logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3: Parada

Nasa kwarto na kami....
"We have to sleep na, guys, inaantok na ako." Ani, Lea.
"Oh! It's lovely experience, we gonna be sleep in the same bed!" Masayang sabi ko.
"May choice ba? Iisa lang ang kama, duh?! Ayoko ng malikot ha." Ani, Annabel.
"Ayoko naman ng maingay." Si Lea.
Nasa gitna nila ako....
"Bawal tumanday, ayoko ng mabigat na legs." Sabi ko.
****
Hating gabi, 
Naalimpungatan ako....
Narinig ko kasi sa labas ang ingay ng mga taong nagdaraan sa malapit sa bahay namin. Marami ang mga ito at masaya silang nagkukwentohan.
"Sahayu! Zay, naj teveni shalli." (Congrats! Pare, ikakasal ka na ngayon.) Si Lalaki 1.
"Neaben ney happe!" (Naunahan ko pa kayo!) Lalaki 2.
"Yee nive zsat asi ballah shom, suy puñom khen peol ii cayku!" (Yung saking magiging asawa sana, mas pinili namang mamatay na lang!) Lalaki 3.
"Yee nive khe pei zsat caytsekun." (Yung sakin naman kasi nagpakamatay.) lalaki 4. 
"Kyam gattin ney tta komeyen." (Kaya gagamitin ko ang natutunan ko.) Si lalaki 2.
"Kiot yee peol? Aiye nomal khe abbet." (Ano naman yon? Sabihin mo din samin.)  Ani, lalaki 3.
"Umñu, fuen koiezi tsejiballah." (Oo nga, para kami rin makapag-asawa na.) Si lalaki 4.
"Tsuket neyee khay awam khet yunnu nemet ii Zienzyio." 
(Narinig ko lang yon kanina sa mga katulad nating Zienzyio.) Ani, lalaki 2.
"Kiot ñuyee?" (Ano nga yon?) Si lalaki 1. Nai-excite ang mga kasama nya. 
"Cogin dde gattiam ii nuese, sejin tta khem ondiyen. Tesie gatsettia khet tappe ii Pelcan, watseyan nemet gein to-um." (Wag nang tanungin ang dalaga, basta na lang ito halikan. Kapag tinanong tayo ng Pelcan, ang isasagot natin, Oo lamang.)
Naririnig ko pang nagtatawanan sila kaya't napatayo ako sa kama at nilapitan ang nakasaradong bintana ng second floor.
Damang-dama ko ang kasayahan na may halong mala-horror dahil sa mga nag-iiyakang tinig ng mga kababaihan.
Hindi ko malaman ngayon ano bang mararamdaman ko. Nagkaka-interest din akong sumilip kahit ipinagbabawal na gawin samin dahil sa nararamdaman kong matinding curiousity.
Ito yata yung sinasabi nilang anumang ingay sa paligid ay wag na lamang uusisain?! Sabi ko sa sarili ko habang nakasilip.
Hindi rin ako nakatiis,
Tutal ay nakatabi naman na ako ang ng bintana. Kahit bawal ay ginawa ko pa ring sumilip kahit man lang sa pinaka maliit na butas ng pader.
Naku-curious ako sa kung ano ba ang pwede kong makita at ano bang itsora ng naririnig kong kasayahan sa labas.
Sumilip ako mula sa bintana na may maliit lang na butas. Hanggang maaninag ko silang lahat sa hindi naman masyadong malayo mula sa kinasisilipan ko.
Marami sila at tila may ginaganap silang parada O kaya naman ay prosisyon....
Masaya ang mga kalalakihan ngunit ang mga kababaihang may taklob ng itim na belo ay mga nag-iiyakan.
Grupo-grupo din sila?!
Nakabukod ang mga matatandang lalaki, mga binata, mga binatilyo, at mga bata.
Ano yon? May prosisyon?! Pagtataka ng isipan ko.
Nasa 2nd floor ang kwarto namin at nakatapat ang bintana nito sa mismong daan. Kaya kitang-kita ko kung gaano sila karami.
Sila yata yung mga taong talim?!
Bigla kong naalala ang sinabi ni Lola Maria.
"Yung mga maririnig nyo sa gabing ingay wag nyo na lang pansinin para wala kayong problemahin. Wag nyo nang uusisain para hindi nyo sila magambala." Sa alaala ko.
Nag-uusap sila sa ibang dialect na hindi kapareho ng dialect ng mga tao sa lugar na ito.
Mga taong talim kaya sila? Tanong ko sa aking isipan.
Naalala ko na din pagdaka ang mga sinabi samin ng iba pang mga kamag-anak nina Annabel at Lea.
Natakot ako sa mga naalala ko kaya't nagmadali akong bumalik sa kinahihigaan ko.
-----------
KINABUKASAN....
Kumakain ang lahat sa mahabang hapag para sa agahan.
Agad kong itinanong kina Lolo Sito at Lola Maria ang mga nakita ko kagabi.
"Lola Maria, pwede po bang magtanong?" Tanong ko at nakatingin ako sa kanila ng diretso.
"Ano yun, Sinnate?" Si Lola Maria.
"Kagabi po, narinig ko na may mga taong nagpo-prosisyon? Sila po ba ang mga talim?" Derektang tanong ko.
"Prosisyon? Diba ang prosisyon ay para lang sa mahal na araw?" Takang komento agad ni Annabel.
"Paano mo naman nalaman na may prosisyon pala kagabi?" Ani, Lea na nagtataka.
"Uhm, nagising ako at iyon ang mga narinig ko." Sagot ko lang dito.
"Tama kayo mga, Hija." Ani, Lola Maria. "Ang buwan na ito ang sinasabing mahal na araw para sa mga Talim. Ito kasi ang buwan ng kanilang kasalan at ito rin ang buwan kunsaan, itinalaga nila para sa kanilang pagpaparami." Mahabang paliwanag ni Lola Maria.
"Kung ganun Lola Maria, ang narinig ko kagabi ay prosisyon ng pagkakasal?" Sabi ko dito.
"Ganun na nga, kaya kayong tatlong mga dalaga pa. Wag na wag kayong maggagala dito sa San Agustin sa buwan na ito, dahil kapag nakuha nila kayo, hindi na kayo mababawi pa!" Mariing bilin ni Lolo Sito.
"Mapanganib ba ang kasal nila? 'Cause you looked it like an horror moment." Ani, Lea. "Wedding is a gift by God, and I think that's not horrible like what you think of...." Paliwanag pa nito.
"Lea, makinig ka, ang buwan na ito ay kanilang pagpaparami, ibig sabihin nun, ang kasalan sa kanila ay pangmaramihan. Pwede kang pagsaluhan ng kahit ilang lalaki na pipili sayo." Paliwanag ni Tiya Maricel.
"I-imagine nyo, guys, na maraming lalaki ang gagawa ng pang-lalahi sa inyo. Siguro nun, taon-taon kang lagi na lang manganganak hangga't kaya pa ng matris mo." Sabi naman ni Camilla na natatawa.
Natahimik na lang si Lea sa sinabi ng mag-ina.
"Lalo na't magaganda at makikinis kayo. Siguradong hindi lang yata sampu ang pipili sa inyo." Dagdag namang biro ni Lester.
"Sinnate, muling ibibilin ko ito sayo, Hija. Wag mo na lamang papansinin ang kung ano man ang merong ingay ang gabi dahil sa lugar na ito. Pagsapit ng gabi, dapat wala nang babae ang nasa labas ng kanilang bahay." Sabi muli sakin ni Lola Maria.
"At isa pa, ang gabi dito ay hindi na atin, ito ay inangkin na ng mga taong Talim." Ani, Lester.
Nananahimik lamang ang mag-asawang Patrick at Anna sa hapag ng buong pamilya.
"Kailan ba kayo uuwi sa Manila?" Tanong ni Lolo Sito sa mag-asawang walang imik kanina pa.
"Patrick at Anna? Kailan ba kayo uuwi, wag kayong magtagal dito. Mahirap ang buhay dito ng mga kababaihan." Ani, Lola Maria sa mag-asawa.
"Uhm, Lola Maria...." Ani, Annabel. "Wala bang babae sa kanilang lahi?" 
"Oo nga?! Nang-ki-kidnap sila ng mga babae para asawahin?" 
"Ayon lamang ito sa maraming salaysay ng mga babaeng nakuha at inasawa ng mga Taong Talim." Ani, Lola Maria. "Nagkaka-anak sila ng sampu o higit pa, ngunit lahat ng isinisilang ay lalaki lamang."
"Ibig pong sabihin, wala talagang isinisilang na babae sa kanilang lugar?" Malaking reaction ko.
"Ganun na nga." Imik naman ni Lolo Sito. "Kaya mag-iingat kayo palagi, mas maganda nang umuwi na kayo agad, hangga't hindi pa sila nagkaka-interest sa inyo." Mahabang sabi pa nito.
Nanahimik ang mga tao sa hapag, lalong-lalo na sina Patrick at Anna.
****
Sa kwarto ng mag-asawang Patrick at Anna....
"Siguro, Patrick, wag natin silang iwanan dito?" Ani, Anna sa asawa. "Isama natin sila sa pag-alis."
"Oh? Babalik tayo sa Manila? Tapos maiiwanan sila doon? Nang sila-sila lang?!" Ani, Patrick na hindi gusto ang ideya ni Anna.
"No choice! Isama natin sila sa America!" Ani, Anna.
"Isama?! Mag-aaral sila sa pasukan?!" Ani, Patrick.
"Edi doon na lang sila mag-aral!" 
"Ano?! Anna, sa tingin mo ba kakayanin nating pag-aralin sa abroad si Annabel? Eh hindi pa nga natin alam kung sigurado bang magsa-success ang business partnerships natin doon eh." Ani, Patrick.
"Taking risk, Patrick. First plan nga natin na mag-province sila for 5 years. Pero nakita mo naman diba? Hindi nila gustong nandito ang tatlo, ayoko namang mag-cause sila ng gulo sa mga tao dito!" Ani, Anna.
"Eh anong bagong plano?"
"Isasama natin si Annabel sa America. Isusuli naman natin sina Lea at Sinnate sa parents nila sa Germany. I think, it's better for us." 
"No, Anna. Hindi mo alam ang pwedeng kalabasan ng gusto mo! Masyado kang nagpapadala sa sobrang pag-aalala mo! Malaki na si Annabel at may sarili din naman syang isip. I think it's better to us to give her a little trust." Ani, Patrick.
"Ano?! Iiwanan mo dito ang nag-iisang anak mo?!" 
"Silang tatlo ang iiwanan natin dito." Palilinaw ni Patrick.
"No! Ayoko! I can't... Not my daughter!"
"Anna, pwede tayong mamulubi sa ibang bansa! Alalahanin mo, susugal tayo sa partnerships na ito! Anong gusto mo?! Masama ang anak mo sa kahihiyan kapag nag-fail tayo?!" Giit ni Patrick.
"Patrick, hindi ko kayang kapalit ng pera ay mawala satin si Annabel...." Ani, Anna. "Ayoko! Hindi ko kaya!" 
"Anna, hindi naman ibig sabihin na iiwanan natin sila dito eh pang-forever na. We need some back up! Hindi pwedeng lagi na lang natin syang sheltered, nag-iisa natin syang anak diba?!  So I think it's the best for her to learn how to become independent! Saka kapag nag-success tayo, then we can take Annabel as soon as posible." Plano ni Patrick.
"Eh sinasabi nilang mapanganib dito. Lalo akong mag-aalala kapag iniwanan natin sila dito na ganito pala ang kalaki ang problema ng lugar na ito." Pag-aalalang sabi ni Anna. 
"Mas mag-aalala ako sa mga bad influence na pwede nilang maging kaibigan habang wala tayo at silang tatlo lamang ang magkakasama." Ani, Patrick. "Dito ligtas sila dahil matututo silang makisama at makinig."
"Eh paano kapag nakuha sila?! Sabi ng mga tao dito, may kakayahan ang mga yon! Patrick, nag-iisa nating anak si Annabel." Ani, Anna. "Paano kung makuha sya, hindi na daw nababawi pa ang mga babaeng nakukuha!" Pag-aalala sa tono nito. "At ang mga pamangkin mo?! Malaking responsibilidad natin sila, anong ipapaliwanag natin sa mga parents nila?!"
"Kaya nga eh, sinabi din nila na kumukuha ang mga yon ng mga babae sa kahit saang lugar! Paano nga kung nasa ibang lugar na sila at hindi inaasahang matyempohan?! Edi ganun din, Anna. Mas maigi nang dito na lang sila para maturuan, sigurado akong may matututonan sila sa pagtira rito." Mahabang paliwanag ni Patrick.
Hindi nila alam, sa labas ng pintoan ng kanilang kwarto. Nandoon si Annabel at nakikinig sa malakas nilang pagpa-paliwanagan.
****
Nang hapon na ito....
"Oh? Anong problema? Tila may nais kayong sabihin samin?" Pagpansin sa kanila ni Lola Maria.
Nag-uuyu-uyuhan kasi sila sa pintoan ng kwarto ng matandang mag-asawa.
"Pumasok kayo," ani, Lolo Sito. "Paano tayo magkakaintindihan kung nandyan lang kayo." 
Ginawa naman ng mag-asawa....
Dahan-dahan silang naglakad papasok sa loob ng kwarto nina Lolo Sito at Lola Maria.
"May sasabihin ba kayo?" Ani, Lola Maria na nakakaramdam na sa kanila.
"Anna, sabihin mo na." Bulong ni Daddy Patrick sa asawa.
"Sandali lang, ano ba?!" Inis na bulong ni Anna sa lalaking nasa likod nya.
"Ano yon? May problema ba?" Ani, Lolo Sito.
"Uhm, Nay, Tay.... Pwede bang dumito muna silang tatlo?" Pauna ni Mommy Anna.
"Akala ko ba bakasyon lang?" Taka ni Lola Maria.
"Uhhh.... Nanay..... May malaking deal kasi ang kompanya namin sa America, at sa isang araw na ang alis namin. Wala kasi kaming maiwanan sa tatlo kaya kung maaari sana dumito muna sila pansamantala." Segunda naman ni Daddy Patrick na nakikiusap ang tono.
"Ano?! Bakit naman iiwanan nyo sila dito? Bakit hindi nyo na lang itawag yan sa mga magulang nila para kunin sila." Ani, Lolo Sito.
Nagulat ang mag-asawang matanda sa sinabi nina Patrick at Anna.
"Naitawag na nga namin, Nay. Kaso busy din silang lahat sa mga negosyo nila, eh wala naman kasi kaming maiwanan sa kanila sa Manila, wala kaming tiwala na kakayanin nilang sila-sila lang ang magkakasama." Paliwanag ni Mommy Anna.
"Sana ay naiintindihan ninyong masyadong mapanganib dito." Ani, Lola Maria.
"Mukha yatang hindi kayo naniniwala sa mga sinasabi namin." Ani, Lolo Sito.
"Tatay, makikinig naman sila sa inyo eh. Kailangan lang nila ng susubaybay sa kanila, eh kung maaari lang talaga na isama namin sila, yun na lang ang gagawin namin." Si Daddy Patrick.
Sandaling katahimikan para sa mag-asawang matanda na.....
"Hindi nga ninyo naiintindihan ang pamumuhay namin dito." Makahulugang sabi ni Lolo Sito.
"Kailan nyo sila kukunin?" Ani, Lola Maria.
"Siguro, sa pagbalik na lang namin." Sabi agad ni Mommy Anna.
"Eh! Kailan nga?! At hindi namin maipapangako sa inyo ang kaligtasan nila." Ani, Lolo Sito.
"Siguro, hanggang makatapos lamang sila ng grade 12." Si Daddy Patrick.
"At dito pa talaga sila mag-aaral ha?! Alam nyo bang karamihan ng mga nakukuhang babae dito, eh puro mga studyante?!" Si Lola Maria.
"Nanay, sige na, kailangan lang namin talaga eh..." Si Mommy Anna.
"Sige, iwanan nyo sila dito, pero ito ang tandaan ninyo. Kasalanan ninyo kung may mangyari sa kanila. Binalaan na namin kayo...." Ani, Lola Maria.
"Mababait silang mga bata, Nanay. Sigurado akong hindi sasakit ang ulo ninyo sa kanila." Ani, Mommy Anna.
"Mas pinili nyo pa ang pera kaysa sa mga anak ninyo, hay! Bahala nga kayo!" Ani, Lolo Sito.
"Tatay, para din naman ito sa mga anak namin, nais naming magkaroon sila ng maayos na buhay." Si Mommy Anna.
"50-50 ang buhay nila dito, tandaan nyo yan, at walang makakasiguro na lagi silang ligtas dito, kundi ang ialis sila hangga't hindi pa sila pinagkaka-interesan." Si Lolo Sito.
-------------
Pagabi na rin.....
"Coz, I'm so sad!" Pauna ni Annabel sa aming kwarto. 
"Huh?" Imik namin ni Lea.
Nagbabasa ako ng dala kong love story book at si Lea naman ay nanonood ng movie sa kanyang cellphone with head set.
Napatingin kami sa kanya na may malungkot na aura. Umupo sya sa kama at nilapitan naman sya doon.
"Anong problema, Coz?" Ani, Lea sa pinsan.
"Aalis sina Mommy at Daddy going to America." Sabi ni Annabel.
"Huh?! Iiwanan nila tayo dito?" Nagulat kong patanong dito. "Paano daw tayo? Narinig mo rin ba yon sa usapan nila?" Dagdag ko pang tanong.
"Kaninang hapon, narinig ko silang nag-uusap sa kwarto nila at narinig ko lang naman silang nagbabangay, hindi ko sigurado kung anong plano nila." Ani, Annabel.
"Naku! Sana wag tayong iwanan dito! It's so harmful here! I can't...." Maarteng pagmamaktol ni Lea.
"Sana talaga, wag tayong iwanan dito." Usal ko ding sabi. "Ayokong mapag-interesan ng mga Taong Talim." 
Maya-maya ay pumasok ang mag-asawa sa kwarto namin.
"Uhmmm... girls, can we talk?" Pauna ni Daddy Patrick.
Pinansin namin ang sinabi ni Daddy Patrick. Malungkot ang mga aura naming tatlo habang nanahimik, dahil may ideya na kami sa nais nilang pag-usapan namin.
"Girls, sa makalawa aalis muna kami...." Pauna ni Mommy Anna. "Kailangan naming pumunta ng America. Dito muna kayo mag i-stay kahit hanggang makatapos lang kayo ng grade 12. Babalik naman kami at susunduin namin kayo." Dagdag pa ni Mommy Anna.
"Mommy, no! Ayaw namin dito... Bakit iiwanan nyo kami?" Nagmamaktol ang tinig ni Annabel.
"Anak, listen, this is a big opportunity that needs to catch up. Para ito sa future mo, Annabel." Sabi naman ni Daddy Patrick sa anak.
"Then, why would you leave me here?!" Nagmamaktol pa rin nitong sabi. "May Talim daw dito, Daddy, and they can take us, or kidnap us for their tradition?!  Aren't you worried about that?!" Pagalit na sabi ni Annabel.
"Yes, anak, definitely! But we have no choice! May kakayahan sila, diba? At hindi tayo nakakasiguro na kapag umalis na tayo dito eh hindi na nila kayo pag-iinteresan pa!" Ani, Anna.
"Yes, Mom. They didn't, pero hangga't nandito tayo, it might be!" Ani, Annabel sa ina.
"Girls, listen very carefully! May family member din silang babae, and that is Camilla." Ani, Daddy Patrick. "Sa tingin nyo ba? Hahayaan nila kayong mapahamak katulad ni Camilla?" Sabi pa nito. "Listen carefully, hangga't nandito kayo ay mananatili kayong ligtas. Just listen to them and follow their instructions. Dahil may kakayahan ang mga Talim, malamang na nakita na nila kayo bago natin marating ang bahay na ito. Hindi tayo pwedeng magtiwala na safe na kayo kung makakaalis tayo dito. I think that's a wrong move!" Mahabang paliwanag ni Daddy Patrick
"Auntie Anna, We are so scared! Ayaw namin dito." Ani, Lea. "Why don't we just go with you?"
"Susugal lang kami sa business partnerships na pinirmahan namin. Ayaw naming masama pa kayo sa problemang maidudulot nun, kailangan nyo na ring mag-aral sa susunod na buwan. Better to relax and just focuss on your studies." Paliwanag ni Mommy Anna sa pamangkin.
"Pangako, Girls. Babalik kami agad para kunin kayo kapag naging successful na ang business namin sa America." Sabi naman agad ni Daddy Patrick.
"Basta, Girls. Lagi kayong makikinig sa kanila. They know them better, so as long as you follow them, you always be safe." Mariing bilin ni Mommy Anna samin.
------------------
HATING GABI... 
Hindi pa rin kami madapuan ng antok dahil sa naging usapan kanina. 
Mariing nag i-emote si Annabel sa pwesto nya sa ibabaw ng kama.
Kami naman ni Lea ay patuloy na nag o-overthink kung paano ang gagawin namin para manatiling ligtas.
"Okay lang yan, Annabel. Everything will be fine." Pag-aalo ni Lea sa pinsan.
"Guys! I'm so sad talaga...." Si Annabel, umiiyak sya ng mahina sa kanyang pwesto habang nakahiga.
"Wala naman tayong magagawa. We need to support our parents." Sabi ko sa kanila. "We need to help them by staying here and keep be safe always." Dagdag ko pa.
"Ayaw ko na dito talaga, in the first place pa lang na nakasalubong natin ang dalawang grupo ng mga tulad din nating mga kabataan..." Si Annabel.
"Me too, I think, that's a Talim but we had no clue or even a little idea, so that we faced them unconsciously." Ani, Lea.
Nagbubulungan lang kami dahil hating gabi na rin naman.
"Guys! Mag-ingat na lang tayo kagaya ng ginagawa nila. Choose to be positive." Sabi ko na lang.
May takot din ako kaya lang nilalabanan ko na lang dahil wala naman kaming pamimilian.
****
Inaaliw namin si Annabel sa mga oras na ito. Lalo na si Lea sa sobrang worried sa pinsan nya.
Maayos naman ang daloy ng kwentohan namin, hanggang sa may narinig kami na tila ba'y parada.
Ang lakas ng tugtog ng kanilang instrumento lalo na ang kanilang tambol. Tila ba may fiesta na nagaganap sa gabing ito.
"Guys! Ano yun?!" Mahinang bulong ni Lea samin. 
Nagulat nga kami sa lakas ng tambol na papadaan sa tapat ng bahay namin.
Nakiramdam muna kami sa labas ng bahay.
Alam na naming pare-pareho na mga Talim ang nasa labas, kaya't may takot na umiiral saming mga sistema habang tahimik na nakikiramdam.
"That's parade, I'm a right?" Ani, Annabel.
"I don't know, I guess, they have celebrating something, like a fiesta." Ani, Lea.
"I think, that's they're tradition. This month is a wedding month." Paghihinuha ko.
"What the hell?!" Reaction ni Lea.
Kasabay nun, nakakarinig kami ng mga iyakan ng mga kababaihan.
Nanghihingi ng tulong ang mga malalakas na iyak nila at nakakarimarim itong pakiggan.
Tila ba'y mga bihag sila na iaalay sa isang anito...
We felt that's a last scream....
"Guys, that's so scared to hear..." Reaction ni Annabel.
"What was that?!" Ani, Lea na naghahalo ang pagtataka at takot.
"Kung tingnan kaya natin, Guys?" Sabi ko naman.
"Ano?!" Nagulat sina Annabel at Lea sa sinabi ko.
"Ano bang pumasok dyan sa isip mo?!" Ani, Lea. "Gusto mo bang makuha nila tayo?" 
"Sinnate, that's being insane and I wouldn't do that." Sabi naman ni Annabel.
"I just wonder, what they look like? They said, Talim is a handsome creature." Sabi ko sa kanila na may halong curiousity ang takot na nararamdaman.
Napaisip ang dalawa kong pinsan....
Nagkatinginan din sila pagdaka...

Bình Luận Sách (39)

  • avatar
    darling

    wwwwoooooooooowwwwww😍😍😍😍😍

    17d

      0
  • avatar
    レアリー 撮影

    nice

    09/08

      0
  • avatar
    Johwa Frances

    nice

    25/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất