logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Under The Moon

Under The Moon

anxiouschip


Chương 1 Good luck!

HERA'S POINT OF VIEW
"Dad, saan ba talaga tayo pupunta?" Kanina ko pa tinatanong si Dad pero para bang wala siyang naririnig. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa daan.
"Dad." This time, tinapik ko na siya sa balikat kaya napalingon siya sa akin. "Saan po tayo pupunta?"
"Basta," sagot niya sabay balik ng kanyang tingin sa harapan. Napabuntong-hininga na lamang ako. May lugar pala na Basta, ngayon ko lang nalaman.
2:30 am pa lang kanina, ginising niya na agad ako. Ewan ko ba, basta pinag-impake niya ako ng mga gamit ko. Tinulungan pa nga niya ako dahil kabagal ko raw.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit tagaktak siya sa pawis kanina - pati nga ang damit niya, basang-basa. Napansin ko pa ang pajama niya na nadumihan ng alikabok sa ibabang parte nito at ganoon din sa mga paa niya. Parang hindi siya nanggaling sa pagtulog dahil namumugto pa rin ang mga mata niya hanggang ngayon. Tila, napagod siya kanina dahil sa pagtakbo pero wala naman akong maisip na dahilan kung bakit. Or maybe, nag-jogging siya nang nakapaa-paa. Ugh! Imposible iyon. Tamad si Dad na mag-exercise.
"Matulog ka na lang muna. Gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Kanina pa talaga ako inaantok. Pilit ko lang nilalabanan dahil binabagabag ako ng mga katanungang nabubuo sa aking isipan.
Isinandal ko ang aking ulo sa headrest ng kinauupuan ko at pagkaraan ng ilang saglit, nabalot na ng kadiliman ang aking paningin.
"Hala! Dad! Napapalibutan tayo ng tubig! Lulubog na tayo! Ayaw ko pang mamatay!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa kakasigaw. Natataranta na ako.
"Calm down! Hindi tayo lumulubog, okay? Nakalutang itong kotse." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad. Lumulutang? Seryoso?
"Seriously? Dad?" tanong ko. Baka nagbibiro lang siya.
"Yes," sagot niya.
Agad akong sumilip sa bintana. Whoa! Lumulutang nga. Bakit hindi sinabi sa akin ni Dad na may special feature itong kotse?
"Cool, right?" Tinignan ko nang masama si Dad na ikinaseryoso ng kanyang mukha. Baka nilustay niya ang pera na ipinapadala ni Mom.
"Magkano itong kotse, Dad?"
Nagulat na lang ako nang bigla siyang humagalpak sa tawa habang nagdra-drive. Tumigil din siya noong mapansin niya 'kong seryosong nakatitig sa kanya.
"Fine. Hindi ko ito binili kundi ibinigay ng Mom mo sa akin para in case na magkaroon ng emergency, pwede nating gamitin."
"So this is an emergency?" tanong ko sabay ayos sa salamin ko. Mukhang natigilan siya kaya dinagdagan ko pa. "Tell me the truth, Dad. Kung ililihim mo pa iyan, malalaman at malalaman ko rin. Kaya sabihin na ninyo habang hindi pa ako nagtatanim ng galit."
"I know. Kaya nga kita ipupunta roon," aniya.
"Roon? Saan po?"
Itinuro niya ang harap kaya sinundan ko ito ng tingin. Halos hindi na ako makahinga sa aking nasilayan.
"Dad, ano ang klaseng lugar ito? Parte ba ng Pilipinas ito?" Pagkaapak na pagkaapak pa lang namin sa lugar, panay na ang pagtatanong ko. Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
Napakaraming humanoid robots ang nagkalat sa paligid. Hanggang baywang ko lang ang height nila pero kapag tititigan ka nila, parang mauubusan ka ng dugo sa katawan.
"Hello!" Napatalon pa ako dahil sa gulat nang may sumulpot sa mismong harap ko na isang robot. "Welcome to Wolverian Territory." Wow! Akala ko pa naman kung ano ang gagawin niya. Phew, kinabahan pa ako.
"Wait, what? Wolverian Territory?! Ngayon ko lang narinig iyon, ah. Nabasa ko na lahat ng mga information about sa mga lugar dito sa Earth ngunit walang ganitong klaseng lugar, Dad. Don't tell me, nasa isang ibang planet tayo." Sinamaan ko siya ng tingin nang pagtawanan niya na naman ako. Okay. This is so weird!
"It's unbelievable, right? But this is real. This place is forbidden so no one knows about this except us." Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya.
"What do you mean, Dad?" Napahinga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Hera, this is the place where we truly belong - the Wolverian Territory."
"Are you kidding, am I right?" If it's a joke, it's not funny.
"Take this seriously, Hera. We're not ordinary humans. We are Wolverians."
"Dad, it's not funny."
Humakbang palapit sa akin si Dad kaya automatic na napaatras ako. Parang nakararamdam ako ng panganib ngunit hindi ko malaman kung bakit. Napatulala na lamang ako nang sa isang iglap ay sinuntok niya ang isang puno na dali-daling natumba sa lupa. Sa lakas ng impact, niyanig pa ang paligid na naging dahilan ng pagkataranta ng mga robots.
Paano niya ginawa iyon? Ang bilis at ang lakas - kakaiba.
Agad akong napaatras noong nasa harap ko na siya. Ikinuyom ko ang aking mga kamao para patigilin ang nararamdaman kong panginginig sa buong katawan ko.
"Alien ka, ano? Layuan mo ako!" Humagalpak siya sa tawa noong sinabi ko iyon. Fine, suko na ako. Si Dad nga ito.
"I told you. We're Wolverians - 30% wolf, 70% human. Mga tao tayo na may abilities ng wolf." Matagal pa bago nag-sink-in sa utak ko ang kanyang sinabi.
"May abilities ng wolf? Katulad ng matalas na senses at kakaibang lakas at bilis?"
"Exactly―"
"Pero bakit wala akong abilities na ganoon kung talagang isa nga ako sa inyo, Dad?"
16 years old na ako ngunit wala akong nararamdaman na may wolf abilities ako. Baka malaking kalokohan lang itong sinasabi niya―pero posible, eh. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang ginawa niya.
"I don't know. That's why I take you here. Dito ka na mag-aaral."
"What?" Huh? Seriously?
"Yeah. Nakalagay na ang mga papeles at perang kailangan mo riyan sa loob ng backpack," sabay turo niya sa bag na nasa likuran ko. "Sa uniforms naman, sila na ang magbibigay ng mga 'yon. Sa tutuluyan mo, may dormitories do'n."
Wait, this is so much!
"Dad, alam ba ito ni Mom?" Napakunot ang noo ko nang umiling siya.
"Hindi pa but, I hope that she'll be happy." Ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako pabalik pero agad ding nabura no'ng akmang papunta siya sa kotse.
"Dad!" tawag ko sa kanya. Napatigil siya at humarap sa akin. "Where are you going?"
"Uuwi na―"
"Uuwi ka na tapos iiwan mo ako rito? Dad, hindi ko alam itong lugar na 'to."
"Fine. This place is called Wolverian Territory. It is divided to five parts: ang Akróasi (North), Myrodiá (South), Tachytita (East), Órasi (West), and Dynami (Middle). Sa kinatatayuan natin, narito tayo sa Órasi. Sa Órasi Academy ka mag-aaral. And ano pa ba? Ah! Napakamoderno ng lugar na 'to dahil maraming mahuhusay na Wolverian scientists and inventors, pero hindi gumagana ang phones dito. Any questions?"
"Actually, marami po―"
"Gamitin mo ang isip mo. Good luck!"

Bình Luận Sách (107)

  • avatar
    Nyx Selvixis

    this story is so good

    06/06/2022

      0
  • avatar
    Lebiralc Gusi Andal

    Wow it so beautiful story aabangan ko ang book two😍😍,,keep writing author😊

    12/05/2022

      0
  • avatar
    CorcinoRicamay

    dhslownw

    1d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất