logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

A Day At A Time

A Day At A Time

Dreamerearth


ADAAT 1

"Lakad ka nang lakad baka mamaya mapaanak ka bigla."
Huminto ako sa sinabi niya habang palapit siya sa akin at may dala siyang mangkok. Tumataas-baba ang dibdib kong hinahabol ang paghinga ko. Nakakapagod pala ang magpabalik-balik sa iisang area lang.
Sabi kasi nila ay mapapadali raw ang panganganak ko kapag maglalakad-lakad ako. Alam kong dapat kanina ko pa ginawa, pero hindi na niya ako pinalabas pa ng bahay.
"Oo na. Uupo na," sagot ko. Nilingon ko ang sofa. Isinandal ko nang maayos ang mga natumbang unan bago umupo.
"Be careful," aniyang hinawakan ang kamay ko pagkalapag niya ng dala niyang mangkok na may lamang fresh slice fruits.
"With my heart," taas-babang dugtong ko sabay ngiti nang napakalapad matapos siyang umupo sa tabi ko.
Nailing siyang tumawa. "Have some apple and peaches." Inilapit niya ang nadampot niyang peaches sa labi ko.
Pinanlikahan ko ng matang nilingon siya habang nilalasahan ang peaches. Napakatamis. Ang sarap!
Kinuha niya ang mangkok sa mesa para ipatong sa kandungan niya. Muli niya akong sinubuan, pero mansanas naman ngayon. Bahagyang nagtalo pa ang panlasa sa bibig ko dahil mas nangingibabaw ang lasa ng peaches. Nalalasahan ko rin ang tamis, hindi ito katulad ng ibang mansanas na may pagkamaasim.
Tatango-tango akong ngumunguya. Naririnig ko ang crunchiness ng mansanas habang tinutunaw sa bibig.
"Ziel, Rosette na lang kaya pangalan ng baby girl natin." Hinarap ko siya. Dumampot ako ng peaches sa mangkok at napansing huling slice na pala iyon.
Inaaral ko ang biglang pagkakaroon ng guhit sa kaniyang noo kung gusto niya ba ang suhestyon ko o hindi. Nakita ko lang sa isang website ang pangalang Rosette at pakiramdam ko, bagay sa anak namin. A delicate rose.
"Sa tingin mo?" Nakangiti akong nakatingin pa rin sa kaniya. Unti-unting nangunot ang noo ko sa pananahimik pa rin niya.
Ayaw ba niya? Ambang babawiin ko ang sinabi nang bigla siyang humugot ng hangin at niyakap ang mangkok.
"Gusto ko iyong pangalan na Riley para sa lalaki, pero babae first baby natin kaya okay na ako sa sinabi mo." Ngumiti rin siyang sinulyapan ako.
Lumapat ang daliri niya sa gilid ng labi ko at agad din niyang ibinaba. Ipinahinga ko ang ulo sa balikat niya kasabay niyon ang paghaplos nito sa buhok ko.
"Talaga?" paniniguro ko. Akala ko pa naman ayaw niya. Biglang umukit ulit sa labi ko sa naalala. "Tandang-tanda ko pa iyong mga pangalan na isinulat mo sa papel noong huling tatlong buwan," kuwento ko.
Iyon sana ang titingnan ko kanina at pagpipilian, pero hindi ko maalala kung saan niya itinago. Baka nga ay itinapon niya, kaso imposible. He value his things so much. Siguro nasa pitaka niya. Mahilig pa man din siyang magtago ng mga letter at palagi kong nahahanap ang mga letter na isinulat ko sa kaniya dati na nakasiksik sa isa niyang wallet.
"Don't bother to find that paper. Mas bagay na iyong Rosette para sa anak natin," sagot niyang naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. "Paniguradong magmamana sa ganda mo iyon." He gently pinched my cheeks.
Tumingala ako at ipinatong ang kamay sa kaniyang dibdib. "Tayong dalawa kamukha niya kasi tayo mama at papa niya."
Nai-imagine kong magiging maganda siya at baka maging habulin ng lalaki. Aziel is a handsome guy and he still maintain his athletic built. Many women adore him so much, but I'm lucky to have him for the rest of my life.
Kinuha niya ang kamay ko pagkadikit ng pisngi nito sa ulo ko. "Yeah, you're right." Idinampi niya sa kaniyang pisngi ang kamay ko at pinaulanan nang malambing na halik ang bawat daliri ko.
"I still can't believe that I'm going to be a father soon," buntonghiningang sabi niya. "I'm worried."
Nagsalubong nang kaunti ang kilay sa sinabi niya. Bakit naman siya nag-aalala? Hindi ko maiangat ang ulo ko para tingnan siya dahil nanatiling nakadagan ang pisngi niya sa tuktok ng ulo ko habang hawak nang mahigpit ang kamay ko.
"Do you think I can be a good father to Rosette?"
Naramdaman ko ang matinding pag-aalala niya sa kaniyang boses. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya. "You'll be a good father, Ziel." Ngumiti ako. "We have each other to raise her," dugtong ko. "And we will become a happy family."
Naramdaman ko ang pagtango niya at gumaan ang tuktok ng ulo ko kaya napaangat ako nang tuluyan sa kaniya. Nasaksihan ko ang nag-aalala pa rin niyang mga mata kahit nakangiti siya.
"Let's spoil our child and make her the happiest girl in the universe."
Hinaplos ko ang tiyan kong kasinglaki ng pakwan. We'll do our best, Rosette to give you the family you deserve.
Tumatango-tango ako sa sinabi niya. I can't wait to hold her in my arms and to spoil her with love. Marami na agad akong plano. Naisulat ko na nga sa isang notebook—bucket list para gawin naming lahat iyon. Kasama ko si Aziel gumawa noon.
-FLASHBACK-
"Ano pa kaya ang magandang gawin natin kapag dumating na siya?" Yakap niya ang palad niyang ipinatong ang siko sa mesa.
Itinutoktok ko naman ang ballpoint pen sa mesa habang ang isang kamay ay pinapaikot-ikot sa bakanteng espasyo ng papel. Tanging ang heading lang na "Bucket list: Age 1" ang nakasulat na pinaghirapan ko pang i-calligraphy.
"Iyong pagpapalit ng diaper," suhestyon ko. Exciting moment daw iyon para sa first-time parent.
Tumango-tango siyang sumulyap sa akin para ikonsidera ang suhestyon ko. "Alalayan mo ako kapag ginagawa ko iyon sa baby natin."
Ngumiti ako. Handang-handa talaga siyang gawin iyon. Sana huwag niya akong takbuhan kapag nakita niya iyong yellow poop ng baby namin.
Iwinagayway niya ang palad sa harap ng mukha ko. "Isulat mo na diyan," utos niya sabay turo sa papel.
Binuksan ko ang takip ng ballpen at isinulat iyon para idagdag. "Let me sing her or him a song," sabi pa niyang ngumiti pagkatapos. Mahina siyang tumawa nang harapin niya ako. "Baka mamaya ma-memorize niya agad iyong paborito kong kanta. May ka-duet na ako, soon."
Tumatawa akong isinulat. Then I'll cheer them and maybe dance. I'm going to teach her how to dance, too. Idinagdag ko ang dalawang iyon sa bucket list. Pinasadahan ko ng tingin kung naisulat ko na ba iyong naiisip ko.
"Let's do a sponge bath for our baby, too."
Bumilog ang labi niyang tumango nang tumango. "That's exciting." Ipinatong niya ang isa pang kamay sa mesa at lumabi itong nag-isip nang malalim.
Pinanood ko lang ang labi niyang humahaba, tila umaanba ng halik. Sinundan ko ang pagababa ng mata niya sa anim na buwan kong tiyan. "Ano mas maganda, daddy, dad, papa, baba, paps, tatay?"
Bigla akong tumawa nang malakas. Taas-kilay niya akong tiningnan nang nagtataka. Iwinagayway ko ang palad para sabihing huwag niya akong pansinin, subalit patuloy ako sa pagtawa, kahit hindi naman funny joke iyong sinabi niya.
"Paps?" natatawa kong tanong, hindi mapigilan ang sariling itago. "Baba na lang kaya?" Kinagat ko ang ibabang labi para hindi matawa ulit dahil napansin ko ang paghaba ng nguso niya sa pagsimangot.
Napaiwas siya ng tingin habang medyo masama ang tingin. "Asih! Why did I mentioned that?"
"Dad would be better for you. Easy to pronounce," sabi ko. Mas bagay sa kaniya.
Napatango siyang bumalik sa pagtingin sa akin. Nawala ang inis sa kaniyang guwapong mukha. "And she or he should call you Mom, too. So, our baby can easily call us."
"Ano pa ilalagay natin sa bucket list natin sa first year niya?" tanong ko.
"Balikan na lang natin mamaya. Proceed muna tayo sa iba."
Inilipat ko sa kabilang pahina at muling nag-calligraphy para isulat ang "Bucket list: Age 2". Nagdrowing pa ako sa holiday ng pacifier na doodle.
"Kapag two-year-old na siya? Ano magandang gawin natin?"
- END OF FLASHBACK-
Ipinulupot ko ang kamay sa baywang niya at isinubsob ang mukha sa kaniyang dibdib. "Thank you."
"It's my pleasure to love you until death do us apart."
"Alam ko, pero salamat nang marami kasi nandiyan ka pa rin. Hindi mo ako iniwan kahit na—" Huminto ako sabay kagat ng labi. Nagdadalawang-isip pa ako kung itutuloy kong dugtungan o hindi na. Malalim akong nagpakawala ng hangin bago naisipang ituloy na lang ang bumabagabag sa isip ko. "Ayaw pa rin sa akin ng mama mo."
Kahit kasal na kami, nababahala pa rin ako. Ilang taon ko nang kinukuha ang loob ni Tita Vivian, pero mas matigas pa yata siya sa bato. Hindi siya um-attend sa kasal namin at alam kong gustong makita ni Aziel ang mama niya sa mahalagang araw namin. Sariwa sa pa isip kong nagmakaawa akong dumalo siya, pero tinalikuran lang niya ako at hinayaang mangalay ang tuhod ko sa pagkakaluhod.
"Hayaan mo na iyon. Wala naman na siyang magagawa dahil kasal na tayo," positibong sabi niya. "Matanda na rin siya kaya hayaan mong magbunganga. Mataas talaga ang pride niyon." Mahina siyang tumawa.
"Pero masakit iyong sinasabi niya. . ." mahina kong sambit, hindi alam kong nakaabot pa sa pandinig niya pero naramdaman ko ang pagtulak niya nang marahan sa likod ko para yakapin lalo.
He told me to don't worry about our relationship because he'll stay at my side until the end, but still. . . I heaved a sigh and closed my eyes to erase the negative thoughts troubling my mind.
Mas masaya kasing tanggap ng buong pamilya—ang magkabilang panig ang kasal namin. Siguro kung lalabas si Rosette, baka magugustuhan din ako ng mama niya. Sana si Rosette ang susi.
Naputol ang lumalalim naming usapan nang umalingawngaw sa buong sala ang ringtone ng phone ko. Humiwalay siya sa yakap.
"Sino iyang tumatawag? Gabi na," may inis sa boses niyang sabi.
Kinuha ko ang nakapatog kong phone sa mesa para tingnan kung sino ang tumatawag.
"Ru, my bestie!" masiglang bungad ni Sally pagkasagot ko ng tawag at pag-open ko rin ng camera.
"Hi, Azi!" Kumaway siya.
Pinanliitan ko ng paningin ang mukha niya. Kahit hindi sa personal ko siya kaharap sa mga oras na ito, hindi matatago ng camera ang lungkot ng kaniyang ekspresyon at mas lalo pang dumagdag sa hinala ko ang nagkalat niyang gamit sa likuran.
Ayaw niya ng makalat, pero kataka-takang kabaligtaran sa kung ano ang gusto niya sa kuwarto niya ngayon. Isa lang ang ibig sabihin niyon kapag nagmistulang binagyo ang gamit niya.
"What ya' doin'?"
"Aba! Ayusin mo 'yang accent mo," natatawa niyang saway kay Aziel na mahina ko ring ikinatawa dahil sa cute na acceng ng asawa ko.
"Bakit ka pala napatawag? Iniistorbo mo snack date namin ni Ruth."
"Aray! Pinapaalis agad ako, e, katatawag ko lang." Napahawak si Sally sa dibdib niya kunwari.
"Wrong timing ka tumawag. Nandiyan naman si Chris para istorbohin mo," dagdag ni Aziel.
Siniko ko siya at inilingan noong lingunin niya ako nang nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay.
"Eh 'di sinabi mo sana ng maaga para hindi ako nakaistorbo, ano?" pabalang niyang sabi. Umirap siyang tumawa pa nang mapakla. "Parang kukumustahin lang naman si Ruth, ipagdadamot mo pa iyong ilang minuto."
Napalunok akong iginilid ang phone dahilan para ako lang ang makita niya. Baka mamaya mas sumabog pa siya kapag makikita niya si Aziel.
"Sally, kalma. Nagbibiro lang siya," sabi ko sabay ngiwi dahil alam kong hindi niya bibilhin ang narinig.
"Hindi, e. Hindi ganoon ang biro. Hindi naman siya ganiyan dati. Naikasal lang, lumalaki na ulo."
"Sorry," hingi ko ng paumanhin pero lumaki lang ang butas ng ilong niya sa pagbuga ng hangin.
"Bahala na nga kayo diyan, mag-usap. Bukas na lang, Ruth." Lumapit ang kamay niya sa kaniyang phone, hinahanap ang end call button.
"Teka, Sally. San—"
Pikit-mata akong sumimangot. Malakas ang kutob kong may hindi magandang nangyari sa kaniya kaya siya napatawag.
"Bakit mo naman ginawa iyon, Ziel? Parang nangangailangan ng kausap si Sally," sabi ko pagkabalik ng atensyon sa kaniya.
Nakahalukipkip siyang nakatingin sa akin na nakataas ang kanang kilay. "I don't care. Pagsabihan mong ilugar niya ang pagtawag at iyong tabas ng dila niya."
"Naiinis lang siguro siya tapos sa iyo niya naibuntong, kaya hindi naging maganda timpla ng pag-uusap ninyo."
Umiling siya para kontrahin ang sinabi ko. "May problema iyang kaibigan mo. Hindi ko alam kung bakit kayo naging mag-best friend," sabi niyang ikinasalubong ng kilay ko.
"Iwasan mo na iyan. Hindi siya magandang kasama."
Umawang ang bibig ko sa binitiwan niya. Sa ilang taon naming pagsasama at kilalang-kilala niya na si Sally, ngayon lang lumabas sa bibig niya ang mga ganoong salita.
"Tinuturuan ka lang niyang maglalaki," dagdag niyang sumama ang tingin nito sa akin.
"Ziel. . ." kalmado kong tawag. "Hindi niya ako tinuturuan at wala akong ibang lalaki," maikli kong paliwanag. Kinalabit ko ang braso niya para tingnan ako mismo sa mga mata, pero mas pinili niyang iiwas. "Magkakaanak na tayo, oh. Isa pa, kasal na tayo. Ikaw lang ang asawa ko. Iyong lalaking nasa paningin ko."
Natawa siya nang mahina, sobrang nangsusutil at sinasabayan pa niya ng pag-iling. "Talaga lang, huh?"
Yumakap sa akin ang takot nang napakadilim ng ipinukol niyang tingin. Ang ngisi niya ay mapanganib. Hindi ko nagugustuhan ang ipinapakita niya sa mga oras na ito.
"I saw you laughing with a man a while ago. Tuwang-tuwa ka pa nga yata. Ano ba sinabi niya?"
Dumaan ang palad ko sa noo patungo sa buhok ko at umayos ng upo. "Ziel, dating kaklase ko lang iyon noong college."
Kanina pa niya ito sinasabi. Nagkataong morning shift siya kaya nagkita kami. Wala nga akong kaalam-alam na doon siya nagtratrabaho dahil buong akala ko ay nasa Canada ito para magtrabaho.
Inis ang sumakop sa mata niya at kaniyang ekspresyon. "Dating kaklase o nagbabalak ka ng iwan ako?" Itinusok niya ang dila sa loob ng pisngi.
Tumindi ang pagkunot ng noo ko habang nagtatakang nakatingin sa kaniya. Kanina lang ay okay kami, pero bakit biglang naging ganito ulit siya? Akala ko naipaliwanag ko na nang malinaw sa kaniya.
"Baka inaalok ka niyang hiwalayan ako. Sabihan mo lang ako."
Itinaas ko ang kamay para hawakan siya sa braso, pero mabilis niyang iniiwas ang kamay at lumayo sa akin. "Ziel naman," pagtawag ko. "Makinig ka kaya sa akin, hmm?" Sinubukan ko ulit hawakan ang braso niya, ngunit hindi ko nagawa sa pagtayo niya. "Kung may lalaki ako, e 'di sana matagal na kitang iniwan."
"So you mean there's a chance you'll leave me?"
Umiling-iling ako. "Hindi sa—"
"Bvllsh*t!"
Naitikom ko ang bibig habang napamulagat ako sa gulat. Ramdam ko ang galit sa binitiwan niya. Parang yumanig ang buong sistema ko.
Tumayo ako para sundan siya. "Ziel, sandali!" sabi ko habang hinahabol siya. "Pakinggan mo muna ako. Sandali!" pagpigil ko.
Iniwan niyang nakabukas ang pinto ng kuwarto namin at nagtungo sa kama para humiga. "Huwag kang tumakbo baka mapano ka pa," malamig niyang saad na hindi nawawala ang sama ng tingin niya at pagkadismaya sa mukha.
"Mag-usap muna—"
Tinakpan niya ng una ang mukha niya. "Matulog na tayo," matabang niyang sabi. "You ruined our night."

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    D.DelaCruzGioMark

    mahihiwalay

    5d

      0
  • avatar
    TurlaoNathaniel

    frufuiairarjajrajfafjfjsfjsjskfskskfskfskfskjfzjfzjfzjfzfjzjfzjffjzfjJfsjfzjafjjfajsjfJffjJFjFjJffjafjajrajfajfafjsfjafjsfjFjsfjsfjsfjsjfsjtsrjsjrsjxkgxjgxhflydydufifigigigifuficjcigifouskthsjtsmsjggnsyhhsgznhxhdjdjfkcifitifjrieldkyudludlufuurukelurlurlujjdmhdlufuldudkudkudkudkydkudukfukdkydkydkydkdyoyeioykydydkykkykydkududludkydlhclhfyldykdkgxkydkyxkydktxgkxyxucicicicucucjvjvhdtsygkbjxfsiglggzoghzhfyhslagsulsgdigsykahdtjajgdjdylsrhsulshykrkyshfstatjdsjtslhskyludlysjtaktsylslysylskylysyldoydoydp

    6d

      0
  • avatar
    Nyl Los

    galing

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất