logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

It's Me

It's Me

sephroeen


Kabanata 1

Inip na inip na ako sa paghihintay kay Ashiya rito sa Grotto. Usapan namin na dito magkita bago namin puntahan si Zoren sa Room nila. Ubos ko na rin ang pagkain na dala ko sa sobrang tagal nya. Siguro napa-tsismis na naman ang babaeng yun.
Naghintay pa ako ng kaunting minuto bago sya dumating.
"Salamat naman at dumating ka na. Nahiya ka pang sabihin na mauna na ako para hindi ako naghintay sayo rito ng matagal." taas ang kilay na sabi ko sa kanya.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Hehehe, may nakachikahan lang ako sa daan."
"At di mo man lang naisip na may naghihintay sayo." hinila ko ang braso ko sa kanya, kunwaring nagtatampo.
"Ehhh kasi naman nakasagap ako ng balita tungkol kay crush." sumimangot muna sya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Dumating na raw yung girlfriend nya galing Singapore. Di ko na tuloy malalandi. Hmmp." nakanguso pa sya kaya nagmukhang pato.
Ngumisi naman ako sa kanya bago nagsalita.
"Hindi lang talaga sya ang taong para sayo." lalo namang humaba ang nguso nya sa sinabi ko. "Stop pouting. Nakakadiri." sabi ko at inirapan nya ako.
"Tara na nga at baka tapos na sila Zoren sa klase nila. Nagugutom na ako eh."
Pumunta na kami sa room nila Zoren. Pagkarating namin saktong labasan na nila. Nakita naman nya agad kami kaya lumapit na sya sa amin.
"Badtrip si Sir, ako lang ang tinanong ng tinanong. Bakla ata yun eh. Gwapong gwapo sa akin." ngumiwi agad kami ni Ashiya sa kanya.
"Gutom lang yan." sabi ni Ashiya at sinuntok ito sa tyan.
"Oooppssss, tsansing Achiya." sinamaan naman sya ng tingin ni Ash.
"Correction, its Ashiya." maarteng sabi nya.
Umiling na lang ako sa kanila at nauna ng maglakad papuntang canteen. Nagugutom na ako.
"Hoy, Cristel. Huwag mo akong iwan sa baklang 'to." sigaw ni Ash. Tumawa lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Maingay ang canteen pagkarating namin. Wala namang bago roon. Umorder na ako ng pagkain ko at hinayaan ang dalawa na umorder ng pagkain nila. Naghanap ako ng available na table. May kaaalis lang na isang grupo sa gilid ko kaya roon na ako umupo.
Itinaas ko ang kanang kamay ko para makita ako nung dalawa. Lumapit naman sila sa akin kaya nag umpisa na akong kumain dahil gutom na talaga ako.
"Tengene ka, Zoro. Bakit mo inilalagay sa pinggan ko yung paminta. Eh kung ipakain ko kaya sayo ng buo itong pinggan." nanggigigil na sabi ni Ash kay Zoren.
Nagkibit lang ng balikat si Zoren pero kitang kita ko ang pagpipigil nya ng tawa sa itsura ni Ash. Di ko na muna sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
Sinamaan ko ng tingin si Zoren ng kuhain nya ang karne sa pinggan ko.
"Baka kulang pa ang pinggan na ipapakain sayo ni Ashiya. Gusto mo rin ata na ipakain ko sayo 'tong table at yang bangkong inuupuan mo." humagalpak naman ng tawa si Ash nang ibalik ni Zoren ang kinuhang karne sa akin at iniligay sa pinggan ko ang karne na para sa kanya.
" 'No ka ba, parang joke joke lang eh."
"Urong ang buntot ng bakla sa baboy wahahahaha." sabay naming sinamaan ng tingin sa Ashiya na wagas kung makatawa.
"May sinasabi ka?" pinagtaasan ko sya ng kilay kaya natahimik sya at pinuno ang bigbig ng pagkain bago umiling ng sunod-sunod.
This time si Zoren naman ang natawa.
"Uyyyy urong ang buntot ni Achiya." nang-aasar na sabi ni Zoren.
Ibinagsak ko naman ang kamay ko sa lamesa kaya napatingin silang dalawa sa akin.
"Tengene nyong dalawa. Pag di kayo tumahimik pagbubuhulin ko kayo. Gutom si ako oh." tinuro ko pa ang sarili ko bago nagpatuloy sa pagkain.
Nagsamaan naman ng tingin ang dalawa at tahimik na nag-away.
"Hoy, Cristel." tumingin ako kay Ash na may ingininguso sa likod ko.
Tiningnan ko naman kung ano yun, at ayun nakita ko si Jores na nakatingin din sa akin.
"Mukhang gusto ng comeback." sabi nya na sinundan ng malutong na pagtawa.
Di ko agad inalis ang tingin ko kay Jores at ganun din sya sa akin. Di ko mabasa kung anong iniisip nya dahil blangko lang ang mukha nya.
Almost one month na rin ang break-up namin. Ako yung nakipaghiwalay kasi wala na akong nararamdaman sa kanya. Mahigit isang taon nya akong niligawan pero tumagal lamang kami ng anim na buwan.
Hindi sya ang first boyfriend ko, pero sya ang pinakamatagal at mas minahal ko kesa sa mga past boyfriend ko. Hindi naman kasi sya mahirap mahalin dahil almost perfect na sya. Ang kaso nga lang bigla ko na lang na realize na wala na pala akong nararamdaman sa kanya kaya nakipag break ako sa kanya.
Noong una ayaw nya, binigyan nya muna ako ng space para makapag-isip bago magdesisyon kaya pinagbigyan ko naman sya. Pero kahit anong gawin ko wala na talaga akong nararamdaman kaya nakipag-break na talaga ako. Pumayag na rin naman sya dahil ayaw nya akong pilitin.
Iniwas ko ang tingin sa kanya nang tumagal na ang titigan namin.
Tinapos lang namin ang pagkain namin at umalis na rin kami. Tumambay muna kami sa field kung saan naglalaro ang soccer team ng school namin.
"Zoro, abot mo nga sa akin yung pamaypay." pakisuyo ni Ash.
Pinagtaasan naman sya ng kilay ni Zoren.
"Ayoko nga. May sarili ka namang kamay."
"Napakadamot mo, iaabot lang naman."
"May ginagawa ako eh."
"Tigilan mo ako. Nagpapakyut ka lang dyan sa mga freshmen. Di ka naman kyut." inis na si Ash dahil namumula na ang mukha, tenga, at leeg nya.
Natatawa na lang ako sa dalawa. Simpleng bagay, pag-aawayan pa nila.
Napaiwas ako nang may dumaan na bola sa akin. Napalingon ako kay Ashiya na syang tinamaan ng bolang para sa akin.
"Aray ko po." sapo-sapo nya ang pisnging nataaman ng bola. "Tengene, ang sakit." daing nya pa.
May lumapit naman sa amin na isang sophomore na babae.
"Ate, akin na yung bola." mataray na sabi nito kay Ash.
Lalong namula si Ash sa inasta nung babae.
"Ito oh. Lamunin mo yang bolang yan." sigaw nya rito.
Pinagtaasan lang sya nito ng kilay. May lumapit din na isang soccer player sa amin.
"Ash, sorry. Napalakas yung sipa ko ng bola, namali rin ng direksyon." napataas naman ang kilay ko sa lalaki.
Aba, kilala nya si Ash. Kumunot lang ang noo ni Ash at hinimas ang natamaan nyang pisngi.
"Pre, dalhin mo yan sa clinic. Namumula na pisngi oh." singit ni Zoren, natatawa pa ito sa nakikitang itsura ni Ash.
Tinuro nya si Ashiya na masama ang tingin sa kanya. Bumulong bulong si Ash ng kung ano-ano tungkol kay Zoren.
"Sige. Tara Ashiya, palagyan natin yan ng ice compress sa clinic."
"Di na kailangan."
"Pero baka mamaga yang pisngi mo. Malakas ata pagkakatama sayo."
Nanlalaki ang matang sumagot si Ash.
"Ata? Hindi yun ata, malakas talaga ang pagkakatama. Kaya kapag namaga itong pisngi ko, humanda ka na at babalik sayo ito, tig kabilaan pa."
Pinilit sya nung lalaki na pumunta sa clinic. Ayaw nya pa sanang pumunta kaso nawalan sya ng choice nang medyo mamaga na ang pisngi nya.
At ngayon naiwan ako rito kasama si Zoren na nagpapakyut pa rin sa mga freshmen at sophomore na kadarating lang.
"Alam mo, Zoren, napaka Mamba mo."
"Mamba?"
"Mambabata." sabi ko na sinundan ng malakas na pagtawa.
Nginiwian naman nya ako bago humarap ng ayos sa akin.
"Nakakatawa yun?" sarkastikong sabi nya.
"Oo, natawa ako eh"
Tiningnan nya lang ako at pinanlakihan ng mata. Ang sagwa nyang tingnan, mukha syang tarsier. HAHAHA.
"Alam ko yang mga tingin na ganyan, Cristel."
"Talaga ba?"
Tawa lang ako ng tawa kay Zoren sa itsura nya.
Nagtagal pa kami roon ng kaonting minuto bago pumasok sa next subject namin. Wala pa rin si Ash nang dumating ako sa room.
Mga 25 minutes pa ang lumipas bago sya pumasok sa room.
Pinagtinginan sya ng mga kaklase namin dahil sa namamaga nyang pisngi.
"Ms. Guerrero, ano ang nangyari sa pisngi mo." tanong ni Ma'am Mendoza kay Ash na nakayuko ngayon at tinatakpan ang pisngi nya.
"Wala po. Natamaan lang po ng bola." mahina ang boses na sagot nya.
Natatawa ako at ang mga kaklase namin sa itsura nya.
"Oh sya, umupo ka na."
Dali-dali naman syang pumunta aa katabing upuan ko.
"LT yung mukha mo, Ash." tumawa pa ako ng mahina nang makita ko ang namamaga nyang pisngi. "Parang may siopao ka sa pisngi." mukhang narinig ng mga kalapit namin ang sinabi ko dahil sinabayan nila ang pagtawa ko.
Tiningnan kami ni Ash ng may masamang tingin.
"Nakakatawa yun?" pinagtaasan nya pa kami ng kilay bago iniharang ang buhok sa pisngi nya.
Kanya-kanya naman kami sa pagpipigil ng tawa.
Natapos ang klase na wala kaming naintindihan dahil tumatawa lang kami sa pagmumukha ni Ash. Nanlilisik ang mata nya ng lumapit sya sa akin.
"Teka lang, chill." nakataas ang dalawa kong kamay at natawa dahil kitang kita ko ang pisngi nya.
"Masaya ka na nyan?" tumango ako sa kanya at kinagat ang labi para pigilan ko ang pagtawa. "Edi pwede ka nang mamatay." inismiran nya pa ako.
Di ko na napigilinan ang sarili ko at sumabog na ang kanina ko pang pinipigilang tawa. Rinig na rinig ko ang sunod-sunod at malalakas na pagtawa ng mga kaklase ko na nakikinig sa usapan namin.
"Alam nyo, tengene kayong lahat."
*****
Nandito kaming tatlo kina kuya Michael na isawan at kumakain.
Tuwing hapon kasi pagkauwian ay pupunta kami rito para kumain.
"Zoro, libre mo naman ako ng dalawang barbeque."
"Wala na akong pera" sunod-sunod ang pagsubo ni Zoren na parang isang linggong di na kakain.
"Fried rice na lang. Yung tigsa-sampo." umiling lang si Zoren kay Ash at binigyan ito ng limang piso.
"Sabi ko yung tigsa-sampo, limang piso lang ito oh." pinakita nya pa kay Zoren yung limang ibinigay nya.
Sumubo ako ng Fried rice na may kasamang dugo at isaw. Ang sarap nung sauce kasi sobrang dami ng sili at malasa.
"Yan na lang pera ko. Pamasahe ko pa yung limang piso ko rito. Kay Cristel, sa kanya ka manghingi ng lima." tinuro pa ako ni Zoren bago sumubo.
Tumingin sa akin si Ashiya na nagpapaawa ang mukha. Di naman nakakaawa kasi nakakatawa ang mukha nya dahil sa maga nyang pisngi.
"Cristel, penge akong lima." nakalahad pa ang palad nya sa harap ko.
Uminom muna ako ng tubig bago kinuha ang bag ko at kumuha roon ng limang piso.
Dali-dali naman syang tumayo dala ang pinggan nya at bumili ng fried rice. Tumingin kami kay Ash nang tawagin nya kaming dalawa ni Zoren.
"Nag-aya si Henry sa bahay nila. Birthday nya sa Sabado. Sabi ko pupunta lang ako kapag kasama kayo." umupo na sya dala ang pinggan nya na puno ng Fried rice.
Tamo tong babae na'to. Nauto na naman nya si kuya Michael.
"Oh tapos?"
"Punta tayo. Balita ko kasi marami yun maghanda."
"Alam mo, pina iral mo na naman yang katakawan mo." pinitik pa sya ni Zoren sa noo na tapos ng kumain. "Kilala mo ba yun? Parang kanina mo lang naman yun nakita."
"Matagal ko ng kilala si Henry kasi soccer player sya."
"Kapag pinayagan ako ni Mama." sabi ko at kumuha ng fried rice sa pinggan ni Ash. Pinanlakihan nya ako ng mata. "May limang piso ako dyan."
"Kung pupunta kayo dapat nandun din ako." nakasimangot na sabi ni Zoren.
Napapalakpak naman si Ash sa tuwa pero bigla ring napawi ang ngiti nya at tumingin sa akin.
"Bakit?"
"Nandun din kasi si Jores sa sabado." pinaglapat nya ang labi nya pagkatapos sabihin yun.
"Tapos?"
"Okay lang?"
"Walang kaso sa akin yun. Remember, ako ang nakipag break. Kaya okay lang yun." nagkibit balikat na lang sya at nagpatuloy sa pagkain.
*****

Bình Luận Sách (8)

  • avatar
    Khen Ivan Ladaran

    sh b

    28d

      0
  • avatar
    Dimple Cruz

    Maganda yung kabanata

    19/01

      1
  • avatar
    Madel Punsalan

    salamat sa novelah nya maganda yung story nitong nabasa ko

    10/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất