#TOE Chapter 6 Sunday ngayon at andito kami sa simbahan para magsimba. Medyo inaantok pa ako dahil maaga akong ginising ni Mama. Ang sabi ko ay mamaya na lang akong hapon at sasabay na lang ako kay Ate pero hindi siya pumayag. Nagrarason na naman daw ako para hindi ako makapagsimba. Kanina ko pa gustong humikab kaso nakakahiya at baka makurot pa ako ni Mama rito. Nasa unahan pa naman kami nakaupo. Hindi ko rin maintindihan minsan itong si Mama parang nagpapagoodshot siya kay Lord. Nang maramdaman kong hihikab ako ay agad akong yumuko at tinakpan ang bibig ko nang humikab ako. "You are only allowed to kiss someone if you are already willing to commit to them. It's scary and sad at the same time how today's generation doesn't seem to realise the importance of these," biglang sabi ng pari na ikinalaki ng mata ko. Grabe?! Kailan bang harap-harapan, father? Ako ata pinaparinggan ng pari! Grabe naman. Napatakip ako sa aking bibig nang humikab ulit ako. Napaigtad pa ako nang maramdaman ko ang pagkurot ni Mama sa tagiliran ko. Grabe si Mama, pati sa simbahan napakabayolente. Wala na talagang pinapalagpas. "Umayos ka, Solaire Amelia. Kababae mong tao, tingnan mo yang itsura mo," bulong ni Mama habang kinukurot ako. Napapaigtad tuloy ako kaya napapatingin sa amin ang mga nasa likod namin. Ngumuso ako at umayos sa aking pagkakaupo. Sakto pang napalingon ako sa mga nakaupo sa kabilang parte at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Phoenix. Napatingin din siya sa akin at ngumiti. Kumaway ako sa kanya bago ko naramdaman ulit ang kurot ni Mama. "O, ayan, makinig ka sa pari. Ikaw na ikaw talaga, hindi mautusan," Umiiling na sabi ni Mama. Ang dami namang topic ng pari. Iba-iba ang mga sinasabi niya. Daming baon today ni father ah. Nang matapos ang misa ay nagtagal pa kami sa labas ng simbahan dahil binabati pa ni Mama ang mga kumare niya. Ako naman ay hinahanap kung nasaan ang kotse ni Kuya para naman makauwi na kami dahil bukod sa maraming tao, mainit din. Napalingon ako kay Mama nang bigla niya akong hilahin. Pinakilala niya ako sa isang ginang na malamang ay kaedad niya lang at saka kinuwento ni Mama kung gaano ako katamad. Hindi ko gets si Mama bakit nagagalit siya eh hindi ko naman kasalanang naghahire siya ng kasambahay! Kinawayan ko si Phoenix nang mapansin kong naglalakad siya papunta sa gawi ko. Siya lang mag-isa at hindi ko alam kung saan nagtungo ang mga magulang niya. "Ew, kinurot na naman ng Mama niya," asar ni Phoenix sa akin nang makalapit siya. Sinimangutan ko naman siya. "At least nakakapasok ako sa simbahan nang hindi nag-aalala kung masusunog ako o hindi," bawi ko. Narinig ko agad ang halakhak niya. Ilang segundo pa siyang tumatawa bago inakbayan ako. Sinubukan kong tumakas kaso dahil mas matangkad siya at malakas ay wala akong nagawa. "Bakit hindi ka na nagrereply sa mga chat ko? May iba ka na bang crush?" tanong niya. Inirapan ko naman siya. "Tseh! Feeling mo naman talaga. Magpapakamatay muna ako bago ako pumayag na matali sa'yo!" sabi ko na ikinatawa niya. "Crush lang naman sinabi ko pero yung isip mo nasa kasal na agad. Grabe talaga yung pagmamahal mo sa akin, Lia," Umiling-iling ang gago. "Pasensya ka na, para kay Velvette lang ako." Binatukan ko naman siya kaya tumawa na naman siya. Ginulo niya naman ang buhok ko na lalong nagpainit ng ulo ko. Halos isang oras kong inayos itong buhok ko tapos guguluhin niya lang?! Aba! Matagal na kaming magkaibigan ni Phoenix simula noong naging magkalaro kami sa playground sa subdivision namin dati kaso lumipat na sila ngayon kaya hindi na kami masyadong nag-uusap at nagkikita. Sa ibang unibersidad din siya nag-aaral. Si Phoenix lang din ang tumatawag sa akin ng Lia. Lia raw kasi short for Amelia. Kilala siya nila Anna at Emily kaya minsan ay tinutukso nila ako na kaya wala akong interes sa ibang mga lalaki ay dahil si Phoenix lang ang gusto ko kahit hindi naman. Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Phoenix at alam ko namang ganon din siya sa akin. Nakakalungkot lang dahil hindi kami. masyadong nakapag-usap ng maayos ni Phoenix dahil kailangan na niyang umuwi kundi magagalit na naman ang Lola niya na napakastrikta aniya. Hindi ko pa namimeet ang pamilya niya maliban sa parents niya. "Si Phoenix Gabaldon ba yon?" tanong ni Mama habang tinitingnan ang kotseng kakaalis lang. Parang may kung ano akong naramdaman nang marinig ko ang apelyido na yon. Hindi ko dapat iniisip ito. Siya na mismo ang nagsabi sa akin noong nakaraan na kalimutan na namin yon at magpanggap na lang kami na walang halikan na naganap. Hanggang ngayon ay kapag naaalala ko ang sinabi niya ay kumukulo ang dugo ko. Ang kapal naman ng mukha niya talaga at siya pa ang may ganang magsabi ng ganon eh siya nga yung nanghalik. At isa pa, hindi naman siya nababanggit ni Phoenix kahit dati pa kaya sigurado akong hindi sila magpinsan. Baka ay magkaparehas lang talaga ang mga apelyido nila. May ganoon naman diba? Tsaka sa daming Gabaldon sa Pilipinas. Kinabukasan ay magaan ang pakiramdam kong pumasok dahil alam kong hindi na si Terrell ang Microeconomics namin dahil tapos na ang isang linggong leave ni Prof Santos. Mas mabuti na ring hindi ko na siya makita pa. Sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya noon sa library ay nakakaramdam ako ng kirot. Bakit ba ganun siya? Kailangan ba talagang isampal sa pagmumukha ko kung gaano kawalang importansya sa kanya ang halik na yon? Pinagsisihan niya ba yon? Porket hindi ako kasing talino at kasing ganda ni Stella? "May assignment ka na sa Income Taxation?" rinig kong tanong ni Emily kay Anna. Papunta pa lang ako sa upuan ko pero rinig na rinig ko na ang boses nilang dalawa. Naalala ko tuloy yung assignment namin sa Income Taxation, mabuti na lang at nadala ko sa chika si Ate kagabi kaya siya na ang sumagot sa assignment ko. "Oo pero hindi ako magpapakopya," sabi naman ni Anna. Hinampas siya ni Emily kaya ang ending ay nagbangayan na naman ang dalawa. Grabe talaga silang dalawa wala nang araw na pinapalagpas. "Good morning," bati ko sa kanila nang makaupo ako. Sinamaan nila ako ng tingin. "Walang good sa morning," sabay na sagot ng dalawa. Inirapan ko sila at hindi na ako nagsalita pa. Ang Microeconomics ang unang subject namin ngayon kaya sinigurado ko talagang hindi na ako late lalo na't si Prof Santos na ang Microeconomics namin ngayon. Tiningnan ko ang mga kaklase kong may iba't ibang pinagkakaabalahan. Ang iba ay nagkekwentuhan, nagtatawanan, nangongopya, nag-aaral, nag-aaway, etc. "Good morning." Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Terrell pumasok ng classroom at naupo sa may table sa harap. Nagsisimula na siyang mag-check ng attendance ngayon. Siniko ko si Anna na abala sa pag-flames niya ng pangalan niya at pangalan ng crush niyang Engineering student. "Bakit andito si Terrell?" tanong ko. Kumunot ang noo ni Anna sa tanong ko. "Loka ka ba? Malamang kasi siya ang inutusan ni Prof Santos," sagot niya. "Hindi ba't ang sabi ay isang linggo lang mawawala si Prof Santos? Bakit siya pa rin ang andito?" tanong ko ulit. Nagkibit balikat si Anna. "Di ko sure ah, pero rinig ko kanina sa susunod na buwan pa raw ang balik ni Prof Santos." Nanlaki ang mga mata ko. "ANO?!" Nang dahil sa sigaw ko ay napatingin sila sa akin at pati na rin si Terrell. Napatakip naman ako sa bibig ko at nag-peace sign sa mga kaklase ko. "Keep your voice low, Ms. Ronquillo," aniya at bumalik na sa pagtawag ng mga pangalan. Umirap ako at malakas na bumuntong hininga. Badtrip naman. Bakit ba kasi wala pa si Prof Santos? Wala rin bang ibang prof na available? I mean, baka kasi busy rin siya diba? Saka estudyante pa rin naman siya kaya paniguradong madami rin siyang ginagawa at gagawin. "Robles, Larry Jane?" Nilingon ko si Larry nang siya na ang tinawag. Bakit naman ganito? Palapit nang palapit ang pagtawag sa akin ay lalo akong kinakabahan. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi ko naman first time matawag sa attendance. "Ronquillo, Solaire Amelia..." malalim ang boses niya habang binabanggit ang pangalan ko. Inangat niya ang kanyang tingin sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga sa titig at boses niya. Tumikhim ako. "Present," halos bulong kong sagot. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagpatuloy sa pagtawag sa mga pangalan ng mga kaklase ko. Nang matapos siya sa pag-check ng attendance ay binuksan niya ang clear folder na dala niya at isa-isang tinawag ang pangalan ng mga kaklase ko. Napapikit ako at palihim na napamura nang maalala kong yun ang quiz namin noong nakaraan. Paniguradong maliit na naman ang marka ko dahil kahit nag-aral ako ay nahirapan talaga ako. Nang bigla niyang inangat ang tingin niya sa akin ay pakiramdam ko para akong kriminal na nahuli. Umiwas ako ng tingin dahil mukhang wala siyang balak na mag-iwas ng tingin. "Ms. Ronquillo," tawag niya sa akin. Inayos ko ang palda ko bago nagtungo sa harap para kunin ang papel ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi niya pa binibitawan ang papel ko. Hindi ko naman pwedeng hablutin dahil baka mapunit. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakatitig pa rin siya sa akin. Naririnig ko tuloy ang mapang-asar na tikhim ng mga kaklase ko. "Yung papel ko baka mapunit.." Nagpakurap-kurap siya bago binitawan ang papel ko at tumikhim. "O-Oh, sorry," aniya. Tumango lang ako at bumalik na sa upuan ko. Sinipat ko ang mga kaklase kong nakangising aso. Napakamaissue talaga ng mga pinoy. Natapos ang araw na yon na wala masyadong prof na pumasok. Tatlong subjects lang ata ang naganap. Mabuti na lang dahil baka mabaliw na ako sa dami ng iniisip ko. "Vanilla ice cream for me," tiningnan ko si Phoenix nang maupo siya at isa-isang inilapag sa table ang ice cream na inorder niya. "And cookies and cream for you." aniya at inabot sa akin ang ice cream ko. Nginitian ko siya. "Thank you, best friend!" sabi ko na ikinahalakhak niya. Sinimulan ko ang pagkain sa ice cream ko habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Nasa isang ice cream shop kasi kami sa loob ng mall. Dito kami kadalasan kumakain ni Phoenix dati. "So, how's life?" pagputol niya sa katahimikan. Nagkibit balikat ako. "What?" natatawang tanong niya. Huminto ako sa pagkain ng ice cream ko at inilapag ang ice cream cup. "Bakit ba accountancy ang kinuha ko?" Humalakhak siya. Sa lakas ng halakhak niya ay napapalingon sa amin ang mga kumakain dito sa loob. Nakakahiya talaga kasama itong si Phoenix. "I told you. You should've listened to me," aniya na halatang magfflex na naman dahil unti-unti na siyang nagkakaroon ng mga projects. Pabiro ko siyang inirapan. "Hindi naman para sa akin ang pag-aartista. Ibabash lang ako," tawa ko. "Oo nga naman," sagot niya at ang mokong ay tumatango pa talaga. Binato ko siya ng tissue kaya muntik na siyang mabulunan. "Edi totoo ngang hindi ako artistahin?!" Tumawa siya at itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko na siya. "That's not what I mean! Ang ibig kong sabihin, ibabash ka talaga dahil ang lakas mong mangtrashtalk." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Hoy grabe ka, kailan ba ako nangtrashtalk?" nakangusong tanong ko. "You sure you want me to mention it?" tanong niya at makahulugan akong tiningnan. Nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay nanlaki ang mga mata ko at binato siya ulit ng tissue. Walang humpay ang tawa niya na para bang nakakatuwa talagang asarin ako. Bakit pa ako pumayag na sumama sa kanya ngayong araw? Madadagdagan lang ang kasalanan ko kapag napatay ko ang isang to. "Phoenix Gabaldon?" Kumunot ang noo ni Phoenix nang may biglang dalawang babaeng huminto sa harap namin at tiningnan siya ng mabuti. Maya-maya ay lumingon din sila sa akin bago silang dalawa nagtinginan. Napalunok ako. Parang masama ang pakiramdam ko rito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinila ko na si Phoenix palabas ng ice cream shop. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. "Why are we running?" tanong ni Phoenix. "Basta! Hindi nila tayo pwedeng makita! Baka maissue ka sa akin!" sabi ko at nagpalingon-lingon pa sa paligid. "SI PHOENIX GABALDON!" rinig kong sigaw ng babae kaya napatingin sa amin ang iba at nakisali sa paghabol sa akin. "Tangina," rinig kong mura ni Phoenix nang makita niya kung gaano karami na ang humahabol sa amin. Biglang may humarang na tatlong security guards sa amin at nagtanong kung anong problema. Natetense na ako dahil palapit nang palapit na ang mga fans niya. Nag-offer ang mga guards na sa isang store papapasukin si Phoenix pero hindi nila ako pwedeng isama sa loob. Kinuha ni Phoenix ang kanyang itim na cap at sinuot yon sa akin. "Sorry," aniya bago nagpahila na sa mga security guards. Palapit nang palapit ang mga fans niya at nalulula na ako sa dami nila. Nang makalapit sila sa akin ay para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Pinapalibutan na nila ako. "Girlfriend ka ba ni Phoenix?" "Nilandi mo siya?" "Saan siya nakatira?" "Ano ang pangalan mo?" "Pahingi ng number ni Phoenix." "Close ba kayo?" Sunod-sunod ang mga tanong nila na mas lalong ikinawindang ko. Bwisit, ano ba itong pinasok ko? "Sumagot ka!" sigaw ng isa. Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghila ng iba sa buhok ko. Naiiyak na ako sa kaba. "A-Ano kasi——" Pero bago pa man ako makasagot ay nahila na ako ng isang estranghero na nakasuot ng itim na hoodie at may suot na shades. Kahit nanghihina ay napilitan akong tumakbo kasama siya dahil yon lang ang tanging paraan para makatakas ako sa fans ni Phoenix. Huminto siya sa harap ng men's restroom at bumuntong hininga bago ako hinila sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok kami sa isang cubicle. Maya-maya ay naririnig ko na ang yapak at boses ng mga fans ni Phoenix na hinahanap ako. Gumalaw ako dahil masyadong masikip lalo na't maliit lang naman ang cubicle dahilan para mahawakan niya ang dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko. "Bastos!" Agad niyang tinakpan ang bibig ko. "Shh. They'll hear you," bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Pinagmasdan ko siya nang kinuha niya ang shades niya at tama nga ako. "It's me, calm down," aniya. Hindi na ako nagsalita pa at iniisip na lang kung anong gagawin ko. Ibabash na ba ako niyan? Mawawalan ba ng trabaho si Phoenix? Nakita kaya nila ang mukha ko? "They didn't see your face," bulong niya na para bang narinig niya ang huli kong sinabi sa utak ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito nang dahil sa kabang nararamdaman ko kanina habang pinagtataguan ang mga fans ni Phoenix. "How did you know my cousin?"
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
very good for
02/09
0salamat
09/05/2025
0beautiful
14/04/2025
0Xem tất cả