logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

ADAAT 2

NARAMDAMAN KO ang matipuno niyang bisig na yumakap mula sa likod ko. Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Nanunuyo ang dating ng bawat dampi ng labi niya pababa sa balikat ko.
"Hindi ko na uulitin iyong ginawa ko kagabi." Ipinatong niya ang baba sa aking balikat. Ramdam ko ang hininga niyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. "I'm just tired from work. I didn't mean to shout at you and talk to you in that way," malambing niyang saad saka siya nagtanim nang mabilisang halik sa pisngi ko.
Minuto ang dumaan, ngunit nanatili akong tahimik. Hindi ko talaga nagustuhan ang ikinilos niya kagabi, pero atlis nag-sorry siya. Alam niya ang kaniyang pagkakamali.
Naiintindihan ko naman kung bakit nagkasumbatan sila. Sadyang hindi lang talaga maganda ang timpla ng mood nilang dalawa. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pagbawalan akong makipagkita kay Sally.
Mukhang seryoso siya noong sinabi niya at talagang gusto niyang sundin ko, pero si Sally lang ang naiwan kong kaibigan—best friend. Nilayuan ko na ang lahat para sa kaniya at pinili ko lang samahan si Sally dahil siya lang ang nanatili sa tabi ko, kahit pinalayo ko rin siya.
Gumapang ang mga daliri niya pababa sa mga kamay ko, inagaw nito ang hawak kong pinggan sa kaliwang kamay at pamunas sa kanan.
"We're good now, are we?"
Humarap ako. "Seryoso ka ba sa sinabi mo kagabi?"
Nangunot ang noo niya. "Ah, about Sally?"
Tumango ako. "I never mean it. Gaya ng sabi ko, nadala lang ako sa pagod ko sa trabaho."
Matipid ko siyang nginitian pagkatapos kong makahinga nang maluwag. "We're good."
Bumukas ulit ang bibig ko para sana tanugin siya kung saan nagpunta. Kaninang umaga ko pa siya hinahanap, pero nagising akong wala siya sa tabi ko. Hinalughog ko pa ang bahay, pero wala siya.
"I invited your parents come here," biglang sabi niya na may ngiti sa labi.
Nagpro-process pa sa utak ko ang sinasabi niya at sinusubukan pang ikonekta sa pag-alis niya ng bahay kanina. Alam talaga niya kung paano makakabawi sa akin. Naalala pa pala niya ang sinabi kong balak kong bisitahin sila mama.
Kumiliti sa pandinig ko ang tawa ni mama at papa galing sa sala. Binitiwan ko ang kamay niya at malalaki ang hakbang kong tinungo ang sala para kumpirmahin ang hinala.
Nakatayo sila sa gilid ng malaking flower vase sa tabi ng mahabang sofa. Ang harap nila ay nasa bungad ng kusina kaya nagtama ang paningin naming tatlo pagkalabas ko.
"'Nak, nandito kami ng papa mo." Lumapit si mama para salubungin ako ng yakap.
Nakangiti namang inilapag ni papa ang dala niyang pizza box sa mesa. Yumakap din si papa sa akin pagkatapos humiwalay ni mama.
"Nami-miss ka namin kaya sabi ko sa papa mong bisitahin ka," tuwang-tuwang sabi ni mama, bakas ang kasiyahan sa kaniyang boses. "Eksaktong sinundo kami ni Aziel, pero nagpaiwan muna kami sa mall."
"Maupo kayo rito," alok ni Aziel pagkalabas niya sa kusina. Itinuro niya ang sofa sa likuran nila.
Sabay silang tumango at naupo.
"May dala kaming pizza. Tamang-tama, oras na ng meryenda." Itinulak palapit ni papa ang box nang makalas niya ang manipis na tali.
"Ipagtitimpla ko kayo ng kape," sabi ko sabay talikod para bumalik sa kusina.
"Huwag na, 'nak. Okay na kami sa tubig," pagpigil ni mama, hinawakan pa ang likuran ko at nang lingunin ko siya ay hinila niya ako para paupuin sa binakantehan nilang espasyo sa gitna.
"Ako na magtitimpla ng kape."
Hinatid ko ng tanaw ang paglalakad ni Aziel hanggang sa makapasok ito sa kusina.
"Siya nga pala, may naalala ako."
Gumawi ang tingin ko kay mama pagkapatong ng kamay niya sa pulsuhan ko.
"Ano na naman iyang naalala mo Celine?" tanong ni papa habang ang mga mata ay nasa pizza, kumukuha siya.
Nalanghap ko ang nakapaglalaway na pepperoni and mushroom. Pagkaangat ni papa sa kinuha niyang piraso ng pizza ay sumabit pa ang natunaw na cheese. Kahit katatapos ko lang kumain kanina ng ginawang graham de leche ni Sally, ay hindi ako nagpahuli nang kumuha rin ako.
"Nakalimutan ko na."
Nahampas ni mama nang may kalakasan ang pulsuhan ko pagkababa nito ng kamay.
"Ma, kumuha kayo nito," alok kong inilapit pa sa ilong ni mama ang hawak ko.
Mahinang tumawa si papa sa likuran ko. "Sige lang, 'nak. Binili namin iyan para sa inyo ni Aziel."
Ngumiti akong ngumunguya. Lasang-lasa ko ang medyo maalat-alat na pepperoni pero nagtatalo ang lasa dahil sa mushroom at cheese.
"Bumisita na rito si balae?"
Tiningnan ko si mama sa gilid ng mata. Napatayo si papa at isahan niyang isinubo ang tatlo pa sanang kagat. "Sagutin ko lang ito," paalam niya habang patuloy sa pagtunog ang ringtone niyang pang-alarm clock.
"Ang mama mo, hindi pa bumibisita rito?" tanong ni mama sa kalalabas lang na si Aziel habang hawak-hawak ang dalawang tasa.
Sinalubong ko siya para kunin ang hawak niyang isang tasa. "She said she'll visit here, soon." Umupo siyang at itinulak ang tasang inilapag niya. "Kape n'yo, Ma."
Hinipan ni mama ang kape at marahang itinulak ang baso palapit sa kaniyang bibig para sumimsim. May kasama pang tunog ang paghigop ni mama, ginawa niyang parang sabaw ng bulalo. Tataas-baba ang ulo niyang tumingin kay Aziel. "Hmmm. . . ang sarap mo talagang magtimpla ng kape," puri ni mama. "Puwede ka na magbukas ng coffee shop."
"Exclusive lang ang kape ko sa inyo, Ma. Hindi puwedeng matikman ng iba."
Uminom pa si mama bago niya ibalik sa mesa ang tasa. "Pagsabihan mo rin naman minsan iyang mama mo, Aziel. Tumatanda kasing ma-pride—"
"Ma," mariin kong saway. Tiningnan lang niya ako sa paraang "bakit ako ang sinasaway mo, 'nak?"
Nagbanggaan ang kilay ni papa na bumalik sa pag-upo sa tabi ko. "Pa, si mama." Lingon ko sa kaniya dahilan para mas lalo lang makusot ang mukha niya sa matinding pagtataka.
Inabot niya ang tasa at ininom ang kape habang kay mama siya nakatingin. Tumikhim si mama, tumagilid ng upo para makaharap si papa sabay abot din ng tasa sa mesa. "Pinagsasabihan ko lang si Aziel na kausapin niya rin iyong mama niya kasi tumatandang pabaligtad," sambit ni mama sabay simsim.
Nilunok niya ang kapeng nasa loob ng bibig sabay balik ng tasa sa mesa at bumuga ng hangin pagkatapos. "Eh, huwag mo ng pilitin. Iyon ang gusto ni balae at saka bibisita naman iyon dito kapag gusto niya."
Gumawi ang tingin ko kay Aziel noong bigla siyang natahimik sa kinauupuan niya. Sandaling nagtama ang paningin namin. Nabahiran ng lungkot ang kaniyang mata. Mahina akong tumikhim, paraan para agawin ko ang atensyon nila mama pero hindi naging epektibo.
"Paanong bibisita dito? Hindi nga dumalo sa kasal nila."
Yumuko si Aziel, pinipisil niya ang kaliwang palad habang nanatiling nakikinig. Nilakasan ko ang pagtikhim na parang may nakabarang tinik sa lalamunan ko. Nagtagumpay ako sa pagnakaw ng kanilang atensyon nang tumahimik sila.
"Ma, Pa, baka hindi lang maganda pakiramdam ni Tita Vivian noong araw ng kasal namin kaya hindi nakapunta," rason ko kahit alam kong wala talaga siyang balak daluhan ang kasal namin. "Pagpasensiyahan mo na si mama, Ziel."
He painted a small smile. "I completely agree with them, anyway. Huwag kayong mag-alala, Ma, pagsasabihan ko si mama kapag nakabisita ako sa bahay."
Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan, tila walang nangyaring kaseryosohan kanina sa usapan. I'm glad Papa is here. If weren't him, the whole conversation will still focus with Tita Vivian. They're best friend's during their time, but some unfortunate happened between them, which lead them lost the friendship they had. I didn't go into detail to know about their past because I am out of it.
Siguro naman hindi na sila bata para iyon ang pinakadahilan kung bakit ayaw sa akin ni Tita Vivian. Kung sakaling iyon nga ang rason ni tita, sana maisip niyang labas na ako roon sa kung ano mang isyu ang mayroon sila.
Tinapunan ko sila ng tingin pagkatayo ko para mag-comfort room. Hinilot ko ang bandang baywag ko nang makaramdam ako nang sakit. Binale-wala ko ang paunti-unting kirot na nararamdaman ko sa pagkababae ko. Inilagay ko sa sink ang nagamit na tasa nila mama, saka ako dumiretso sa palikurang nagmartsa pa ako nang sampu bago ko marating. Isinara ko kaagad sabay bukas ng takip ng inodoro.
Bigla-biglang dumagsa sa buong sistema ko ang pagkairitable at hindi maintindihang pakiramdam. Hindi ako sigurado kung natatae ba ako, nauutot lang o naiihi. Hinintay kong may lumabas na tubig, ngunit wala akong napala sa minutong pinalipas ko. Tumayo ako para iangat ang panty at jeans ko. Pagkababa ko sa takip ng inodoro, naupo ako roon para ipahinga sandali ang puwet ko o baka iyong pagkababae kong kumikirot-kirot. Hinila ko ang garter para luwagan kasi parang naiipit ang tiyan ko—nasisikipan ako.
Busying myself from counting my deep breaths, but seconds had passed, my mouth fell open. I felt something under my thighs. My forehead wrinkled in confusion. Uncontrollable pain began to embrace my whole body.
Mariin kong ipinikit ang mata, pati rin ang hawak ko sa takip ng kinauupuan ko. Saka lang nag-sink in sa akin ang nangyayari sa akin. Hindi pala ako naihi nang wala sa oras, kundi nararamdaman ko nang may lalabas sa pakababae ko.
Tatlong katok ang umudlot sa pagngiwi ko. "'Nak, ayos ka lang ba?" tinig ni mama.
Dahan-dahan akong tumayo, hawak ang balakang kong nakayuko nang kaunti dahil medyo nababasawan ang matinding sakit. "Ma. . ." namamaos at nanghihina kong tawag pagkabukas ko ng pinto.
Naabutan ko ang pagmulagat ng mata ni mama, halos humiwalay sa kaniyang eye socket habang nakanganga. Pabalik-balik ang tingin niya sa mukha at siya tiyan ko. Lumapit siyang nagdadalawang-isip pa kung hahawakan ako o hindi.
Natauhan kalaunan si mama kaya dali-dali siyang umalis sa harapan ko. Maingat naman akong humakbang ng isa hanggang sa makalabas ako sa banyo at kumapit nang napakahigpit sa doorknob.
"Ron! Aziel! Si Ruth!" dumadagundong sa lakas na sigaw ni mama. "Manganganak na!"
Bumalik siyang inalalayan ako sa likod. Hinawakan niya ang balikat ko habang iginigiya ako palabas ng kusina. Mabibigat, ramdam ko ang pagkataranta sa paglabas ng hangin sa bibig ni mama. "Iyong gamit, nasaan?"
Itinuro ko ang hagdan. Umawang pa ang labi ni mama, nagtataka pero agad din niyang nakuha ang ipinapahiwatig ko. Duro-duro niya si papa sabay sabing, "Nasa kuwarto. Dali, kunin mo, Ron!"
Patakbo namang tinungo ni papa ang hagdan. "Celine, kumalma ka nga. Parang ikaw ang manganganak," saway ni papa.
"Dalian mo!" Pumadyak si mama.
"Hijo, manganganak na ang asawa mo. Ano pang ginagawa mo?"
Kinakalikot niya ang phone niyang nadudulas sa kaniyang kamay. Sapo-sapo ang noong nagpalakad-lakad, nakatingin siya sa akin nang punong-puno ng pag-aalala. Nahuli ko pa ang dalawang beses niyang paghugot ng hangin.
Iniwan ako sandali ni mama para hilain ang kamay ni Aziel at palapitin sa akin. Mama guide Aziel's hand to snake it around my waist. "Pumunta na kayo ng ospital. Susunod kami ng papa mo doon," aniyang itinulak nang marahan ang balikat namin.
"Mauna na kayo. Dalian mo, hijo. Baka lumabas na iyong bata!"
Napatango-tango si Aziel sa lakas ng sigaw ni mama sa pagkataranta kasabay niyon ang mabigat at malakas na yabag ng bumaba ang naulinigan.
"We're going."
Napatianod ako sa paghakbang ni Aziel.
"Sige, sige, susunod kami doon. Ako na tatawag sa mama mo,"
"Thank you, Ma."
***
Mula sa pagsakay hanggang sa pagdating namin sa ospital ay palahaw akong umiiyak dahil sa iniinda kong sakit. Binuksan pa niya ang radio sa kotse para kumalma ako, pero mas sinabayan ko lang ang tugtog. Pansin ko rin ang kanina pa niyang paglingon sa akin nang ilang ulit, mabuti ay maayos siyang nakapagmaneho. Buong biyahe niyang hawak ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit magaan ang kamay ko sa mga oras na ito. Hindi ko ramdam ang mainit niyang palad, na nagpapapawi ng kirot.
"Ziel, hindi ko na kaya," nanghihina kong sambit. Hindi pa ako sigurado kung nasa tabi ko lang siya dahil puro mga nurse ang nakikita ko habang lulan ako ng wheelchair at tulak-tulak ako ng kung sino.
Tumapat kami sa isang kuwarto at sinabihan akong lumipat sa kama para humiga. Walang lakas naman akong sumunod. May kung sino pang yumakap sa braso ko, inalalayang makatayo. Imbes na ng pagka-komportable, mas tumindi lang ang sakit. Parang may napupunit at tinatahi na walang anesthesia.
"Ang sakit," nakapikit kong sabi pagtama ng ulo ko sa unan.
"Sshh, inhale and exhale, Ruth. Sabayan mo ako," utos niyang nagpakalma sa akin bahagya nang marinig ko ang boses niya sa gilid ko.
Kahit parang nalukot na papel ang mukha ko, nagawa ko pa ring dumilat para ngitian siya at tanggapin ang nakalahad niyang kamay. "Don't panic. Mas lalo ka lang masasaktan." Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. Abala pa ang isang kamay niya sa pagtanggal sa hibla ng buhok kong dumikit sa mukha ko para ipusod sa tainga ko.
Sinundan ko ang sinasabi niya. Ngumiti siyang hindi tumigil sa paghaplos dahilan para mabawasan kahit paano ang sakit na nararamdaman ko. "Iyan, ganiyan. Gawin mo ulit."
"Paano kung hindi ko nakayanan?"
"You can do it, Ruth. Nasa tabi mo lang ako," paniniguro niyang hinanap ang kamay kong nakadagan sa tiyan ko. "Hindi kita iiwan." Ipinasok niya sa bawat pagitan ang daliri para mahawakan nang maayos nag kamay. "Hawakan mo lang itong kamay ko. Dito ka kumuha ng lakas, okay?"
Tumango ako. "Kakayanin natin para kay Rosette," sabi niya.

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    D.DelaCruzGioMark

    mahihiwalay

    5d

      0
  • avatar
    TurlaoNathaniel

    frufuiairarjajrajfafjfjsfjsjskfskskfskfskfskjfzjfzjfzjfzfjzjfzjffjzfjJfsjfzjafjjfajsjfJffjJFjFjJffjafjajrajfajfafjsfjafjsfjFjsfjsfjsfjsjfsjtsrjsjrsjxkgxjgxhflydydufifigigigifuficjcigifouskthsjtsmsjggnsyhhsgznhxhdjdjfkcifitifjrieldkyudludlufuurukelurlurlujjdmhdlufuldudkudkudkudkydkudukfukdkydkydkydkdyoyeioykydydkykkykydkududludkydlhclhfyldykdkgxkydkyxkydktxgkxyxucicicicucucjvjvhdtsygkbjxfsiglggzoghzhfyhslagsulsgdigsykahdtjajgdjdylsrhsulshykrkyshfstatjdsjtslhskyludlysjtaktsylslysylskylysyldoydoydp

    6d

      0
  • avatar
    Nyl Los

    galing

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất