logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

ADAAT 3

ABOT-LANGIT ang ngiti kong lumapit. "Good evening, tita," pagbati ko, kinukuha ang kamay para sana magmano nang agad niyang itago sa likuran at lampasan ako.
Napahiya ako kaya ipinunas ko na lang ang kamay sa shorts ko. May ngiti sa labing sumunod ako sa kaniya at pananatili ko ang dalawang hakbang na agwat namin. "Kumusta na ho kayo? Mabuti nakabisita kayo rito," sabi ko habang dire-diretso siyang naglalakad.
She roamed her eyes around the house, seems like she's looking for Aziel. Sasabihin ko sanang nasa itaas, pinapatulog si Rosette pero hindi ko nagawa. Hindi alam kung bakit parang nalunok ko yata ang dila ko. Nang magsawa siya sa pagkilatis sa bahay, humarap siya sa akin pagkatapat niya sa sofa.
"Nanganak ka na pala." Pinagpag niya ang upuan gamit ang nakasandal na unan. "Ano'ng plano mo ngayong nanganak ka na?" tanong niyang ipinagkrus ang hita pagkaupo saka niya inilapag nang maingat ang mamahaling bag sa mesa.
Naupo ako sa couch. "Babalik ho siguro ako sa pagtratrabaho, tita," sagot kong sinamahan pa ng ngiti.
Sinundan ko ang pagbaba ni Aziel, nakangiti siyang nakatanaw sa likuran ng mama niya. Napansin naman yata ni Tita ang tinitingnan ko kaya lumingon siya. Tuwang-tuwa siyang tumayo nang makita niya si Aziel. Sinalubong niya ito ng yakap matapos bumeso ni Aziel.
Lumingkis si tita at hinila nang may panggigigil, halatang na-miss niya ang anak. Pagkabalik ni tita sa pag-upo, humiwalay sa kaniya si Aziel para umupo sa arm ng couch sabay akbay sa akin. Tinapik-tapik ni tita ang espasyo sa tabi niya. Sinenyasan ko siyang tabihan niya si tita roon.
Tumaas ang isang kilay niya. "Ikaw, magtratrabaho ka pa? Dumito ka na lang sa bahay para alagaan ang anak ninyo at alagaan si Aziel."
Umupo si Aziel sa tabi niya at hinarap ito nang may guhit sa noo. "Papayagan mong magtrabaho ang asawa mo?" tanong niya.
Matipid na tumango si Aziel. "Hindi ko naman siya pagbabawalan, Ma. Kung iyon ang gusto niya, doon siya." Ngumiti siyang tinapunan ako ng tingin.
Nailing-iling siyang tiningnan ako. "Kaya pala lumalaki ulo ng asawa mo kasi palagi mong pinagbibigyan sa gusto niya," pasaring niyang sabi, tunog nangsusutil. "Ano na nga bang trabaho ang papasukan mo?"
"Sa tutorial po, tita. Babalik ho ako doon."
Maganda naman ang trabaho ko roon. Nang malaman nga nilang nanganak na ako, nag-email agad sila sa akin at puwede pa raw akong bumalik doon kung gugustuhin ko. Nabanggit ko rin naman na ito noon kay Aziel noong mag-resign ako na baka babalik pa ako sa pagtratrabaho.
"Maliit lang ang sahod mo doon, paano ka makakatulong sa pamilya ninyo?" taas-kilay pa rin niyang tanong sa astang minamaliit ako. "Mas maganda kung maging full time housewife ka na lang. Sinasayang mo lang lakas mo. Malayo pa man din sa tinapos mong midwife ang pagiging tutor."
Hinila ko ang laylayan ng blouse ko at pinagtutupi ito habang sinasabayan ko nang mahihinang pagpapakawala ng hangin. Ginawa ko ang makakaya kong hindi pumalpak sa pagngiti dahil baka pati ang matipid at naiilang kong ngiti ay pansinin pa niya.
"Pag-uusapan ho muna namin, tita. Plano pa lang naman ho. Wala pa akong sinabing magtratrabaho na ako agad," may respeto ko pa ring sagot.
Palagi na lang ganito ang bungad niya. Akala ko pa naman ay gaganda ang pakikitungo niya sa akin noong malaman niyang makakaroon siya ng apo, pero mukhang lumala yata siya.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang maganda kong gawin para magustuhan niya ako. Ginagawa ko naman lahat, pero parang kulang pa rin sa kaniya. Parang hindi pa sapat lahat ng ginagawa ko bilang asawa ng pinakamamahal niyang anak.
"Eh, parang ganoon na rin iyon. Nililito mo lang kami ng anak ko." Siniko niya si Aziel.
"Ma, that's enough. We'll decide what's the best for us," pikit-matang saway niya dahilan para umawang nang kaunti ang labi ni tita.
Halukipkip niyang hinarap ang asawa ko. Halatado sa mukha niya ang hindi pagkapaniwala. "Nakakalimutan mo na bang may lalaki siya doon sa tutorial na pinagtratrabahuan niya?" kompronta niyang pag-uungkat sa nakaraan.
Lumunok akong naglakas-loob sumabat para ipagtanggol ang sarili ko. "Nalinaw ko na ho kay Aziel ang tungkol doon na wala ho akong lalaki, tita."
Binato niya ako nang mapanghusgang tingin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi. Sanay na ako sa ganitong pagtrato niya, pero minsan, nakapapagod ding hayaan na lang siyang gawin ang gusto niya.
She didn't suceed to break our relationship when we're still in college. I don't see her as a threat because she is my mother-in-law. My only wish is to be close to her, accept me as Aziel's wife, but I can't force her to like me if she hates me.
Gumuhit ang maliit niyang ngisi sa labi. "Kung ako sa 'yo, Aziel, bantayan mo iyang asawa mo kung sakaling nabilog ka niyang magtrabaho. Baka bubukaka na agad iyan kasi 'di na—"
"Ma, I said that's enough."
Napansin ko kung paano nanlaki ang mga mata ni tita sa pagsaway sa kaniya ni Aziel. This is the first time he stopped his mother to talk. Palagi niyang ipinagsasawalang-bahala ang sinasabi ni tita sa aming dalawa.
Mahina siyang tumikhim at umayos ng upo, kunwaring hindi nagulat matapos akong sulayapn nang ilang segundo. Hinawakan niya ang braso ni Aziel. "Oh, ba't ako ang sinusuway mo? Sinasabi ko lang kung ano ang makabubuti sa pamilya ninyo," mabait niyang sabi sabay haplos sa balikat ng asawa ko.
Nanatili akong tahimik dahil alam kong kapag magsasalita ako, sa akin ililihis ni tita ang atensyon ni Aziel.
Huminga nang malalim si Aziel at ang paraan ng tingin niya ang humihingi ng paumanhin. Napansin ko pa ang pagsara at bukas ng kaniyang kamao na nakapatong sa kandungan niya.
"Pumasok ka na sa kuwarto, Ruth. Kakausapin ko lang si mama," kalmadong utos niya dahilan para tanguan ko.
Tiningnan ko si tita, magpapaalam sana ako sa kaniyang iiwan ko sila, pero nakataas lang ang kanang kilay nitong nag-iwas ng mukha.
Dumaan lang ako na parang hangin. Pakiramdam ko ang bastos ko dahil hindi ko man lang napaghandaan ng makakain si tita, o naalok man lang kumain.
Naramdaman ko ang presensya bigla ni Aziel sa tabi ko, sinasabayan ako sa pag-akyat. "Huwag mong awayin ang mama mo," sabi ko.
Problemado siyang nagpakawala ng buntonghininga. "I can't promise."
Huminto ako sa paghakbang at hinarap siya. Kinuha ko ang mga kamay niya para hawakan at diretso siyang tiningnan sa mata. "Please, don't. She's still your mother."
Matipid siyang ngumiti pati ang pagtango. Tumaas-baba ang dibdib niyang napapikit pa. Binawi niya ang kamay pagkadilat, mahinang tinapik ang balikat ko sabay tulak para pumasok sa kuwarto namin.
Iniharang ko ang palad kaya hindi niya naisara ang pinto. Nakikiusap ko siyang tiningnan sa mga mata. He sighed in defeat as he nodded continuously. "Okay, okay. I'll try my best to make sure that we won't fight over that."
Hinaplos niya ang buhok kong dinampian ng halik sa ulo dahilan para ngitian ko siya. Ayaw kong mas lumalim ang pagkamuhi sa akin ni Tita Vivian. I am planning to introduce her with Rosette, but the timing is not right. Maybe Aziel will be the one do it right now.
Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ko buksan nang maliit ang pinto.
"Ma, I think it would be better if you leave. I'll drive you home and let's talk tomorrow."
"Kabibisita ko lang dito sa bahay ninyo at paalisin mo agad ako sa ganitong oras?" hindi makapaniwalang tanong ni tita. "Nagbago ka na, Aziel. Simula noong pakasalan mo iyang babaeng iyan, hindi mo na ako tinatrato nang maayos."
Binitiwan ko ang doorknob. Ako na naman ang nasisi. Hindi ko siya tinuruan kung paano itrato ang mama niya. Ang hirap namang makasundo ni Tita Vivian.
"Palagi mo namang inuungkat ang nakaraan, Ma. Wala siyang lalaki. Kasal kami."
"Paano ka nakasisiguro?"
Isinara ko ang pinto kasabay ng pagpapalawala ko nang napakalalim na buntonghininga pagkalapit ko sa crib. Hindi ko na ginambala ang mahimbing na pagtulog ni Rosette.
"Makikilala mo rin ang Lola Vivian mo, baby. Mali lang ang timing ngayon," kausap ko sa kaniya at tumalikod.
Tumama ang puwet ko sa malambot na kutson. Kinuha ko ang unan sa tabi ko para ipatango sa isa pang unan saka ako sumandal. Hinablot ko ang nakuhang libro sa tabi ng bedside table para magbasa nang biglang tumunog ang smart phone ko.
"Ruth, cesarean o natural delivery?" bungad ni Ate Rica pagkasagot ko ng tawag niya.
Kaluskos ng pagligpit niya ng paper bag ang naulinigan sa kinaroroonan niya. Pag-usog pa ng gawa sa kahoy na upuan ang umere sa kabilang linya kaya hininaan ko para hindi magising si Rosette.
"Wala man lang kumusta, ate?" natatawa kong tanong nang mai-adjust ko ang phone sa medyo maliwanag na puwesto.
"Mukha mo pa lang alam ko ng hindi ka na okay, kaya hindi na ako nag-aksaya ng segundo." Ngumisi siya sabay turo pa sa akin. Hinawakan niya ang labi niyang ini-stretch pababa para gayahin ang simangot ko.
Lumabi akong sumimple ng irap. Tumawa naman siya. "Natural delivery, ate," sagot ko sa naunang tanong niya.
"Bumisita iyong bruha mong biyenan, ano?" Inayos niya ang pagkakatali ng buhok, ginawa niyang bun, kaya para tuloy siyang may bukol sa tuktok ng ulo. "May sinabi na namang hindi maganda kaya ganiyan mukha mo. Tama ako?"
"Oo, ate, pero hindi naman ganoon ang—"
Nanliit ang mata niyang nagsalubong ang kilay habang iwinagayway ang palad. "Alam ko iyang mukhang iyan, Ruth. Ate mo ako kaya hindi mo ako maloloko kahit na sa video call lang kita nakikita."
Malayo kami sa isa't isa. Sa New York siya nagtratrabaho bilang nurse at matagal nang hindi nakauuwi sa Pilipinas. Simula noong manganak siya at isinama si Frances doon, hindi na tumapak sa bansang pinanggalingan niya.
Umismid siyang ipinagsalikop ang palad at inilapit pa nang kaunti ang mukha. "Oh, ano, nagpaniwala na naman iyong magaling mo ring asawa?"
"Hindi, ate."
Nagpakawala siya ng hangin. Sumandal ito sa kaniyang kinauupuan. "Hindi sa ayaw ko kay Aziel, boto ako sa inyo. Sa bruha lang niyang nanay ang ayaw ko. Sobrang laki ng sungay!" may panggigigil niyang sabi sa dulo.
Naiiling akong natawa. "Si Frances, nandiyan?" pag-iiba ko ng usapan.
"Kahahatid ko lang sa kaniya sa school. Kumain na kayo?"
Tumango ako. Magtatanong pa sana ako nang biglang umalingawngaw sa buong kuwarto ang iyak ni Rosette. "Sandali, ate."
Tumayo ako para lapitan at buhatin si Rosette, pero biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Aziel na nagmamadaling nilapitan ako matapos sulyapan ang nakalapag kong phone sa kama.
"Hi, ate. Kumusta?" pagbati ni Aziel. Mukhang hindi pa napansin ni Ate ang boses niya.
"Ako na. Mag-usap kayo na kayo ni ate," sabi niya at hinawakan ang magkabila kong balikat para ipihit patalikod.
"I'm good. Na-touch naman ako sa pagiging daddy mode mo," sagot ni ate nang makilala ang boses ng kasama ko.
"Nasaan pala si tita?" tanong ko sa kaniya pagkaangat ng phone.
"Sinundo siya ni Kuya Den." Maingat niyang kinarga si Rosette na sumasabay sa aming pag-uusap. "Iyong sinabi pala ni mama," sabi niya at itinataas-baba ang anak namin habang hawak niya ang likod at leeg nito.
"Huwag mo na lang pansinin iyon. Kilala mo naman na siya kaya hayaan na lang natin." Ngumiti siyang tinanguan ko.
Sanay na rin ako sa pakikitungo ni tita, kaya papalipasin ko na lang. Ganoon lang siguro kapag tumatanda na. Alam ko namang hindi niya masisira ang relasyon namin. Hindi niya uulitin ang ginawa niya noon. Isa pa, mahal na mahal namin ni Aziel ang isa't isa. We sealed our love in front of God.
Nakita ni ate si Aziel sa likod ko kaya tumili siya. "Aba'y ang sweet naman pala ni Aziel," puri niya na ikinangiti ko nang matamis.
Sumulyap ako kay Aziel na isinasayaw si Rosette sa bisig niya. "Sweet naman talaga siya, ate. Mabuting asawa."

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    D.DelaCruzGioMark

    mahihiwalay

    5d

      0
  • avatar
    TurlaoNathaniel

    frufuiairarjajrajfafjfjsfjsjskfskskfskfskfskjfzjfzjfzjfzfjzjfzjffjzfjJfsjfzjafjjfajsjfJffjJFjFjJffjafjajrajfajfafjsfjafjsfjFjsfjsfjsfjsjfsjtsrjsjrsjxkgxjgxhflydydufifigigigifuficjcigifouskthsjtsmsjggnsyhhsgznhxhdjdjfkcifitifjrieldkyudludlufuurukelurlurlujjdmhdlufuldudkudkudkudkydkudukfukdkydkydkydkdyoyeioykydydkykkykydkududludkydlhclhfyldykdkgxkydkyxkydktxgkxyxucicicicucucjvjvhdtsygkbjxfsiglggzoghzhfyhslagsulsgdigsykahdtjajgdjdylsrhsulshykrkyshfstatjdsjtslhskyludlysjtaktsylslysylskylysyldoydoydp

    6d

      0
  • avatar
    Nyl Los

    galing

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất