logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6

PAIGE'S POV
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sakanya habang mag kalapat ang aming mga labi.
Napahawak sya sa baywang ko nang maramdaman nya ang panghihina ng tuhod ko.
Bumibilis din ang tibok ng puso ko.
Kumalas sya at tinitigan ako.
"Mahal kita Paige," sabi nya.
Ewan ko pero nakatulala lang ako. Para kasing nakalapat pa din yung labi nya sakin. Hindi maalis sa pakiramdam ko ang mainit nyang labi.
Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Im sorry. Im sorry. Hindi ko sinasadya."
Inihiga ko nalang ang ulo ko sakanya. Dahil hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko.
Nang kumalas sya hinarap nya ako.
"Tama na," sabi ko.
Natigilan sya sa sinabi ko.
"Ang dami mo nang ginawa sakin. Tama na please? Huwag mo na dagdagan. At huwag ka muna lumapit sakin," ani ko.
Pumasok nako ulit sa loob at iniwanan sya.
"Oh Paige? Asan si Santiago?" Tanong ni Erik.
"Nasa labas sya," sagot ko.
"Paige? Nararamdaman ko na naman yung Multo sa kwarto ko."
Dahil wala pako sa katinuan ko eh nagtungo ako sa kwarto nya.
Pagbukas ko palang ng pinto eh may isang babae ang nakaupo sa kama. Mukhang mag kasing edad lang kami.
Sinenyasan ko pa si Erik na maghintay nalang sa labas ng kwarto nya.
Inilock ko ang pinto at agad lumapit sa babae.
Kulay red ang suot nya. Kung may Black Lady at White Lady. Sya naman eh Red Lady.
Naupo ako sa tabi nya.
"Anong gagawin mo kapag hinalikan ka ng taong bago mo palang nakilala?" tanong ko sakanya.
Humarap sya sa akin at ngumiti.
"Saan ka ba nya hinalikan?" tanong nya.
Humiga ako at tumingin sa taas.
"Sa labi. Sa labi nya ako hinalikan. At nung time na yon hindi ko alam ang gagawin ko."
Nahiga din sya at tumingin sakin. Binalingan ko naman sya.
"Kung ako siguro yon? Baka nasampal ko na sya ng napakalakas! Ay nako lang! Ayoko pa naman ng ganon! Yung kakakilala lang tapos nanghahalik agad?! Ano!? Mas mabangis pa sya sakin!?" Angil nya.
Yung itsura nya hindi pang multo. Kundi parang buhay na tao. Straight ang buhok nya na hanggang balikat. At makinis din sya. Ano kayang kinamatay nya?
"Anong kinamatay mo? At parang wala ka naman ka sugat sugat?" tanong ko.
"Hindi ko alam eh. Basta ang huli kong natatandaan eh natulog lang ako non. Tapos pag gising ko ganito nako."
"Gaano kana katagal dito?" tanong ko.
"3 years nakong nakakulong sa condo na to."
"Dito kaba namatay?" tanong ko.
"Oo. Dito mismo sa kwartong to. Gustuhin ko mang umalis pero hindi ko magawa. Isa na din sa dahilan kaya hindi ako makaalis dahil may gusto ako sa lalaking nakatira dito. Yung kasama mong singkit na si Erik."
"Hoy gaga ka! Ang gwapo nga nya eh!" sabi ko at ngumiti. Medyo nasa kondisyon na ako.
"Oh! Ikalma mo yang puday mo ha! Sakin na sya! Wag mong aagawin! Magagalit ako sayo!" pagtataray nya.
"Eh pano yan? Kaluluwa ka nalang at tao ako?" pang aasar ko.
"KASI NAMAN EHH!! HUHHHUHU!" Nagpagulong gulong pa sya sa kama.
"HAHAHAHA!! Oo na! Sayong sayo na sya! Tong bakekang nato! Hahaha!"
"Dapat lang! Sakin sya eh!"
"Pero alam mo ba kung bakit ako nandidito?" tanong ko.
Malungkot syang tumango tango.
"Alam kong may malakas na kagaya mong makakapag paalis sakin dito. Pero sana naman bago ako umalis eh may hihingin ako sayong pabor. Okay lang ba?" tanong nya.
"Ano naman yon?" aniya ko.
"Gusto ko sana bago ako umalis eh makasabay ko syang kumain na kaming dalawa lang. At kailangan alam nya na ako ang kasama nya. Tapos yung ikikiss ko sana sya sa lips. Para naman babaunin ko yun habang tumatawid ako sa kabilang buhay. Please?"
Hindi na ako nag dalawang isip na tulungan sya kasi mabait naman sya.
"Sure na sure!" nakangiting sabi ko.
"HALAAA!! AAHH!! HIHIHIHI!! HALAA! MAKAKADATE KO SI ERIKK!!! MAHAHALIKAN KO PAAA!! HUHUHH! THANK YOU! THANK YOU NG MARAMI!" Mangiyak ngiyak pa sya nyan. Hahaha.
"Pero teka! Ano bang pangalan mo?" Tanong ko.
"Marian. Eh ikaw ba?"
"Paige. So? Ready kana ba?" Tanong ko at nginitian sya.
Tumili pa sya sa sobrang tuwa.
"AHHH! OO NAMAN! YES NA YES! HIHIHI!" Sigaw nya. Gaga kasi sya.
"Okay sige. Hintayin moko dito. At kailangan mag ayos ka. Para fresh ka kahit hindi ka nya nakikita. Tandaan mo! Dalawa kami nung humalik sakin ang nakakakita sayo," ani ko.
Nangunot ang noo nya.
"Yun ba yung kaibigan ni Erik na sobrang gwapo at napaka borta ng katawan?!" Pinalakihan pa sya ng mata.
"Hindi naman ganon ka gwapo si Santiago----"
"Oo ayan! Si Sangiago nga! Kilala ko sya! Jusq ka! Sa dami ng lalaking aayawan mo si Santiago pa?! Nako naman Paige! Napaka swerte mo at hinalikan ka nyaa! KYAAHHH!!" Tili nya.
"Mukhang bihasa ka pagdating sa mga ganyan ah!" Ani ko.
"Oo naman! Expert ko na yan Paige!" Pagmamalaki nya.
"Kung ganon, anong tawag mo kapag kumakabog ng mabilis yung puso mo sa isang lalaki pero para sayo hindi mo naman sya gusto?" Tanong ko.
"Hindi naman titibok ng ganyang kabilis yang puso mo sa isang tao lang kung hindi mo sya gusto. Sa madaling salita! Hindi mo lang talaga matanggap na may gusto ka sakanya. Alam ng puso mo na gusto mo sya. Pero pinagpipilitan ng utak mo na hindi mo sya gusto. Kaya ang dapat mo nalang gawin is tanggapin nalang ang katotohanang nahuhulog kana rin kay Santiago!"
"Aba! Shuta ka! Wala naman akong sinabing si Santiago yun ah!" Angil ko.
"Ows? Bakit ganyan ka maka react? Alam kong si Santiago ang pinatutungkulan mo don Paige. Matalino ako sa ganyan kaya alam ko yan. Don't worry hindi ko naman ipagsasabi," sabi nya.
"Sigurado ka jan ha! Huwag mong ipagkakalat. Hindi ka chismosa diba?" Paninigurado ko.
"Oh! Edi inamin mo ding si Santiago nga! Saka haler! Sa ganda kong to isa akong chismosa?! Like what the biceps ni Erik! Jusq! Ang yummy!"
"Ewan ko sayo! Hahaha! Sige mag ayos kana at pakikiusapan ko si Erik. Pipilitin ko kapag ayaw nya."
Kumindat pako sakanya.
"OKIEEE! HIHIHI! EXCITED NAKOO! HUHUHU!"
Iniwan ko na sya at lumabas ng kwarto.
Bumungad sakin ang dalawa.
"Oh ano Paige? Napaalis mo ba? Wala na ba sya dito?" Tanong ni Erik.
Napatingin pa ako kay Santiago na seryosong naka tingin sakin.
"Ahm Erik? May hihingin sana ako sayong pabor," ani ko.
"Ano yon?" Tanong nya.
"Gusto ka kasi maka date ni Marian. At gusto nya kumain daw kayo ng kayong dalawa lang."
Kumunot ang noo nya.
"Sino si Marian?"
"Sya kasi yung multong nagpaparamdam dito. Don't worry wala naman syang intensyon na saktan ka. Infact, may gusto sya sayo," pang dederetso ko.
Natigilan pa sya saglit. Bago sya nag seryoso ng tingin.
"Okay lang naman. Kung yan ang magpapaalis sakanya gagawin ko."
At syempre hindi mawawala ang pang iinis ko kay Santiago. Kala nya ah! Makahalik sya jan!
"Hala talaga?! Nako! Matutuwa yon! Salamat Erik!" Masayang sabi ko at hinampas pa sya ng mahina sa abs. Hihihi!
Kita ko sa gilid ng mata kong naka pamaywang na sya.
"Anong oras ba? Saka kailan?" -Erik.
"Ngayon na. Para makaalis na sya. Ang tagal nya na pala kasing nakakulong dito Erik. At gusto nya nang umalis kaya lang hindi sya makaalis," ani ko.
"Okay sige," tumango tango sya.
"Pero meron pa kasi syang hinihiling Erik."
"Ano pa yun?"
"Gusto nya mahalikan ka nya sa lips."
Dahil sa sinabi kong yun kung bakit naloka ang pagkatao nya.
"Ano?! Seryoso ka jan?!" Gulantang na sabi nya.
"Oo eh. Yun lang naman eh. Saka smack lang naman yung kiss," ani ko. Sabay baling kay Santiago. Nangunot pa ang noo nya.
"Hindi mo naman mararamdaman yung halik nya. Kaya please? Pumayag kana. Para sayo din naman to. Nang sagayon wala ng multo ang magpaparamdam sayo."
Napakagat labi pa sya. Kaya duon ako napabaling.
"Pumayag kana Erik. At tigilan mo yang pagkagat sa labi mo. Masusuntok ko yan!" Mahihimigan mo ang galit sa tono ng pananalita ni Santiago.
Lumapit sya sakin at hinapit ang baywang ko.
"Pumayag kana. Sasabayan ka namin. Double date tayo!"
Ako naman ang pinalakihan ng mata.
"Hoy Santiago---"
"Sure! Sige! Payag ako. Ihahanda ko lang ang table."
"Sige. Mabuti pa nga."
Umalis si Erik at naiwan kami ngayon ni Santiago.
"Gago ba you?! Mapagdesisyon ka talaga eh nuh!?" Asik ko.
"Narinig ko ang pinag uusapan nyo kanina Paige. Bakit nga ba hindi mo matanggap?" Seryosong tanong nya.
Natigilan ako saglit.
Bakit nga ba hindi ko matanggap? Ang gwapo gwapo naman nya! Tapos ang yummy pa! Pero bakit ganun?!
"Naiinis kasi ako sayo! Lahat nalang ng gawin ko! Lahat ng sinusuot ko! Lahat nalang pinapakialaman mo! Tapos ang bossy mo pa! Kailangan lahat ng gusto mo masusunod! Lumaki akong hindi ako pinaghihigpitan! Kaya wala kang karapatang gawin sakin yon!" Asik ko.
Hindi sya nakasagot.
"Oo na! Gusto kita tanginamo masaya kana?! Wag ka mag alala! Hindi ko hahayaang ma in love ako sayo!" Dagdag ko pa.
Pero ang hayuf na lalaking to! Bigla akong nginitian! Nakakabadtrip!!
"Hindi ko rin hahayaang hindi ka ma in love sakin. Gaya ng ginagawa mo sakin ngayon," sabi nya. At hindi mawala ang ngiti.
"Maghihintay naman ako sayo Paige. Hihintayin kitang matanggap mo na gusto mo rin ako. Hindi kita mamadaliin. Ngayong alam kong may pag asa ako sayo."
"Gusto ko din tulungan ang kaibigan ko. Alam kong nilalakasan nya lang ang loob nya kaya gagawin nyang makipag date sa multo na yun upang matapos na lahat ng kinakatakutan nya," dagdag pa nya.
"Gusto mo palang tulungan eh bakit hindi ikaw ang mag paalis! Dami mong dama!" angil ko.
"Tutulungan ko lang syang lumakas ang loob nya. Kaya nga sasabayan natin sila---"
"Eh kasi sinasamantala mo din! Dahil gusto mo akong maka date!" pag prangka ko.
"Hindi ko sinasamantala ha! Oo gusto kitang maka date. Pero hindi ko gagamitin ang pagkakataon na yun para maka date ka. Kayang kaya kitang i date Paige ng tayong dalawa lang!"
*TUG! DUG! DUG! TUG! TUG! DUG! TUG!*
Pesteng puso yan! Kumakabog na naman! Sa umpisa lang siguro yan. Mawawala rin yan.
Pero naaagaw talaga ng katawan nya ang paningin ko! Huhuhu!!
Parang gusto kong itaas yung sando nya at hawakan ang abs nya. Tapos pipisil pisilin ko. Hihihi!
"Wag ka namang ganyang makatingin sa katawan ko. Okay lang yung titignan mo ng maayos. Pero wag naman sanang para kamh lion na takam na takam."
Inangat ko ang ulo ko at sinamaan sya ng tingin.
"Edi wag! Yung kay Erik nalang at titignan ko!" Sabi ko at nilagpasan sya.
Kaya lang niyapos nya ang tiyan ko at binuhat ako.
"AY POHTA! HAHAHAH! ANO BA! NAKIKILITI AKOO! HAAHHA!" At totoo yun!
"Dito ka lang sakin! At hindi ko papayagang tignan mo ang katawan nya!"
Isinalampak nya ako sa sofa at naupo sa tabi ko.
"Shuta ka! Ang epal mo! Tutulungan ko lang sya mag ayos!" Angil ko.
"Hindi! Tigilan mo! Anong tutulungan ka jan! Baka titignan ang katawan!"
Tumingin ako sakanya at seryoso ang mukha nya.
"Tutulungan ko nga lang sya Santiago! Ano bang problema dun?" Ani ko.
Sumimangot lang sya.
"Hoy! Hindi kita boyfriend! Kaya may kalayaan akong lumandi!" Dagdag ko pa.
Hinila nya ang kamay ko sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Wala ka nang kalayaang lumandi magmula nung hinalikan kita. Sa akin ka lang Paige. Naiintindihan mo?" Bulong nya.
Kumalas ako at sinamaan sya ng tingin.
"Maaaring nahalikan moko, pero as long as hindi kita Boyfriend, may kalayaan pa rin ako! Kaya wag kang feeling jan! Kuha mo?!"
Tumayo nako at nagpunta kay Erik para tulungan sya.
Ramdam ko pang nakasunod sya sa akin.
-----
* 11:30am *
Kasalukuyan na kaming nakaupo sa hapag.
Magkatabi kami ni Marian. At sa harapan namin ang dalawa.
"Thank you Paige! Hihihi! Owwshiii!! Grabe! Ang gwapo gwapo talaga ni Erik! Hihihi!" Kinikilig pang aniya ni Marian.
"Ay nako! Sinabi mo pa! Hahaha!" At nagtawanan kami sa kagagahan namin.
Tumingin ako kay Erik na nakakunot ang noong nakatingin sakin. Habang si Santiago naman masama ang pinukaw na tingin sakin.
"Sabi pala sayo ni Marian ang gwapo gwapo mo daw!" Wika ko.
Napapahiya pa syang ngumiti.
"T-thank you Marian," saad nya.
"HALAAA!! KYAAHHH!! Binanggit nya ang pangalan ko! Shet lang! Hihihi!!" Malandi nyang sabi hahahaha.
"Hala! Ang sama mo naman makatingin kay Paige, Santiago!" Wika pa ni Marian.
Kaya naman binalingan ko ng tingin si Santiago.
"Bakit ba ganyan ka makatingin? Inaano ba kita?" Ani ko.
Umismid lang sya at inirapan ako. Aba! Hayuf nayan! Napaka arte!
"K-kain na tayo," singit ni Erik.
"Mabuti pa nga," sabi ko.
"Okiee! Hihihihi!! Ang saya saya!" -Marian.
Ang mga pagkain palang nakahain is, Lechon Belly, kare kare, baked scallops, ginataang alimasag, rice, fried chicken, barbecue, steak. Saka may mga prutas at dalawang bote ng red wine sa isang gilid.
Napabaling pako kay Erik dahil nilagyan nya ng pagkain ang plato ni Marian. Dahilan yon para muling mag titili ang gaga.
"HALAAA!! KYAAHHHH!!! SHET LANG! HUHUHU! NAPAKA SWEET MO NAMAN ERIK! HINDI NA KITA KINAKAYAA! HUHUHU!" Pagiinarte nya. Hahah shuta to!
Natawa tuloy ako. Kaya napating sakin si Erik.
"B-bakit?" Tanong nya.
"Kilig na kilig kasi si Marian sayo! Jusq! Kung alam mo lang! Grabe yung kilig nya! Hahaha!"
Natigil din ako sa pagtawa dahil nilagyan ni Santiago ng pagkain ang plato ko.
"OMGGGG!! KYAHAHH! ANG SWEET DIN NI SANTIAGOOO!! OWWSHIII!! MAGING KAYO NA KASIII!!"
Ang OA man pero natulala ako sa sinabi nya! Apakahayuf!
"Kumain ka ng marami Love ah? Pakabusog ka," usal ni Santiago. Dahilan na naman yon kung bakit mas kinilig ang bruhang si Marian.
"OWWSHIII!! LOVE DAW!! SHET! GRABEEEE KAANAA SANTIAGOO!! MAHAL NA MAHAL MO TALAGA SI PAIGE ANUH?! HIHIHI! SANA KAYO TALAGA PARA SA ISA'T ISA!! LIGAWAN MO NA KASI SI PAIGE SANTIAGO! JUSQ KA NAMAN EH!"
Hindi nalang ako sumagot. Kumain nalang ako. Hindi ko kasi masikmura yung pinagsasabi nila. May kung ano kasi sa tiyan ko na nagdidiwang.
Habang nasa kalagitnaan kami ng kain. Pinagsalinan ako ni Santiago ng wine. Tumingin ako kay Marian at nakangiti lang syang pinagmamasdan si Erik na tahimik na kumakain.
Tumingin sakin si Marian.
"Paige? Satingin ko ito na ang tamang oras," wika nya.
Yung kaninang nakangiti nyang mukha eh unti unting napapalitan ng kalungkutan.
"Salamat Paige. Salamat dahil ipinaramdam mo sakin ang ganitong bagay. Na kahit patay na ako eh naranasan ko ang ganitong set up," malungkot na sabi nya.
Deretso lang sa pagkain si Erik. Pero si Santiago nakatingin din sakanya.
"Thank you Paige kasi kahit sa huling tungtong ko dito sa lupa binigyan mo ng kasiyahan tong puso ko. Tinupad mo ang wish kong maka date tong si Erik. Na kahit apat tayo dito. At kahit hindi nya ako nakikita pinagsilbihan nya ako. Maraming salamat sayo Paige. Napakabuti mong tao. At napakaswerte ng taong magiging kasintahan mo. Napaka bobo nalang nya kapag pinakawalan ka pa nya."
Alam kong si Santiago ang pinapatungkulan nya. Pero hindi nalang ako sumagot.
"Santiago?" Tawag nya.
"Wag na wag mong papakawalan itong si Paige. Napaka swerte mo sakanya. Kaya please lang! Huwag mong sayangin ang isang gaya nya. Naiintindihan mo?"
Tumango lang si Santiago at tumingin sakin.
Tumayo si Marian at lumapit kay Erik.
Natigilan si Erik sa pagkain at nanlalaki ang mga matang tumingin sakin. Pano kasi hinawakan sya sa balikat ni Marian.
"Aalis na si Marian Erik. At napakasaya nya. At mas lalong sasaya pa sya kapag hinalikan ka nya sa labi," ani ko.
Mukha namang napabalik na sya sa katinuan nya.
Dahan dahan pa syang tumango at pumikit.
Naupo si Marian sa lap ni Erik. Saka nya hinalikan ito sa labi. Kasabay non ang pag agos ng mga luha nya.
"M-mamimiss kita Erik! Mamimiss kita! Hindi kita makakalimutan!"
Tumayo na sya at muling humarap samin.
"Mag iingat ka Marian. Sana magkita tayo sa susunod mong buhay," biglang sabi ni Erik.
"Maraming salamat Erik! Maraming salamat sayo Paige at Santiago. Thank you! Thank you!"
Inayos nya ang sarili nya at ngumiti sa amin.
"Hanggang sa muli nating pagkikita! Bye! Bye!" Huling sabi nya bago sya naglaho.
Medyo nalungkot ako don. Kahit sobrang ikli ng oras ko syang nakasama eh naging mag close kami. Ang saya nya kasi kausap. Baliw baliw.
"Nakaalis na ba sya Paige?" Tanong ni Erik.
Tumango ako at ngumiti sakanya.
"Thank you. Thank you rin sayo pre!"
"Basta ikaw pre wala yon sakin. Si Paige naman talaga ang tumulong sayo. Kaya dapat malaking bonus ang ibigay mo sakanya," Wika ni Santiago.
"Wala naman problema sakin yun pre," sagot ni Erik.
Nagpatuloy nalang kami sa pagkain.
-------
* 1:30pm *
Nandito kami ngayon sa sasakyan ni Santiago at pauwi na kami ngayon. Nasa parking lot pa kami.
Kinuha ko ang sobreng binigay ni Erik. Binuksan ko yon at binilang ang pera.
"Owshet! 30K?! Grabe naman!" Ani ko.
"Ginawa mo naman ng maayos yung trabaho mo. Saka deserved mo naman," aniya.
Hinati ko ang pera at inabot sakanya.
"Oh hati tayo. Tig 15k tayo. Salamat pala ah."
Tinignan nya ako.
"Hindi ko kailangan yan Paige. Ikaw ang kailangan ko. Makuha lang kita sapat na sakin yon," sabi nya at ngumiti.
"Kunin mo nalang. Kung hindi kasi dahil sayo hindi ako kikita ngayon. Kaya please? Kunin mo na."
Umiling iling sya.
"Nah. Part yan ng panliligaw ko sayo. Itago mo nalang yang pera mo. At huwag mong ibigay sakin. Pinaghirapan mo yan. Kaya dapat sayo lang yan."
Kinuha nya ang pera sa kamay ko pati yung hawak hawak kong sobre.
Nilagay nya ang pera don at binigay sakin.
"Huwag mo na ipagpilitan Paige. Dahil sa part na to hindi ka mananalo sakin."
Mukhang hindi nga ako mananalo sakanya. Kaya naman nilagay ko nalang sa pouch ko ang sobre.
Inumpisahan nya nang paandarin ang kotse.
Kaya lang nangunot ang noo ko dahil ibang way yung dinaanan namin. Hindi ito papunta sa bahay namin.
"Saan tayo pupunta Santiago?" Tanong ko. At medyo kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit.
"Pupunta tayo sa bahay namin at ipapakilala kita sa mga magulang at kapatid ko," sabi nya saka mas binilisan ang pag dadrive.
Agad akong pinalakihan ng mga mata sa narinig.
"SHUTA KA SANTIAGO!! IBABA MOKO DITO!! AYOKONG PUMUNTA SA BAHAY NYOOO!!!" Sigaw ko.
Pero tinawanan nya lang ako! SHET KA!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TO BE CONTINUED...

Bình Luận Sách (42)

  • avatar
    ParagadosErica Mari

    and ganda at any kwela 🥰🥰🥰

    07/07

      0
  • avatar
    DequerosHazelmae

    very nice story❤❤

    06/07

      0
  • avatar
    MarceloCharlene

    bat bitin?

    14/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất