logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

PL 2

Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako habang naglalakad papunta sa sizzlingan ni tita. Galing akong eskwelahan at halos kakatapos lamang ng klase ko. Dapat nga ay hindi na ako papasok ngayong araw dahil sinabihan na ako ni tita na tumao muna sa tindahan pero nagpumilit pa din ako. Kahapon pa kasi nilalagnat si tita mula ng makauwi kami. Siguro ay nasobrahan ng pagod dahil sa dami ng customer kagabi. Biyernes din kasi kahapon, at kapag ganoong araw ay laging dagsa ang tao. Payday kasi ng mga empleyado.
Halos lakad-takbo na ako makarating lang sa bus station. Kay ate Carin ko lang kasi ibinilin ang tindahan. Siya ang pinakamatagal na tauhan ni tita at isa sa mga tagaluto duon. Siya rin ang mas pinagkakatiwalaan ni tita sa tindahan sa mga ganitong pagkakataon. Sa pagkakakwento sa akin ni ate Carin ay laking probinsya daw siya. Di hamak din na mas matanda si ate ng walong taon sa akin.
Nang dumating ako sa munting kainan na iyon noon ay isa na siyang tindera duon. Maliit lang ang sizzlingan na iyon dati. Kung tutuusin nga ay parang karinderya lang iyon na maliit at tanging si ate Carin at tita lamang ang tumatao. Wala pa siyang maraming tauhan noon. Kaya masasabi kong napakatyaga ni ate Carin para tumagal dito kahit na hindi kalakihan ang sahod. Kunsabagay ay maganda naman makitungo si tita Hilde sa tauhan niya, may pagkastrikta lang talaga kung minsan. Ewan ko ba dito kung bakit pagdating sa akin ay nagsusungit siya.
Naaalala ko pa, si ate Carin ang naging takbuhan ko noon. Siya pa nga ang laging umaalo sa akin sa tuwing kinakagalitan ako ni tita noon. Kahit kasi siya ay pinagdaanan din iyon sa kamay ng tita kong saksakan ng toyoin. Parang siya na nga rin ang nagpalaki sa akin dahil sa tuwing may problema ako ay laging sa kanya ang takbo ko. Kapag kasi kay tita ko sasabihin ay bubungangaan lang ako nito. Mabait kasi si ate Carin, maputi, pala-ngiti at higit sa lahat maganda, kung bakit tumandang dalaga. Siguro ay pihikan din ito sa lalaki. O di kaya ay idolo si tita Hilde.
Pero kahit na ganoon ay hanga pa rin ako sa tiyaga ni ate Carin. Kung pwede ko nga lang siyang bigyan ng medal at awards ay bibigyan ko na siya dahil hindi niya iniwan si tita hanggang sa lumago ang negosyo. Baka nga kung sakali mang ipamana ni tita itong sizzlingan ay baka kay ate Carin na niya iyon ibigay. Wala namang problema sa akin kung ganoon ang mangyayari dahil wala naman akong balak na pamahalaan ang munti niyang kaharian. At saka deserve din naman talaga iyon ni ate Carin. Isa pa ay hindi rin naman ako maghahabol kung sakali man. Wala naman din kasi sa pagbi-business ang interes ko.
Kung tutuusin nga ay napakalaki ng iniunlad ng munting karinderyang iyon. Nasaksihan ko kung paanong nag-boom ang business ni tita at naging sizzling house. Hindi naman ito ganun kalaki pero sapat na ang laki nito para masabing may kaya na ang may-ari. Na totoo naman. Ang dating maliit na bahay ni tita ay unti-unting napagawa hanggang sa magkaroon ng iyon ng second floor, nga lang ay ako lang ang natutulog sa taas. Ewan ko ba naman kay tita kung bakit nagpagawa pa ng itaas samantalang wala naman siyang balak matulog doon. Gusto lang siguro niya akong di makita.
Malapit na ako sa bus station nang makita kong may humintong bus kaya mabilis ako nagtatakbo bago pa man din iyon magsara ng pinto. Sinwerte naman ako at naabutan ko iyon. Ilang sandali lang ang lumipas at nakarating na rin ako sa sizzlingan. Wala pang gaanong tao dahil maaga pa. Gabi kasi kadalasan ang dagsa ng tao roon.
"Aba! Nandito na pala ang prinsesa," bungad ni Deborah ng makita akong padating. Sa dinami-rami naman ng bubungad sa akin, kung bakit siya pa. Tulad ng nakagawian ay namumutakti na naman sa koloreta ang mukha niya. Muntik pa nga akong matawa sa make up nya ngayon. Para kasing nasobrahan ang lagay niya na nagmumukha na siyang matandang matrona.
Pulidong-pulido ang pagkakaguhit ng kilay nya na para bang eksperto ito sa pagdo-drawimg. Naka-eyeliner na sa sobrang itim, to the point na para na siyang drug addict. Mukhang bagong bili siguro ang blush on niya dahil sa dami ng inilagay niya na tila ba nasampal siya at ang labi naman niya ay namumutok sa pagkapula. Dinaig pa yata niya iyong mga dancer sa gabi sa kapal ng make up niya.
Kabata pa niya ay pinamimihasa na niya ang mukha niya sa mga kolorete. Ayaw niyang tumulad sa akin na liptint at polbo lang, okay na. Hindi naman ako nagmamaganda pero mas nagmumukha pa akong bata sa kanya kapag wala siyang make up samantalang magkaedad lang kami. O kung hindi man ay hindi kami nagkakalayo ng edad. Sabagay, kung iyon ang way nya para mai-express ang sarili niya ano pa bang magagawa ko. Sino ba naman ako para husgahan siya.
Hindi na ako nag-abalang sagutin pa siya, isang hagod lang sa kabuuan niya ang ginawa ko. Iyong tipong magiiwan ng inis sa mukha niya. Hindi ko na pinigilan ang pagsilay ng ngisi sa labi ko nang magtagumpay ako, saka ako mabilis na naglakad patungo sa kahera bago pa makabawi ang bruha. Hindi ko agad nakita si ate Carin kaya agad kong ibinaba ang gamit ko sa loob saka tumuloy sa kusina. Kwarto iyong maliit na kasya lamang ang isang monoblock na sofa, isang lamesa at computer table na malapit sa cashier window. Pinasadya iyon ni Tita Hilde noong pinaayos niya ang kainan. Gusto daw kasi niyang nakabukod ang kahera para magmukhang maayos tignan.
Agad ko naman siyang natanawan sa kusina, iyon nga lang ay kausap si kuya Elric kaya mabilis akong umurong at hindi muna nagpakita. Nakinig muna ako ng usapan nila. Balak ko sanang kamustahin kung maraming tao kanina pero nagbago ang isip ko. Mukha kasi silang seryoso sa kung anong pinag-uusapan nila. Isa pa bukod sa ayoko silang istorbohin ay dahil gusto ko rin silang mapagsolo. Alam ko kasi na matagal ng may gusto si kuya Elric kay ate Carin. Ewan ko nga lang kung aware si ate duon. Magkaedad lang halos silang dalawa, matanda lang siguro ng isa o dalawang taon si kuya.
Noon ko pa talaga napapansin yun, at alam din ni kuya Elric na buking ko na sya, kung bakit itong si ate Carin ay hindi man lang makahalata. Well, kung titignan naman si kuya, hindi naman na lugi si ate. Matangkad naman si kuya, gwapo, may kaputian, mabait din, responsable, at higit sa lahat, hindi naman sila nagkakahuli sa edad. Gusto ko sanang magkatuluyan sila para naman hindi masayang ang ganda ni ate Carin kaya lang ay mukhang mabagal ang takbo ng love story nila. Naiinip tuloy ako. Di ko rin kasi malaman dito kay ate kung manhid ba o ano.
"At anong sinisilip-silip mo dyan, bruha?"
Kulang nalang ay mapatalon ako pagkarinig ko sa pangit na boses ng impaktang nasa likod ko. Mahilig talaga sa wrong timing ang babaeng ito. Sa mga ganitong oras mas nakakakulo ng dugo ang Deborah na ito. Kinalma ko ang sarili ko bago tumuwid ng tayo mula sa pagkakasilip sa pinto saka ito iningusan.
"Ano namang pakialam mo? Gawin mo yung gagawin mo, at hindi iyong pati ginagawa ko ay pinapakialam mo," matalas kong sagot dito saka tinaasan siya ng kilay. Isang irap pa ang iniwan ko dito bago naglakad pabalik sa kaha. "Ayusin mo nalang ang kilay mo. Medyo paling saka parang nabura," pahabol ko. Hindi ko na siya hinintay at baka makabawi pa.
Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya saka atubiling dinukot sa bulsa ang maliit na salamin. Mabilis niyang tinignan ang kilay niya sa salamin at kasunod noon ay ang panlalaki ng mga mata nito. Bumahid sa mukha niya ang inis na siyang ikinabunghalit ko ng tawa. Alam ko naman talagang ayos ang pagkakalagay niya, gusto ko lang talaga siyang inisin.
Mabilis akong naglakad papasok sa kahera nang marinig ko siyang nagngitngit sa inis. May gana pa kasi siyang inisin ako samantalang mas mainisin siya sa akin. Ngiting tagumpay ako ng maisara ko ang pinto noon.

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    ChesterRon

    huhuhu

    22d

      0
  • avatar
    Florilou Orteza

    bery nice

    09/07

      0
  • avatar
    Beverly Enorme

    maganda

    03/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất