#TOE Chapter 7 "How did you know my cousin?" Kumunot ang noo ko sa bulong niya. "Sino?" naguguluhan kong tanong. Bumuntong hininga siya at ginulo ang kanyang buhok. "Nevermind." nang mawala na ang ingay sa labas ay agad siyang lumabas at hindi na ako nilingon pa. Ano bang nangyayari sa kanya? "Baliw," bulong ko nang makita kong iniwan niya na talaga ako rito. Bago ako lumabas ng restroom ay inayos ko muna ang itsura ko. Hinubad ko ang aking suot na flannel kaya ang natira na lang ay ang aking beige sleeveless crop top. Pinusod ko rin ang aking mahabang buhok. Nang makontento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako. Pinagtitinginan pa nga ako ng iba dahil sa men's restroom ako lumabas. "Gusto mo talaga ng panganib, no?" bungad ni Emily sa akin nang makaupo ako sa upuan ko. Kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Pinagsasabi mo?" Huminga siya ng malalim at inabot sa akin ang cellphone niya. Tiningnan ko naman ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang litrato kung saan kumakain kami ng ice cream ni Phoenix at ang isang litrato naman ay yung hila-hila ako ni Terrell. Ginulo ko ang buhok ko. Ano nang mangyayari sa akin niyan? Ibabash na ba ako? Icacancel na ba ako? Hindi pa po ako ready, Lord! Napatingin ako sa likod ko nang makarinig ako ng tikhim. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng kalaban ni Stella. Hindi ko lang matandaan ang pangalan niya. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Lumingon ako sa dalawa kong kaibigan ngunit nagmamaang-maangan lang ang dalawa. Tingnan mo nga naman yang dalawa. Huminga ako ng malalim bago sumunod doon sa babae. Pagkalabas ko ng classroom ay nakita ko siya agad na nakatayo sa labas ng elevator at hinihintay ako. Nang makita niya ako ay sinenyasan niya akong lumapit at pumasok ng elevator. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa rooftop. Kahit naguguluhan ay sumunod pa rin ako dahil nakakatakot talaga siya. Huminto siya sa tapat ng isang pinto na bahagyang nakabukas. Dahil nakasunod ako sa kanya ay huminto rin ako sa paglalakad. Nilingon niya ako. Walang siyang kahit anong ekspresyon na pinapakita kaya lalo akong kinakabahan sa kanya. Bakit ba sumunod ako sa kanya? Mamaya murderer pala siya tapos ako ang trip niyang biktima. "Is Phoenix your boyfriend?" diretsong tanong niya dahilan para mabulunan ako sa sarili kong laway. Tiningnan ko siya ulit at nakataas pa rin ang kilay niya na malamang ay naghihintay ng sagot ko. Dahan-dahan akong umiling. "H-Hindi." Tumango naman siya. "So you're friends with him?" tanong niya. Tumango ako. "Bata pa lang magkaibigan na kami." "Okay, good," aniya at humakbang papalapit sa akin. "You don't like Terrell, but he likes you." Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na mapigilang matawa sa sinabi niya. Kumunot naman ang noo niya kaya natigil ako sa pagtawa. "You don't believe me?" kunot noong tanong niya. Ngumuso ako, pinipigilan ang sariling matawa. "Napakaimposible naman kasi. Sabi nga niya noong nakaraan na isipin ko na lang na walang halik na naganap——" Napatakip ako sa aking bibig nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko. Nakita ko ang pagngisi niya. "You two already kissed, huh?" nakangisi niyang sabi. "Bigla niya akong hinalikan! Smack lang," ani ko kaya mas lalo siyang natawa. "Smack lang? So you expected something more?" makahulugan niyang tanong. Umiling-iling ako pero lalo lang siyang natawa sa ginawa kong pag-iling. Kumunot ang noo ko nang bigla niya akong hinila palapit sa pinto para sumilip sa kung anong nasa loob ng bakanteng kwarto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Terrell at yung babaeng kaklase niya na nag-uusap. Bakit sila dito nag-uusap? "You don't believe me, right? O, ayan makinig ka sa usapan nila," nakangisi niyang sabi. Mali talaga ang makinig sa usapan ng iba at yan ang sinasabi ni Mama sa amin at palagi ko ring pinapaalalahanan ang sarili ko pero dahil andito naman na kami, sayang naman kung hindi kami makikinig. "Hindi mo ba talaga ako magawang tingnan, Terrell? Hinintay ko ang paghihiwalay ninyo ni Stella!" rinig kong sabi nung babae. Kaya pala ang dami niyang tanong sa akin noong nakaraan. Siya pala itong may lihim na pagtingin kay Terrell. "That's Audrey, Terrell's friend and now..." tumawa yung babaeng katabi ko. "...admirer." Naaawa ako sa babaeng kaklase ni Terrell kaya aalis na sana ako pero pinigilan ako nitong isang babae. "Ikaw na lang ang makinig. 'Wag mo akong idamay," sabi ko pero hindi siya nakinig. "It's not even done," aniya. Hinila niya ako kaya napilitan akong bumalik. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang paglapat ng mga labi nila. Hindi ko maintindihan at hindi ko alam kung bakit pero sa nakikita ko ngayon ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Anong nangyayari sa akin? Bakit parang ang sakit? Agad akong tumakbo palayo ngunit bago pa ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang sinabi ng babae. "Dang, I like you for Terrell. I'm Reign, by the way," aniya at kinindatan ako. --- Kaya ba sinabihan niya ako na kalimutan ko na lang na may halikan na nangyari ay dahil sa may iba rin siyang mga babaeng hinahalikan? Normal lang ba sa kanya yun? Dahil sa akin, hindi talaga normal! Narinig kong umamin ang babaeng kaklase niya at nakita ko pang naghalikan sila. Ibig sabihin ba ay sila na? Tsk. Dinala lang ba ako ni Reign doon para ipamukha sa akin na walang halaga ang halik namin para kay Terrell? Ginulo ko ang aking buhok at padabog na sinara ang aking laptop. Mamaya ko na tatapusin ang report ko dahil wala rin namang pumapasok sa utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. At ano naman sa akin yon? Ano bang pake ko kung naghalikan sila at anong pake ko kung sila na? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng tinding inis sa tuwing naaalala ko ang nasaksihan ko kanina. Baka ay naiinis ako sa tuwing naiisip kong parang labis ang pagsisisi niya sa halikan namin. "You don't like Terrell, but he likes you." Napailing ako at nagpagulong-gulong sa kama. Badtrip naman. Ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ito ang normal kong lagay. May mali sa akin. Simula talaga nang dumating yang Terrell na yan sa buhay ko bigla ko nang hindi maintindihan ang sarili ko. "Sol, may bisita ka," rinig kong sabi ng Ate ko habang kumakatok. Napabalikwas ako at agad na tumakbo papunta sa pinto para sumilip. Hindi ko kita kung sino man ang bisita kong yon dahil nasa ikalawang palapag ang mga kwarto namin. "Ayusin mo nga yang itsura mo, mukha kang tanga," kunot noong sabi ni Ate bago ako iniwan na nakanganga. Normal lang na ganito itsura ko dahil late akong natulog dahil sa report kong hindi ko pa rin tapos hanggang ngayon. Tapos kanina pa ako walang kain kaya sabog talaga ang itsura ko ngayon. Normal lang naman ito sa mga college students. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at nagmadaling maligo at magbihis. Wala akong ideya kung sino ang bisita ko ngayon pero masama ang kutob ko. Kinakabahan ako. Nang maayos na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko at sakto pang kakalabas lang din ni Kuya ng kwarto niya. Suot niya na ang uniporme niya sa Med School. "Himala at naligo ka?" bungad niya sa akin kaya sinimangutan ko siya. Sabay kaming bumaba at puro pang-iinis lang naman ang ginagawa niya sa akin. Tsk. Walang kwentang kapatid. Pagkababa ay naglakbay ang aking mga mata sa salas namin pero wala naman akong nakitang bisita. Narinig ko ang tawa ni Ate at nakita ko siyang pababa ng hagdan. Kumunot ang noo ko hanggang sa mapagtanto kong gawa-gawa niya lang yon para maligo ako. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang babalik na sa kwarto ko sa taas nang may marinig akong boses mula sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko at walang pagdadalawang isip na tumakbo papunta sa kusina namin at halos malaglag na ang mga mata ko nang makita ko si Terrell na tumutulong kay Mama sa pagluluto. Tiningnan ko naman si Mama na nakangiti at tumatawa pa sa kung anong biro ni Terrell. Naramdaman ko ang pagtapik ni Ate sa pwet ko sabay tawa. "Ikaw, hindi mo sinabi sa aming ang pogi pala ng manliligaw mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at babawiin ko na sana pero agad na siyang nakaalis. Naglakbay ang aking mga mata sa suot ni Terrell ngayon. May suot siyang puting long sleeves na polo na itinupi niya hanggang siko. Nakabukas din ang dalawang butones ng polo na suot niya. "Solaire Amelia, sa wakas naman at naligo ka na," biglang sabi ni Mama. "Ma!" Narinig ko ang paghalakhak ni Terrell kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngumuso naman siya para pigilan ang kanyang sarili sa pagtawa. Nang tumalikod si Mama ay hinila ko si Terrell. "Anong ginagawa mo rito?" seryoso kong tanong. Hindi pa siya nakakasagot nang bigla kong nakita si Phoenix na papasok ng kusina at may dalang basket na puno ng prutas. Kinindatan niya ako nang magtama ang mga tingin namin kaya inirapan ko siya. "Epal." rinig kong bulong ni Terrell bago niya ako tinalikuran at bumalik sa paghihiwa ng sibuyas. Lumapit sa akin si Phoenix at inabutan ako ng grapes. "I wanted to apologise for what happened the other day. Peace na tayo, please?" aniya at ginamit na naman ang pagpapacute niya. Hindi ko naman gawain ang magtanim ng sama ng loob at hindi niya rin naman kasalanan ang nangyari noong nakaraan sa mall kaya sabi ko sa kanya ayos lang. Habang kumakain kami ng hapunan ay todo tawa si Mama dahil sa mga biro ni Terrell. Kapag nga dumadapo ang tingin ni Terrell sa akin ay sinasamaan ko siya ng tingin. Bakit ba kasi siya andito? Close pala sila ni Phoenix? At bakit naman dikit siya nang dikit kay Mama? 'Wag niyong sabihing type niya ang Mama ko? Nang magpaalam na ang dalawa ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang sarili kong huminga ng malakas. "Solaire Amelia, ihatid mo na ang mga bisita mo sa labas," utos ni Mama at aayaw na sana ako pero pinanlakihan niya na ako ng mga mata. Badtrip talaga. Naunang sumakay si Phoenix sa kotse niya at nang makita kong papasok na rin sa isang kotse si Terrell ay akmang papasok na ako sa bahay nang bigla niya akong pinigilan. Bumaba ang tingin ko sa pulso kong hawak niya. Napansin niya ata kaya binitawan niya rin agad. "Solaire, I'm sorry." Kumunot ang noo ko at tumingin sa bahay namin. Baka mamaya kasi ay nakikinig sila Mama. "I shouldn't have said that. I'm really sorry," halos bulong niyang sabi. Tumango ako at nginitian siya ng tipid. "Okay lang. Gaya ng sabi mo, kalimutan na lang natin na may nangyaring ganon," wika ko. Ilang segundo siyang hindi nagsalita kaya nagpaalam na ako pero natigil ako sa paglalakad nang bigla ulit siyang nagsalita. "Don't you remember me?" Kumunot ang noo ko at tiningnan siya na ngayon ay nakatitig na rin sa akin. Madilim pero nakikita ko ang mukha niya dahil sa ilaw ng bahay namin. "Dapat ba kitang maalala?" tanong ko pabalik. Umiling siya at ngumiti ng tipid. Ilang beses ko bang sinabi na hindi bagay sa kanya ang ngumiti dahil halata sa itsura niyang suplado siya? "Your Mom mentioned to me how you loved Luna..." aniya. Ilang minuto akong nakatitig sa kanya hanggang sa biglang pumasok sa isipan ko ang pangyayari noong nalaman kong namatay si Luna. Siya yung... "Ikaw yung lalaki sa library?!" gulat kong tanong. Napangisi siya at tumango. "I remembered what you said that day," sabi niya at dahan-dahang humakbang papalapit sa akin. Napapaatras naman ako. "H-Huh? Wala naman ata akong sinabing iba," Umiwas ako ng tingin. "Really?" tumango ako. "Sabi mo babawi ka kapag nagkita tayo ulit." Nanlaki ang mga mata ko. Ano na naman kaya ang naisip niya? "Paano ba yan....nagkita tayo ulit."
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
very good for
02/09
0salamat
09/05/2025
0beautiful
14/04/2025
0Xem tất cả