logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Seven

𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗜 𝗣𝗢𝗩
Nakakuros ang mga binti ko at ang kabila kong kamay ay nakakapit sa braso ni Theo habang nakaupo kami sa upuan na nasa gilid lamang ng pasilyo. Naisipan kong humiga sa kanyang balikat dahil nabagot na ako sa kakaantay hanggang sa natulala ako kalaunan at walang imik na nakatingin sa kawalan. Yung boyfriend ko, pinapanood lang niya ang mga dumadaang pasyente at empleyado.
Alas nuwebe na, wala parin si Alexander.
Ilang sandali ay nawala ang pagkatulala ko ng ako'y namangha sa aking napansin. May isang babae na lumapit sa front desk at siya ay nakipag-usap sa mga coordinator. Naririnig ko kung ano ang kanilang pinag-uusapan kasi may kalapitan lamang ang aming distansya mula sa kanila. Nagtanong ito kung ano daw ang room number ng pasyenteng hinahanap niya kaya pinindot ng lalaki ang button sa keyboard. Biglang lumabas ang isang projection sa salamin na galing sa optical device. Agad na hinanap ng coordinator ang room number ng pasyente sa holographic screen.
Grabe ang teknolohiya sa Arcadia; kakaiba, efficient at advanced. Siguro maraming matatalino ang mga nakatira dito at mukhang halos lahat sa kanila ay mga bihasang manggagawa.
"Anong iniisip mo diyan ba't tahimik ka?" mausisang tanong ni Theo sakin.
"Wala naman," matamlay na sagot ko at ako'y napabuntong-hininga sa pagkainip na may kasama naring pangangamba para sa mga anak ko.
"Sigurado ka ba?" Napahiga si Theoden sa ulo ko. Nabagot narin ata siya.
"Yes, Mr. Aberforth. I am one hundred percent sure," pabiro kong tugon sa kanya na may halong kalandian sa tono ng boses ko kaya natawa siya sakin.
Hindi naman kasi sa lahat ng panahon ay kailangan kong maging seryoso araw-araw. Nakakabaliw ito. Natatanto ko na sa sarili ko na bihira na akong ngumiti, di katulad noon. Parati nalang akong malungkot at galit. Kaya siguro ito ang dahilan kung bakit nawawalan ako ng sigla at gana sa katawan kasi binalot na ako ng aking mga negatibong emosyon. Sabi sakin ni tatay: kahit punong-puno ka na sa problema ay wag paring kalimutang ngumiti at tumawa dahil nakapagbibigay tibay ito sayo at pagagaanin nito ang kalooban mo kahit papano.
"Ngayon lang kita nakitang ngumiti ulit, ah." Kinurot ng marahan ni Theoden ang pisngi ko.
"Eh syempre, ayoko namang biyernes santo palagi itong mukha ko. Pagod nakong magseryoso sa buhay. Palagi nalang tayong pinaglalaruan ng kapalaran," rason ko at napairap ang aking mga mata.
"Ngiti ka nga ulit tapos mag-wacky ka, ang sarap mo kasi panoorin kapag nakangiti. Ayokong makita yung Nicolai na nakasimangot." sabi niya.
"Bahala ka nga, ayokong mag-wacky. Anong tingin mo sakin, clown?" napaismid ako.
"Sinong may sabi na clown ka? Prinsesa ka sa paningin ko no!" aniya at ako'y kinindatan ni Theo.
"Hay naku, kahit kailan ay hindi parin nawala yang kakornehan mo," natawa ako sa kanya.
"Corny na kung corny pero seryoso ako dun," aniya at umakbay siya sa akin. "Dibale, may nakita akong mga troopers kanina na nagjo-jogging sa gilid ng highway at narinig ko silang kumakanta ng isang marching song. Parang gusto kong pumasok sa pagiging trooper, Nicolai. Na-miss ko na kasi ang mga gawain natin noon sa headquarter at maliban diyan, gusto kong magsilbi sa Arcadia."
"Ikaw bahala, susuportahan kita sa mga plano mo." Bumangon ako at tumingin sa kanya.
Napakunot ang noo ni Theo at sinabing "Teka, wala ka bang balak? Subokan mong sumali sa kanila para magkasama tayong dalawa na magtatrabaho dun sa kanilang himpilan. Ayon pa ni Eunice, kailangan nating magtrabaho upang may maiambag tayo sa Arcadia dahil kung hindi, paaalisin tayo dito ni Marcus."
"Pag-iisipan ko pa," sabi ko.
"Alexander?" sambit ni Theoden ng makita niya itong pumasok sa pintoan ng entrance kaya bilis kaming tumayo dalawa at sinalubong siya.
Pagdating namin sa kanyang harapan ay kinausap ko agad si Alexander. "Nailigtas niyo ba ang mga bata? Nahanap niyo ba sila?"
"Natagpuan niyo ba ang mga anak namin?" tanong naman ni Theoden.
"Yes, we found them." Tumango si Alexander.
"Eh, nasaan sila? Ba't hindi mo kasama? Saan niyo dinala sila Ruthie at Thomas? Okay lang ba ang magkakapatid?" nag-aalalang tanong ko at ang aking boses ay natataranta ng kaunti.
"Mr. Sullivan, calm down," mahinahong sabi niya sakin. "You don't have to worry about Ruthie because she's alive and well pero yung kapatid niyang lalaki, si Thomas—"
"Bakit? Anong nangyari kay Thomas?" biglaang tanong ni Theoden na siyang pumutol naman sa salita ni Alexander. Mukha siyang natatakot sa kung ano man ang sasabihin nito.
"Wag sana kayong magulat sa sasabihin ko sa inyo, okay? Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa," kinalma nito ang boses niya upang hindi kami mabigla. "Ang kapatid ni Ruthie, si Thomas, ay natagpuan namin na wala ng buhay sa tabing-dagat ng isang isla. Patay na po siya Mr. Aberforth."
Ako'y napanganga at lumaki ang aking mga mata sa narinig ko. Kahit na natatantiya ko na ang kanyang magiging sagot ay nagulat parin ako. Si Theoden ay umiyak ng malaman niya ito at siya ay napaiwas ng tingin kay Alexander. Napakasakit ito para kay Theo kasi alam kong mahal na mahal niya si Thomas. Sila ang mag-amang mas malapit sa isa't isa. Higit pa sa matalik na magkaibigan. Nararamdaman ko ang labis na pighati sa kanyang mga mata at ako naman ay naawa. Di ko inasahan ang balitang 'to. May isa na namang buhay ang kinuha sa aming pamilya. Si Ruthie nalang ang naiwan.
"If you want to see him, follow me. Sa likod ng health facility ay may mortuary, dun namin dinala ang katawan ni Thomas at si Ruthie ay andoon rin. Binabantayan niya ang kanyang kuya," saad sa amin ni Alexander.
"Dalhin mo kami sa kanya," sabi ko.
"Okay, let's go." Tumalikod agad siya sa amin at kami'y sumunod sa kanyang likuran.
Iyak parin ng iyak si Theoden. Gusto ko rin namang umiyak upang ilabas itong lungkot sa puso ko pero wala akong mailabas na luha. Namamanhid na yata ang mga mata ko simula nung pagkamatay ni Abe. Nang marating na namin ang silid ng morgue ay unang pumasok si Alexander sa pintoan saka sumunod si Theo at ako ang panghuli. Hinanda ko ang sarili ko at ako'y huminga ng malalim.
"Papa!" may tumawag sa akin sa likod ko at nang lumingon ako ay si Ruthie ang aking nakita.
Nakaupo siya sa upuan at may dalawang troopers na nakabantay sa kanya. Malungkot ang anak ko. Puyat at namamaga ang kanyang mga mata. Mukhang kulang siya sa tulog at may mga kagat ng insekto sa mga braso niya.
"Anak!" sambit ko at tinungo agad namin ni Theoden ang bata. Niyakap namin siya at hinagkan ko si Ruthie sa noo.
"Salamat naman buhay ka at ligtas," sabi ko.
"Patay na po si Kuya, papa. Wala na po siya," sabi ni Ruthie sa amin at siya ay pasinghot-singhot. Basa ang mga pisngi niya sa luha. Parang kanina pa siya umiiyak.
"Oo, alam na namin ito anak," tugon ko sabay tango.
"Kumusta ka? May sugat ka ba? Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba anak?" tanong ni Theo nang humiwalay na siya ng yakap sa bata at pinagmasdan ito.
"Wala po akong sugat, okay lang po ako," sagot nito.
Napansin kong nakasuot na pala ng bagong damit at short ang anak ko. Sa palagay ko ay bigay ito ng mga troopers sa kanya.
Kinarga ko si Ruthie at hinatid na kami ni Alexander sa kung saan nakalagay ang bangkay ni Thomas. Nakita ko ang mga nakahanay na trolleys sa silid at karamihan sa kanila ay bakante maliban nalang sa isa at di ko na ipinagtataka pa kung kaninong katawan ang nakahiga.
Paglapit namin sa isang trolley na may bodybag, sinimulan nang binuksan ni Alexander ang zipper nito at pagkakita ko sa bangkay ay deritso akong napaiwas ng tingin sabay pikit ng aking mga mata at dito na lumabas ang mga luha ko. Nahihirapan akong tingnan ang anak ko dahil naaalala ko sa kanya si Luther. Napakabata pa nila para mamatay sa ganitong edad. Narinig ko ang paghagulgol ni Theo at niyakap niya ang katawan ni Thomas.
Sinubukan kong lakasan ang loob ko. Pinilit ko ang sarili ko na bumaling sa bangkay. Pagtingin ko kay Thomas ay kasingtulad na niya si Abegaille. Maputla, malamig at matigas.
Ilang bilang na kaya ang mga taong nawala sa piling ko? Sobra na 'to. Isa na itong pang-aabuso sa akin. Nagluluksa na yung puso ko sa dami ng mga sugat at siguro ay ganun narin si Theoden. Hinawakan ko ang likod niya at hinimas-himas ito para patahanin siya. First time ko lang marinig na humagulgol ang boyfriend ko. Ang sakit sa pakiramdam na marinig ang ingay ng kanyang pag-iyak.
"Mayroon siyang malalim na saksak sa tiyan. Sabi sa akin ni Ruthie ay nasaksihan daw niya ang nangyari sa kanyang kapatid nung pabagsak na sa dagat ang sinasakyan niyong plane. Ayon pa sa anak niyo ay may isang matulis at mahaba na metal ang tumusok sa bahagi ng kanyang puson. Lumipad raw ito kay Thomas nang pinagwawasak ng Nykteris ang inyong sasakyan," kuwento sa akin ni Alexander.
'Kanino kaya galing ang mga dugong iyon? Kanino?' ito yung huling katanungan sa loob ng isipan ko nung malunod ako sa ilalim ng karagatan at ngayon ay nabigyan narin ito ng kasagutan. Ang dugong kumalat sa tubig ay galing pala iyon kay Thomas, hindi sa akin o kay Ruthie.
****
Inilagay ang katawan ni Thomas sa isang organic burial pod na pormang kapsula. Sabi sakin ni Alexander, ang pod na 'to ay gawa sa isang biodegradable materials na kapag inilibing at naagnas ang bangkay sa loob nito ay magiging isa itong punung-kahoy. Pinaliwanag pa niya sakin kung paano ito gagana: kapag nabulok na daw ang katawan ng tao, magbibigay ito ng nutrisyon sa lupa at ang isang sapling na nakatanim sa ibabaw ng pod ay magsisimula ng mag-ugat.
Nakalibing ang pod ni Thomas sa malawak na area ng memorial garden. Siguro kapag lumaki na ang tanim at magiging puno ito, hindi ko mararamdaman na wala na siya at ang mga alaala niya sa nakaraan ay nakabaon lamang sa ilalim ng mga ugat. Mananatili si Thomas na kasama sa aming tabi habambuhay.
"Inaantok po ako, gusto ko munang matulog sandali," sabi ni Ruthie sa amin matapos ang libing ng kanyang kapatid.
"Jeff!" Tinawag ni Alexander ang isa niyang kasamahang trooper at inutusan ito. "Dalhin mo ang bata sa kuwarto ko, dun sa headquarter."
"Sasama ako, babantayan ko ang anak ko," sabi ni Theoden sa kanya.
"Okay." Pumayag si Alexander.
Lumapit sa akin si Theo at ibinigay ko sa kanya si Ruthie. Nang makarga na niya ang bata ay kinausap niya ako.
"Sasama ka ba sakin o mananatili ka muna dito?" tanong niya.
"Dito muna ako saglit, susunod din ako mamaya," sagot ko.
"Sige." Sambit niya at ako'y hinalikan ni Theo sa labi bago siya umalis sa harap ko at sila'y sinamahan ng isang trooper na ang pangalan daw ay 'Jeff'.
Nang magtungo na ang tatlo sa headquater ay umupo ako sa bermuda grass at pinagmasdan ko ang puntod. Wala akong masabi na kahit ano sa anak ko. Blangko ang utak ko sa mga oras na ito kaya tahimik lamang ako. Sasamahan ko muna si Thomas sandali, mamaya na ako aalis sa garden na ito.
"Nicolai Sullivan diba ang pangalan mo, am I right?" tanong sa akin ni Alexander. Akala ko umalis na siya, andito pa pala ang lalaking 'to.
"Oo, bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Gusto ka daw makausap ni Sir Marcus Leighberdeen," sagot niya.
"Leighberdeen?" napadilat ang mga mata ko sa apelyidong aking narinig. Itong rebelasyon na 'to ang mas nagbigay ng malaking gulat sa akin kesa sa pagkamatay ni Thomas.
Marcus Leighberdeen, ang matandang nakausap ko kanina sa opisina, kaano-ano mo ba si Mayor Benedict Leighberdeen? 

Bình Luận Sách (36)

  • avatar
    MAGUIGADJM

    ⁿⁿⁿⁿ

    9d

      0
  • avatar
    Plaza Akiyuri

    you po mama de Venta en San Diego county ok po I love you you daddy is you daddy is you daddy is you too po Kase ako you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is going to get me to the moon and the stars ok po sabi ingat you daddy and I will be home in about an you daddy and I love the stars mean to the moon is you too po sabi ingat po kayo I love it so far so good how are the stars ok po sabi you daddy and the stars mean to the stars ok I love the stars mean to send tha one

    20/08

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    i like it

    29/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất