, hinihintay ka." Tugon ng Eunuch.
Habang tinatahak ang daan papunta sa silid ng Prinsipe ay sumalubong sakanya ang malamig na dating ni Master Ken. Pareho silang yumuko sa isa't isa at nagpatuloy sa paglalakad.
Wala mang salita ang pumagitan sa dalawa ay pareho na silang may malakas na kutob. Malakas ang kutob ni Heneral Alfonso na may tinatago ang Punong Heneral. At ganun din ang Punong Heneral na may hinala ng babantayan nito ang bawat kilos niya.
Pagpasok ng Punong Heneral ay natagpuan niya ang Prinsipe na umiinom ng tsaa.
"Maupo ka, Punong Heneral Thomas."
"Opo, kamahalan."
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa dalawa bago ulit magsalita.
"Nais kong ikwento mo ang nangyari kahapon."
Bumuntong hininga si Marco bago nagsalita. "Nakita ko ang babaeng may maskara."
Nagulat ang Prinsipe, "Talaga? Nahuli mo ba siya?"
"Hindi, kamahalan."
"Teka.. paano mo nalamang babae siya?"
Natigilan si Marco. Hindi niya dapat sinabi na babae iyon. Kailangan niyang mag-isip ng palusot. Pinakatitigan siyang maigi ng Prinsipe na animong hinuhuli siya.
"D-Dahil sa... d-dibdib niya.."
Natigilan ang Prinsipe at tumikhim. "*Ehem* B-Bakit hindi mo siya nahuli?" Pag-iiba nito ng tanong.
"Sinubukan ko siyang habulin pero natigilan ako ng makita ko ang nakahandusay na babae. Nang makilala kong si Binibining Lili iyon ay labis akong nag-aalala at hindi ko na nahabol ang babaeng may maskara." Yumuko ang Punong Heneral, "Patawarin niyo ako kamahalan dahil binalot ako ng emosyon at hindi ko na nagawa ang tungkulin ko."
Natahimik ang Prinsipe. Base sa nakikita niya ay talagang nasasaktan ang Punong Heneral.
"Gaano katagal naba kayong magkakilala at labis kang nag-aalala?"
"Bata palang kami, malapit nako sakanya."
Mataman na tinitigan ng mahal na Prinsipe ang lungkot sa mga mata ng Punong Heneral. Napaiwas siya ng tingin dahil sa nakaramdam siya ng sakit sa dibdib. May ibang lalaki ang nag-aalala rin kay Lili at ito pa ang nagligtas sa dalaga, hindi siya.
"Tell me your weakness..."
Natigilan ang Prinsipe nang maalala ang sinabi kagabe ni Mask Princess. Hindi niya maintindihan kung bakit nito tinanong kung ano ang kahinaan niya. Tanong na binabalot siya ng kuryusidad.
Tinignan niyang maigi ang tahimik na Punong Heneral.
"Si Lili ba ang kahinaan mo?"
Natigilan si Marco sa tanong ng Mahal na Prinsipe. Hindi siya makapaniwalang maririnig niya ito mula sa kamahalan.
"Anong ibig niyong sabihin, kamahalan?"
Humigop ang prinsipe ng tsaa bago tinignan muli ang Punong Heneral. "Minsan ang kahinaan natin ang mismong papatay lang din satin." Malamig nitong tugon
Malakas ang loob niyang kaya tinanong ni Mask Princess kung ano ang kahinaan ay para pagdusahan niya ito. Kapalit ng kamatayan ay nais nitong mabuhay siya ng puno ang lungkot. Kaya hindi niya pwedeng sabihin ang kahinaan niya. Kailangan niyang mag-ingat.
Tahimik na lumabas ng silid ang Punong Heneral. Napupuno ang kanyang isipan. Magmula sa nangyari sa gubat at sa tanong ng Prinsipe.
Ang tanong na iyon ay minsan rin tinanong sakanya ni Lili. Kung ano nga ba daw ang kahinaan niya pero hindi niya masagot sagot dahil di niya naman alam kung ano nga ba. Ngunit nabigyan iyon ng sagot ng Prinsipe.
At katulad ng sinabi ng kamahalan na ang kahinaan mismo ang papatay sa tao. Hindi siya kumbinsido dun. Kilala niya si Lili, hindi siya nito papatayin.
LILI's P.O.V.
Nang maramdaman kong wala ng tao sa loob ng aking silid ay saka ko lang iminulat ang aking mga mata. Kaalis ni Ina na walang tigil sa pagluha at ni Cris na binantayan ako magdamag.
Napahawak ako saaking tagiliran. Hindi ganun kalalim ang sugat. Malakas akong napabuntong hininga at inalala ang nangyari kagabi.
Ang mga uwak na iyon ay isang senyales na kailangan ko ng umalis sa sitwasyon na kinaroroonan ko. Isa iyong palatandaan na hinihintay ako ni Marco upang maprotektahan. Habang tinatakbo ko ang daan ay hinabol ako ni Master Ken. Ngunit mabilis ko siyang nalusutan. Nang makita ko si Marco ay agad niyang binigay sakin ang pampalit kong damit. Siya mismo ang nagtago ng damit, espada at maskara ko.
Ngunit para makumbinsidong inosente si Lili ay kailangan kong gumawa ng bagay na hindi tama. Ilang beses man akong pinigilan ni Marco ay sinugatan ko parin ang aking sarili at binasa ng dugo ang aking damit. Mabuti na lamang at magaling magpanggap ang ilang manggagamot na nagtratrabaho kay Ama. Ipinalabas nilang kritikal ang kondisyon ko.
Nang makarinig ako ng kaliskis ay muli kong ipinikit ang mga mata. Naramdaman kong may tumabi sakin.
"Natutulog ang iyong Ina, at namamalengke naman si Cris. Tayo nalang dalawa dito kaya gumising kana." Aning Ministro Roque
Pagmulat ko ng aking mga mata ay puno ng pag-aalala ang itsura ni Ama.
"Munting sugat lang ang meron ako, Ministro."
"Ngunit hindi tamang gawin mo iyon sa sarili mo."
"Para maging totoo ang pagpapanggap, kailangan mong magsakripisyo." Malamig kong tugon.
"Labis na nag-aalala ang iyong mga kaibigan. Maging si Marco na kasama mo ay hindi maiwasang mag-alala. At pati ang Prinsipe ay nais sanang manatili hanggang sa magising ka."
Natigilan ako.
"Hindi ka dapat sumugod ng ganun ganun nalang. Dapat ay pinaghahandaan mo ang ganung pagkakataon."
"Hindi iyon ang problema. Maliban satin ay may ibang grupo ang nais kumuha sa Prinsipe."
Bumangon ako at malamig na tinitigan ang Ministro. "May kutob ako. At kung pareho man tayo ng iniisip ay nasisiguro kong nagsisimula na siyang kumilos."
Natahimik ang Ministro.
"Hanapan mo ng mali ang Ministro ng Digmaan." Malamig kong utos pero matagal bago ito nagsalita.
"Malinis siya magtrabaho kaya mahihirapan tayo."
Kumuyom ang aking kamao, "Ako mismo ang aalam sa kahinaan niya. Kahinaang mismong papatay sakanya."
Hinawakan ni Ministro ang aking kamay, "Kumalma ka.."
Natahimik ako.
"May nalaman kaba sa Prinsipe?" Tanong nito.
"Hindi kopa alam anong kahinaan niya. Pero may isang bagay akong nadiskubre."
"Ano 'yon?"
"Hindi ang Prinsipe ang may sakit, kundi ang Hari."
Literal na nagulat ang aking Ama. "P-pano nila nagawang itago iyon." Aniya na may bahid na pag-aalala.
"Alam kong minsan kayong magkaibigan, pero wag mo siyang kaawaan."
Binigyan ako nito ng nakakaawang tingin pero hindi ko ito pinansin. Bumalik lamang ako sa pagkakahiga at pinikit ang aking mga mata. Maya-maya lang ay umalis na ito na ikinahinga ko ng maluwag.
Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang nakikita itong nanghihina satuwing may nangyayaring masama. Naiintindihan ko naman na ganyan ang nararamdaman niya pero diko maintindihan kung bakit maging sa Hari ay ganun din siya.
Bigyan man ako ng napakaraming dahilan upang kaawaan at intindihin ang Hari. Iisa lamang ang dahilang aking paniniwalaan. Pare-pareho lamang sila. Pinatay nila ang pinaka espesyal na tao sa buhay ko. Sinira nila ang buhay ko. Ginawa nilang madilim ang mundo ko. Binawian nila ako ng kalayaan.
"Hinding hindi ko sila mapapatawad.."
Pagsapit ng gabi, tahimik na sa bahay. Natutulog na ang lahat ng tao kaya minabuti kong bumangon at nagbihis ng damit. Nagsuot ako ng panlalaking kasuotan at lumabas.
Tinahak ko ang madilim at tahimik na daan. May kurpyo na sa ganitong oras kaya walang mga tao. Maliban nalang sa ilang mga tanod na madali namang taguan.
Tumingin ako sa paligid bago pumasok sa isang sirang kubo. Isinuot ko ang aking maskara at dinala ang pana.
Maraming guwardiya sa labas ng palasyo kaya mas minabuti kong dumaan mula sa gubat at umakyat sa mga puno hanggang sa matalon ko ang mataas na pader ng palasyo.
Nagtingin-tingin ako sa paligid dahil baka may nakakita saking mga tagapaglingkod. At hinanap ang bulwagan na kinaroroonan ng Ministro ng Digmaan. Masyadong malaki ang palasyo kaya kung hindi ko lang nabantayan ito ng ilang tao ay baka naligaw na ako.
Nang makita ko si Master Ken ay agad akong nagtago sa isang silid. Base sa nasaksihan kong kilos ni Master Ken sa kagubatan ay masasabi kong mahusay nga ito pero hindi iyon sapat para tapatan ang kakayahan ko. Pero matalino siya at sa oras na magkaroon siya ng kutob sa isang bagay ay talagang paniniwalaan niya. Kailangan kong mag-ingat dahil talagang hahanap niya ako ng mali.
Maya-maya ay lumabas na ako at pinasok ang bulwagan ng Ministro. Pagpasok ko ay madilim at mula sa dilim ay nakita ko ang isang pamilyar na pigura. Tinutukan ko siya ng pana at pilit nililinaw kanyang mukha.
Dahan-dahan itong naglakad palapit sakin hanggang sa mabigyang liwanag ang kanyang mukha na siyang ikinagulat ko. May dala rin itong matalim na espada.
Malamig ang dating na tinitigan ako nito. Matalino nga talaga siya, alam niyang dito ang punta ko.
"Malakas ang loob mong pumasok sa palasyo." Wika ni Master Ken.
Ngumisi ako, "Kung nagawa kong pagtangkahan ang buhay ng Prinsipe. Ang pasukin pa kaya ang tahanang kinalakihan niya?" Tugon ko sa pinakamalamig tono.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa espada kaya napangisi ako. Napatingin ako sa paligid. Wala dito ang taong pakay ko. Kaya hindi dapat ako magsayang ng panahon.
Mabilis akong nagpakawala ng pana at tinamaan ang munting ilaw dahilan para magdilim ang silid. Habang tumatakbo ay natanaw ko sa di kalayuan ang Ministro ng Digmaan kaya napangisi ako't nagpakawala ng pana. Tumama ito sa tuhod niya dahilan para mawalan siya ng balanse.
Tinalon ko ang pader ng palasyo at tinahak ang kagubatan. Alam ko ang pasikot sikot ng kagubatang ito dahil dito ako lumaki. Lumaking walang tigil na nag-eensayo. Kung meron mang maliligaw sa lugar na ito ay hindi ako.
Nang tuluyan kong matakasan si Master Ken ay agad akong nagpalit ng damit at maingat na umuwi ng bahay. Tahimik na pumasok ako saaking silid at nagpalit ulit ng damit. Bumalik ako sa aking higaan at nagpanggap na tulog.
Nakakainis talaga!
Kung hindi lang dahil kay Heneral Alfonso ay sana nakausap ko na ang Ministrong iyon. Sinira niya ang plano ko sa gabing ito at panigurado mas hihigpitan nila ang seguridad ng palasyo at ng Ministro.
__
Nagising ako kinabukasan ng maramdaman kong may mga matang nakatingin sakin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay tumambad sakin ang Prinsipe kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Ayos lang ba kayo, Binibining Lili?"
"Marco..."
Napailing ako ng mapagtantong hindi naman pala ito ang Prinsipe. Bakit ba mukha niya ang nakita ko kanina? Hayyss..
Natigilan ako at bumalik sa pagkakahiga ng pigilan ako ni Marco. "Walang tao, binibini."
Nakahinga ako ng maluwag at umayos sa pagkakaupo.
"Bakit ka nandito?"
"Nag-aalala ako sayo, binibini."
Kahit kailan, si Marco ang pinakaunang lalaking nag-aalala sakin at nagtatanggol sakin. Nakokonsensya tuloy ako dahil para ko ng inabuso ang kabaitan niya.
"Iyan lang ba ang dahilan mo? O baka naman narito ka para makita si Cris." Pang-aasar ko ngunit hindi nagbago ang itsura nito. Nag-aalala parin.
"Wala akong panahon para mag-isip ng ganyan. Mas lalong hinigpitan ngayon ang seguridad ng palasyo dahil sa nangyari kagabi." Aniya kaya natahimik ako.
Nagsisimula na naman akong mainis satuwing naaalala ko ang mukha ni Master Ken.
"Binibini, alam mong delikado ang sumugod mag-isa. Wag mong pinapahamak ang sarili mo."
"Para saan pa ang pagsasanay natin kung di pa sisimulan?"
Mariing bumuntong hininga si Marco bago tumayo.
"Kung may nais kang gawin, sabihin mo sakin. Hindi kita madadalaw pansamantala dahil may utos sakin ang palasyo at pumunta lang ako dito para tignan ang lagay mo. Pero wag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan para makausap ka, Binibini." Aniya at lumabas na.
Naiwan akong tulala. Ni hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataon na magsalita. Bumalik ako sa pagkakahiga.
Bakit ko ba minulat ang mga mata ko kanina? Mabuti nalang at si Marco ang nakakita saakin. Paano nalang kung ang Prinsipe iyon? Baka isipin nitong hindi naman talaga malala ang kalagayan ko. Mahuhuli ako nito eh.
THIRD PERSON'S P.O.V.
"Ano? Nakapasok si Mask Princess dito sa palasyo?" Gulat na gulat na wika ng Prinsipe.
"Opo, kamahalan. Pumasok pa siya sa silid ni Ministro Luna." Sagot ni Master Ken na kausap ng Prinsipe.
"Bakit si Ministro Luna? At hindi sakin?"
"Hindi ko pa alam kung bakit."
Bumuntong hininga ang Prinsipe, "Ano naman kaya ang dahilan niya? Alamin mo ang posibleng dahilan kung bakit siya ang pakay ni Mask Princess."
"Masusunod po, kamahalan."
Dumiretso si Master Ken sa gubat na pinangyarihan ng insidente. Inalala niya muli ang nangyari sa gabing iyon. Yung galawan ni Mask Princess na kahit kailan hindi niya pa nasaksihan. Galawang hindi niya nagawang tapatan.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa espada at dahan dahan siyang nag-ensayo. Inalala niya ang bilis at husay ni Mask Princess na gusto niyang lampasan. Tinitigan niya ang puno at inisip na si Mask Princess ito. Mabilis ang ginawa niyang kilos hanggang sa mapatumba ito.
Ilang oras ang kanyang ginugol sa pagsasanay bago nagpasyang lumabas ng gubat. Malakas ang kutob ni Master Ken na maraming taon ang ginugol nito sa pag-eensayo kaya ganun ito kagaling.
Minsan niya ng nakita ang ganun klaseng galaw at kay Marco Thomas iyon. Mabilis at mahusay si Marco kaya siya ang napiling Punong Heneral ng digmaan. Pero sa minsang paghaharap nila ay hindi nila napatumba ang isa sa kanila. Katulad ng laging sinasabi ng mga tao ay pantay ang galing nila. Kaya naisip niyang imposibleng si Punong Heneral Thomas ang taong may maskara, lalo na't iba ang kasama nito sa gabing iyon.
Natigilan siya sa paglalakad. Nabanggit sakanya ng Prinsipe na si Mask Princess daw ang taong iyon. Ngunit hindi niya maintindihan ang wikang Ingles na iyon. Baka may tinatagong pangalan ang taong iyon.
"Master Ken?" Natigilan siya ng makita si Mara na may dala-dalang kahon. "Ikaw nga, ikaw si Master Ken." Nakangiting anito.
"Maari ba akong magtanong?" Walang reaksyong pakiusap nito kaya di tuloy alam ni Mara kung matutuwa ba ito o hindi.
"Ano ba ang tanong mo?"
"Marunong kaba ng wikang Ingles? Anong ibig sabihin ng Mask Princess?" Tanong nito kaya napakamot ng ulo si Mara.
"Ang totoo niyan, hindi ako marunong eh."
Lumaylay ang balikat ni Master Ken, "Sige." Anito at aalis na sana ng pigilan siya ni Mara.
"Pero may kilala akong magaling sa wikang Ingles." Nakangiting anito.
"Sino?" Walang reaksyong tanong nito.
Ngumiti ng malaki si Mara, "Kaibigan ko. Pwede akong magtanong sakanya. Pero kay isang kondisyon!"
Natigilan si Master Ken, "K-Kondisyon?"
"Oo, hayaan mo akong maging kaibigan ka." Anito at inilahad ang kamay.
Walang reaksyong napatitig si Master Ken sa kamay ng dalaga bago sinalubong uli ang mga mata nito. "Magtatanong nalang ako sa iba." Wika nito at nagsimula ng maglakad.
"Bahala ka... Ilang taon pa naman siya roon sa ibang bansa." Pagpaparinig ni Mara habang may hinahanap sa kahon. "Minsan nga tinanong ko ang kaibigan ko kung ano ang Ingles ng maganda, tapos sabi niya beautiful daw. Beautiful daw ako."
"Dalhin mo ako sakanya." Biglaang wika ni Heneral Alfonso.
Napangiti si Mara, "Pero magkaibigan muna tayo."
Napaiwas ng tingin si Ken Alfonso. Naisip niyang pansamantala lang naman at pag nakuha niya ang gusto niya ay hindi na siya magpapakita pa dito.
"Oo, maging magkaibigan tayo." Malamig na aniya.
Mas lalo namang lumaki ang ngiti ni Mara at kinuha ang pulseras mula sa kahon at isinuot sa binata na ikinagulat nito.
"Anong ginagawa mo?" Aning Master Ken
"Ano pa nga ba.. Edi palatandaan na magkaibigan tayo. Wag mo iyang tatanggalin.." mataman siyang tinitigan ng dalaga, ".. habangbuhay."
Agad na binawi ng Heneral ang kanyang kamay at napatitig sa kulay asul na pulseras. "Hindi ako nagsusuot nito."
Ngumiti si Mara, "Pwes ngayon, nagsusuot na. Wag kang mag-alala dahil meron din ako." Itinaas nito ang kamay na may kulay rosas na pulseras.
Napaiwas ng tingin ang Heneral at naiinis na tumingin sa nakangiting dalaga. "Dalhin mo na ako sa kaibigan mo."
___
Kunot-noong napatitig si Master Ken sa walang malay na si Lili. At matalim ang mga matang pinukol niya ng tingin ang dalagang si Mara.
"Bakit dito mo ako dinala?"
Ngumuso si Mara, "eh siya ang tinutukoy kong kaibigan ko."
Kumuyom ang kamao ni Master Ken. "Wala akong interes titigan ang walang malay mong kaibigan. Kailanhan ko ng taong may alam sa wikang Ingles."
Napakamot ng ulo si Mara, "Eh magaling naman sa Ingles si Lili."
Natigilan si Ken. Bakit niya nakalimutan ang bagay na iyon? Muli siyang napatitig sa walang malay na si Lili.
Paano niya matatanong ito gayong wala pa namang malay ang dalaga. Magaling mag Ingles si Mask Princess ayon sa Prinsipe, at ganun din si Lili. Pamilyar rin para sakanya ang boses kagabi ni Mask Princess katulad ni Lili, pero mas malamig ito. Ngunit paano napunta si Lili sa gubat na iyon at napahamak pa? Anong ginagawa niya sa gubat na iyon? Tanong ng Heneral sa isipan.
Matamang tinitigan ni Master Ken si Lili. Nagtataka siya sa presensya nito at malakas ang kutob niyang may tinatago ang dalaga.
"Nasaan si Aboy?" Sinasadyang tanong ni Master Ken kay Mara. Hindi man sigurado ay iniisip niyang nagpapanggap na tulog lamang ang dalaga.
"Si Aboy? Hindi siya marunong mag Ingles ano." Inosenteng wika ni Mara.
"Hindi, nais ko lang siyang makausap."
"Tungkol saan naman?"
"Siya ang bagong kanang kamay ng Ministro ng Digmaan."

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    Tisoy Mandeoya Laquip

    thank you

    13/07

      0
  • avatar
    Kristen Talaban

    It's good

    10/07

      0
  • avatar
    Ken Ken

    Nice one

    24/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất