logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

ADAAT 4

SINUNDAN NG mata ko ang daliri kong nakaturo sa papel para basahing mabuti ang nakalagay sa resume. Sinabi ko namang kahit hindi na gawin ito ni Aziel dahil okay na iyong interview lang, pero nagpapasa pa siya ng ganito.
Lumubog ang upuan sa tabi ko, nalanghap ko pa ang mamahalin niyang pabango. Parang lagi siyang bagong ligo dahil sa fresh ng amoy ng citrus at may iba pang kasama kaya napaka-manly ng dating sa ilong ko.
“I don't want to hire this girl,” sabi niya sabay turo sa nakadikit na picture.
Nilingon ko siya. Bakit hindi? May experience naman siya sa pag-aalaga ng bata.
“She's not capable to babysit Rosette,” dagdag niyang nakapukol ang tingin sa papel.
Nasa mid-thirties, pixie cut ang buhok at nakalagay sa experience niyang dalawang taon siyang nag-aalaga ng bata. Naalala ko ring may anak din siya noong na-interview namin siya kanina, pero ayaw sa kaniya ni Aziel.
Mas magandang maging tugma kami sa pagpipili ng babysitter para sa ganoon ay walang problema. Hindi namin pag-aawayan na ako nag-hire at ipinilit sa kaniyang tanggapin.
“How about this?” tanong ko at iniipit ang daliri kung saan ang tinutukoy ko.
Tiningnan niya ang picture ng aplikante. “She's too old to help you.”
Sinulyapan ko siya. Kakaunti pa lang ang puting buhok base sa picture at hindi naman mapapansing matanda. Hinanap ng mata ko ang edad niya at nalamang kaya pala niya nasabi iyon dahil lampas na nga sa employee age.
“May experience pero siya sa pag-aalaga ng bata. Matagal na siyang nanny,” sabi ko. Gusto kong siya na lang ang katulong ko sa pag-aalaga.
Matututo pa ako sa kaniya. Nag-volunteer si mama na siya ang tutulong sa akin, pero ayaw ko. Iba ang iisipin ni Tita Vivian. Sasabihin niyang pinapaboran ko palagi ang mama ko, kaya mas magandang ibang tao na lang para walang gulo.
Tumango siyang sinulyapan ako. “Yes, she may experienced about this kind of job, but consider her age. She's already sixty-six,” sambit niyang binilog-bilugan ang kinaroroonan ng edad ng aplikante gamit ang hintuturo.
“Tingnan mo itong resume nito,” sabi ko ulit nang ipakita ko sa kaniya ang pangalawa sa huling resume ng aplikante.
Muli siyang umiling. “She's not trustworthy.” Inayos niya ang pagkakabit ng neck tie.
Lumandas doon ang kamay ko para tulungan siya sa pag-aayos dahil mali ang pagkakakabit niya. Itinupi ko rin nang maayos ang collar ng suot niyang black suit.
“Uso pa naman ang magnanakaw ngayon,” sabi niya. “Hindi natin alam kung spy iyan o may masamang balak.”
Kumunot ang noo ko dahil napakaaga pa para husgaan siya. Pinansin ko ang picture ng babaeng hindi ko naman makitaan ng kahina-hinala. Nang dahil lang sa parang pagod niyang mukha, makapal ang labi, hindi na katiwa-tiwala?
“We need to hire someone who has a at least one year of experience,” klaro niya, magiging businessman bigla ang aura niyang nakikipag-usap sa akin.
Three months lang iyong work experience niya nang basahin ko ulit ang nasa ibabang bahagi ng resume nito.
“Hindi sa sumasang-ayon ako sa sinabi mo sa kaniya, pero medyo nakapag-aalala nga kasi kulang sa work experience,” sagot ko.
Talagang mataas talaga ang standard niya sa mga employee. Kahit sa family business nila ay madalas akong nakakarinig sa mga nagtratrabahong nakatatakot daw siyang boss. Kapag oras kasi ng trabaho, gusto niya iyon ang gawin nila at hindi ang makipagkuwentuhan.
Mabuti na lang at ipinilit ko sa kaniyang kunin niya ang gusto niyang bachelor's degree noong kapanahunan ng kolehiyo namin. Gusto niya akong sundan at sinabi pang mag-doktor na lang kami para mas maganda ang opportunities na dumating sa amin, pero ayaw kong gawin niya iyon nang napipilitan.
Halata namang iba ang gusto ng puso niya, kaya mabuti na lang hindi rin niya ipinilit sumama sa akin.
Itinuro ko sa kaniya ang huli nang ilipat ko sandali ang mata para pasadahan ng tingin ang info niya.
“No, not that one too,” mabilis niyang tanggi. “Baka hindi pa niya alam humawak ng bata.”
Umawang ang labi ko. Akala ko papayagan niya ang isang ito. Gusto kong tulungan sa pinansyal dahil alam kong mahirap maging working student, kahit hindi ko naman naranasan noon. Nakikita ko kasi ang hirap ng mga kaklase kong ipinagsasabay ang trabaho sa pag-aaral.
“You're working at home, then you'll hire a working student?”
Sumimangot akong nanlanta ang balikat. “No one passed. Shall we continue looking for a baby sitter tomorrow?” tanong ko.
Nakakaawa namang wala kaming napili sa unang batch. Sana makahanap pa sila ng magandang trabaho at iyong siguradong tatanggapin sila.
“Probably,” sagot niyang umahon sa pagkakaupo. Dinampot niya ang bag sa couch at naglakad palayo.
Tumayo rin ako para ihatid siya sa labas. “Huwag muna kaya akong bumalik sa trabaho?” tanong ko.
Binuksan niya ang pinto ng driver's seat, pati ang back seat. Inilapag niya roon ang bag niya. Kinuha ko naman ang mga ilang box ng walang laman para hindi makalat sa loob.
“Hindi kita pinipigilan. Pag-isipan mo lang mabuti,” lingon niyang sagot pagkasara sa pinto ng backseat.
“Kung wala na tayong mahanap bukas, tatawagan ko si mama. Baka sabihin kong sa atin muna si Manang Ester o si Manang Pina—kung sino ibibigay niya sa atin.”
Ngumiti akong sinabayan ng pagtango. Mabilis niyang idinampi ang labi sa noo ko. “I'll head to work. Make sure to close the gate after. Mag-ingat kayo ni Rosette.”
Tumango-tango akong sinulyapan ang pagsara niya ng pinto at ibinaba naman nito ang bintana. Patakbo akong tumungo sa gate para buksan nang buksan niya ang engine ng kotse.
Nakadikit ang kamay ko sa hawakan ng gate sa labas, hinihintay ang paglabas niya.
Dahan-dahan ang kaniyang pag-atras. Nakikita ko pa ang pagsulyap-sulyap niya sa side mirror, sinusundan ang kamay kong sinesenyasan siyang umatras lang.
“Paborito mo mamaya ulam natin,” sabi ko nang makalabas siya nang tuluyan.
“Yes!” masaya niyang sigaw, naitaas pa ang kamao dahilan para humagikgik ako. “Makakauwi ako nang maaga.”
“Ingat sa pagmamaneho,” pahabol kong paalam nang umabante ang kotse.
Iwinagayway niya ang inilabas nitong kamay sa bintana at bumusina. Kumaway ako pabalik. Hinatid ko ng tanaw ang paglayo ng minamaneho nitong kotse bago ko isara ang gate.
***
Napainat ako ng likod pagkatapos kong mag-breast feed. Bumalik ulit siya sa pagtulog. Pansin kong mahilig matulog si Rosette at hindi palaiyak. Hindi niya kami gaanong pinupuyat ni Aziel.
Napakabait naman niyang bata. Binuhat ko ang hugis hotdog na unan, inilapit sa tabi niya. Tinalikuran ko ang crib at tutungo sa kama para buksan ang laptop nang maagaw ng atensyon ko ang dalawang magkasunod na doorbell.
Nagmamadali akong bumaba bago pa nito tuluyang pindutin nang tuloy-tuloy ang doorbell at maging dahilan ng pagkalingat ni Rosette.
Pagbukas ko sa maliit na gate para silipin kung sino iyon ay namulagat ako sa nakita. Malawak ang ngiti kong binuksan ang malaking gate para makapasok siya bago isara ang maliit.
“Manang Ester, tumuloy ho kayo,” paanyaya kong nagbigay ng daan.
Ngumiti naman siyang nakatingin lang sa akin. Pinag-aaralan ang mukha ko. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Kailan na nga iyong huli?
Third year college pa yata ako noon. Si Manang Ester iyong kasambahay ni Aziel sa condominium unit nito kasi malayo iyong University namin.
“Kumusta na ho kayo?” tanong ko.
Mas dumami ang puting buhok ni manang at kapansin-pansin ang pagtanda nito.
“Kagagaling ko lang probinsya at noong bumalik ako sa mansion, pinapunta agad ako rito ni Ma'am Vivian.”
Napatango akong iginiya sa papasok sa loob ng bahay. Liningon niya ako bago tuluyang itapak ang paa sa welcome mat at ipagpag ang sapatos.
“Sasamahan daw kita sa pag-aalaga sa anak ninyo ni Sir Aziel pansamantala at para bantayan ka raw,” sabi niya.
Tama nga ako ng hinala. Hindi basta-basta magpapadala ng kung sino si tita kung wala siyang gustong ipagawa. Kailan kaya siya magtitiwala sa akin? Kailan kaya siya magigising sa mga paratang niyang wala namang katotohanan?
Nag-aalala ang mata ni manang noong makita ko, pero agad akong nag-iwas para hindi siya lalong mag-alala pa.
“Kumain na ho ba kayo?”
“Katatapos ko lang, hija. Salamat.”
“Sumunod ho kayo sa akin. Ituturo ko po kung saan kayo matutulog,” sabi ko at sinenyasan siyang sundan ako pagkatalikod.
“Magtratrabaho ka na raw ba ulit, hija?”
Tumango ako. “Opo, manang. Puwede raw naman ho akong mag-work from home muna sabi ng dati kong boss,” sagot kong itinuro ang sofa para ilapag ang dala niyang bag, pero inilingan lang niya ako.
“Nagtuturo ka pa rin ng mga bata?”
Tumango ako at pinakiramdaman ang presenya niyang nakasunod. Mabuti ay nalinisan ko kahapon itong guest room. Alam naman siguro ni Aziel na si Manang Ester ang nandito sa bahay. Siguradong siya ang nagsabi kay Tita Vivian na wala kaming nahanap na babysitter.
“Paano ang set up kung sa bahay ka magtratrabaho?”
Sumilip pa siya at nanatiling nakatayo sa labas ng pinto. Nakangiti kong hinila ang kamay ni manang. Hinawi ko ang kurtina nang sa ganoon ay pumasok ang liwanag sa madilim na kuwarto.
“Online, manang.”
“Mabuti pinayagan ka ng ganiyan. Hindi mo rin naman puwedeng iwan ang anak mo nang maaga. Kailangan niya ang gatas mo,” sabi niyang ikinatango ko at kinuha ang gamit niyang tuluyan niyang ibinigay sa akin.
Inilagay ko ang bag sa hinila kong wooden chair at binuksan ang ilaw para tingnan kung may problema.
“Hindi nga ho puwede. Dapat six months to one year magpadede para malakas immune system ni Rosette,” sagot ko.
“Okay na ho kayo rito?”
Tumango siyang iginala ang mga mata sa loob ng maluwang na kuwarto. “Huwag kang maabala. Ayos lang sa akin kahit saan ako matutulog,” sagot niya. “Di ba midwifery tinapos mo? Bakit hindi na lang iyon ang kunin mong trabaho?” maagap niyang tanong. “Lisensyado ka naman yata.”
Lumabas kami para ipakita sa kaniya si Rosette. Mabait sa manang, para ngang siya ang nanay ni Aziel kaysa kay Tita Vivian dahil siya ang nag-alaga at nasubaybayan ang pagtanda ni Aziel hanggang sa maikasal siya sa akin.
“Hindi ho kayo magsusumbong kay Tita Vivian?” tanong kong natawa nang mahina.
Hindi lang ako sigurado kung siya ang nagsusumbong kay tita o si Manang Pina, na parehas sila ng ugali ni Tita Vivian. Ayaw rin sa akin. Medyo kasundo ko pa si Manang Ester dahil siya ang madalas kong kakwentuhan noong palagi akong inuuwi ni Aziel sa condo niya.
“Nako, hindi. Walang lalabas sa bibig ko tungkol sa pag-uusap natin,” sagot niyang tila may zipper ang bibig nang isara niya ito. “Alam ko namang hindi kayo magkasundo ni Ma'am Vivian.”
Pinuntahan namin ang crib malapit sa wall, malayo sa sinag ng araw galing sa bintana. “Six months akong nakapagtrabaho as midwife, pero pinagsabihan ni tita si Aziel na mag-retiro ako,” kuwento kong nagbaba ng tingin.
“Sinasabi kasi ni tita na may lalaki ako, e, kahit katrabaho ko lang mga iyon at kaibigan. Iyong iba pa nga, boyfriend ng mga kasama ko,” dagdag kong napangiti nang makitang dumilat si Rosette. Na-recognize yata ang boses ko o ang amoy ko.
“Nako, si Sir Aziel talaga. Hindi dapat siya nagpapaniwala kay Ma'am Vivian.” Sumilip siya sa crib. “Nawalan ka tuloy ng trabahong gustong-gusto mong gawin,” sambit niyang ramdam ko ang empatiya sa kaniyang boses.
Ngumiti akong binalingan siya ng tingin. “Napamahal na rin ho ako sa pag-tu-tutor sa mga bata.”
Masaya ring turuan ang mga bata at makipagkuwentuhan sa kanila. Nakakataba nga sa puso. Natatanggal pa ang stress at mga pasan ko sa tuwing ipinapakita nila sa akin ang kanilang kakulitan.
Iyong mga boses nilang hindi ko maintindihan minsan dahil nabubulol pa sila, pero fluent sila sa ingles.
“Huwag n'yo na lang hong banggitin kay Tita ito, manang. Baka isipin niyang sinisiraan ko siya at mas kamuhian lang niya ako,” pakiusap kong inabot ang kamay ni Rosette na nakangiti nang malawak habang nakatingin siya sa amin.
“Makakaasa ka, hija. Magiging sarado ang bibig ko.”
Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. “Ang tahimik naman ng batang ito,” pansin niyang hinawakan ang isang kamay ni Rosette.
“Kamukhang-kamuha n'yo ni Sir Aziel,” puna niyang iginilid ang ulo, pinapansing maigi ang namana ni Rosette sa amin ni Aziel. “Pinaghatian ninyo. Napakagandang bata nito paglaki.”
Hinawakan ni Rosette ang hinlalaki ko. Pakunwari kong binabawi ang daliri, pero kinukuha niya.
“Nakuha niya iyong hubog ng mukha mo, at saka iyong manipis mong labi,” pagpansin niyang napansin ko pa sa gilid ng mata ko ang pagsulyap niya sa akin. “Pati rin pala iyong pilik-mata mong mahaba at makapal, hija.”
“Pero mas maganda iyong mata niya,” sabi kong hindi inalisan ng titig ang anak kong napakaganda ng ngiti. “Napakaganda gaya ng mata ni Aziel. Almond shape at color dark cheesenut.”

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    D.DelaCruzGioMark

    mahihiwalay

    4d

      0
  • avatar
    TurlaoNathaniel

    frufuiairarjajrajfafjfjsfjsjskfskskfskfskfskjfzjfzjfzjfzfjzjfzjffjzfjJfsjfzjafjjfajsjfJffjJFjFjJffjafjajrajfajfafjsfjafjsfjFjsfjsfjsfjsjfsjtsrjsjrsjxkgxjgxhflydydufifigigigifuficjcigifouskthsjtsmsjggnsyhhsgznhxhdjdjfkcifitifjrieldkyudludlufuurukelurlurlujjdmhdlufuldudkudkudkudkydkudukfukdkydkydkydkdyoyeioykydydkykkykydkududludkydlhclhfyldykdkgxkydkyxkydktxgkxyxucicicicucucjvjvhdtsygkbjxfsiglggzoghzhfyhslagsulsgdigsykahdtjajgdjdylsrhsulshykrkyshfstatjdsjtslhskyludlysjtaktsylslysylskylysyldoydoydp

    6d

      0
  • avatar
    Nyl Los

    galing

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất