logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 1

"Chan Lian Romero!" Sigaw sa’kin ng kaibigan kong si Serami.
"Oh Seram? May problema ba?" Takhang tanong ko.
"Ano na naman ‘tong naririnig ko na ipinahiya ka na naman ng crush mo sa maraming tao?! Ano? Patuloy ka parin dyan sa kapritso mo kahit halata naman na hinding hindi ka magugustuhan ng lalaking yan?"
"Hindi nya naman ako pinahiya, sinabi nya lang na hinaan ko ang boses ko kasi masyado raw malakas..." sabi ko sabay nguso. Ayan na naman sya, sesermonan ako na itigil na ang pagiging Roven addict.
Hindi naman ako addict sa kanya eh. Well slight lang naman, hindi naman masyado. Palagi ko lang syang pinapaginipan. I always daydream about him, hihi. Tuwing sya ang napapaginipan ko, sobrang ganda ng mood ko na minsan nililibre ko na lahat ng kaklase ko kaya tuloy pinapagalitan ako ni Seram. Panaginip pa nga lang nya nakakagastos na ako ng daan, pano pa kaya kung napansin nya na ko?! Palagi nya naman akong pinapansin pero para lang yun sawayin kung ano man ang kagagahan ko. I can't really imagine saan aabot ang saya ko. Sa sobrang saya ko baka magpahanda pa ako ng pista kay mama at alam iyon ni Seram kaya naiinis sya sa pagiging "patay na patay" ko kay Roven. ‘Yun palagi nasa isip ko pero simula ng naging taken na sya, kinontrol ko na damdamin ko.
"Ano ba naman Chan, tigilan mo na ‘yan at may girlfriend na ‘yung tao. Naaawa na ako sa’yo, palagi ka nalang pinapahiya."
Ngumuso nalang ako at hindi ko na sya pinansin. Ano naman kung may girlfriend sya? Sinabi ko bang aagawin ko? Hindi naman ah... Ang pangit kaya maging kabit kahit gaano ko pa sya ka gusto. Susuportahan ko lang naman sya eh, wala namang masama dun.
Hindi nya naman ako pinapahiya lagi katulad ng sinasabi ni Seram, sadyang masyado lang silang maintriga pag pinapansin ako ni Roven. Hindi naman sa pinapansin dahil gustong makilala o makaibigan, pinapansin nya lang ako lagi pag may nakikita syang mali sa ginagawa ko. Kahit na pinagtatawanan ako ng iba, ngumingisi na lang ako. Atleast napansin ako ng crush ko, eh sila baka nga hanggang sulyap lang kaya nag mamaliit ng mga katulad ko? Inggit lang sila na kinausap ako ng isang hot varsity soccer player ng school namin. Che.
"Go Roven!" Buong pusong sigaw ko habang naglalaro sila ng soccer. Hindi lang naman ako ang sumisigaw dito eh, marami kami pero sadyang si Roven lang talaga ang gusto kong i cheer kahit na dapat buong team nya sinusuportahan ko. Solo stan I guess? Hindi naman ako fan ng grupo nila na puro mga gwapo o heartthrob. Si Roven lang nakikita ko. Siya lang at wala ng iba.
"Oh god, ang ingay ng iba dyan," dinig kong sabi ng babaeng katabi ko.
"Oo nga, nakakahiya mukhang desperada magpapansin," bulong ng kasama nya sabay tawa.
"Hindi pa rin ba sya nadadala? Ilang beses na yan napahiya ah? Wala ba syang kahihiyan sa katawan? Sariling girlfriend nga ni Roven hindi ganyan tapos sya na isang hamak na Roven addict lang?" Sabi naman ng isa pa nilang kasama, this time hindi na to bulong kaya dinig na dinig ko.
Nilingon ko sila kaya natigil ang pag hagikhik ng tatlo. Tinaasan ako ng kilay ng isa pero nginitian ko nalang at binalewala. Nagpatuloy ako sa pag cheer kay Roven hanggang sa maubos ang boses ko. Whooa! Nakakapagod naman ‘yun. Sa huli natalo sila ng kabilang school. Wala naman akong pake kung matalo o manalo, ang mahalaga na suporthana ko.
Sanay na ako sa mga pagparinig ng iba kaya parang wala na iyon sa’kin.
Umupo nalang ako sa bleachers at tinanaw sila. Nakita kong pumunta ang girlfriend ni Roven sa kanila at sabay sabay pang naghiyawan ang mga ka team mate nya. Veraniece Prin Iranem. Yun ang pangalan ng girlfriend nya. Maganda sya, maputi, mahaba ang buhok at slender ang katawan. Kilala syang socialite dito sa school namin at 'anghel' sa sobrang bait kaya hindi na ako nagtaka bakit sya ang naging girlfriend ni Roven. First time nyang manood ng game nila kaya nagulat ako.
Titig na titig ako ako kay Veraniece nang nakita kong sumulyap sa banda ko si Roven. Nag iwas ako ng tingin sa banda nila at inabala ang sarili sa tubig na dala. Naghahanda ng panibagong energy mamaya para sa susunod na laro nila.
Palagi syang sumusulyap sakin simula ng naging "Roven addict" ako. Alam ata ng lahat sino ang ultimate crush ko sa talambuhay kong ito. Tuwing may laro, hindi ko nakakalimutang sumipot dito. Palagi ko syang chi ni cheer kaya tuloy wala ni isa sa mga kaibigan ko ang sumasama palagi sakin pag may laro sila. Ikinakahiya nila ang energy at lakas ko para i cheer ang nag iisang lalaking hinahangaan ko.
Grade 10 ako ng nagsimula ko syang hangaan. Transferee kasi ako sa school na ito. Galing ako manila nang nagpasya ang mga magulang ko na lumipat kami dito sa Ahemano Del Norte pagka grade 9 ko dahil matanda na ang lola ko at gusto nya na dun kami tumira sa ancestral house namin. Hindi sya kasing laki ng mansion pero masasabi kong malaki ito sa isang normal na bahay lang.
Hindi naman ako mahilig sa sports pero simula nang nanood kami ng soccer game dito sa field ng school na ito, agad nakuha ni Roven ang pagkamangha ko. Nagsimula na akong magtanong tanong sa kanya hanggang sa tinagurian na nga akong "Roven addict" sa campus dito.
Gwapo si Roven, hindi ko yun maitatanggi pero hindi lang yun ang nagpaakit sakin. Bukod sa gwapo sya, mabait at tahimik lang sya. May pagka cold heart person at patok sa mga babeng katulad ko pero sa isang taon ko sa paaralang ito masasabi kong hindi sya playboy katulad ng mga kaibigan nya. Matanda sya ng dalawang taon saakin kung gayon ay Grade 12 na sya ngayon.
Bumalik na sila sa laro at hindi muna ako nag cheer dahil napagod ako ng husto. Pinanood ko lang sila at paminsan minsan lang sumisigaw, nawalan ata ako ng gana, hindi ko alam kung bakit.
"Chan!" Sigaw ng kaibigan kong si Reya."Halika na, kanina ka pa dyan, patapos na rin naman ‘yung laro oh," sabay alis nya pagkatapos akong ayain.
Tumango ako at tumayo na. Sinulyapan ko ang banda nila bago bumaba sa bleachers at sumunod na sa kaibigan ko pero bago pa ako makalayo may narinig akong tawag.
"Chan! Aalis ka na?" Tanong ni Mateo, team mate ni Roven.
"Ah oo eh, tapos na rin naman yung laro," sagot ko naman sabay sulyap kay Roven na kanina pa pala nakatitig sakin.
Buti hindi nya ako pinahiya ngayon. Lagi nya kasi akong sinasaway pag sobrang lakas na ng boses ko pag chinecheer ko sya, minsan naman sinasabihang baduy yung banner na gawa ko, o di kaya sasawayin yung suot ko, kaya tuloy pinagtatawanan ako. Siguro dahil nandito girlfriend nya. Parang may dumaang kirot sa puso ko pero binalewala ko nalang.
"Ayy, sayang naman meron pa kaming game mamaya, manonood ka?" Mateo asked.
Ngumuso ako. "Hindi eh may gagawin kami ng mga kaibigan ko," may mag chi cheer naman siguro sa inyo at di nyo na ako kailangan kasi nandyan na yung girfriend ni Roven, sya nalang yung utusan nyong bumili ng gatorade, tubig at ano pa. Ako nalang palaging ginagawang alalay palibhasa alam na patay na patay ako kay Roven.
"Buti hindi ka na nagdala ng banner?" Biglang singit ni Roven sabay ngisi na nagpakaba sakin.
Sumulyap muna ako sa girlfriend nya, nang nakitang abala ito sa pag-aayos ng gamit ng kasintahan at mukhang hindi nakikinig, sinagot ko na si Roven.
"Mahirap na baka ipahiya na naman," sabi ko at umalis na dun. Narinig ko ang halakhak ni Roven pero binalewala ko na yun. Tinawag pa ako ng ibang kasamahan nya pero dali dali na ang lakad ko.
Nagulat na lang ako ng may humablot sa braso ko at literal na nanlaki ang mga mata ko ng nakita na si Roven iyon.
"Hey, easy there why are you so fast?" Natatawa nyang tanong.
Pinakalma ko muna ang sarili ko. Pinagtitinginan na kami pero ang sagot ko lang ang tanging iniisip ko.
"U-uhm bakit? H-hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko, kanina p-pa sila naghihintay," utal utal na sagot ko. Pumikit ako ng mariin dahil naiinis ako sa sarili.
"Hmm... Really? Napansin kong matamlay ka ata ngayon ah? Hindi ka masyadong nag sisisigaw di katulad ng dati," he then smirked.
Bigla akong nairita sa narinig ko. Ano bang gusto nya? Umabot hanggang langit sigaw ko? Eh baka ipahiya na naman ako ng engot na to. Nandyan pa naman yung girlfriend tss.
"Kulang pa ba yun?" Sarkastisko kong sinabi sa kanya.
"Whoa!" Natatawa nyang sabi. "Ang init naman ata ng ulo natin ngayon miss ah? May problema ba?"
Umirap ako."Pwede ba, oo patay na patay ako sayo pero ayaw kong pinapakita iyon! Kahit na di ako nagagalit sa pamamahiya mo naiirita parin ako! At huwag mo kong pinapake alaman sa gusto kong gawin!" Sunod sunod na sigaw ko sa kanya.
Sa totoo lang wala naman akong pakealam kung ipahiya nya ako, sadyang nag iinit lang ulo ko ngayon sa di malamang dahilan. First time ko ata syang sigawan at baka pagsisihan ko to mamaya pero di ko na mapigilan.
Nagulat sya sa sigaw ko at biglang nabitiwan ang braso ko. "I-I'm sorry," wika nya sabay kamot ulo. "H-hindi ko alam na napapahiya ka pala."
Kinalma ko ang sarili ko bago ulit nagsalita."Sorry sa sigaw," sabi ko sabay takbo sa malayo.
Nakakainis! Nakakinis! Ano ba naman to?! Really Chan?! Bat mo sinigawan?! Baka ma-turnoff! Wait anong turn off ka dyan? Tss. Asa ka hanggang tagahanga ka lang noh! May girlfriend na yung tao kaya huwag umasa.
Pinuntahan ko na sina Reya na nakatambay lang sa canteen malapit sa field.
"Oh ba’t parang nakakita ka ng multo? Ang putla mo ah?" Tanong ni Seram.
"Bakit? Pinahiya ka na naman ng crush mo?" Si Mina naman ngayon.
"O baka inutusan ka na naman bumili ng inumin nila?" Dagdag naman ni Reya.
Wala na akong panahon para ipaliwanag sa kanila ang nangyari kaya umupo nalang ako sabay lantak sa fries na nasa mesa.
"Ano ba yan bumili ka nga ng sarili mong pagkain!" Reklamo ni Mina pero hinayaan parin akong kumuha.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi nya ako madalas kinakausap, hanggang titig lang talaga ang iginagawad nya parati sa akin. Minsan naman kinakausap nya ako para lang sawayin. Tapos ngayon kung kailan na tumino ang pakikipag usap nya, dun naman pumutok butchi ko at ako naman ngayon ang di maka usap ng maayos. Nakakainis! Sinayang ko yung mood nya! Pero Oh my God!! Totoo ba to? PINANSIN NYA AKO!!! Sa sobrang saya ko di ko na napigilan sarili ko.
Kaya ng nakita ko sya sa corridor nilapitan ko na agad.
"Hi!" Bati ko.
Kitang kita gulat sa mga mata nya pero agad nya itong pinalitan ng malamig na expresyon na palagi nyang ginagamit.
Hindi naman kasi ako kusang lumalapit pero dahil siya ang nauna kanina at parang naramdaman ko na ready na syang makipag "friends" sakin. Oo "friend" lang ang hanap ko. Malamang may girlfriend na eh, edi rerespetuhin ko yun. Ang masuportahan lang sya at makausap paminsan minsan ay sapat na sakin.
"Kailan sunod nyong game?" Maligayang tanong ko.
"Bukas," maikling sagot nya.
"Pwede details naman?"
"Bukas. 3pm. Sa field lang like usual," walang kabuhay buhay nyang sagot. Ang wierdo talaga ng lalaking to, parang kanina lang ang ganda ng mood ina-approach pa nga ako, tapos ngayon?! Galit ba sya? Hindi naman siguro, apaka babaw naman nun.
"Okay, see you tommorow!" Sabi ko at umalis na. Bad trip naman, wla na naman sa mood si Mr.Snob! Better luck next time Chan!
Kaya naman kinabukasan naghanda na naman ako ng panibagong energy para sa pag cheer sa kanila pero this time silang lahat na muna ang isisigaw ko kasi nandito girlfriend nya at baka maagaw ko pa ang pansin nya pag si Mr. Snob lang ang isisigaw ko.
"Go Mateo! Go Stan! Go Roven! Go Khalil! And more!! Go, Go, Go, Todo na to! Whoaa!" Sigaw ko sabay palakpak. Sila lang muna i chicheer ko kasi sila lang naman ang close ni Roven, yung iba kasi hindi nya close.
Nandoon lang yung girlfriend nya sa may parteng baba ng bleachers malapit sa tambayan ng team nila, tahimik na nanonood.
Nang matapos ang game umupo na ako at tiningnan sila. Malapit lang ako sakanila kaya tuloy napag tripan na naman ni Mateo.
"Chan! Himala ah, first time ko marinig na chi neer mo ko!" Maligayang sabi nya. Umirap ako dahil alam ko na saan na naman to patungo.
"Pwede mo ba akong bilhan ng tubig at burger sa canteen? Sige na please, libre kita!" Ulol talaga. Hmmp! Sige na nga nakakahiyang tumanggi lalo na't libre.
"Ako rin Chan!" Singit ni Khalil.
"Ikaw rin, ililibre mo ko?" I asked happily.
Natatawang umiling si Khalil, "Hindi pabili rin ng pagkain sa canteen..."
"Ano ka sinuswerte? Hindi mo ko alalay, lahat ng utos may kapalit," sabi ko sabay singil sa pera ni Mateo."Bigyan mo ko 100."
"Huh? Ang laki naman?"
"Nagrereklamo ka ba?"
"Hindi hehe oh eto," sabay bigay nya ng pera. "Sungit mo naman ngayon di ka naman ganyan dati."
Biglang humalakhak si Mr.Snob, "Oo nga, parang dati nauutal pa yan."
Hindi ko na pinansin at umalis na. Syempre, dati kasi nagpapagood shot pa ako sa kanila, thinking na may pag asa kami ng dream man ko. Pero simula ng nagka girlfriend sya dun na nasampal sakin na hanggang taga suporta at kaibigan lang ang maisusukli sakin. Hindi naman ako nagrereklamo dun, babawasan ko nalang yung nararamdaman ko, kaya ko naman sigurong mag-adjust, hindi pa naman malala feelings ko.
Pumunta na ako sa canteen nang napansin na sumunod si Mr. Wierdo sakin.
"Bat ka sumusunod," wala sa sarili kong tanong.
"Ako sumusunod? May bibilhin lang, wag kang assuming," sabay hagikhik nya.
Ba’t ba palagi tong sumusunod, kagahapon pa to ah? Tapos pag lalapitan ko parang shunga lang na hindi namamansin. Pa hard-to-get? Tapos pag hindi papansinin, magpapansin? Ano ka babae? Kami lang may karapatang mag inarte noh! Wag kang feeling! Pero hindi ko maiwasang hindi mapangisi.
"Oh anong nginingisi ngisi mo dyan?" Takhang tanong nya.
"Ang cute mo," sabi ko sabay bili na ng burger at tubig para kay Mateo at fries at juice naman para sakin.
Syempre noh! Inutusan ako kaya dapat may benefit. Tiningnan ko sya para sabay na kaming bumalik dun sa field pero nakita kong pumula pisngi nya at kanina pa natigilan sa paglalakad.
"Hoy Mr. Snob! Oh ano, kinilig ka ba?" Pang aasar ko.
Bigla syang bumalik sa ulirat at inirapan ako. "A-assuming ka talaga," mahinang bulong nya at naglakad na parang hari, nakapamulsa pa. Ano ba!!! Parang shenge nemen tooo!!
Ngumisi lang ako at hinintay sya.
"Oh b-bat nandyan ka pa?" Takang tanong nya.
"Hindi ba obvious? Edi hinihintay ‘yung crush ko para sabay na kami."
"Tss," singhal nya tapos naglakad na ng pash-pash kaya nahirapan tuloy akong sabayan sya.
"Sandali! Hin...tay!" Hinihingal kong sigaw pero di na nya ako pinansin at nauna na.

Bình Luận Sách (45)

  • avatar
    Jamico Ramos

    good

    1d

      0
  • avatar
    Yohann Vien Delos Reyes

    yohann

    20d

      0
  • avatar
    Mary Allyson Cenet

    hey

    16/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất