logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

✨CHAPTER 2: MY HEART SKIP A BEAT✨

KAERO POV'S
"Hahaha!" Tawa ko ng makita ko ang isang babae na nadapa. "Napakatanga naman." Ani ko.
Namamasyal lang naman ako ngayon sa palibot ng Campus dahil naboboringan ako. Nang makita ko 'yong babae na nadapa ay napatigil ako sa paglalakad, she looks familiar, pero di ako sigurado kung siya ba ito. She changed a lot.
Nang bigla na lang lumakas ang hangin at nilipad ng hangin ang makapal at kulot niyang buhok pero napakawavy nito. Napangisi ako ng makita ko ang hitsura niya. She is the girl I've been looking for!
5 years ago I've met a girl and that girl always showed in my dream. I can't really explain what I am feeling, but all I can say is I miss her. Bigla lang kasi siyang nawala after nung nangyari. But I've never expected that I will see her again, right in front of my eye.
Sinundan ko siya kung saan siya papunta. When suddenly she bumped into a group of girl. I don't know pero nakikita ko sa mga mata niya ang takot. Mabilis siyang tumayo at lumakad.
"Wait! Sandali lang Miss!" Napatigil siya sa paglalakad ng tawagin siya ng mga babae.
Nilapitan siya ng mga babae at nagtawanan ito. "Is that you weirdo?" Tanong ng babae sa kanya.
"Yeah! I think it's her! The ugly girl!" Usal naman ng isang babae.
Hindi niya ito pinansin at lumakad na pero hinawakan nito ang kamay niya. "Aba! Bakit ka ba nagpapanggap na di mo kami kilala? Keziah The Ugly Girl!" Giit ng babae at tinaasan siya nito ng kilay. So her name is Keziah.
"Bakit ka ba biglang nawala huh!"
"Alam mo bang sobra ka naming namimiss. Kasi nung umalis ka, di ka nagpaalam sa amin eh. Yan tuloy wala na kaming maaaway. But what a coincidence! After so many years pinagtagpo pa rin tayo?"
"Excuse Me! I need to go!" Imbit ni Keziah
"Sandali lang naman!"
"Pwede ba! Sino ba talaga kayo sa akala niyo? Alam niyo marami ng nagbago, hindi na ako yung dating Keziah na kilala niyo dati! Kaya naman bakit di niyo baguhin ang mga ugali niyo? Basura pa rin kasi kayo until now eh!" Matapang sa sabi ni Keziah dahilan na napasinghal ang isang babae.
"Sinong tinawag mong basura?"
"Sino pa ba ide kayo!" Sigaw ni Keziah ng sasampalin sana siya ng babae pero nasalo niya ang kamay nito. "Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako yung dating ako na basta niyo na lang maaapi! Excuse me bitches!" Inis na saad ni Keziah at umalis na kasabay binangga ang nakaharang na babae
"Huh! Matapang na pala sya eh! Wow! Tingnan lang natin!" Demonyong sabi ng babae.
Patuloy ko pa ring sinundan si Keziah ng napahinto siya sa paglalakad at nabigla na lang ako ng tumawa siya ng napakalakas.
"Hay! Nakakatawa naman ang mga babaeng 'yon! Ayus talaga ng ginawa ko." Napangisi na lang ako sa sinabi niya.
Nang patuloy na siyang lumakad ay sinundan ko pa rin siya pero nabigla na lang ako ng nawala siya sa paningin ko.
"Ha!" Sigaw ng babaeng panay ang panghahampas sa akin ng bag. It was her, Keziah.
"Aray! Ano ba! Stop it!" Sigaw ko at ng mahawakan ko ang dalawa niyang kamay at itinaas ito para hindi na niya ako mahampas pa ng bag niya. I don't know how to explain it, but 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐒𝐊𝐈𝐏 𝐀 𝐁𝐄𝐀𝐓 again. Just like the first time I look at her eye to eye.
We stayed for a minutes in that position. When suddenly the flower of the cherry blossoms tree begun to fell. Napatingin kami sa mga cherry blossoms flower na nahuhulog ngayon na tila ba parang nagslow-motion ang lahat.
Nang bigla na lang akong nakaramdam ng ackwardness. Kaya I let her hand go. "Do you remember me?" I suddenly asked her.
"I-it was you who-"
"Yes its me! The man who saved you before!" Nakangisi kong sabi dahilan na napangiti din siya.
"Finally! I have met you again!" Masaya kong sabi. Kay tagal kitang hinanap."
"W-why would you find me?"
"Akala ko kasi, nagpakamatay ka na talaga ng tuluyan."
"Ha!" Ikli niyang tawa. "Bakit naman ako magpapakamatay!"
"Really?" Ani ko at napanguso lang siya. "I am Kaero Quilliano. Nice to meet you." Pakilala ko at sabay inabot ang kamay ko to shake her hand.
"Um-" hiya niyang sambit. "I-I'm Keziah Alpas. Nice to meet you." Pakilala niya at she accepted my hand. I don't know why but when I held her hand I feel the spark between us. The spark that I feel before, yung una kong nahawakan ang kamay niya. 5 years ago. Nahawakan ko ulit ang kamay niya.
Mabilis niyang inalis ang kamay niya at lumakad na paalis. And I know na kinakabahan siya kaya natatawa na lang ako.
Napangisi na lang ako ng napansin ko ang sarili ko na nakangisi ng abot hanggang tenga. Nang maalala ko ang napag-usapan namin ng magulang ko kani-kanina lang.
"Anak Kaero do'n kana sa California magcocollege kaya di mo na kailangang pumunta do'n sa school na 'yon." Saad ng Mama ko.
"Mom please! Just this time only." Ani ko.
"Pero paano na kapag ma-late ka sa flight mo. For sure, pagagalitan ka na naman ng Dad mo! Palagi ka na lang ganyan eh bakit ba kasi ayaw mong pumunta sa California?"
"Mom! Hindi ko parin siya nakikita hanggang ngayon. But I am still hoping na makikita ko pa rin siya. Pero, alam niyo naman na pumayag nako na sa California mag-aral diba?"
"Kaya nga! Eh bakit kailangan mo pang pumunta do'n sa school eh ngayon na ang lipad mo papuntang California."
"Mom! I promise I will go to California today. Gusto ko lang munang mamasyal sa school."
"Sino ba kasi yang hinihintay mo huh? A friend? or someone that is special to you?"
"Actually, I also don't know. She's not a friend to me and neither a special person to me. She's just someone."
"Really?"
"Or maybe, someone that I badly want to see again."
Napabuntong hininga na lang si Mom. "Hay! Lagot ka talaga sa Dad mo."
Nang maalala iyon ay napatingin ako sa wrist watch ko. "Sh*t! Lagot na ang flight ko!" Aalis na sana ako pero napatigil ako. Naisip ko na, parang ayaw ko ng pumunta sa California. I don't want to go kasi, andito na ang babaeng inantay ko ng ilang taon.
"What should I do?" Tanong ko sa sarili ko when suddenly my phone rung. And it was Dad.
"Ba't ba ang tigas ng ulo mo!" Galit na sabi ng Dad ko. Para lang akong tuod na nakatayo ngayon sa harapan niya. "Why are you so careless Kaero!" What is your problem huh! Akala ko ba napag-usapan na natin to!"
"Dad, I'm sorry but I changed my mind."
"You changed your mind? F*ck that mind Kaero! Di ka namin pinalaki ng Mom mo na ganyan. Walang direksyon sa buhay!"
"I want to study here Dad. Please let me."
"But you already know the conditions if you are going to study here!
"Yes I know! You want me to be a Doctor right? Then I will!"
"Huh!" Singhal ni Dad. "You know what son, what made your mind change? I thought you don't want to be a Doctor?"
"Lahat naman ng tao nagbabago. And so do I Dad. I promise Dad to do my best and not to disappoint you. Just let me stay here."
"How about your dreams? Are you just going to let it go?"
"Yes Dad! And I think, I finally know now what my dream is."
"Hay! Bahala ka sa buhay mo Kaero! Ikaw ang pumili ng desisyon na yan edi panindigan mo. You will be a Doctor not a Sculptor Artist!"
"Yes Dad I will! Hindi ko kayo susuwayin."
Masaya ako dahil napapayag ko si Dad na hindi na tumuloy sa California. I hope hindi ako nagkamali ng desisyon.
"Excuse me Sir!" Pakiwari ng Secretary ni Dad. "The meeting will start in a minute kaya kailangan niyo na pong pumunta roon."
"Ha!" Malakas na napabuntong hininga si Dad. "Sana hindi ka na maging sakit sa ulo. Sige na! Umuwi ka na muna at bukas ka na lang pumasok. I need to go."
"Okay Dad! Thank you so much." Nakangisi kong sabi at umalis na si Dad kasama ang sekretary niya. "YES!"

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    Zaijan Javier

    good

    05/07

      0
  • avatar
    FrogosoAngelo

    nice

    17/05

      0
  • avatar
    Esguerra Jhonny

    apaka gandang basahin nmn neto😁🥰

    08/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất