logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4: Really Something

Jasper's point of view:
Love - an intense feeling of deep affection. It's something-
Napahinto ako sa binabasa sa aking cell phone nang maramdamang bumukas ang pinto ng kwarto ko saka may tumawag sa akin. Dahil sa gulat ko ay na-back ko ang binabasa ko at na-off ang cell phone ko.
"Jasper," pagtawag nito sa akin. Si Dad pala.
"Sorry son kung naistorbo kita sa pag-aaral mo," sabi ni Dad at naupo siya sa kama ko. Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Nag-aaral ba ako?
Ibinaba ko na ang cell phone ko sa study table saka tumayo at tumabi kay Dad na maupo sa kama.
"Hindi naman po Dad. Patapos na rin po ako," sabi ko nang makaupo na.
"I'm very proud of you, son," masayang sabi ni Dad at ginulo pa niya ang buhok ko. Ngumiti na lamang ako kay Dad.
"Son, ayos lang ba kung sumama ka sa amin ng Mommy mo bukas ng gabi?" tanong ni Dad at napatingin ako sa kanya.
"Ano po bang meron?" tanong ko.
"A dinner with my business partner," sabi ni Dad at napatango na lamang ako. Dinner. Hindi naman masama.
"Don't worry son. Hindi naman iyon magtatagal. Usually takes 2 ½ hours," sabi ni Dad na siyang kinatango ko.
"It's a good one son, you'll learn how to be socialize and be familiarize so that kapag naipamana ko na sa iyo ang company ay hindi ka na mailang," dagdag pa ni Dad.
"Ahh ganoon po ba. It would be nice Dad. Hindi pa naman po ako ang tipo na marunong makisama," sabi ko at parehas kaming natawa ni Dad.
"Yeah, that's our similarities," sabi ni Dad.
"So is it okay to you? Kailangan ko pa rin marinig mismo ang oo mo hahah for assuring son. You know the clan of us, Neonzi." Natatawang sabi ni Dad.
"Of course Dad," natatawa ring sagot ko. Ngumiti naman si Dad.
"Ah by the way, may sinabi sa akin si Casty. Ahmmm... May bago raw kayong kaklase? Then, she took your attention?" tanong ni Dad na siyang kinabigla ko.
F*ck!
Ramdam kong kaagad na nag-usok ang tainga ko. Hays ang daldal talaga ng lalaki na iyon! Gulong-gulo pa nga ako eh!
"Nothing Dad," tamad na sabi ko at tumayo na para pumunta sa study table ko at mag-aral na lang. I don't want the next thing will happen. Maraming itatanong si Dad na tiyak ayaw kong sagutin. That f*ck Casty!
"You know what son, if you have a problem about girls I'm here. You can tell it to me. I can give you the best advice," sabi ni Dad na siyang nakapagpatigil sa akin. Hays! Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba?
Kapag hindi ko sinabi baka mapuno ako. Aish! Humanda talaga sa akin si Casty bukas.
"Dad, tulog na po ba si Casty?" tanong ko.
"Why? Are you going to torture him?" natatawang tanong ni Dad.
"No Dad, I'll definitely kill him. He's too noisy," inis na sabi ko na tila ay nauubusan na ng pasensya.
"Woah! So that's true. That's a good news son," natutuwang sabi ni Dad at hinawakan pa ang baba niya na tila napapaisip. Good news? I don't think it is a one. I don't understand what is happening to me.
"Tell me son," seryosong sabi ni Dad. I already have no choice. Nahuli na ako. Buwisit talaga si Casty! Napakaingay!
"Hays Dad! Ewan ko po ba. First time ko pa lang siyang nakita pero kung tumibok ang puso ko ay napakabilis. At ramdam ko rin yung pag-init ng tainga ko na siyang nagiging dahilan ng pamumula nito. Her voice is too innocent. I love hearing those. And I just realize po na siya yung babae na nakabungguan ko kahapon sa sementeryo. Noong marinig ko po kasi yung boses niya ay may kakaibang naramdaman po ako. There's something, no, really something," mabilis na sabi ko.
"Is she beautiful?" nakangiting tanong ni Dad. Napatingin ako kay Dad saka napayuko at umiling-iling.
Ito na naman! Sa tuwing iniisip ko siya ramdam na ramdam ko ang kakaibang saya lalo na ang pag-init ng tainga ko.
It's like I understand and don't understand it a little bit.
"No Dad, it's more than. Not definitely beautiful. I can't explain. Maybe she's beautiful but no.... Walang sinuman ang makakapantay ng kagandahan niya," sagot ko na siyang kinagulat ni Daddy.
"Even your Mom? Even Jayie?" nakakalokong ngisi na tanong ni Dad. I never saw this side of my father. I can see that's he's so amaze at the same time he's curious too.
"Of course Dad, they're different. Iba ang ganda ni Mom and Jayie. They have their own kind of beauty," paliwanag ko at napapatangong nakangiti si Dad.
"Can I know her name?" tanong ni Dad.
"Comely," mabilis kong sagot. I think, I have nothing to worry?
"Beautiful," sambit ni Dad.
"Po?" gulat kong sabi.
"It means beautiful. I never heard that name before. Comely is an another word or term for beautiful. Her name is too unique. How I sense na magiging iba ang takbo ng buhay mo nang dahil sa kanya. Your life will be like a roller coaster, no, rather an ocean. Just like what an anonymous said once, it can be calm and still or rough and rigid, but in the end it's always beautiful," nakangiting sabi ni Dad. Tila naramdaman ko panandalian ang alon ng karagatan.
"What do you mean Dad?" nakakunot noong tanong ko.
"You'll definitely know it son. When the one day comes. Sige baka hinahanap na ako ng Mommy mo. Matulog ka na. It's a nice conversation son. You made my dream come true and... your ears are turning red," nakangiting sabi ni Dad at tinuro ang tainga ko saka umalis na sa kwarto ko.
Napahawak tuloy ako sa tainga ko at napasabunot na lamang sa buhok ko.
What did I just do? I just told Dad about my feelings toward a someone. But I still can't identify if this is a love. I don't know. Naguguluhan na ako. Sobrang bilis ko naman yatang mag-conclude.
Tama nga si Dad. She'll definitely make a big impact to my life. And she'll definitely make my life like an ocean, calm at first then will start to get rough. Nag-uumpisa na sa utak ko.
Inilagay ko na ang mga libro at notebook ko sa loob ng bag ko saka pinatay ang ilaw at iniwang nakabukas ang lampshade saka nahiga na sa kama ko.
Binuksan ko ang phone ko at pinindot ang Merriam-webster Dictionary. At tinaype ang word na 'love'. I'm still curious that's why.
"Strong affection," I whispered.
Hays! Napamura na lamang ako nang ipikit ko ang mga mata ko. Nakita ko na lamang bigla ang mukha niya na ngumiti sa akin. How I love her smile. Kitang-kita sa ngiti niya ang pagiging totoo. Even her eyes is also smiling. At ang mataba niyang pisngi.... She's really beautiful.
Can I say it already? Can I conclude it know?
'I'm sorry baby. You are not the only girl na maganda sa paningin ni Kuya. But I assure you baby, she' can't change you as my first love.'
Inilapag ko na ang cell phone ko sa bedside table saka pinatay ang lampshade at pinikit ang aking mga mata.
Kinabukasan....
"Good morning, Mom and Dad." Bati ko sa kanilang dalawa pagkababa ko. Inilibot ko ang paningin ko sa hapagkainan.
Nasaan ang kambal?
Napansin siguro nila Mom na hinahanap ko ang kambal kaya nagsalita na siya.
"Oh, hindi ba nila nasabi sa iyo kagabi? Their Mom is already here. Kasusundo lang sa kanila," sabi ni Mommy at napatango na lamang ako.
"Mukhang hindi ka makakaganti, son." Natatawang sabi ni Dad at sinamaan ko siya ng tingin.
"Makakaganti?" naguguluhang pag-uulit ni Mommy. "Ano ang hindi ko nalalaman?" tanong ni Mom na pinaningkitan kami ng paningin ni Dad.
"Aish! Bye Mom and Dad! Mamamasahe na lang po ako," sabi ko at kaagad humalik kay Mom. Saka nanguha na ako ng dalawang slice ng tinapay.
"Jasper, mag-iingat ka!" sigaw ni Mom.
"Opo! Bye!" pagpaalam ko. Narinig ko pang pilit pinipilit ni Mommy na sabihin ni Dad kung ano iyon.
"Boys thing iyon, Hon." Dinig kong sabi ni Dad. At napailing na lamang ako. Bakit ang dadaldal nila?
Pumara na ako ng jeep at sa hindi inaasahang pagkakataon nga naman.
Nandoon si Comely. She is busy reading a book. At sa kanyang tabi na lamang bakante kaya wala na akong nagawa.
Bakit ngayon pa?
She just occupied my mind last night, now she's beside me.
Nagsuot na lamang ako ng earphone sa aking tainga saka sinandal ang aking ulo sa bintana. Nagulat na lamang ako nang may mag-abot ng bayad sa akin. Aish! hindi pa pala ako nakakabayad.
Kaya siyang pag-abot ng bayad ng katabi ko ay dumukot na rin ako ng pera at saka pinasa iyon kay Comely. Mukhang hindi niya napansin na ako ang katabi niya dahil busy siyang nakatutok sa pagbabasa.
Isasandal ko na sana muli ang ulo ko nang marinig ko na ang boses ng driver.
"Sinong nagbayad ng isang libo?!" tanong ng driver kaya napataas na lamang ako ng aking kamay.
Nagulat ako nang sa akin sila nakatangin lahat at mukhang nagulat din si Comely nang makitang katabi niya ako.
"Hindi mo ba alam ang patakaran na barya lamang sa umaga?" sabi ni Manong. Napakamot na lamang ako sa batok ko. I don't know about that. It's my first time to be here actually.
"Teka, ika'y bago ba rito?" tanong niya at napatango na lamang ako.
"Ay Manong ako na lang po magbabayad sa kanya," napatingin ako bigla kay Comely nang magsalita siya. Eh?
"Aba'y sige ganda," sabi ni Manong at ibinalik niya ang pera sa akin sa pamamagitan ng pagpasa sa mga pasahero hanggang sa makarating sa akin.
"Sa-salamat," sabi ko kay Comely.
"Oh? Hindi kita nilibre. Babayaran mo ako kapag may barya ka na," sabi niya. Bahagyang naibuka ko ang aking bibig dahil sa pagkagulat.
Oh? What the-?!
"Ah oo mamaya," sabi ko na lamang. Tapos bumalik na siya sa pagbabasa. Napatulala na lamang ako. What was just that?
Huh?! Sa aking pagkakaalam siya ay mahinhin? Bakit parang mali ako ng akala?She's a straight forward girl. All I thought was wrong.
Napatingin ako sa kanya. Sobrang amo ng mukha niya at aakalaing isa siyang anghel. Ang buhok niya hanggang balikat, ang kilay niya ay hindi bahagyang makapal pero may kakaiba roon parang.... Aish! Ang mga mata niya ay hindi naman malaki at hindi singkit na singkit at pansin kong may tatlong tanda siya sa kanyang pisngi, hindi naman masyadong matangos ang ilong niya pero kahit ganoon ay hindi iyon nakabawas ng pagiging maganda niya at ang labi niya ay hindi gaanong malapad o manipis. She's really beauti-
"Tapos mo naman na sigurong i-examine ang mukha ko? Baka matunaw," biglang sabi niya at diretsong tumingin sa mga mata ko. F*ck! How did she know?
"Nakakailang na ang pagtitig mo sa akin," sabi niya pa saka bumalik na siya sa pagbabasa.
Napasandal na lamang ako sa bintana. Kakaibang babae ito. My thoughts were really wrong. Hindi yata siya si Comely. Magkamukha lang yata eh.
"I am really Comely," biglang sabi niya habang nakatutok sa binabasa niya. What the-?! Can she read minds?
"No, nababasa ko sa mga reaksyon mo," muling pag-sagot niya at tumayo na siya. Hindi ko namalayan na huminto na pala ang jeep.Si Comely ba talaga iyon? Ang akala ko ay mahiyain siya at yung tipong hindi nagsasalita? Pero kabaliktaran. Sa hindi malamang dahilan ay may kakaiba akong naramdaman.
Masyado ba akong nag-isip na dahil sa maamo ang boses niya ay maamo rin ang katangian niya? Posible pa lang mangyari ang ganoon?
Did I just judge her character based on her looks?
Napatingin ako sa kanya at mag-isa siyang naglalakad patungo sa room namin. Napailing na lamang ako.
Bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba? Mas lalo akong nacu-curious sa kanya. She is really something. Something that you won't know it's really that something.
Nagulat na lamang ako nang may umakbay sa akin bigla.
"Hi Jasper, miss me?" sabi ni Casty at sa halip na sumagot sa kanya ay siniko ko siya saka sinakal gamit ang braso ko.
"A-araaaay! Pi-pinsan na-nam-man," sabi niya habang nagpapapalag. Binitawan ko na siya dahil kita kong pinagtatawanan na kami ng ilang estudyante.
"You will literally kill me cousin," nakahawak sa leeg niyang sabi at umuubo-ubo pa. Sinamaan ko siya ng tingin saka naglakad na.
"Hays! Tsk. Tsk. Tsk. Sabi ko kay Tito secret lang eh," sabi niya. "Ano nasabi mo na kay Tito? Ano 'di ba tama ako? You are really in love," dagdag niya pa nang masabayan niya ako sa paglalakad. Hindi ko na lamang siya pinansin.
Nang makapasok sa room namin ay hinanap ko si Cathy pero wala ito.
"Hindi papasok si kambal. Pupunta yata sila ni Mommy sa parlor," tamad na sabi ni Casty nang makaupo na siya.
"May ten pesos ka ba?" tanong ko. Dumukot naman siya sa bulsa niya at nang may makapa ay pinakita niya sa akin.
"Para saan?"
"Basta. Kabayaran mo iyan sa akin," sabi ko at hinablot na ang sampung piso.
"Putcha! Mukhang pera ka na Jasper?!" dinig kong sabi niya. Dumeretso na ako sa may upuan ni Comely at kita kong nagbabasa na naman siya. Kaagad na nilapag ko sa lamesa ni Comely ang ten pesos saka umalis na.
"Oh? Ano iyon?" gulat na tanong ni Casty nang makabalik na ako sa pwesto ko.
"Kabayaran," sagot ko. Magtatanong pa sana siya nang biglang dumating na si Ms. Ana.
"Good morning class!" pagbati nito. Nagsitayo na kaming lahat upang bumati rin.
"Okay, so as what I'd said yesterday. Hindi ba't sinabi kong mag-advance reading kayo?" sabi ni Ms. Ana. Nagsipagtahimikan ang lahat at may ilan pa akong narinig na umangal.
"Seryoso ba talaga roon?"
"Ughh! Nakalimutan ko!"
"Babagsak na ako!"
"Hahaha, for those na hindi nakapagbasa it's okay may bukas pa naman. But I will only call those who raise their hands, because I'm not the type of teaching who'll call you one by one just to ask questions. Nagsasayang lamang ako ng oras kapag hindi nasagot ang tanong ko. Maliwanag ba?" Nagsipagtanguan naman ang mga kaklase ko.
"So may tanong ako. What's the meaning of accounting?" tanong niya at isinulat sa white board ang accounting.
ACCOUNTING
Kaagad kong napansin ang paglabasan ng mga notebook at libro ng mga kaklase ko.
"Can anyone define the word 'accounting'?" tanong ni Ms. Ana habang nakataas ang isang kamay nito at inililibot ang paningin sa amin. Wala akong balak sumagot. Tumingin na lamang ako sa notebook ko.
"Oh? How nice na ang transferee ang sasagot. So what's accounting, Ms. Alsaien?" sabi ni Ms. Ana. Biglang napabaling ang atensyon ko sa harap.
Alsaien? Comely?!
Nakita kong tumayo si Comely.
"Accounting is also known as the language of the business. It is a systematic process of measuring and reporting relevant financial information about the activities of an economic organization or unit. This involved expressing of monetary terms," sabi ni Comely saka naupo.
Woah! She's smart.
I don't know why I smiled.
"How nice Ms. Alsaien. What a good impression for a transferee student," nakangiting sabi ni Ms. Ana. "So, is there anyone else?" tanong ni Ms. Ana.
Itinaas ko naman ang aking kamay. "Okay, may I hear to Mr. Neonzi?"
Napansin ko ang pagsinghapan ng mga kaklase ko. Yeah, it's a first time that I raised my hand. I'm a kind of quiet student. Dahil hindi ako yung tipo na gustong ipaalam ang aking nalalaman.
Tumayo na ako. "The definition of Accounting according to what I read, it is a systematic process of identifying, recording, measuring, classifying, verifying, summarizing, interpreting and communicating financial information. It reveals profit or loss for a given period, and the value and nature of a firm's assets, liabilities and owners' equity," sabi ko at saka naupo. Narinig ko pa ang pag-wow ni Casty at ng ilan.
"OMG! Sumagot ba si Jasper?"
"Oh my! How come?!"
"Tss, malamang sasagot siya narinig niyo ba ang sinabi ni Ms. Ana kanina?"
"Ah siguro nga."
"OMG! I still can't believe."
"Okay class quiet! What a nice answer, Mr. Neonzi. At base sa mga reaksyon ng iyong mga kaklase ay ito ang unang beses na magreprisenta ka," sabi ni Ms. Ana na nakangiti.
"So according to Ms. Alsaien, accounting is also known as the language of the business and that's right. While Mr. Neonzi, it reveals profit or loss for a given period," sabi ni Ms. Ana.
"So everyone get your book and open it on page 5 which is chapter 1, fundamental concepts and principles," sabi ni Ms. Ana.
"So you can see that there's a two definition of accounting. It's according to the AICPA and PICPA," dagdag pa ni Ms. Ana.
At nag-umpisa na siyang ipaliwanag iyon hanggang sa nagpa-short quiz na siya.
"Okay exchange your papers everyone," anunsyo ni Ms. Ana kaya nakipagpalit na ako ng papel sa katabi ko.
"Aish! Babagsak na ako nito," rinig kong bulong ni Casty.
"Okay, what's the answer in number 1?" tanong ni Ms. Ana. May nagtaas ng kamay sa isa sa mga kaklase ko at sinagot ang 'recording'. Hindi na ako nag-abalang sumagot pa.
Hanggang sa...
"Okay pass the papers," sabi ni Ms. Ana. "Who got the perfect score?" tanong ni Ms. Ana kaya tinaas ko ang kamay ko at nagulat ako nang makitang nakataas din ang kamay ni Comely.
"Woah! Very good. Okay I hope you learned thoroughly. And that's all have a nice day everyone. Good bye!" sabi ni Ms. Ana at lumabas na.
May narinig na akong mga nagbulungan.
"Woah! Si Comely yung transferee di ba? How come na natapatan niya si Jasper?"
"Yeah, I thought Jasper is the only one who'll get a perfect score,"
"OMG! Me too kaya!"
"And nakakagulat din yung pagsagot ni Jasper,"
"Huwag niyong sabihin na si Comely ang big rival ni Jas-"
Napahinto sa pagsasalita ang isa kong kaklase nang marinig na magsalita si Comely.
"Hindi niyo ba kayang magsalita sa utak niyo? Can't you see? Nandito yung mga pinag-uusapan niyo," sabi ni Comely at saka naupo na sa upuan niya.
Naibuka ko ang bibig ko dahil sa gulat. Woah?! What's with her?
"Oh my! She is a bitch!" dinig kong sabi ng babae. Napailing na lamang ako at hindi iyon pinansin.
"What the f*ck, bro! I thought..." biglang sabi ni Casty.
"Akala ko rin," sabi ko na lang sa kanya.
Dumating na rin ang kasunod na subject namin at ganoon din ang nangyari,may quiz kami. Halos nagulat ang lahat nang hindi lang ako ang naka-perfect score.
"Bro, mukhang may katapat ka na," bulong ni Casty. Tinapik niya pa ang balikat ko.
Sa hindi malamang dahilan ay napangisi ako.
Yeah, and she's Comely.
"Wooohooo! Recess time!" sigaw ni Casty nang makalabas na ang teacher namin.
"F*ck! Kanina pa ako nagugutom," sabi niya na nakaupo na sa lamesa ng katabi ko habang hinihintay ako.
Nang matapos na ako sa pag-aayos ng gamot ko ay lumabas na kami ng room.
"What the f*ck, bro! Seryoso talaga?! Hindi ako makapaniwala. Akala ko mahinhin at tahimik siya," sabi ni Casty habang pababa kami ng hagdan. Sobrang ingay niya.
"Pero ang galing niya ah. Ang talino. Bagay na bagay kayo pinsan," sabi niya na sinuntok pa ako sa braso.
"Ay teka nga pala, kumusta ang iyong puso? Mabilis ba ang pintig?" hinawakan niya pa ang dibdib ko.
"What the heck! Casty!" sigaw ko sa kanya.
"Tss, chinecheck lang eh," sagot niya at ngumuso pa. Parang t*nga.
"He-hello Jasper," napunta ang atensyon ko sa bumati sa akin. Si Aira. Nginitian ko naman siya.
"Oh? Kailan pa nagkaroon ng lakas ng loob na bumati sa iyo iyon?" tanong ni Casty na tinuro pa si Aira. Nagkibit balikat na lamang ako.
Pagbaba namin ay nagulat ako pati na rin si Casty.
Nandito sina Cathy at Tita Celine.
Kaagad akong nagmano kay Tita Celine.
"Haaay, kambal na-miss kita!" akmang yayakapin ni Casty si Cathy ay nauna na ang pagpingot nito sa kanya.
"Aish! Hindi mo pinaalala sa akin na may quiz tayo!" naiinis na sabi niya.
"Son, sana sinabi mo. Alam mo naman na mabilis makalimot itong kakambal mo," sabi ni Tita kay Casty.
"Akala ko kasi talagang gusto mo sumama kay Mommy eh," sagot ni Casty na napakamot sa batok.
"Aish! I hate you!" sigaw ni Cathy at padabog na umakyat ng hagdan.
"Binata ka na Jasper. Ah sige mauna na ako, kakausapin ko ang teacher niya para pakuhanin siya. We'll talk later Casty," sabi ni Tita at sumunod na kay Cathy.
"Aish! Hindi ba nila alam na nakakalimot din ako?" sabi ni Casty at ginulo ang buhok niya.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa canteen.
Pagpasok doon ay kaagad kaming naghanap ng mauupuan ni Casty saka siya umorder. Busy ako sa paggamit ng phone nang biglang may marinig akong nagtatawanan.
Tumingin ako sa direksyon na iyon at nandoon si Comely na masayang tumatawa. How come na ang napakaamong mukha na iyon at mahinhin na pagtawa ay may kakaibang ugali? Napailing na lamang ako.
Ibang-iba siya sa naisip ko.
"Uy! Nakatingin siya kay Comely," biglang may tumusok sa tagiliran ko.
"F*ck Casty!" sabi ko sa kanya.
"Teka...." sabi niya tapos lumapit pa sa tainga ko.
"Uy sanay na siya! Hindi na namumula ah!" nakangising sabi ni Casty. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin.
Nagsimula na kaming kumain ng binili ni Casty na macaroni at milk tea.
"Bro, seriously hindi ka maniniwala! F*ck! Di ba kahapon hindi tayo sabay umuwi dahil nauna na ako? Nagkita kami ni Myrene! And you know what...." sabi niya tapos bago ipagpatuloy ang pagku-kuwento ay sumipsip muna siya sa milk tea at ako naman ay kumakain ng macaroni.
"Pinsan, Myrene just said.... I think I'm starting to like you. Bro! Mababaliw ako!" sabi niya. Napailing na lamang ako.
"Bro, ligawan mo na rin kaya si Comely. Tignan mo sobrang sarap sa pakiramdam," nakangiting sabi niya habang tinataas baba ang kilay niya. Sinubo ko ang huling kutsara ng macaroni at uminom sa milk tea.
Umiling ako sa kanya.
"Eh?"
"Casty, wala naman akong gusto sa kanya," tamad kong sabi.
"What the f*ck!" may ilan pang napalingon sa pagsigaw ni Casty.
"Kasasabi mo lang kahapon na...F*ck! Casty! Isang beses ko pa lang nakita ang babae na iyon pero ang puso ko ay kung tumibok parang mamatay na ako. Nakakabakla Casty! Ramdam ko ang pag-init ng tainga ko na siyang naging dahilan ng pamumula nito. Humihinto ang oras ko kapag nasa malapit siya. Ang bilis-bilis mo pa ngang magsalita eh," sabi niya na ginaya pa ako. Malutong na napamura na lamang ako.
"Tss, hindi ako yung kahapon," sabi ko.
"Hindi ikaw ang kahapon?! Ano iyon multo? Utot mo!" inis na sabi niya at sabay subo sa macaroni.
Nang matapos na kami ay kinuha ko ang pinagkainan namin at tinapon iyon sa basurahan.
"Bro, sinong niloko mo? Kita ko kung paano ka tumingin kay Comely. May admiration eh," sabi niya nang makalabas na kami ng canteen. Napamura na lamang ako.
"Admiration? Anong klase iyan?!" sabi ko sa kanya. Bigla na lamang siyang napabunghalit ng tawa.
"Maybe you are in denial stage," nakakalokong sabi niya na siyang nakapagpatigil sa akin at bago siya umakyat ay tinapik niya pa ako sa balikat.
Anong klase iyon?! Nakakabakla talaga!
Biglang pumasok sa utak ko ang mga eksenang naroroon siya.
Kung paano niya ako tinrato sa jeep, yung pagkakaroon niya ng lakas ng loob na sumagot, kung paano siya nag-react sa mga babaeng pinag-uusapan siya, at kung paano siya tumawa.
How come na mali ang akala ko?!
Masyado ba akong naloko ng kanyang maamong mukha na hindi aakalaing kabaligtaran ng ugali nito?
Ang akala ko ay siya yung tipo ng babae na napaka mahinhin at mabibilang mo lamang ang mga salitang kanyang sasabihin.
Mas lalo tuloy niyang nakuha ang atensyon ko. Siya lamang ang tanging babae na nakatapat sa pagiging matalino ko.
I don't know kung bakit parang gustong-gusto ko siyang kilalanin.
She took my curiosity.
She is really something that will bring a big impact in my life.

Bình Luận Sách (50)

  • avatar
    GraceDumaguing

    yehey!

    17/08

      0
  • avatar
    Rjane Tipolo

    it was good I enjoy reading it

    11/08

      0
  • avatar
    Melanie Crisostomo Salas

    sobrang Ganda...

    04/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất