logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Simula nun, paminsan minsan nya na akong pinapansin. Hindi na yung pinapansin lang pag may mali akong ginagawa kaya tuloy abot langit ang saya ko na minsan inako ko na lahat ng trabaho sa bahay bilang pagpapasalamat kay God sa lahat ng blessings.
"Hoy! Kanina ka pa ngisi ngisi dyan ah? Good mood ata tayo nitong mga nakaraan?" ani Seram.
"Hmm...Wala lang naiisip ko kasi lahat ng blessings na natanggap ko sa buhay na ito. Gusto ko lang magthank u kay god sa pagiging masiyahin ko," sabay ngisi sa kaibigan.
"Wehh...Nga pala napansin kong pinapansin ka na ngayon ni Roven ah, yun ba dahilan?" Ngisi nya rin.
Sabay tuloy kaming naghagikhikan.
"Ms. Romeo! Ms. Tolento! Nakikinig ba kayo sa klase?!" Sigaw nang panira naming teacher na si sir Fael.
Epal naman nito ni ser ih...
"Yes sir!" Sabay na wika namin ni Seram.
"Give a brief history of Atomic Theory Ms. Tolento!" Biglaang sabi ni sir na nagpakaba samin, di tuloy nakasagot si Seram kaya ako na ang sumagot.
"Atomic theory originated as a philosophical concept in ancient India and Greece. ... In the fifth century BCE, Democritus proposed that matter consists of indestructible, indivisible units called atoms. The Roman poet Lucretius recorded the idea, so it survived through the Dark Ages for later consideration," dali dali kong sinabi para maisalba ang kaibigan.
Kahit na ganito ako. May alam parin naman ako noh! Nag aaral ako ng mabuti para sa future namin ni Roven. Chozz lang! Assumera nga naman talaga si myself.
"Very well said, Ms. Romeo nakikinig naman pala. Ikaw naman Ms. Tolento huwag kang makipag usap basta basta dyan kay Romeo kung wala ka rin namang maisasagot sakin. Anyways let's continue our discussion," ani sir kaya nahihiyang yumuko si Seram. Ano ba naman to si sir bat naman ganun?! Hinawakan ko nalang ang kamay ni Seram mula sa ilalim ng mesa para maibsan ang kahihiyan na nararamdaman nya.
Pagkareces dun na namin ipinagpatuloy ang naudlot na kilig ko sa development ng "Pagkakaibigan" namin ni Roven.
"Bakit kayo naging close? Pano nangyari yun? Diba may girlfriend sya? Pano mo nagawa yun? Sunod sunod na tanong ni Seram sakin habang nakikinig lang sila Mina at Reya.
Grabe naman sya. Hindi naman kami close, kinakausap lang naman. Hindi ko siya masisisi, bihira lang kasi mamansin yan si Roven at ang malaman na isa na ako doon ay nakakagulat para sa kanila. Tsaka anong kinalaman ng girlfriend nya dito? Kaibigan lang naman habol ko eh...
"Basta mahabang pangyayari."
"Sasama na kami sayo mamaya! Diba may game sila?" Sabi ni Seram na nagpagulat sakin. Hindi ba kinakahiya nila ako? Anong nangyari? Porket pinapansin na magbabago na ang ihip ng hangin? Bakit hindi na ba ako nakakahiya dahil pinapansin na? Ngumisi nalang ako at tumango. May game sila mamayang 3:30 kaya maghahanda na naman ako ng panibagong energy.
Nang nasa bleachers na kami ay hindi na ako gaanong nagsalita kasi irereserve ko na yun mamaya sa pagsigaw ng toda max. Agad kong iginala ang mga mata sa paligid at nakita na wala si Veraniece, gf ni Mr. Snob. So okay lang na sya nalang muna isigaw ko? Ay huwag naman ganun, sila nalang lahat para happy.
Kaya todo talaga ang cheer ko sa kanilang lahat at dahil dun kinindatan ako ni Stan. Nagtilian ang mga kaibigan ko pero di ko na pinansin. Okay sana kung si Roven yun...kaya nang natapos na ang game ay tinawag agad ako ni Khalil.
"Chan ano na? Tapos na ba ang pagiging Roven addict mo at narelize mo na mas maganda ang maging fan naming lahat kaysa maging solo stan?" Pabirong tanong ni Khalil kaya binatukan tuloy ni Roven.
"Chan halika nga, dito ka muna para may bantay sa gamit namin, wala kasi si Veraniece ngayon," sabi naman ni Mateo. Ang hilig talaga akong gawing alalay ng lalaking to kaya sinipatan ko nalang.
Nagsitilian ang mga ugok kong kasama kaya nagtawanan sila Khalil sa baba.
"Hala grabe close na pala siya sa kanila di ko alam yun," bulong bulongan nila.
Lumapit nalang ako at inalalayan ang haring si Mateo sa mga utos nya. Hawakan daw tung bag. Kunin daw yun tubig sa loob. At kung ano ano pa.
"Nga pala birthday ko sa sabado punta ka! Pupunta kami sa arcade mamasyal, libre ko!" Maligayang sabi ni Stan. Bahagya naman akong natawa. Ano raw? Arcade? Ano sila mga bata? Binigyan naman ako ng matalim na tingin ni Roven kaya natahimik ako.
Tumikhim ang kapatid nyang si Khalil at nagsalita, " Sige na Chan, tayo tayo lang naman ang nandoon eh..." sabi nya na para bang nakakahiya kung maraming tao.
"May sinabi ba ako? Sige game na game ako dyan Stan! Ang saya naman ng birthday na yan!" Maligaya kong tugon. Wow ha sa dami ng kakilala nila ako talaga ang piniling isama, bakit kaya? Nahihiya silang mag imbita kasi sa arcade gaganapin? Tss. Hindi ba sila nahihiya sakin?! Pero okay lang nandyan naman si Roven eh, hihi.
Pagkatapos ng usapan dinumog agad ako ng mga kaibigan ko at paulit ulit na sinasabi na naiinggit sila sakin. Ngisi lang tuloy ang naitugon ko kasi diko alam anong sasabihin.
Pagkauwi ko agad sa bahay hinanda ko na ang susuotin ko para ngayong sabado. Halos nilabas ko na lahat ng damit ko sa kabinet dahil nahihirapan akong pumili. Naisip kong mag dress pero masyado naman yung formal? Minsan croptop masyadong kita ang tiyan, mahirap na baka mapasukan ng hangin matae pa ako. I'm sensitive! Tapos naisip kong mag short pero ayaw ko ng masyadong maikli! Kaya sa huli pantalon nalang at floral blouse ang napili ko. Okay na yan. Simple. Hindi na ako makapaghintay!
Nang nagsabado na kabado ako. Hindi ko alam bakit, sa sobrang excited ko ngayon nakalimutan kong bumili ng regalo! Oo nga pala birthday pupuntahan ko hindi date! Engot mo naman Chan! Nagkibit nalang ako ng balikat.
Sabi ni Stan maghintay lang daw ako sa bahay kaya naghintay ako. Laking gulat ko nalang ng nag text sya na si Roven ang maghahatid sakin kaya hindi nako mapakali at inabangan na sya sa gate namin. Ewan ko pero ayaw kong makita sya ng parents ko. NBSB pa naman ako, baka mamaya anong isipin nila, nakakahiya pa.
Nang nagpark na sya sa tapat ng gate namin agad ko ng binuksan ang front seat nya at malaki na ang ngisi, nakita ko tuloy ang gulat sa mga mata nya.
"Hey I didn't tell you that you can come inside my car, and how did you know that it's my car?" Kunot noo nyang tanong.
"Bakit Mr. Sungit pagbubuksan mo ba ako? At syempre alam ko kung ano yung sasakyan mo noh! Crush kita remember? Iexpect mo na yan! Lagi kitang hinihintay sa school kaya alam ko na! Nagbabakasakiling mapansin!" Hagikhik ko. Sinulyapan ko sya at nag iwas naman sya ng tingin.
Hindi naman ako ganito ka vocal dati. Hindi ko magawang maka usap sya ng maayos kasi palagi akong nauutal pero simula siguro nang nalaman ko na wala talaga akong pag-asa, dun na ako naghangad na maging taga suporta at kaibigan nya lang. At expected na mas komportable akong makipag usap kung walang feelings na involve.
"Tss. Daldal mo," sabi nya at nakitaan ko ng konting ngisi.
"Bakit nga pala sa arcade gaganapin ang birthday ni Stan? Bat hindi kayo sa bar? At bakit sinama pa ako? Anong magagawa ko dun, audience? Taga support pag maglalaro kayo ng mga games? Taga palakpak pag naka kuha ng stuff toy?" Sunod sunod kong tanong sa kanya habang tinititigan nya ako.
"Nagpaalam ka na ba?" Tanong nya, binabalewala lahat ng lumabas na tanong sa bibig ko.
"H-huh? Oo syempre nag paalam na ako noh! Good girl kaya ako! Only daughter kaya dapat alam nila saan ako, tsaka sinabi ko naman na ihahatid ako ng school mate ko pauwi. Ihahatid nyo ko diba?! Hindi pa naman ako sanay sa mga lugar dito. Pag may nangyaring masama sakin kayo talaga malalagot! Sinabihan ko si Seram na i report kayo agad pag hindi ako naka uwi ng maayos! Kayo main suspect kaya dapat makauwi ako ng safe and sound. Nagiisang babae pa naman ako! Buti nga pumayag ako eh," sabi ko habang ginagala ang paningin sa kotse nya. Nakatitig na naman sya kaya binalingan ko sabay taas ng kilay.
"Put your seatbelts on first bago ka mag daldal dyan," natatawa nyang sabi kaya ngumuso ako.
"Ikaw nalang kaya! Kanina mo naman pala nakita, malelate tuloy tayo... pano nga to?" Pang aasar ko. Alam ko naman pano mag seatbelt syempre may sasakyan kami pero gusto ko lang syang asarin.
"Ano bang pwedeng i gift kay Stan? Wala akong naisip eh, hindi ak-" natigil ako sa pagsasalita nang tinanggal nya ang seatbelt nya at lumapit para ikabit yung sakin. Sobrang lapit na ng mukha nya!! Ang bango naman! Hindi tuloy ako makatingin sa kanya habang inaayos ang seatbelt nya, sobrang lakas ng kalabog ng puso ko na parang nagkakarera na sya, feeling ko mahihimatay na ako ngayon!
SHUTANGINA PATAYIN MO NALANG AKO!!
Umayos ka Chan! Hindi ka pwedeng makaramdam ng ganyan, may girlfriend sya! G.I.R.L.F.R.I.E.N.D. Paulit ulit ko yung sinasabi habang kinakalma ang puso kong tumutuguddug.
"Oh natahimik ka?" Natatawa nyang tanong at pina andar na ang sasakyan. Tangina mo baka sampalin kita dyan. Tawa tawa ka pa habang ako naghaharumantado na dito, feeling ko magkakasakit ata ako sa puso nito. Nag iwas nalang ako ng tingin at binalingan ang bintana ng sasakyan bago ulit nagsalita.
"H-hindi pa to delikado? M-marunong ka na mag drive? H-hindi ka ba pinagbabawalan?"
"Hmm hindi naman, natuto na rin naman ako, tinuruan ako ni pa at oo pinayagan ako total sa malapit lang naman tayo," sabi nya pero hindi parin nawawala ng ngisi sa kanyang labi. Kaya imbis na maging akward yung sitwasyon, pinindot ko na nalang yung stereo nya para my music naman.
Kinakalma ko pa sarili ko kasi ayaw ko na ulit mautal pero bigla syang nag salita.
"Why me? Ano bang meron sakin at crush na crush mo ko?" Tanong nya na walang bakas na hiya man lang. Tinatanong pa ba yan? Pero sige kung gusto mo talaga marinig ang sagot ko...
"Para ka kasing google."
"What? You mean matalino ako?" Natatawa nyang tanong.
"Hindi. Lahat kasi ng hinahanap ko nasa sayo na eh," sagot ko na nagpatahimik sa kanya.Nagtraffic pa kaya hininto nya ang sasakyan at bumaling sakin
"Unang kita ko palang sayo I knew you were the one," baling ko rin sa kanya sabay kindat.
Oh ano? Tameme ka noh?! Tinatanong pa kasi eh, nagreserch kaya ako nun grr buti nagamit ko.
"Oh bat ka natahimik?" Tanong ko habang nakatitig sya sa maganda kong mukha. Natatawang iling nalang ang isinukli nya sa banat ko kaya nairita ako.
Kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagkunwari na nag sco-scoll sa social media."Roven, pano ko ba madedescribe yung inspiration ng madalian?" Painosente kong tanong.
"Inspiration? Bat mo naman na tanong bigla?"
"Nakita kasi ako ng quote sa fb, gusto ko sanang mag comment."
"I think it's something or someone that motivates you?"
"You mean like you to me? Like how you motivate me to keep coming to school? "Tanong ko na nagpasamid sa kanyang lalamunan. Humalakhak ako ng pagkalakas lakas. Gotcha!
Ganyan dapat hindi yung parang wala lang! Pinaghirapan kong i search mga banat ko noh tapos parang normal lang yun sayo?!
"You're noisy," natatawa nyang sabi.
"No, I'm so hungry. Wala akong nakain kanina parang nahihilo na ako."
Bigla nyang tinigil ang sasakyan at tumingin sakin. "You didn't eat? Why? It's already 2 in the afternoon. And you're dizzy?" Nag aalala nyang tanong. Pucha ang hot nya talaga pag nagagalit.
"Mmm, pero okay lang."
"Anong okay lang?"
"Okay lang na mahilo ako, basta gusto ko sayo lang iikot ang mundo ko."
Pumikit sya ng mariin at ngumuso, nagpipigil ng ngiti. Pinaandar na nya ang sasakyan habang humahagikhik ako dito sa gedli.
"Actually ang totoo, nung nakita kasi kita bigla akong na lowbat kaya ayun," seryoso kong sinabi habang nakatingin sa malayo.
"Tss. Stop it Chan" natatawa nyang sinabi pero nang nakitang seryoso ako bumaling sya sakin. "I-I mean Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Sabi ko na lowbat ako dahil sayo. Na lowbat first sight! Slow mo!" Sigaw ko na nagpahalakhak sa kanya. Ngumisi nalang ako. Susulitin ko na tong oras namin kasi alam kong hindi kami pwede.
Tumigil muna sya dahil sa red light at tiningnan ang cellphone nya. Sinulyapan ko ang cellphone nya at nakitang nag fefacebook lang sya. Wow ha? Sa gitna talaga ng daan? Akala ko may ka chat.
"Ano tinitingin tingin mo dyan? Nag dri-drive ka oh! Anong hanap mo? Need mo ba ng notification para ma gets mo na like kita?"
"Tumatapang ka na ngayon ah? Parang kailan lang nauutal ka pa tapos ngayon nakailang banat kana," he said with a smirked on his face habang nag papark na.
"Chumachamba lang, may mood ka kasi ngayon. Bihira kaya yun noh! Palagi ka kayang malamig pero ngayon hot na," sabi ko sabay baba ng sasakyan nya dahil nakita ko na ang arcade na tinutukoy ni Stan excited na ako pero may boses na nagpatigil sakin.
"Ven!!" Tawag ni Veraniece sabay takbo sa lalaking nasa likod ko at kapit sa braso. Sabi na nga ba. Inaasahan ko na to pero ang makita harap harapan na totoo nga ang haka haka ko ay nagbuhos ng malamig na tubig saking sistema. Tiningnan ko lang nang mataman si Roven.
Masarap titigan ang taong gusto mo at isiping magkasama kayo. Masaya managinip. Masaya mangarap pero mahirap umasa kung habang tinititigan mo sya Nakatingin rin sya sa iba.

Bình Luận Sách (45)

  • avatar
    Jamico Ramos

    good

    1d

      0
  • avatar
    Yohann Vien Delos Reyes

    yohann

    20d

      0
  • avatar
    Mary Allyson Cenet

    hey

    16/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất