logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2: Babala

"Grabe! Honey, parang natakot ako sa mga batang yun ah!" Biglang sabi ni Mommy Anna ng makalampas ang sasakyan namin sa kanilang pwesto.
"Oh! Bakit naman?" Takang tanong ni Daddy Patrick.
"Parang.... Para kasing ang sama nila tumingin sa tao." Si Mommy Anna.
"Yes, Dad, parang galit sila sa mundo." Pakli agad ni Annabel. "I just saw it." Imik pa nitong hindi nya ma-gets ang naging ambiance ng mga tao sa probinsyang ito.
"Ano ba kayo, hindi nila kayo makikita kasi nasa loob tayo ng sasakyan." Paliwanag lang ni Daddy Patrick.
"Honey, iba ang di nakikita sa nakikita, naramdaman namin eh..."
"Oh, alin? Yung nakakunot sila ng noo? Eh syempre nga Honey mainit eh, kaya naka-scretch eyes silang lahat, walang masamang meaning yun." Si Daddy Patrick. "Mga babae talaga oh!"
"I've felt a little scared, Uncle Patrick!" Si Lea.
"Me too, Daddy, wag na lang kaya tayong tumuloy doon." Suggest agad ni Annabel.
"Eh! Eh! Nandito na tayo eh, ano ba naman kayo?" Si Daddy Patrick. "Para lang sa mga taong yon hindi na kayo tutuloy? Hindi nyo naman sila kilala. Saka pinag-iisipan nyo agad sila ng malala, eh katanghaliang tapat!" 
"Okay, fine... So hard to think." Ani, Annabel. "I don't like this place now."
"Yet me too." Ani, Lea.
Nanahimik lang ako sa kinauupuan ko. 
Hindi pa rin ako maka-get over sa naging experience ko don sa isang binatilyo.
Yung naka-pigtail hair sa grupo nilang anim...
"I just thinking that this place is so creepy...." Bulong na komento ni Mommy Anna.
"Enough guys, pwede ba, wag nyong tinatakot ang mga sarili ninyo. Nasa ibang lugar tayo ngayon, and it's a bad signuse!" Saway sa kanila ni Daddy Patrick.
****
Malapit na ring bumaba ang araw nang makarating na kami sa baranggay na sinadya naming puntahan.
"Sir, pwede bang magtanong?" Tawag ni Daddy Patrick sa matandang naglalakad sa daan at may kasama itong alagang kalabaw. "Uhm, dito na ba ang Baranggay Mabato?"
"Ay! Oo dito na, bakit?" Sagot nito.
"Alam nyo ba ang bahay ni Sito Castro?" Si Daddy Patrick.
"Sito?" Nag-isip muna sumandali. "Uhhh... Yun bang asawa ni Lolang Maria?" Tanong ng magsasaka dito.
"Opo! Yun na nga!" Si mommy Anna.
"Ay! Doon pa yun sa may bandang dulo. Yung up and down na lumang bahay. Yun ang bahay nila." Sagot ng magsasaka.
"Ay! Salamat po!" Si Daddy Patrick.
Muling umandar ang sasakyan ng matapos ang pagtatanong nila.
"Yes! Thanks God! Nandito na tayo, finally!" Masayang bulalas ni Annabel.
"Hay! Nakakainis naman! Ang layo pala nito! Bakit pa kasi sila lumipat dito eh." Reklamo ni Mommy Anna.
"Syempre Honey, matanda na ang mga magulang mo. Hayaan mo na sila kung saan sila magiging masaya." Si Daddy Patrick.
"Hirap na hirap kaya tayong hanapin sila." Si Mommy Anna.
"Wag ka ngang ganyan." Saway lang ni Daddy Patrick. "Dapat matuwa ka pa nga kasi for the long time makikita mo na rin ang mga kamag-anak mo." 
****
Nakarating na kami sa bahay nina Lolo Sito at Lola Maria. 
Inabot na kami ng kagat dilim kaya't nandoon kami mga nakaupo sa kanilang balkonahe at nakatambay ang lahat ng kanilang mga kamag-anak upang pagmasdan kaming mga dayuhan.
"Oh! Anna, bakit naman napadpad kayo rito?" Takang sabi ni Lolo Sito sa mag-asawa.
"Nagbabakasyon lang po kami, Tatay." Si Daddy Patrick.
"Eh bakit dito pa?!" Si Lola Maria.
"Eh para makita nyo naman ang mga apo ninyo. Ito nga po pala sina Annabel at Lea." Si Mommy Anna.
"Hello po, Lolo at Lola." Bati ni Annabel sa matandang mag-asawa.
"Lumapit ka, anak, at magmano sa kanila." Pautos ni Daddy Patrick.
Sinunod naman iyon ni Annabel, tumayo sya at magalang na nagmano sa dalawang matanda.
Sumunod naman si Lea na ganun din ang ginawa.
Ako....
Tila naiilang ako?
Ako rin ba gagawin yon?!
"Ikaw rin, Hija. Wag kang mahiya." Ani, Mommy Anna sakin ng nakangiti.
Ginawa ko naman ngunit nandoon ang pagkailang ko. 
Katulad nina Annabel at Lea, pabalik-balik din ako ng Germany at Pilipinas, kaya marunong akong mag-Tagalog at mag-English.
Ang tradisyon kasing alam ko sa paggalang ay beso at simi hugging. Ngayon lang ako naka-try magmano sa mga matatanda.
"Sino naman itong isa?" Takang tanong ni Lolo sito.
"Ay si Sinnate po, Nanay. Anak ng kapatid ni Patrick na nasa Germany." Si Mommy Anna.
Ngumiti lang ako sa dalawang matanda.
"Hmmm...." Naging imik ng dalawang matanda ng marinig ang sinabi ni Mommy Anna.
"Maya-maya pa ang mga pinsan nyo, sina Badong at Maricel ay nasa niyugan pa, nagkukupra sila doon. Pauwi na rin sila ngayon." Si Lola Maria.
"Naku! Ang gaganda nyo pa naman, maraming magkaka-interest sa inyo dito kaya kung mga galang bata kayo sa Manila. Naku! wag dito, mananakaw kayo rito." Babalang tono ni Lolo Sito saming tatlong mga babae.
"Bakit naman po, Tatay? Ano po bang lugar ito?" Ani, Mommy Anna.
"Maraming nilalang dito na kuntawagin namin ay mga TAONG TALIM." Pauna ni Lola Maria. 
Napatitig kami sa matandang mag-asawa.
Sumikit naman sakin ang dalawa kong pinsan at bahagya kong nadama na parang nahintakot sila.
"Taong Talim?" Anang parents ni Annabel.
Pati kaming tatlong magpipinsan ay nagtaka din sa sinabi ni Lola Maria.
"Taong Talim ang tawag namin sa kanila, dahil kakaiba silang mga nilalang. Hindi rin namin alam kung saan sila nanggaling." Sabi ni Lito, binatang kamag-anak nina Lolang Maria.
"Yung mga maririnig ninyong mga kakaibang dialect. Sila yung sinasabi namin sa inyo. Wag kayong lalapit sa kanila." Sabi naman ni Lolo Sito.
"Nanay naman, wag nyo nga kaming takutin. Natatakot na tuloy ang mga apo ninyo." Sangga agad ni Mommy Anna sa sinabi ng dalawang matanda.
"Aba! Anna, hindi kami nagbibiro. Kaya nga kami nagtatanong eh! Bakit dito pa ninyo napiling magbakasyon. Iba ang panahon dito." Si Lola Maria.
"Daddy, what if Lola is right?!" Ani, Annabel. "Mommy, can we back to Manila tomorrow?" 
Hindi nakapagsalita doon sina Patrick at Anna. Basta lamang sila nagkatinginan na dalawa sa isa't isa.
****
Kumakain na nang hapunan ang pamilya ni Lolo Sito.
Nandoon na rin sa bahay nila ang pamilya ni Tiyo Badong at Tiya Maricel. May dalawang anak ito na sina Lester at Camilla. 
May iba pa silang mga pinsang mga lalaki na doon din naghapunan sa utos ni Lolo Sito upang mabigyan kami ng proteksyon laban nga sa mga Talim dahil mga dayuhan kami sa lugar nila.
"Oy! Kayong mga taga-Maynila, wag kayong masyadong gagala dito lalo na maabutan kayo ng gabi sa daan. Sinabi ko na sa inyo kanina, iba ang panahon dito." Si Lolo Sito. Nasa 85 years old na ito.
"Yung mga maririnig nyo sa gabing ingay wag nyo na lang pansinin para wala kayong problemahin. Wag nyo nang uusisain para hindi nyo sila magambala." Si Lola Maria na nasa 80 years old na.
"Ano ba kasi ang dahilan at dito nyo pa napiling magbakasyon? Mapanganib dito, Anna." Si Tiya Maricel na nasa 39 years old naman.
"Eh, hindi naman namin alam na ganito pala dito." Si Mommy Anna na nasa 37 years old.
"Hindi man lang kasi kayo tumawag muna samin para nasabihan namin kayo." Ani, Tiyo Badong.
"Eh kasi naman bayaw, gusto namin kayong surpresahin." Ani, Daddy Patrick.
"Naku! Tiyo Patrick, na-wrong turn kayo." Biro ni Camilla sabay tawa.
"Camilla, tumigil ka." Mariing saway ni Lola Maria sa kanya.
"Totoo po ba sila?" Si Lea na nasa 19 years old na.
"Or pananakot nyo lang samin?" Ani, Annabel. "That's so effective, you know."
"Hindi, prank lang namin yon, para matakot talaga kayo." Biro na naman ni Camilla sabay tawa.
"Camilla, ano ba?!" Ani, Tiya Maricel sa anak.
"Magsasalita ba kami ng ganito kung hindi yon totoo." Si Tiyo Badong na nasa 40 years old na rin.
"Masama ba talaga sila, para katakutan ng husto?" Tanong ko naman. Katulad nina Lea at Annabel, I'm just 19 years old too.
"Lalayuan ba namin sila kung hindi sila masama." Sabi naman ni Lester na nasa 21 years old.
"Kaya nga duble ingat na lang ang ginagawa namin." Ani, Camilla na nasa 13 years old. "Sa katotohanan, malalakas sila at walang kalaban-laban ang mga tao sa kanila." 
"Iwasan nyo ding makipag-usap sa mga hindi nyo kakilala dito. Mapababae man o lalaki." Payo din ni Lito na nasa 17 years old na.
"Mga ano ba sila? Tao ba sila o aswang?" Si Annabel na nahihintakot ang tinig.
"Sila yung mga taong hindi masabing engkanto o aswang pero marami silang kakayahan para paglaruan ang mga mata nating mga mortal." Si Albert na nasa 23 years old na rin.
"May ilang nagsasabi na kumakain ng hilaw na karne ang mga taong talim kaya ang iba ay tinatawag silang aswang." Ani, Tiyo Badong.
"Saan ba kasi sila nanggaling?" Natatawang tanong ni Daddy Patrick na nasa 41 years old naman.
"Walang may makapagsabi kung saan sila nanggaling at nagmula, pero may hinuha yung ibang matatanda na naninirahan lang sila sa mga bundok noong unang panahon at basta sila nangunguha ng mga babae. Hanggang sa unti-unti na silang dumami at hindi nga naglaon ay bumaba na rin sila dito sa kapatagan habang dumarami ang kanilang lahi." Kwento ni Lola Maria.
"55 years na kaming nakatira dito sa province natin at nasubaybayan na namin ang malaking pagbabago at mga pangyayari dito sa bayan ng San Agustin." Ani, Lolo Sito.
"Mapanganib na ang panahon ngayon dito sa bayan ng San Agustin. Kaya mag-ingat na lang kayo at sundin nyo ang aming sinasabi sa inyo." Si Tiya Maricel.
"Eh kung mapanganib na nga dito? Bakit hindi na lamang kayo lumikas o tumira sa ibang lugar?" Ani, Daddy Patrick. 
"Sinabi na namin kanina, may kakayahan sila. Ibig sabihin, baka hindi nalalaman ng mas maraming tao, humahalo na sila sa mga mortal at umaaktong normal na tao." Paliwanag ni Lola Maria.
"Talaga po? Wala na silang pinag-iba satin?" Tanong kong nagtataka at namamangha ang tinig.
"Maliban sa kakaibang retina ng kanilang mga mata, wala na." Ani, Tiya Maricel.
"Kaya rin kasi nilang pag-aralan ang punto ng pananalita ng mga tao, gayun din ang lengwahe natin at ng ibang bansa. Kaya kung tutuusin, wala tayong laban sa kanila, dahil nakahihigit ang talas ng kanilang mga isip kaysa sa mga mortal na tao." Paliwanag ni Lito.
"Sa totoo nyan, mas gwapo pa sila kaysa sa mga mortal na lalaki. Halos wala silang kapintasan, para silang mga anghel na bumaba sa lupa." Sabi naman ni Albert. "Marami silang babae na nalilinlang at dahilan yon upang makakuha sila ng mga kababaihan na ginagawa nilang palahian." Mahabang dagdag nito.
"Paano mo nalaman?" Taka kong tanong.
"Ang mga babaeng nadudukot mismo ang siyang nagku-kwento non." Ani, Lito.
"Totoo yon, kaya wag kayong palilinlang sa wangis nila." Sabi naman ni Lester.
"I'm so scared naaaa... Let's go back naaaa...." Ani, Annabel.
"I want to go back na sa Manila...." Ani, Lea.
"Hindi naman siguro, it depends pa rin sa kumpano sila pakikisamahan." Sabi ko para mabasag ang takot naming tatlo.
"Mas mabuti ang mag-ingat, Hija." Ani, Lola Maria.
"Kaya kayong mga dayo, makikinig kayo samin para hindi kayo mapahamak." Sabi na lang ni Lolo Sito.
"Daddy, kung bumalik na kaya tayo sa Manila?" Si Annabel.
"Mas mabuti yun...." Si Lolo Sito.
"Anak, ang layo nito sa Manila at saka marami pa kaming aasikasuhin ng Daddy mo." Si Mommy Anna kay Annabel.

Bình Luận Sách (39)

  • avatar
    darling

    wwwwoooooooooowwwwww😍😍😍😍😍

    17d

      0
  • avatar
    レアリー 撮影

    nice

    09/08

      0
  • avatar
    Johwa Frances

    nice

    25/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất