logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6: Mayor

"Next time, wag nyong kakalimutan ang magpagpag sa labas ng bahay. Kasi yan ang unang technique ng mga talim sa mga babae para makuha nila ito." Sabi ni Kuya Albert.
"Sinasabuhan nila ang mga babae ng kakaibang uri ng buhangin para ma-control nila ang pag-iisip ng mga ito." Paliwanag ni Lito.
"Paano nyo po ba nalaman na isa yun sa kanilang technique?" Tanong ni Lea.
"Noon kasi, napakarami ng mga babae dito kaysa sa mga lalaki. Kaya kahit may mawalang babae hindi kami nagtataka at nangangamba, ngunit may takot na nga kami sa kanila. Nawawala ang mga babae kahit walang may kumi-kidnap sa kanila. Magigising na lang ang isang bahay na wala na ang mga anak nilang babae. Ang iba ay natatagpuang patay na, at ang iba naman ay hindi na nakita pa kahit kailan." 
"Isang dalaga ang nakatuklas. May kasama sya noong dalawang babaeng mga kaibigan nya. May naramdaman silang may sumusunod sa kanilang nilalang. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad at hindi nililingon ang mga sumusunod. Sinabuyan sila ng buhangin sa likuran nila, hindi nila pinansin yun dahil sa takot na harangin sila ng mga taong talim na sumusunod kanila."
"Nakauwi naman silang tatlo ng ligtas sa mga bahay nila. Ngunit ang isa sa tatlo ay hindi basta pumasok sa kanilang bahay, kinapa muna nya ang buhangin na isinaboy sa kanila. Nang makapa nya ito, ay agad nyang ipinagpag hanggang sa maalis ang lahat ng buhangin sa damit at buhok nito."
"Nalaman na lang nya kinabukasan na ang dalawa nyang kaibigan ay nawawala na, maliban sa kanya na nagpagpag muna sa labas ng bahay. Nang ikwento nya yon sa mga tao at ipinagawa sa mga babae, hindi na yon nangyari pa, ngunit naging mas mabagsik ang mga talim. Doon na sila sapilitang nangunguha ng mga babae at iniaalay sa kanilang hari." Mahabang kwento ni Lola Maria.
"Eh sino po ba ang babae na yun? Kilala nyo po ba sya, Lola?" Inosenteng tanong ni Annabel.
"Ako ang babae na yun. Kaya simula ngayon wag kayong papasok sa bahay hangga't hindi kayo nagpapagpag ng damit at buhok nyo." Sagot ni Lola Maria.
"Opo..." Kaming tatlo.
"Buti at nakauwi ka pa?" Sabi ni Lito sakin.
"May tumulong sakin. Hindi ko sya kilala, nakaitim syang damit at gwapo sya. May kakaiba syang hikaw sa kaliwang taenga nya." Sabi ko na medyo banat ang mga labi ko.
"Naku! Kalimutan mo na yun. Talim yun!" Biglang sabi naman ni Lolo Sito.
"Wag kayong papadala sa mga mukha nila." Sabi naman ni Tiya Maricel.
"Dahil mapanganib sila." Ani, Camil.
"Wait? If they are evil? Then why she help by him? Why he does not killed, or being kidnap?" Takang pakli ni Annabel.
"There's have a good people pa rin siguro sa kanila, Guys?" Ani, Lea.
"Walang good sa kanila, at hindi rin natin alam ang dahilan kumbakit pinabalik pa sya. Baka hindi lang si Sinnate ang gusto nilang kunin. Kaya mag-iingat kayong tatlo." Bilin naman ni Tiyo Badong.
"Salamat sa Diyos at ibinalik ka pa." Ani, Lola Maria.
"Oh siya! magpahinga na tayong lahat." Sabi na lamang ni Lolo Sito sa lahat ng nasa bahay. "Maayos naman na ang lahat."
*****
Nasa kwarto na kaming tatlo.
"Paano ka nakabalik dito? Kwentuhan mo naman kami." Ramdam kong curious si Annabel sa nangyari sakin sa gubat.
"Hindi ko sya kilala." Pauna ko. "Pero sinamahan nya ako pauwi at sya ang naghatid sakin." Paunang kwento ko.
"Bakit hindi namin sya nakita ni Annabel?" Takang tanong sakin ni Lea.
"Huminto kami ng lalaking yon sa bukana ng street, papasok dito sa mga kabahayan." Sagot ko.
"Mabait naman pala sya, no?" Komento ni Lea. "Bakit kaya ang sama ng turing nila sa mga talim? Hindi man lang sila magpasalamat sa taong nagligtas sayo." 
"Oo nga, saka baka mamaya hindi naman yon talim. Masyado lang silang ma-judge?" Imik naman ni Annabel.
"Guys, even me, sigurado akong talim sya, dahil nagsalita sya ng kakaibang lengwahe." Sabi ko naman sa kanila.
"What? For real?" Bulalas ni Lea sa mahinang tono.
"Buti at hindi ka dinukot?" Bulalas din ni Annabel.
"Actually, nahulog ako sa bangin, iniligtas nya ako, tapos sya ang nagpagpag ng sinasabi nilang kakaibang uri ng buhangin na naiwan sa buhok ko. Ganun pala ang epekto nun, nakakalutang ng isip." Kwento ko sa kanila.
"What the hell? Nahulog ka sa bangin?!" Bulalas na naman ni Annabel. 
"Dahil nga lutang ako. I don't know what I've doing. He just told me na nahulog ako sa bangin kakalakad ko ng tulog?!" Sabi ko sa kanila.
"Oh my God?! Thanks to God talaga! Hindi ka napahamak." Sabi ni Annabel na sobrang nag-alala.
"Salamat na lang talaga don sa taong yon. Buti at wala sya sa mood na mang-kidnap." Sabi na lang din ni Lea.
"Kaedad lang din natin sya. I feel safe nung magkasama kami. Wala akong naramdamang masama syang tao, siguro kung may gumagawa man ng pangunguha ng mga babae, hindi naman siguro lahat ng talim yon." Paliwanag ko sa kanila.
"Pero wag tayong pakasisiguro." Imik na lang ni Annabel. 
"Oo nga naman, baka mamaya, balang-araw maging katulad din sya ng ibang mga kauri nya. Turning bad person." Sabi naman ni Lea.
Hindi na lang ako umimik. Inaalala ko kasi ang mga sandaling kasama ko sya, tila may naramdaman akong parang kuryente ang bigla na lang dumaloy sa puso ko, at tila may isang maliit na heart beat dito na bigla na lang lumitaw.
Hanggang ngayon, hindi yon nawawala. Dumadaloy ang maliit na bultahe ng kuryente na yon sa buo kong katawan, dahilan para masabi kong kinikilig ako habang naaalala ko ang kanyang mukha.
Ano kaya ang kanyang pangalan? Biglang naging tanong ng isip ko.
"Hala! Hindi ko sya natanong?" Gulat kong nabigla, nang maisip ko kung ano ang kanyang pangalan.
"Nang ano?" Takang nagulat din ni Annabel.
"Hindi ko sya natanong? Kung anong pangalan nya?" Sabi kong biglang nalungkot.
"Grabe ka naman, nandito ka na sa bahay eh." Imik naman ni Lea.
"Wag mo na syang ipantasya. Talim yon, at kung malalaman nyang inaalala mo sya, at hinahangaan? Naku! Baka nga nakawin ka nya?" Sabi naman ni Annabel.
"Hindi tayo magtatagal dito, Sinnate. Wag kang magpapadala sa nararamdaman mo." Imik din ni Lea.
"Bakit hindi ko sya hahangaan? Eh utang ko sa kanya ang buhay ko?" Nasabi ko habang nangangarap dahil nasa mga alaala ang isipan ko.
"Oo nga naman." Imik naman nilang dalawa.
"Okay lang yan, gawin mo syang inspiration." Payo ni Lea. "Ang wag mong gagawin, ma-in love ka ng todo at sumama ka ng kusa sa taong yon balang-araw. Alalahanin mo, inaasawa ang mga babaeng nadudukot ng maraming mga talim." Mahabang sabi ni Lea sakin.
Ay! Oo nga! Sayang lang pala ang paghanga ko. Nalungkot ako sa sinabi ni Lea. Tila may kung anong bagay ang bumigat sa dibdib ko.
Hindi pala kami pwede. Naisa-isip ko pa pagdaka.
*****
Sa opisina ng Mayor....
"Ito pa ang mga karagdagang mga litrato ng mga babaeng wag nyong kukunin." Ani, Mayor sa isang may edad na talim na kanyang sekretong kinakausap.
Litrato ng mga babaeng anak ng mga Mayor, Baranggay Kapitan, May matataas na ranggo sa Hospital, anak ng mga mayayamang negosyante sa bayan, at anak ng principal ng Elementary at Highschool.
"Nagkaroon ng pang-umagang klase at panghapon ang highschool. Diba? Usapan natin na sa gabi lang kayo mangunguha ng mga babae para sa buwan na ito, para sa inyong kasalan." Sabi ng Mayor dito.
"Ganun na nga at hindi naman kami lumalabag, diba?" Anang talim.
"Bahala na kayong sumakop sa ibang mga bayan kung kulang pa ang mga babaeng malilikom ninyo." Sabi ng Mayor dito.
"Basta ang kasunduan, susuportahan namin ang kaligtasan ninyo, basta may kaakibat na halaga. Alam mo na? Babae ang wala sa lahi namin, kaya babae ang rin ang siyang magiging kabayaran." Maliwanag na pagpapaunawa ng Talim dito.
"Naiintindihan ko, basta pangangalagaan ninyo ang lawak ng aming pangisdaan at kagubatan, gayun din ang mga palayan namin at mga palaisdaan. Hindi kami magdadamot ng mga kababaihan sa inyo." Malinaw na sabi ng Mayor dito.
"Basta walang may magtataksil sa kasunduan. Ang hindi magpapatuloy sa pagtupad ay mamamatay." Huling sinabi ng Talim sa Mayor.
*****
Kisap-mata ay umalis na ang talim na kausap ng Mayor. Lumantad naman ang principal ng Highschool at Elementary.
"Umalis na po sya, Mayor?" Takot na tanong ng matandang principal ng Elementary.
"Oo, umalis na, wala na." Sagot lang ng Mayor.
"Nasabi nyo na po ba?" Tanong naman ng principal ng Highschool. Ito ang lalaking nakausap namin nina Annabel at Lea sa principal's office.
"Okay na, abangan ninyo ang magiging kapalit ng ginawa nyong desisyon." Sabi ng Mayor sa kanila.
"Tama kaya itong ginagawa natin? Niloloko natin ang mga mamamayan, tayo rin ay kaisa sa kanila, kalahi ng mga Pilipinong pinaglilihiman natin." Sabi ng principal ng Highschool.
"Nakakaramdam ba kayo ng pagkakunsensya?!" Malamig na tanong Mayor dito.
"Ano ba kayo, Mayor? Syempre Oo, hindi maitatanggi na nagtataksil tayo sa bayan?!" Anang principal ng Elementary.
"Ganun ang buhay! Wala tayong laban sa kanila sapagkat may kapangyarihan sila. Kaya kung hindi mo kayang labanan, kaibiganin mo na lamang." Payo ng Mayor sa kanilang dalawa. "Pakinabangan natin ang kanilang kalakasan, dahil kahit lumaban pa tayo, hindi naman tayo mananalo. Kukunin at kukunin pa rin nila ang mga kababaihan natin, kaya mabuti pa'y makipag-alyansa na lamang tayo sa kanila. Upang wag magkaroon ng labanan sa pagitan. Pumapayag naman sila, gusto din naman nila ng kapayapaan, kaya bakit tayo magmamataas pa." Mahabang paliwanag nito.
*****
Tulog na ang mga katabi ko ngunit gising pa rin ang diwa ko. Hindi mawala sa isipan ko ang wangis ng lalaking talim kanina.
Marami na akong nakitang magagandang mukha sa Germany at sa iba pang bansang napupuntahan namin twing bakasyon. Ngunit ang lalaki na yon ang naiiba sa lahat ng mga nakilala ko.
Hindi ko mawari kumbakit kahit na talim sya at masama ang tingin sa kanila ng mga tao dito ay hindi ko sya maalis sa isipan ko.
Hindi sya masama nung mga oras na yon. Tila may naaalala ang katawan ko sa lalaking yon, malakas kasi ang hangin na nagmumula sa electric fan na nakatutok saming tatlo nina Annabel at Lea. 
Napatingin ako sa electric fan na gumagana sa may bandang kaliwa ko, nakatapat ito kay Lea na siyang nakapwesto sa kaliwang side ko.
Malakas na hangin?! Ano kayang meron at may naaalala akong ambiance sa malakas na hangin.
Bigla kong naisip o nahinagap ang pagkakahulog ko sa bangin. Sinasabi ng lalaking yon na tumalon ako sa bangin at iniligtas nya ako.
Hindi ko maisip ang posibleng dahilan kumbakit nya ako iniligtas. Hindi ko rin naman nai-instinct na may motibo syang masama sakin.
Naalala ko pa ang mga sandaling magkausap kami. Humawak ako sa braso nya, at sinamahan sa daan pauwi, hinawakan nya ang buhok ko upang ipagpag ito.
Ang mukha nyang malayang natitigan ko ng mga oras na yon, kay bilis namang maguhit ito sa aking isip, hindi ko maalis.
Habang lalo kung nilalabanan na kalimutan ay lalo ko itong naaalala at nagiging malinaw ang lahat ng mga maiikling alaala tungkol samin. 
Ang mga ngisi nya, ang amoy nya at ang boses nya, ang presensya, ang aura nya at ambiance nya.
~~~~
"Oy! Miss, gising!" Pangyu-yugyog ng teenager saking balikat sa pwesto ng bunganga ng bangin.
"Aba! Ewan ko sayo." Sabi naman nya sakin."Sinagip nga lang kita eh, tumalon ka dyan sa bangin." Halos natatawa nitong sagot sakin.
"Malay ko sayo, naglalakad ka ng tulog. Wala ka sa sarili mo kanina." Sabi nya na nagpapaliwanag.
"Bakit ba ako nagpapaliwanag sayo? Pwede naman kitang iwanan na, okay ka naman na eh!" Medyo masungit nyang sabi sakin pagdaka.
"Luh? Iniligtas na nga kita, sasamahan pa kita hanggang sa bahay mo? Pakialam ko naman sayo?" Sabi nyang natatawa sakin.
Ang boses nya, hindi ko makalimutan. Malinaw ko itong naririnig saking isipan.
"Tara na." Malamig lang na sabi nito.
"Hoy, aba! Saan ka ba pupunta? Ilog dyan diba?" Hawak na ako nito sa balikat ko at iniharap agad sa kanya.
"Ano bang nangyayari sayo ha?" Aniya. "Bakit nawawala ka sa sarili mo?" 
"Matutulala ka, at saka maglalakad sa kunsaan, hahanap ka ng lugar na pwede kang mamatay? Bakit?!" Sabi pa nyang nagtataka.
"Lumabas ka ng hating-gabi, maglalakad ka ng tulala at tatalon ka sa bangin, tapos pupunta ka pa ngayon sa ilog?" Pagtataka pa rin nyang pagpuna sakin.
"Tara na, iuuwi kita." Sabi na lang nya.
"Anong pangalan mo? Saan ka nakatira?" Tanong nito sakin habang naglalakad kami. "Saan ang bahay mo?" Sabi nya pa sakin.
~~~~
"Nawawala ka sa sarili mo. Tumalon ka sa bangin at iniligtas kita." Sabi nya na nagpapaalala ang tono.
"Uhm, salamat." Imik ko dito.
"Taga-saan ka? Saan ang bahay mo?" Tanong nyang muli.
"Sa baranggay Mabato." Sagot sa tanong nya.
"Sige, tara na." Seryosong sabi nya.
~~~~
"Hindi mo naman ako kilala, nakahawak ka kaagad sakin?" Sabi nya, na walang kalingon-lingon sakin na nasa tabi lang nya at nakadikit din sa kanya.
"Natatakot kasi ako eh." Mabilis kong sabi sa kanya. "Pwede mo ba akong ihatid sa bahay ko?" 
~~~~
"Thank you sa paghatid ah." Sabi ko na lang sa kanya.
"Nandito ka na." Malangong na parang paos ang boses nito pero hindi pangit pakinggan.
"Huh? Nandito na agad tayo?" Pagtataka kong bigla at agad na nagpalinga-linga sa buong paligid.
"Ikaw lang." Pagtatama nya sa sinabi ko.
"Eh nasaan dito ang bahay ko?" Sabi ko sa kanya habang nagpalinga-linga.
"Nawawala ka sa sarili mo," natatawa nyang imik. "Deretsohin mo lang yang kalye, sa dulo doon, hanapin mo na ang bahay mo." Sabi nito na hindi malaman kung pagtatawanan ba ako o wag na lang kasi nga'y may kakaiba sa akin.
~~~~
"Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong dito.
"Ipinapag-pag ko ang mga kuto mo." Sarcasm nyang biro.
"Ha??" Nasabi ko na lang.
~~~~
Ano pa kayang kasunod nun?!
Magkikita pa kaya kami?! May pag-asa bang makilala ko uli sya?!
Ano kayang pangalan nya?
-----------
9:30 nang magising ako....
Wala na sina Annabel at Lea sa mga higaan nila, naiwan akong mag-isa sa kama at kusa na lang akong bumaba at nagtungo sa kusina.
"Good morning, ate Sinnate." Masayang bati ni Camil.
"Good morning din, Camil." Sabi ko dito with a smile.
"Kamusta na ang tulog mo, Sinnate?" Bati naman ni tiya Maricel.
"Maayos naman po, tiya Maricel, hindi na po naulit." Sabi ko dito. 
"Mag-almusal kana. Nauna na kami, may mga pasok pa kayo sa school mamaya." Sabi na lang ni tiya Maricel. "Bahala na kayong mag-intindi dito sa bahay, aalis na muna kami, hapon na kami uli uuwi." Dagdag pa nitong nagbibilin.
"Opo, Tiya. Ako nang bahala." Sabi ko na lang.
Napatingin ako kay Camil.
"Hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya.
"Oo eh, sasama ako kina Nanay sa bukid, nauna na doon sina Lolo at Lola, pati si Tatay." Sagot lang nito.
"Uhhhh, ingat kayo ah...." Nasabi ko lang.
"Pagminsan, Sabado o Linggo sumama kayo para makita nyo ang malawak na bukid namin." Masayang kwento ni Camil.
"Sige!" Masaya kong sabi dito.
"Halika na, Camilla. Magtatanghalian na, late na tayong makakarating doon." Sabi ni Tiya Maricel sa anak.
May dala silang basket ng mga pagkain para sa tanghalian.
******
Pumasok sina Lea at Annabel sa kusina at siya namang paglabas nina Tiya Maricel at Camil.
"Oh Coz, gising ka na pala." Bati ni Annabel sakin na tila masaya sya.
"Oo, kakagising ko lang. Kayo? Anong oras kayo nagising kanina?" Bati ko din sa kanya.
Nagtitimpla nga pala ako ng kape sa lamesa. May tinapay din doon na pandesal at tasty bread, kape na lang ang kulang.
"8:30 yata," imik lang ni Lea. 
"Maganda ang naging tulog ko eh." Ani, Annabel.
May tasa na din sa lamesa, mga nakataob nga lang at nandoon na rin ang kapehan. Mukhang inihain para sa mga naiwanan ng umaga.
"Kape tayo, Annabel." Alok ni Lea at naghanda sya ng tasa para sa kanya.
"Kumain na ako kanina, gatas ang iniinom ko. Bawal ako ng kape diba?" Ani, Annabel.
"Ay! Oo nga pala. Sayang naman, nagutom ako uli eh." Sabi na lang ni Lea.
"Anong meron at parang masaya kayo?" Takang tanong ko sa kanila.
"Tumawag si Mommy, baka masundo na tayo." May pag-asa ang nagrehistro sa mga mata ni Annabel.
"Oy! Good news yan ah!" Masaya kong turan.
"Sana nga, pero wala namang sinabi eh. Basta lang nangumusta." Ani, Lea sa malungkot na tono.
"Pero sinabi ko yung nangyari satin kagabi." Masayang sabi naman ni Annabel. "Sigurado ako, nag-iisip na sila ng paraan kumpaano tayo makukuha dito." 
"Kung ganun na hindi pa tayo sigurado, wala pa rin tayong magagawa kundi ang magtiis?" Sabi ko naman.
"Ito kasing si Annabel, paasa eh." Inis naman ni Lea.
"Atleast we have a hope. Aware sina Mommy na nasa panganib tayo!" Imik naman ni Annabel.
"Teka, Sinnate? Diba, talim yung nakilala mo kagabi?" Ani, Lea. "Anong itsora nya?" Excited na tanong nito pagdaka.
"Oo nga, Sinnate? Gwapo ba?" Ani, Annabel na na-intriga sa tinanong ni Lea.
Nanahimik muna ako at muli kong inalala ang wangis nung talim na yon.
Kinilig ang puso ko ng maalala kong muli ang eksaktong wangis nya sa isipan ko. Ang kanyang presensya at ambiance, mahirap yata syang makalimutan.
"Oo, gwapo sya. Fiminine looks at baby face pa. Medyo maputi na parang caramel color at matangkad sya. I guess nasa 5'8 or 5'9 ang height nya." Sabi ko habang inaalala ang wangis ng talim.
"Edi ang gwapo nga! Nakakaloka!" Komento ni Lea. "Bakit ganun sila kagu-gwapo?" 
"Kaya nga, sana hindi sila mga aswang." Imik naman ni Annabel.
"Sana kabilang sya sa mga mababait na mga talim. Hindi talaga ako naniniwalang lahat ng talim ay masasama. Meron talagang mabuti at masamang nilalang." Sabi ko naman sa malungkot na tono.
"Kundi, sayang naman ang handsomeness nya!" Ani, Lea.
******
Sa daan papuntang school....
Iisang daan lang naman ang papasok at pauwi.
"Bakit kaya walang trycicle sa mga ganitong matataong lugar?" Pagtataka ni Lea.
"Oo nga no, dapat may terminal dito eh." Sabi naman ni Annabel. "Sa Maynila, bawat street may kanya-kanyang terminal ang mga trycicle? Tapos dito wala?!" Dagdag pa nya.
"Sobrang kakaiba nga ng lugar na to eh. Alam nyo yon?! Para bang wala tayo sa Pilipinas?" Pagtatakang imik ko habang naglalakad kami palabas ng baranggay.
"Oo nga no, para bang may sarili silang culture?!" Pilyong komento ni Lea sabay natawa.
Nagtanong kami sa isang ale na naglalakad kasabay namin palabas ng baranggay
Meron ding mga lalaki na nakasakay sa kalabaw at hinihila ang kanilang inaning palay o prutas.
Maraming tao ngayon sa kalsada dahil lahat ng tao ay may kanya-kanyang gawain.
"Nanay, pwede po bang magtanong?" Sabi ko sa may edad na babae na aming kasabay.
"Ay! Ano yon mga, Eneng?" 
"Meron po bang masasakyan dito na trycicle palabas? Papuntang school?" Tanong ko sa ale.
"Naku, Eneng wala. Kasi pinaka dulo na itong baranggay na ito. Kita mo nga't natatanaw na mula dito ng malinaw ang kakakahuyan ng kabundukan. Ayaw ng mga talim ang maiingay na mga makinarya. Kung ayaw nyo talagang mapagod sa paglalakad, makikisakay kayo sa kalabaw." Mahabang paliwanag ng ale.
"Bawal ang maiingay na makinarya? Ayaw ng mga talim?" Takang reaction ni Annabel.
"Ay! Grabe naman yon? Para trycicle lamang?" Komento naman ni Lea.
"Ang mga studyante namin sa highschool ay umuupa na lang ng bahay sa bayan, para makakasiguro na ligtas sila." Sabi pa ng ale.
"Ay ganun po ba?" Imik ko na lang.
"Mag-iingat kayo. Nakikihalo-bilo dito sa baranggay natin ang mga talim. Kunwari na makikipag-kaibigan pero dudukutin kayo sa huli." Sabi samin ng ale bilang babala.
"Naiintidihan po namin, salamat po sa oras nyo." Magalang kong sabi sa babae bago kami umalis sa harapan nito.
"Grabe! Parang hindi ako mabubuhay sa ganitong lugar. Magkakaaway pero magkakasama sa iisang lugar." Komento ni Lea nang maglakad kaming muli.
"Buti at hindi sila nagkakapatayan ng madalas?" Ani, Annabel.
"Marami pa tayong malalaman habang nagtatagal tayo rito." Sabi ko naman.
"No, I can't." Ani, Lea. "I wanna go home."
"Yeah, me too. Sana magawan ng paraan nina Mommy." Ani, Annabel.
Kumirot ang puso ko ng maisip kong aalis nga pala ako dito, bigla ko kasing naalala yung talim na nagligtas sakin kagabi.
Hala?! Baka may paghanga na ako sa kanya?!
Hindi?! Hindi pwede! Talim sya, Tao ako!

Bình Luận Sách (39)

  • avatar
    darling

    wwwwoooooooooowwwwww😍😍😍😍😍

    17d

      0
  • avatar
    レアリー 撮影

    nice

    09/08

      0
  • avatar
    Johwa Frances

    nice

    25/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất