logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Prologue: Christmas Day

Someone's point of view:
"Kuya! Kuya! Wake up! Wake up!" napatalukbong na lamang ang lalaki na natutulog matapos siyang pilit ginigising ng nakababata niyang kapatid. Hindi naman kasi siya yung tipo ng tao na tinatawag na 'early bird'.
A blessed morning and another day full of hope came again. In this daily morning routine, you wouldn't know that this would be just a glimpse of memory, that you wouldn't know the value of the moment.
"Jayie, I'm still sleeping," inaantok na sagot ng lalaki rito. Ngunit walang tigil ang batang babae sa pag-iingay at pagpilit na paggising sa kanyang kuya.
"Kuya! Wake up! We're going to leave na," sabi nito sa kanya at nagsimulang tumalon na sa malambot na kama na kung saan siya nakahiga.
"Fine! Fine! Can you please don't jump? Baka hingalin ka niyan eh," suko ng pagsabi ng lalaki sa kanyang nakababatang kapatid. Bumangon na ang lalaki habang nagkukusot ng kanyang mga mata. Hindi niya kayang tiisin ang kanyang super cute na nakababatang kapatid. Ilang beses na lamang tuloy siyang napapailing habang may ngiti sa kanyang labi.
"No, I want to jump! Yehey! I'm so excited. We're going to have fun since it's Jesus Christ day! And Jayie loves Christmas so much!" masayang sigaw ng batang babae habang patuloy pa rin sa pagtalon sa malambot na kutson na nasa ibabaw ng kama. Napabuntong hininga na lamang ang lalaki na tumayo saka binuhat ang kanyang kapatid.
"Napaka kulit mo talaga," bulong niya sa tainga nito na nakapagpabungisngis sa batang babae.
"Oh! I think you forgot something," sabi niya rito na naging dahilan kung bakit napakunot ng noo ang batang babae. Iminuwestra niya ang kanyang kaliwang pisngi rito. Nang dahil dito ay nanlaki ang mga mata ng batang babae nang mapagtantong nakalimutan nga niya iyon. Kaagad na hinalikan ng batang babae ang pisngi ng kanyang kuya.
"Tss, masyadong na-excite na gisingin ako. Nakalimot gawin ang dapat gawin," nakangusong sabi ng lalaki. Bigla tuloy siyang niyakap ng kanyang kapatid.
"Kuya, galit ka po?" tanong ng batang babae na hinawakan pa ang magkabilang pisngi ng kuya niya. Hindi naman sumagot ang kuya niya kaya ang ginawa niya ay pinupog niya ito ng halik sa magkabilang pisngi na naging dahilan kung bakit natawa ang kuya niya.
Those are the moments that you never knew how valuable they were. Wherein you may just wish that those moments will remain forever.
"Oh?! Ginising na pala ni baby si kuya," sabi ng Mommy nila nang makababa na sila at tumungo sa hapag kainan. Ibinaba naman ng lalaki ang kanyang kapatid sa upuan nito.
"Good morning, Mom," bati ng lalaki sa Mommy niya at hinalikan sa pisngi, ganoon din sa Daddy nilang busy sa pagbabasa ng diyaryo habang sumisimsim sa kape nito.
"Honey, nasa harap tayo ng pagkain. Can you please stop that? Kailangan na nating magmadali at baka ma-traffic pa tayo lalo na't maraming magbabakasyon sa probinsya," sabi ng Mommy nila sa asawa nito. Napapabungisngis na lamang sa pagtawa ang magkapatid.
"Alright, Honey," sabi ng asawa nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito at ipinatong sa taas ng ref ang diyaryo.
"Excited na ba ang mga baby ko?" tanong ng Daddy nila habang hinihiwa ang bacon mula sa plato nito.
"Dad, mga baby? Seriously?! I'm no longer a baby. Only Jayie...." nakakunot na noo ang sabi ng lalaki habang ngumunguya. Napatawa na lamang tuloy ang mag-asawa.
"Ah, oo nga pala heheh. Natuli na pala si kuya," natatawang sabi ng Daddy nito na nagpamula sa mukha ng anak niyang panganay.
"Stop Dad," naiinis ng wika ng lalaki. "Mom, you're laughing too," sabi niya sa Mommy niya. Napuno ng kuwentuhan at tawanan ang almusal nila.
Moments when you'll never know that it will change. Besides, changes that are so hard and very difficult to deal with. The only thing you can do is just ask yourself if you can go back in time.
Matapos niyon ay nagtungo na ang lalaki sa kanyang kwarto para maligo at magbihis. Ilang minuto lang ay may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Kuya? Are you already done? I'm going to show you how beautiful Jayie is," sabi ng kapatid niya mula sa labas ng kwarto niya. Napatawa na lamang tuloy siya.
"Wait a minute baby," sabi niya at saka nagmadali sa pagsuot ng kanyang damit. Matapos niyon ay binuksan na niya ang pinto. Kaagad niyang naramdaman ang galak sa puso niya.
"Kuya, look at me! I'm very pretty, right? Look! Mommy just bought me this headband," tuwang-tuwa na sabi ng batang babae na umiikot pa. Sa sobrang tuwa ng lalaki ay binuhat niya ang kanyang kapatid. Terno ang damit nito na light pink ang pang-itaas habang dark pink ang palda nito,at may headband na pink sa ulo at nakasuot ng rubber shoes na puti na siyang may disenyo na Hello Kitty.
"Yeah, it suits you very well. You are the most beautiful girl, Jayie." Sabi niya sa kanyang kapatid. Hanggang tainga naman ang ngiti ng batang babae ngunit napawi rin ito nang may mapagtanto.
"No Kuya, I'm the most beautiful if I have a hair. Look, I'm bald, my skin is too pale, and I'm too thin." Malungkot na sabi nito na siyang naging dahilan ng paglungkot ng puso niya. Upang maisawalang bahala iyon ay hinalikan niya sa noo ang kanyang kapatid.
"So what? You're so pretty kaya. Hey, don't be sad. Someday you'll have a hair, you'll have a normal body, then you're going to play around. You'll be better, Jayie. You are your kuya's baby always." Pagpapalakas na loob na sabi niya rito.
"Kuya, when will it be?" malungkot na tanong ng kapatid niya na tila nawawalan na ng pag-asa.
"Maybe next year or next next year. Don't worry baby. Kuya's first love will always be you and no one can replace the most beautiful girl," sabi niya rito at hinalikan sa ilong nito. Tapos niyakap siya ng kanyang kapatid ng sobrang higpit.
"I love you Kuya," bulong ng kapatid niya.
"I love you more," sagot niya rito.
That's the most painful thing in your life when your beloved younger sister has an illness that you wish you had instead of her.
Biglang pumasok na ang kanilang Mommy.
"Oh? Why didn't you call us? Nagyayakapan kayo ng wala kami!" sabi ng Mommy nila at kaagad niyakap sila. Pumasok din sa kwarto ang Daddy nila at nakiyakap din.
That's the most beautiful scene in a family, a big hug from each other.
---
"Hey baby, wear this jacket you'll get cold," sabi niya sa kapatid niya habang nakasandal ito sa braso niya at katabi niya sa loob ng sasakyan.
Ayaw kasi nitong magsuot ng jacket dahil hindi naman daw malamig at nakayakap naman daw siya sa kuya niya.
Wala ng nagawa ang lalaki kaya ipinatong na lamang niya ito sa kapatid niya na nakapakumot upang hindi lamigin. Niyakap siya ng kapatid niya at paulit-ulit na sinasabing 'I love you'. Napapangiti na lamang tuloy siya dahil sa kalambingan nito. Tanging silang dalawa lamang ang magkapatid.
Patungo sila sa Elenesan,ang kinalakihang probinsya ng Mommy nila, kung saan doon sila magpapasko. Naroroon kasi ang kanilang Lola at pati na rin ang ilang mga kamag-anak. Nakagawian na nilang mag-celebrate ng pasko at bagong taon kasama ang buong angkan.
"Mom, sigurado po ba kayo na okay lang talaga na ibyahe si Jayie?" tanong niya sa Mommy niya. Napatingin tuloy mula sa rear mirror ang Daddy niya. Lumingon naman ang Mommy niya at ngumiti.
"Of course, Jayie is a strong girl. Look, mahimbing na siyang natutulog. And don't worry, I brought all her meds," sabi ng Mommy niya. Napatingin na lamang siya sa kapatid niya at hinalikan ito sa ulo. Inayos niya pa ang muntikang mahulog na headband nito.
"You very love your sister," natutuwang sabi ng Daddy niya na nakatingin mula sa rear mirror. Naka-stop kasi yung sasakyan nila dahil traffic.
"Honey! Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Dapat kasi maaga na tayong umalis," reklamo ng Mommy niya at hinampas pa nito sa braso ang Daddy niya.
"Yeah, my fault," sagot ng Daddy niya na napahimas sa hinampas ng asawa nito.
Hindi naglaon ay nakarating na rin sila sa bahay ng Lola nila. Kaagad silang sinalubong ng kanilang mga kamag-anak.
That's so wonderful when you get to reunite together after a long time ago.
"Oh ang laki na ni Jasper. Aba'y 'kay gwapong bata," natutuwang sabi ng Lola niya at hinalikan siya sa pisngi.
"Oh Jayie! Ang ganda-ganda naman ng apo ko na ito. Manang-mana sa Lola eh," natutuwang sabi ng kanilang Lola kay Jayie. Magkahawak kamay sila ng kapatid niya at parehas silang may suot ng bagpack sa likod. Habang ang Mommy at Daddy nila ay busy sa pagbaba ng mga pagkain na pasalubong at ilang mga baon na gamit.
Kaagad bumitaw sa kanya ang kapatid niya at tumakbo sa kumpol ng mga bata. Pipigilan niya sana ang kapatid niya dahil baka atakihin ito ng sakit nang pigilan siya ng Mommy niya.
"Son, let her play. Hayaan nating iparamdam na wala siyang sakit," sabi ng Mommy niya at ginulo ang buhok niya. "Tulungan mo na lamang kami," dagdag pa ng Mommy niya.
Nagmano rin siya sa mga Tito at Tita niya. Wala na nga pala ang Lolo niya, matagal na itong patay dahil sa isang sakit.
"Jasper?" may lumapit bigla sa kanyang babae at naupo sa tabi niya. Nasa sala na siya ngayon at naglalaro ng isang application games sa kanyang cell phone.
"Cathy!" sigaw ng isang lalaki at lumapit din sa kanya. "Aissh! Tara na!" pag-aya ng lalaki.
"Can't you remember us?" tanong muli ng babae, hindi pinansin ang tumawag dito.
Biglang dumating ang Mommy niya. Tumayo naman ang dalawang bata upang magmano.
"Tita Jana, you look prettier po," puring sabi ng lalaki.
"Hay naku Casty! Manang-mana kay Kuya eh noh. Napaka galing mambola," sabi ng Mommy niya at ginulo ang buhok ng lalaki na nagngangalang Casty, ito yung tumawag sa babae kanina.
"Hello Tita," bati naman ng babae.
"Cathy?! OMG! Dalaga ka na," masayang sabi ng Mommy niya sa babae at hinalikan ito sa magkabilang pisngi.
"Jasper, why don't you get along with your cousins? Don't you remember? They were your playmates when you were just a baby," sabi ng Mommy niya pero hindi man lang niya iyon pinansin at hindi itinigil ang paggamit ng cell phone.
"Hey twins, where's your Dad? I want to see Kuya Charles," tanong ng Mommy niya.
"Garden po," sagot ni Cathy. Umalis na ang Mommy niya. Tumabi naman ang kambal sa kanya at naupo sa magkabilang gilid niya na bakante.
"Oh? You're also playing that? Hey Cast, you love that, right?" tanong ni Cathy. Tamad na tumango naman ang kakambal nito.
Biglang may naghabulan sa harapan nila.
"Kuya, come with us! They are all nice playmates. Look, may mga kapitbahay pala sila Nicholas na mababait," masayang lumapit sa kanya ang kapatid niya at hinila pa siya. Umiling naman siya.
"Huwag kang magpagod Jayie," pagbabawal niya sa kapatid niya. Tumango lamang iyon at tumakbo na. Tuwang-tuwa ito habang nakikipaghabulan sa mga pinsan nila na ang iba'y kasing edad din nito.
"Nicholas! Madaya ka!" rinig na sigawan ng mga bata.
"Oh, so she's Jayie pala. She's so beautiful." Napatingin siya sa katabi niya na nasa kaliwa at nakatingin iyon sa pintuan kung saan ngayo'y naghahabulan ang mga bata.
"Tsk! kahit kailan talaga madaya si Nicholas," natatawang sabi ni Casty na nakaupo sa kanang tabi niya.
"Tss, Cast, sinabi mo pa talaga? Sa iyo lang naman nagmana eh," sagot ni Cathy sa kakambal nito.
"Ay nga pala, anong sakit ni Jayie?" tanong bigla ni Cathy. Natigilan siya pero kaagad ding binaliwala iyon.
"Leukemia.... Acute myeloid leukemia," sagot niya.
"Oh? That's the reason why Lolo died, right? I pity Jayie. I hope she'll get well soon," bulong ng babae.
"Don't pity her. Just treat her like a normal," sabi niya rito at tumayo na saka ibinulsa ang cell phone niya.
"You seems a very possessive brother. Saan ka pupunta?" tanong ni Cathy nang lalabas na si Jasper.
"Babantayan ko lang siya," sagot niya.
"Tss, ang sungit," sabi naman ni Casty nang makalabas na si Jasper.
"Hey, he's our cousin. We need to get along with him. Minsan ganyan ka rin kaya," sabi ni Cathy tapos inirapan ang kakambal niya.
"Yeah, but I admire how he plays that game. He can even reach the top," namamanghang sabi ni Casty.
"Tss, game, game. Puro ka game!" inis na sabi ni Cathy at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa saka lumabas na.
---
"Yehey! Party time!" masayang sigaw ng mga bata. Nasa garden silang lahat at tanging Christmas lights ang nagsisilbing kanilang ilaw. Hinihintay nilang magpasko. At bago mag-noche buena ay may naisip muna ang mga matatanda na pakulo upang maging memorable at nang sagayon ay hindi mainip ang mga bata. May tumutugtog din sa paligid ng mga pamaskong kanta.
( /^ω^)/♪♪
You better watch out
You better not cry
You better not pout
I'm telling you why
Santa Claus is coming to Town
Santa Claus is coming to Town
( /^ω^)/♪♪
"Santa Claus is coming to Town!" nagsisabayan ang mga bata sa pagkanta.
"Hahaha...Okay mga apo quiet na," sabi ng Lola nila. Mga nakaupo sila sa damuhan bali labing-isa silang magpipinsan, anim ang bilang ng mga lalaki samantalang ang mga babae ay lima naman.
"Ganito mga apo, habang naghihintay tayo ng pasko ay may naisip kaming gawin. Sino kaya sa inyo ang magaling sumayaw o kumanta? May premyo kay Lola," masayang sabi ng Lola nila. Biglang tumayo si Jayie at masayang itinaas ang kanyang kamay.
"Jayie? You want to sing?" tanong ng Lola. Umiling ito ng nakangiti at masayang itinuro ang kanyang Kuya na tamad na tamad na at tahimik na nakaupo sa damuhan.
"No, Kuya will do," sabi niya at lumapit sa Kuya niya. Nanlaki tuloy ang mga mata nito at ilang beses na todong napailing.
"Go son!" sigaw ng Daddy nila. Lalo tuloy nangunot ang noo niya. Ayaw niya ng atensyon.
"Please, Kuya?" sabi ni Jayie at todo hila sa Kuya niya.
"No," sagot nito.
"Hey, sino po ang may guitar?" tanong ni Jayie.
"Oh, Kuya Casty!" sigaw ni Nicholas yung kasing edad ni Jayie na makulit din.
"Aissh fine!" Tumayo si Casty at kinuha ang gitara nito sa loob ng bahay.
"Hey Kuya! Come on! Let's go! Let them hear your angelic voice," sabi ni Jayie. Todo iling naman si Jasper at binibigyan ng masamang tingin ang kanyang kapatid na walang ginawa kundi tumawa nang tumawa.
Hanggang sa todo cheer na ang lahat kaya wala na siyang nagawa. Kinuha niya yung inabot na gitara ni Casty. Tuwang-tuwa si Jayie at walang humpay sa pagpalakpak.
"Yes! Kuya will sing!" masayang sigaw nito. Katabi na niya si Cathy. At todo bumubulong ito rito na sobrang ganda raw ng boses ng kanyang Kuya at magaling daw ito.
"Go Kuya Jasper!" sigaw ng mga bata niyang pinsan kabilang na si Jayie.
"Go Jasper!" sigaw naman ng mga kasing edad at mas matanda sa kanya.
May upuan sa harap at doon siya naupo saka ipinatong sa hita niya ang gitara at nagsimulang i-strum iyon. Nagpalakpakan naman ang lahat. Nagsipagtahimikan pa nga ang lahat pero 'di kalaunan nang alam nila ang kanta ay kanilang sinabayan ito. Tuwang-tuwa si Jayie habang sinasabayan ang Kuya niya na kumakanta.
"Have yourself a merry little Christmas
Let your heart be light
From now on
Our troubles will be out of sight"
Naghiyawan ang lahat matapos niyang kumanta.
"Aba'y kaganda naman pala ng boses ni Jasper," bati sa kanya ng isa sa mga Tita niya. Napangiti na lamang siya pero sa kanyang loob-loob ay hiyang-hiya at naiinis na siya.
"Sa-salamat po," sambit niya. Biglang lumapit sa kanya ang kapatid niya.
"Woah! Ang ganda talaga ng boses mo Kuya," sabi sa kanya ni Jayie. Pero hindi niya iyon pinansin.
Marami pang nag-perform at napuno sila ng kasiyahan. May ilan pang palaro ang mga matatanda sa mga bata na kung saan kapag nanalo ay mayroong regalo.
Nang sumapit na ang alas dose ay nagsipagkainan na sila. Napuno ng batian ang bawat isa, ngunit si Jasper ay nananatiling tahimik at walang imik. Talagang ayaw niya ng mga ganitong okasyon. Samantalang napapangiti naman siya sa tuwing sobrang saya ni Jayie, pero hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nito. Tahimik na pinagmamasdan na lamang tuloy ni Jasper ang mga kamag-anak niyang nagsasaya.
Kalaunan ay nagsipagpaalaman na rin ang lahat. Mayroong mga silid ang mga apo na kung saan sa kanang silid naroroon ang mga babaeng apo samantalang sa kaliwang silid ang mga lalaking apo. Ang mga magulang nila ay may sari-sariling silid din. Samantalang ang kanilang Lola ay nasa pinaka dulong silid.
"Good night! Merry Christmas!" pagbati ng bawat isa. Napapatango at pilit na ngumingiti si Jasper sa mga pagbati sa kanya ng mga pinsan niya.
"Oh? Jayie, rito tayo matutulog," sabi ni Cathy nang mapansin na susunod ito sa Kuya nito. Napahinto si Jayie at gayundin si Jasper.
"Huh? Gusto kong katabi si Kuya," sabi ni Jayie na humawak sa kamay ng Kuya niya.
"Wala ka ng hihigaan doon. Tara, tabi naman tayo," masayang sabi ni Cathy. Napayuko si Jayie pero kalaunan ay tumango rin ito at nagpaalam sa Kuya niya.
Si Jasper naman ay tumango na lamang at sa kanyang isip-isip ay bukas na lamang niya ito babatiin dahil antok na antok na siya.
---
Nagising na si Jasper at siya na lamang pala ang nasa silid nila. Nanatiling tahimik ang paligid na siyang nakakapanibago.
"Hindi ata ako ginising ni Jayie," nasambit na lamang niya. Paano naman kasi daily routine na ni Jayie na gisingin ang kanyang Kuya.
Napangiti siya nang mapagtantong pasko na ngayong araw. Kaagad siyang pumunta sa banyo at naghilamos saka nagsipilyo.
Kinuha niya sa kanyang bag ang regalo para kay Jayie.
'Paniguradong matutuwa si Jayie nito,' sa isip-isip ni Jasper. Nakangiti siyang naglakad at tinahak ang daan patungo sa silid ni Jayie.
Ngunit unti-unti iyong napawi nang pipihitin niya pa lang sana ang pinto ay may naririnig siya sa labas na tila parang may mga umiiyak. Walang pakundangan na binuksan na niya ang pinto.
Sa halip na masasayang mukha ang bumungad sa kanya at batian ng 'Maligayang Pasko' ay napuno ng iyakan ang bawat isa, ang bawat sulok ng silid na iyon.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Nakabukas ang pinto ng kwarto ng mga babae at doon niya naririnig ang mga hagulgol.
"Ja-jasper," sambit ni Cathy. Napabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.
"Si Jayie?" tanong niya sa mga ito. Hindi niya alam kung bakit kirot bigla ang naramdaman niya nang mas lalong naghagulgulan ang mga ito.
Biglang nagsipaglayuan ang lahat na kung saan doon nagkukumpulan at nag-iiyakan.
"Oh tulog pa pala si Jayie?" napiyok na sabi niya. "Merry Christmas po," bati niya sa lahat ngunit ni isa man ay walang nagsalita.
"Jayie? Merry Christmas! Bangon ka na! Look, yung regalo ko oh. Go buksan mo na," sabi niya at tila nagsitaasan ang mga balahibo niya nang mapansin na hindi gumagalaw si Jayie at hindi man lang ito natinag.
"Jayie oh," siya na ang nagbukas ng kanyang regalo. At doon mas lalong napahagulgol ang lahat nang makita ang regalo ni Jasper kay Jayie.
"Jayie, y-yung regalo sa iyo ni Kuya oh. Paniguradong tuwang-tuwa ka rito," muling sabi niya.Tapos isinuot niya sa ulo ni Jayie ang kanyang regalo na isang wig.
Biglang naramdaman niyang may humawak sa balikat niya.
"Ja-jasper, wa-wala na si-si Ja-jayie," sambit nang kanyang Mommy.
"What? Mom this is not a good joke. Jayie is just sleeping. Can't you see Mom?" napatayo si Jasper sa pagkakaupo mula sa kama ni Jayie. Muling nagsalita ang Mommy niya ngunit walang boses na lumabas doon, tanging bulong lamang.
"Jayie is in heaven now," bulong ng Mommy niya na patuloy umaagos ang luha nito. Inalalayan na nga ng Daddy niya ang kanyang Mommy.
"Mom, Dad. Look at Jayie, may buhok na po siya," nakangiting sabi ni Jasper sa mga magulang niya ngunit lumuluha na ang mga mata nito.
"Jasper," sambit ng Daddy niya na base sa boses nito ang pagpipigil na umiyak at pagkaawa sa kanyang anak.
At doon na napaluhod si Jasper na tila nabuhusan siya ng malamig na tubig at napasigaw na lamang sa sobrang sakit ng nararamdaman.Isang katotohanan ang tumusok sa kanyang dibdib.
"Jayie!" kaagad siyang dinaluhan ng Mommy niya ngunit nagpumiglas siya at lumapit kay Jayie.
"Jayie? Wake up! Kuya is not already angry to you! Jayie? This is not a good joke. Please, do wake up! Jayie! Jayie! Look you already have a hair. You know what pinag-ipunan ko ito. Jayie wake up. Jayie...." kaagad niyang niyakap ang kapatid niya at napahagulgol siya rito.
The breakdown when you suddenly know the truth. The feeling of being very hurtful and having a stab in your chest about the reality is so hard to accept. It was just yesterday when you were together, breathing the same air. Yet, time passed by, the string of your heartbeats suddenly tore a part, and the air you're breathing, you are the only one who inhales it. It suddenly stopped and someone was already lost.
"Bakit....sa araw pa ng pasko? Bakit? Bakit mo kami iniwan? Jayie...." muling napayakap siya sa kapatid niya at hinalikan ang noo nito.
Tumayo na siya at kaagad pinunasan ang kanyang luha.
"Kaya pala walang nanggising sa akin," mapait na bulong ni Jasper.
Lumabas na siya sa silid na iyon. Susundan pa sana siya ng pinsan niya at ng mga kamag-anak niya nang pigilan ito ng mga magulang niya.
Naalala niya ang huling sandali na kasama niya si Jayie. Hindi niya akalain na iyon ang oras na huling makikita at maririnig niya ang pagkurap ng mga mata nito, ang paghinga nito, ang magandang ngiti nito, at ang malambing na boses nito. Huling beses na pala niyang mararamdaman ang yakap ng kanyang kapatid.
(Flashback)
"Kuya, Merry Christmas!!!" sigaw ni Jayie.
"Aissh! Akala mo babatiin kita?" naiinis kasi ito sukat ba namang siya ang itinuro na kumanta.
"Bakit? Maganda ang boses ng Kuya ko!" sabi nito. Tatayo na sana siya para pumunta sa kanyang silid nang hawakan siya ni Jayie sa kamay.
"Kuya, mahal na mahal po kita. Please, don't forget me. Merry Christmas!" sabi nito at niyakap siya ng mahigpit. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso. Hindi siya sumagot dahil bukas na lamang niya iyon babatiin.
"Galit sa akin si Kuya." Narinig niya ang bulong nito pero hindi na niya pinansin.
(End of Flashback)
Pagbangon pa naman niya ay excited siya at kaagad kinuha sa bag niya ang regalo, pero huli na pala ang lahat.
Nang makabalik na siya sa kanyang kwarto ay nagulat siya nang may makitang sobre sa kama.
"Jasper, pinabibigay ni Jayie iyan. Tinulungan ko siyang gawin iyan kagabi. Naiwan niya raw kasi yung regalo niya sa iyo," sabi ni Cathy nang makalapit sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay niya na kinuha iyon.
Ginawang sobre iyon na idinikit ng glue. Napangiti siya dahil iyon yung tinuro niyang sobre dito. May nakasulat sa sobre na 'Kuya Jasper'.
May drawing pa ang sobre ng stickman na lalaki na kung saan ito siya at isang batang babae na kung saan ito naman si Jayie.
Binuklat niya iyon at napaluha na lamang siya at napaluhod sa nabasa niya.
With just words, it's not enough to express your feelings. You have to say and show your emotions in front of that person.
'Sorry po Kuya' nakalagay rito. May drawing pa na naka-peace sign na daliri.
Napaisip na lamang siya....
Bakit hindi ko pa siya binati kagabi? Bakit nagalit pa ako? Anong klaseng kapatid ako? Bakit? Hindi man lang ako nag-merry Christmas sa kanya... Bakit ngayon pa siya kinuha? Bakit ang bilis? Bakit kung kailan huli na ang lahat?
The whys behind that are too hard to give an answer.
Nakita niya sa kanyang isip ang imahe ni Jayie na nakangiti at nagpapaalam sa kanya.
"Jayie...." nasambit niya sa gitna ng pag-iyak at napaluhod na lamang.
"Aking kapatid...." Niyakap niya ang ginawa ni Jayie para sa kanya.
"Huwag ka ng umiyak, Jasper. Paniguradong hindi na masasaktan si Jayie. Alam mo bang ang dami niyang kinuwento sa akin kagabi? Sobrang suwerte niya raw na naging Kuya ka niya," sabi ni Cathy at niyakap si Jasper.
"Jayie, mahal na mahal na mahal ka ni Kuya. Hinding-hindi kita kakalimutan. Merry Christmas, Jayie...." nakapikit niyang sabi habang ini-imagine ang mga nakangiting imahe ni Jayie na nakatingin sa kanya.
Muling narinig niya ang boses ni Jayie.
"Merry Christmas, Kuya!"
Muling napahagulgol na lamang siya.
The regret through his pride is lingering on. His heart is filled with sadness.
'Bakit ngayong araw pa? Bakit sa araw pa ng pasko?' sa isip-isip ni Jasper.

Bình Luận Sách (50)

  • avatar
    GraceDumaguing

    yehey!

    17/08

      0
  • avatar
    Rjane Tipolo

    it was good I enjoy reading it

    11/08

      0
  • avatar
    Melanie Crisostomo Salas

    sobrang Ganda...

    04/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất