logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Chapter 6
Maaga akong gumising para bumili ng almusal at dal’han sila Lolo at Lola ng pagkain.
Nakangiti akong pumunta doon, naabutan ko sila Tita at Tito na kakarating lang din.
Nagulat din sila ng makita ako, ‘di naman sila galit sa akin dahil alam nila mismo na wala akong kasalanan.
“Tara pasok tayo, Amelia.” yaya ni Tita, umiling ako ng nakangiti.
“Hindi na ho, baka magalit pa si Lola. Gusto ko lang po ihatid itong almusal para sakanila.” Inabot ko ang pagkain rito. “Alis na po ko, Tita,” ani ko at saka tumalikod para mag lakad pa-alis.
Gusto ko pa sana iabot ng personal, pero ayoko kasing kaaga-aga mabad trip si Lola sa akin.
Baka mamaya nalang ulit ako mag pakita sa kanila, dadal’han ko na rin sila ng tanghalian.
“Hi, Mi,” bungad ko kay mommy ng mapa tawag ito.
“Anak, ano ‘tong nababalitaan kong nasa lolo at lola mo ikaw?” tanong nito sa kabilang linya.
“Um... Wala naman ako sa bahay nila, Mi.”
“So, andyan ka sa lugar nila? Bakit? Alam mo namang ‘di kami mag kasundo ng Lola mo, at alam mo rin mainit ang dugo niyon sa iyo-”
“Mi, i’m fine. Na isip ko lang po na siguro, ito na ang tamang oras para mag kabati-bati tayo nila Lola.”
“Anak, naman.” Rinig ko ang pag buntong hininga nito. “Okay, fine, pero once na saktan at maltratuhin kana ng Lola mo, umalis kana d’yan.”
“Okay, Mom. Love you.”
“Love you too, Anak.” Saka ko ibinaba ang tawag.
Maltratuhin man ako o alilain, okay lang. Basta ba ang kapalit nito ay ang kapatawaran.
Dumating ang tanghali, bumili ako ng mga ulam at mga dessert para kala Lola.
Pag dating ko doon ay kumatok na agad ako, si Tita ang lumabas. Iaabot ko nalang sana ulit ang pagkain ngunit pinilit ako nitong sumabay nalang sa kanilang kumain.
“Ma, dito si Amelia-”
‘Di pa natatapos si Tita sa sina-sabi niya ng biglang sumigaw si Lola. “Walang hiya ka talagang babae ka! Sobrang kapal ng mukha mo bumalik!” nang gagalaiting sigaw nito.
Bumuntong hininga si Lolo na parang hirap na hirap na. Sabi na, e. Bad idea talaga na mag pakita ako ngayon.
“Ma!” Nagulat kaming lahat ng sumigaw si Tito. “Walang kasalanan yung bata, namatay si Kuya sa sakit niya! At hindi yun dahil kay Amelia at sa Mommy n’ya.”
Tinignan ako ni Lola. “Masaya kana? Inaaway na ako ng sarili kong anak dahil sayo! Masaya kana ba, Amelia?”
Humigpit ang hawak ko sa plastik. Parang kinurot ang aking puso dahil sa sakit, nalasahan ko na rin ang dugo na mula sa aking labi dahil sa kaka-kagat nito para pigilin ang luhang kanina pa gustong-gusto bumagsak.
Hindi... Hindi ako iiyak. Malakas ako, ‘di ako mahina.
“Ma! What’s wrong with you?” sigaw pa ni Tito.
“A-Alis na po ako, pasensya na po sa abala-”
“Buti alam mo, abala ka sa pamamahay na ito. Sa pamilya namin.” Pag putol ni Lola sa sina sabi ko.
“Da-dal’hin ko lang po sana ito.” Inilapag ko sa malapad na lamesa ang plastik. “Alam ko ho ‘di n’yo ito kailangan, pero... Gusto ko parin ho ibigay. ‘Di po ito peace offering o ano, gusto ko lang ho kayo dal’han." Pinilit kong ngumiti.
“Tama na ang ka-plastikang iyan, Amelia. Sana ‘di ka na nag abalang bigyan kami ng basura, malay ba namin kung may lason ‘yan.” Ngisi nito.
“Hindi ako ganung klaseng tao, La. Pero kung ganon ho ang tingin n’yo sa akin ay okay lang po. Alis na ho ako." Tinignan ko si Lolo saka bahagyang yumuko, ganoon din kay Tito.
“No.” Pigil ni Tito ng akma akong mag lalakad pa alis. “Hindi ka aalis, Amelia.”
“Po?” nag tataka kong tanong.
“Alejandro! Wag mong sabihing nag padala ka sa drama ng impaktang iyan!” ani ni Lola.
“Ma! Please, stop it!” Binalingan ako ng tingin ni Tito. “Manatili ka rito hanggang sa kailan mo gusto, si Kuya ang bumili ng bahay na ito, kaya alam kong may karapatan ka rin dito.”
Napangiti ako, ngunit itinago ko nalang iyon. Dahil baka mas masama pa ang maging tingin ni Lola sa akin.
“What? Ni hindi ko nga ma-imagine na maka sama ang taong pumatay sa Kuya mo, then this! Patitirahin mo sya rito. This is shit, Alejandro,” reklamo ni Lola.
“Ma! Ilang beses ko bang uulit-ulitin na hindi niya pinatay si Kuya!” ani ni Tito na nag pipigil ng galit. “Walang pumatay kay Kuya! Hindi si Amelia at hindi rin si Ate Alia, kundi wala!” dagdag pa nito.
Akma pa sanang sasagot si Lola kaso biglang hinampas ni Lolo ang lamesa.
Napatingin kaming lahat rito. “Tama na!” sigaw nito. “Papayag na kong dito siya tumuloy, tama ang anak mo, Lina. Walang kasalanan ang bata sa pagkamatay ng kaniyang Ama. Kaya please, tigilan mo na ang paninisi rito.” Bumaling ito kay Tita. “Alejandra, ipahanda mo ang kwarto sa itaas.” Nilingon ako nito. “Dal’hin mo na rito ang mga gamit mo, mananatili ka rito kahit kailan mo gusto.” malamig ngunit naka pag pagaan sa aking puso ng sabihin nito iyon.
Chapter 6 | End

Bình Luận Sách (164)

  • avatar
    Neil Christopher Maligaya

    hehe

    8d

      0
  • avatar
    Caldoza Harold

    koya sana po toro an nyubko🥹🥹😭

    23d

      0
  • avatar
    Ãçe Mb

    split up

    26d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất